Wednesday, June 25, 2025

You Shall Love


PARA SA GABAY SA PAG-AARAL AT SERMO I-CLICK DITO 

Prelude

Gathering Hymn: 77 UMAY KAYO AMIN

Welcome

Invitation to Worship: Doctrine and Covenants 161:7

Ang Espiritu ng inyong sinusundan ay ang espiritu ng pag-ibig at kapayapaan. Nais ng Espiritung ito na manatili sa puso ng mga yaong tatanggap sa kanyang pagtawag at ipamuhay ang mensahe nito. Hindi lagi madali ang tatahakin, hindi laging malinaw ang mga pagpipilian ngunit ang mga dahilan ay tiyak at ang Espiritu ang magpapatotoo sa katotohanan, at yaong mga mamumuhay sa katotohanan ay malalaman nila ang pag-asa, ang kagalakan ng pagiging alagad sa komunidad ni Kristo. Amen.

Opening Hymn: "Now in This Moment" CCS 96

Invocation

Response

Body Prayer: Surrendering Yourself to God

Leader: Sa gagawin nating panalangin ngayon hinihiling ko na ilagay natin ang ating mga kamay sa ating ulo, pagkatapos sa ating mga mata, sunod sa ating mga tainga, pagkatapos sa ating lalamunan, at sa ating puso. Pangungunahan ko ang panalangin at pagkatapos ay uulitin nating lahat. Tayo ay saglit na tatahimik pagkatapos ng bawat bahagi nito habang binubuksan natin ang ating mga sarili sa presensiya ng Diyos. 

Ngayon, ilagay natin ang ating mga kamay at sundan ninyo ako:

Panginoon... sa araw na ito nawa ang isipan ko ay nasa isipan Mo.

All: Panginoon…nawa'y ang aking mga saloobin ay maging iyong mga saloobin habang ako'y nabubuhay sa araw na ito.

Pause.

Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating mga mata.

Panginoong Diyos...nawa'y maging pangitain mo ang aking pangitain habang tinitingnan ko nang may pagmamahal ang lahat ng aking nakikita.

All: Panginoong Diyos...nawa'y maging pangitain mo ang aking pangitain habang tinitingnan ko nang may pagmamahal ang lahat ng aking nakikita.

Pause

Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating mga tainga. 

Panginoon naming Lumikha... buksan mo ang aming mga tainga nang marinig namin ang Iyong tinig sa araw na ito. 

All: Panginoon naming Lumikha... buksan mo ang aming mga tainga nang marinig namin ang Iyong tinig sa araw na ito. 

Pause

Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating lalamunan.

Panginoon Dios... iniaalay namin sa Iyo ang aming tinig upang sambitin at ipahayag  ang iyong pag-ibig at katotohanan. 

All: Panginoon Dios... iniaalay namin sa Iyo ang aming tinig upang sambitin at ipahayag  ang iyong pag-ibig at katotohanan. 

Pause.

Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating puso.

Panginoon... dumaloy nawa ang Iyong pag-ibig sa aming mga puso patungo sa lahat ng aming makakasalamuha sa araw na ito. 

All: Panginoon... dumaloy nawa ang Iyong pag-ibig sa aming mga puso patungo sa lahat ng aming makakasalamuha sa araw na ito. 

Pause.

All: Amen.

Prayer for Peace

Light the peace candle.

"Never seen, ever known where this wind has blown bringing life, bringing power to the world."

Peace Prayer

Walang hanggang Espiritu,

Kami ay nagpapasalamat sa hangin! Hangin na siyang marahing nagpapalamig sa amin. Hanging pumapagaspas at nagsasabing tayo ay magmadali. Hanging umaalulong na humihimuk sa ating kuryosidad. Isang hanging tahimik na gumigising sa kamalayan sa ating direksiyon. Habang hinihikayat kami ng hangin, mawa'y maging bukas kami at maunawain sa iyong pagpapatnubay. Nawa kami ay makapagdala ng isang mapayapang buhay sa kapuwa. Nawa kami ay lumabas na dala-dala namin ang hangin. Ibukas mo ang aming mga pakpak at nawa ang Iyong hangin ay dalhin kami sa mga lugar na hindi pa namin nararating ngunit isang lugar na kilalang-kilala na namin. Nawa'y magamit namin ang Iyong Espiritu ng Kapayapaan at maibuga namin ito sa mga sulok-sulok ng aming mga komunidad, na naghahatid ng simoy ng kapayapaan sa mga  humihinga ng sariwang hangin. 

Sa pangalan ni Jesus, ang siyang humihinga ng kapayapaan. Amen.

Hymn of Wonder: "As the Windo Song Through the Tress" CCS 42

Focus Moment

Inaan-yayahay ang sinuman na gustong pumunta sa harapan upang magpakita ng isang galaw o action na sumisimbolo ng pag-ibig na siya namang huhulaan ng kongregasyon kun ano ito. 

