Additional Scriptures: Exodus 33:12-23; Psalm 99; 1 Thessalonians 1:1–10
Prelude
Gathering Hymn: “Great and Marvelous Are Thy Works” CCS 118
Welcome
Call to Worship Responsive Reading
Leader: Dakila ang Panginoon.
People: Purihin natin ang banal na pangalan ng Diyos!
Leader: Nais ng Panginoon ang katarungan; siya ang
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katuwiran.
People: Dakilain natin ang Panginoon na ating Diyos!
Leader: Dinirinig ng Diyos ang ating mga daing.
People: Magpasalamat tayo sa Diyos na mapagpatawad!
All: Sambahin natin ang Diyos!
—based on Psalm 99
Hymn of Praise: “Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty!” CCS 52
Invocation
Sung Response: “Come, Holy Spirit, Come” sing
twice CCS 154
Prayer for Peace
Light the peace candle
Prayer
Panginoong Diyos,
Sa mga sandaling humihiyaw kami sa labis na pagmamakaawa at
nag-aalinlangan kung dinirinig mo ang aming mga panalangin, ipaalala mo po sa
amin na tinawag mo kami bilang mga alagad ni Cristo, upang maging tugon sa mga panalangin ng iba
at maging tagapaghatid ng kaniyang kapayapaan. Biyayaan mo po kami ng
karunungan upang makita ang pangangailangan ng aming kapwa, at ng lakas ng loob
upang tumugon nang buong katapatan.
Sa gitna ng kadiliman, nawa’y maging liwanag kami ng iyong
Anak.
Sa harap ng pagkawasak at kabiguan, nawa’y maging daan kami
ng iyong biyaya.
Para sa mga nakararanas ng kalungkutan, nawa’y maiparamdam
namin ang yakap ng iyong walang-kondisyong pag-ibig.
Sa panahon ng kakulangan, nawa’y maipakita namin ang iyong
walang-hanggang kabutihan at biyaya.
Para sa mga nawawalan ng pag-asa, nawa’y maipahatid namin ang
aliw at tiwala na nagmumula sa piling ng iyong Espiritu.
At kung saan may pagkawasak, nawa’y hindi kami mapagod na
magsumikap para sa katarungan at ibahagi ang kapayapaan ni Cristo, na sa
kaniyang pangalan ay iniaalay namin ang panalanging ito para sa kapayapaan.
Amen.
—Stassi Cramm
Focus Moment: Giving Thanks
Maraming paraan upang magbigay nang bukal sa loob bilang mga
alagad ni Jesus. Ang ilan sa ating pagbibigay ay sa pamamagitan ng mga salita
ng pasasalamat. Nung pumasok kayo sa ating pagsamba, nakatanggap kayo ng isang
*thank-you note*. Isipin ninyo ang mga tao sa silid na ito at ang mga taong may
kaugnayan sa inyo. Sino ang kailangang makarinig ng pasasalamat mula sa inyo?
Kailan kayo nagpasalamat para sa taong ito sa inyong buhay?
Maglaan tayo ng ilang sandali upang sumulat ng pasasalamat
sa taong naisip ninyo. Ang pagkilala sa biyayang idinulot ng taong ito sa inyo
ay isang paraan ng pagbibigay sa abot ng inyong makakaya. Madalas nating
naiisip na ang pagbibigay ay tungkol lamang sa pera, ngunit ang pagiging
mapagpasalamat at ang pagpapahayag nito sa iba ay isa ring anyo ng pagbibigay.
Scripture Reading: Matthew 22:15–22
Ministry of Music or Community Hymn: Bendicionna Inca Bilangen
Sermon Based on Matthew 22:15–22
Response Song
Disciples’ Generous Response
Gratitude Exchange
Maglaan ng pagkakataon upang
maibigay ang mga thank you card na ginawa sa Focus Moment.
Scripture Reading: Doctrine and
Covenants 153:9a–c
Ipanangaral ang aking salita sa mga nasasaktan at sa mga may pusong binabagabag,
pati na rin sa mga bilanggo at nakagapos sa kasalanan na naghahangad na magsisi
at sumunod sa akin.
Ipahayag ang mga katotohanan ng
aking ebanghelyo nang sa gayon ay makarating ito sa pinakamalawak at
pinakamalayong lugar na kakayanin ng pag-aalay at pagtataguyod ng mga Banal,
lalo na sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang pangkabuhayang pamamahala (temporal
stewardship).
Ang aking Espiritu ay dumadapo at
gumagalaw na sa napakaraming kaluluwa sa mga sandaling ito, at marami ang
tutugon kung kayo, na aking bayan, ay magbibigay ng matapat at positibong
patotoo tungkol sa aking pag-ibig at sa aking pagnanais na ang lahat ay lumapit
sa akin.
Statement
Marami tayong napag-usapan tungkol
sa pagbibigay ngayong araw. At naipakita rin natin ang pagbibigay na nagmumula
sa puso ng pasasalamat. Ngayon naman, isipin natin ang bukas-palad na
pagbibigay upang suportahan ang ating mga local at pandaigdigang Mission. Ang
ating mga kaloob ay inilaan upang malayang ibahagi sa iba, at ang pag-iikapu
(tithing) ay isang paraan natin upang matugunan ang mga misyon sa buong mundo.
Ang ating pagiging mapagbigay ay nagbibigay-lakas sa iba upang magampanan din
nila ang kanilang misyon. Nag-aalay din tayo ng mga pagkain bilang isa pang
paraan ng pagpapakita ng pagbibigay sa abot ng ating makakaya.
Blessing and Receiving of Local and
Worldwide Mission Tithes
Benediction
Sending Forth
Give generously according to your
true capacity. Eternal joy and peace await those who grow in the grace of
generosity that flows from compassionate hearts without thought of return. —based
on Doctrine and Covenants 163:9
Let us go from this place to
generously share with a world in need!
Postlude