Sa pagtatapos ng activity na ito, maaaring mag-share kung ano ang kaya nating gawin sa mga susunod na araw bilang simbolo ng pag-ibig.

Morning Message Based on Galatians 5:1,13-25

Disciples' Generous Response

Statement

Kapay tayo'y nagbibigay o nagbabahagi ng ating mga kaloob, nakakatulong tayo upang maipalaganap ang pag-ibig at awa ng Diyos at lumalago o umuunlad ito ng walang hanggan. 

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7c-d

You have been given the principles of generosity, rightly interpreted for a new time. These principles call every disciple to tithe faithfully in accordance with means and capacity. Those values, deeply rooted in the Restoration faith, affirm that stewardship and discipleship cannot be divided and are dependent upon each other. d. The call to respond is urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn: 64 RAGSAKEN TAY AGSERVI TI APO

Benediction

Sending Forth

Kayo'y maging isang bayang nagpapahayag ng kapayapaan, mga taong nakadarama ng alitan ngunit iniabot ang kamay ng pagkakasundo, isang taong nakatagpo ng mga wasak na espiritu at nakahanap ng mga landas para sa kagalingan, isang taong naghahanap ng kapayapaan ni Jesucristo para sa buong mundo. Amen.

Postlude

Friday, June 20, 2025

One in Christ


Prelude

Gathering Hymn: 101 ADTOY UMAYAKITI MADARAS

Welcome

Responsive Invitation to Worship

Leader: Sino nga ba ang Diyos – siya ba’y bata o matanda?

All: Siya ba’y nasa malapit lamang o malayo? Siya ba’y babae o lalaki?

Leader: Sa lahat ng ito ay wala,

All: Minamahal Niya ang lahat, minamahal Niya ako.

Leader: Ang Diyos ba ay isang bata, o ang Diyos ba ay matanda,

All: Ang Diyos ba ay babae, o ang Diyos ba ay lalaki,

Leader: Siya ba’y halik ni Nanay, o yakap ni Tatay,

All: Minamahal Niya ang lahat, minamahal Niya ako.

—Based on “Who Is God”, by Brian Wren, CCS 9,© 1993 Hope Publishing Company

Hymn of Transformation: “Who Is My Mother, Who Is My Brother?”     CCS 336

Prayer of Invitation/Invocation

Response/Music Ministry

Disciples’ Generous Response

Statement

Makakatulong tayo sa pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabait at pagbabahagi sa iba. Siguro sa pagbibigay ng ating mga kaloob, maaari tayong maging isang bahaghari para sa ibang tao at makakatulong ito na sumikat at makita ng lahat ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2b

Listen to the testimonies of those responding generously. Follow your soul’s yearning to come home to God’s grace and generosity. Let gratitude show you the way.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Focus Moment (sharing)

  •          Anong mga pangyayari o kaganapan sa buhay mo ang siyang maaaring nakatulong sa iyong pagkaunawa tungkol sa Misyon ng Diyos?
  •        Kailan mo mas naramdaman na ikaw ay buhay?Anong mga bagay ang nakakapag-excite at nagtutulak saiyo na magpatuloy at makibahagi sa misyon ng Diyos? (Bakit ka naririto? Bakit sa tingin mo ay mahalaga ito para sa’yo?)

Scripture Reading: Galatians 3:23-29

Morning Message based on Galatians 3:23-39

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer for Middle East

O Banal na Diyos na pinagmumulan ng lahat ng nilikha sa mundo,

Kami ay naririto at mapagpakumbabang lumalapit sa Iyo, na may pagkilala sa aming pagkakaugnay sa bawat isa sa buong mundo anuman ang aming lahi at wika.

Idinadalangin namin na manaig ang Iyong kapayapaan sa pagitan ng Israel, Iran at sa iba pang mga bansa sa gitnang silangan at ng buong mundo. Palambutin mo ang mga pusong punong-puno ng poot, galit at paghihiganti at sa halip ay gawin mo na ang mga pusong ito ay maging mapang-unawa, mapagmahal at mapagpatawad. Nawa Panginoon ay mangibabaw ang habag ng bawat panig sa mga batang walang kamalay-malay, sa mga mahihina at walang kakayanan.

Nawa’y ang mga instrument ng digmaan ay maging mga kasangkapan para sa pagbuo ng mga tulay ng pagkakaibigan. Pagalingin Mo O Diyos ang mga nakaraang hinaing sa pamamagitan ng pagpapatawad , at ang mga susunod na henerasyon ay maligtas sa mga pasanin ng tunggalian.

Gabayan Mo ang lahat na makita ang banal na kislap at halaga sa loob ng bawat indibidwal. Nawa’y liwanagan Mo ang aming lalandasin ng katarungan at empatiya, na humantong ito sa mundo kung saan naghahari ang pagkakaisa, at ang lahat ng mga tao ay maaaring umunlad na may dignidad at seguridad.

Sa pangalan ni Hesus, ang prinsipe ng kapayapaan. Amen.

Closing Hymn: 37 DIOSCOPATIBKERENNAC

Closing Prayer

Sending forth:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan at pagmamahalan sa inyong mga puso. Nawa'y gabayan kayo ng liwanag ng pag-asa at pagkakaisa sa bawat hakbang. Maglingkod nawa kayo nang may kabutihan, at nawa'y ang kapayapaan na inyong natagpuan dito ay inyong ibahagi sa lahat ng inyong makasalubong.

Postlude

Tuesday, June 10, 2025

Peace with God

Prelude

Call to Worship

O Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay matutunghayan, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. 

Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”

Ginawa ninyong mas mababa kaysa sa mga anghel ang kanyang kalagayan. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop, ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng lumalangoy doon. 

O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay natutunghayan. - Salmo 8

Opening Hymn

Invocation

Response/Music Ministry

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Panginoon at Dios ng lahat,

Punong puno ng pag-ibig ang iyong pagtingin sa lahat ng tao ano ang kanilang lahi, kultura, at relihiyon. Hinihiling namin na sa araw na ito kami ay Iyong basbasan at ipagkaloob Mo ang Iyong Banal Na Ispiritu sa amin at sa lahat ng Iyong likha hanggang sa kalawakan. Basbasan Mo kami ng Ispiritu ng kapayapaan at hustisiya, ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Nawa ang Ispiritu ay tulungan kaming palawakin ang aming pang-unawa sa lahat. 
Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Jesus, ang prinsipe ng kapayapaan. Amen.

Hymn of Peace: "Let there be peace on Earth"

Focus Moment
  1. Magbigay ng dalawang salita na naglalarawan sa iyo kung sino ang Diyos.
  2. Talong salita na naglalarawan sa iyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo.
  3. Ano ang gusto mong sabihin sa Diyos sa araw na ito.
  4. Ano ang maaari mong ipangalan o itatawag sa Diyos?
By: <isulat ang iyong pangalan>_________

Scripture Reading: Romans 5:1-5

Ministry of Music/Congregational Hymn

Message based on Romans 5:1-5

Disciples' Generous Response: Doctrine and Covenants 165:2df

Statement
Ang biyaya at awa ng Diyos ay walang hanggan. Sa ating pagbubukas ng ating mga puso sa isang matapang at bukas palad na pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa isang kilusan ng Diyos sa mundo. Ang Diyos ay nabibigay ng kasaganaan, tayo nama'y tumugon ng may katapatan at ibahagi natin ang pag-ibig at awa ng Diyos na lumalago ng walang hanggan. 

Blessing of Local and Worldwide Missin Tithes

Mapagpala at mapagmahal na Diyos,
Nauunawaan namin na kami ay Iyong tinawag upang maging tagapangalaga ng masagana Mong pagpapala, at sa lahat ng iyong ipinagkatiwala sa amin. Tulungan Mo kami sa maayos na paggamit namin sa mga ito at turuan mo kami sa pagbabahagi nito. Nawa ang tapat naming pangangalaga sa mga ito ang siya naming magiging patotoo sa pag-ibig ni Kristo sa aming mga buhay. Amen. 

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn: "We Are One in the Spirit"

Prayer and Benediction

Postlude

Friday, June 6, 2025

The Spirit Bear Witness

 

Prelude

Gathering Hymn: 6 UMAYCA TA TAENGANNAC

Welcome and Time of Sharing and Caring

Share announcements, celebrations, and prayer needs. End with a pastoral prayer appropriate to the sharing.

Call to Worship: Psalm 104:24, 31, 33-34, 35b
O Apo, di mabilang dagiti gapuanam, ket pinarnuaymo amin babaen iti siribmo; pinunnom ti daga kadagiti pinarsuam.
Agtalinaed koma nga agnanayon ti dayag ti Apo! Maragsakan koma ti Apo kadagiti inaramidna!
Kantaak ti Apo iti unos ti panagbiagko; wen, no la ket adda angesko idaydayawko ti Diosko. [34] Maay-ayo koma iti kantak gapu ta isu ti mangparagsak kaniak. Mapukaw koma dagiti managbasol ditoy daga; dagiti managdakdakes mamimpinsan koma a maikisapda. O kararuak, idaydayawmo ti Apo.

Hymn of Praise: 

Invocation
Nawa Panginoon ay maramdaman namin ang 'yong banal na ispiritu tulad ng mga taong nagtipun-tipon noong araw ng Pentekostes. Nawa ay pumasok ka sa aming mga puso tulad ng malakas na hangin tumatagos sa aming mga kaluluwa. Nawa kami ay palakasin Mo sa pamamagitan ng Iyong Espiritu upang mamuhay sa aming mga pananampalataya sa Iyo. Amen.

Response

The Day of Pentecost (Share the story of Pentecost (Acts 2:1-21))

Ministry of Music or Congregational Hymn

Prayer for Peace
Light the peace candle
Peace Prayer
Reader 1: Kung kami ay hinahati-hati ng mundo
Reader 2:  Suma-amin ka nawa ang Banal Na Espiritu at kami ay pag-isahin.
Reader 1: Kung ang mundo'y tinatawag kaming ulila.
Reader 2: Suma-amin nawa ang Banal Na Espiritu at gawin kaming iisang pamilya.
Reader 1: Kung ang mundo ay inililigaw kami
Reader 2: Suma-amin nawa ang Banal Na Espiritu, at tawagin kaming Iyong tahanan.
Reader 1: Suma-amin ka nawa Banal Na Espiritu, suma-amin ka! Pumarito ka at punan mo ang lugar na ito!
Reader 2: Ilabas mo kami mula sa Babel, kung saan tinanggap namin ang aming sariling lengwahe at kinalimutan ang aming kapuwa.
Reader 1: Kung saan hinuhusgahan namin ang ibang pamilya ayon sa pinansiyal na katayuan, at mga kulay ng kasuotan.
Reader 2: Kung saan tanging ang sarili lamang namin ang aming iniintindi at gumagawa ng hidwaan sa iba.
Reader 1: Kung saan gumagawa kami ng hangganan o pader na tinatawag naming proteksiyon na siya nagtataboy sa iba at sinasabing hindi sila kabilang sa amin.
Reader 2: Kung saan iniipon namin ang lahat ng kaya naming ipunin, at nililinlang ang pagtingin ng iba sa amin na kung sasabihin man nilang ibigay namin ang lahat kami nanatili sa aming pagnanais na maging nakaka-angat.
Reader 1: Kung pinipili namin ang mga bahay na tutugma sa aming kapit-bahay;
Reader 2: Kung saan kahit ang simbahan ay pinipili namin upang magtugma sa aming mga kulay;
Reader 1: Kung saan ang aming pagkakaiba ay gumagawa ng takot at nangingibabawna kaysa sa iyong pangako ng nagtagumpayka mula sa kamatayan.
Reader 2: Ilabasmo kami mula sa Babel kung saan maaari kami magsalita sa pamamagitan ng lenggwaheng "amin", "sa amin" at "sa akin." Amen.

Hymn of Reflection: As the Wind Song through the Tress CCS 42

Scripture Reading 8:14-17

Sermon based on Romans 8:14-17

Disciples' Generous Response
Statement
Mayroong anim na mga prinsipiyo ng Disciples' Generous Response.
1. Tanggapin ang biyaya ng Diyos
2. Tumugon ng may katapatan
3. Pagtugmahin ang puso at ang pera
4. Magbigay ng bukas-palad
5. Mag-ipon ng may karunungan
6. Maging responsable sa paggastos
Sa ating pagtugon sa mga prinsipiyong ito, alin sa mga ito ang kasalukuyan mo nang ginagawa? Alin sa mga ito ang maaari mo ng gawin? Pag-isipan nating mabuti.
Ang biyaya at awa ng Diyos ay hindi nasusukat. Sa ating pagbubukas sa ating mga puso at sa pagbabahagi nating may lakas ng loob sa kahit anumang paraan, tayo ay nakikiisa sa kilusan para sa awa at pag-ibig ng Diyos sa mundo. Ang biyaya ng Diyos ay lubos sa atin, ibahagi natin ito ng may katapatan sa iba at ang awa at pag-ibig niya ay lalago ng walang hanggan.
 
Blessing and Recieving of local and Worldwide Mission Tithes 

Closing Hymn: 54 IDIAY CRUS

Prayer and Benediction


42 As the Wind Song through the Trees

As the wind song through the trees,
as the stirring of the breeze, 
so it is with the Spirit of God, 
as the heart made strangely warm, 
as the voice within the storm, 
so it is with the Spirit of God.
Never seen, ever known
where this wind has blown, bringing life, 
bringing power to the world, 
as the dancing tongues of fire, 
as the soul’s most deep desire, 
so it is with the Spirit of God. 

As the rainbow after rain,
as the hope that’s born again, 
so it is with the Spirit of God, 
as the green in the spring, 
as a kite on a string, 
so it is with the Spirit of God, 
making worlds that are new, 
making peace come true, 
bringing gifts, bringing love to the world, 
as the rising of the yeast, 
as the wine at the feast, 
so it is with the Spirit of God. 
Prayer and Benediction

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...