Friday, March 27, 2026

Faithfully Enter

 

Mateo 21:1-11

Prelude

Hymn of Praise: 165  SARITAEC A SIAYAT NI HESUS A NASLAG

Welcome

Invitation to Worship

1Agyamankayo iti Apo, agsipud ta isu ket naimbag, agnanayon ti napudno nga ayatna. 2Kuna ngarud dagiti Israelita, “Agnanayon ti di agbalbaliw nga ayatna.” 19Luktanyo ti ruangan ti kinalinteg, ta sumrekak nga agyaman iti Apo! 24Daytoy ti aldaw nga inaramid ti Apo. Agragsak ken agrambaktayo.

*Hymn of Triumphal Entry: 13 DAYAWENDACA O DIOS A NADUNGNGO

Prayer of Invocation

Response

Call to Confession

Sung Thought: “Jesus Walked This Lonesome Valley” stanza 1 CCS 452

Thought for Reflection

O Apo, ammomi a saan a nalaka ti dalan nga ingka nagnaan. Napnoan daytoy iti ladingit, saem ken liday gapu kadagiti agdudua kenka ken adda dagiti agpanggep a manglapped iti ministeryom. Pakawanennakami kadagiti gundaway a mangmangtedkami iti saem kenka gapu iti saanmi nga isusurot kadagiti tugotmo, ken iti dalan nga agturong kenka.

Pause…

Sung Thought: “Jesus Walk This Lonesome Valley” stanza 2 CCS 452

Scripture Reading: Mateo 21-1-11

Spiritual Practice:

1.      Pag-isipan mo ang iyong paglalakbay bilang alagad. Nasaan kana kaya ngayon? Saan ka kaya patungo?

2.      Sino kaya ang kasa-kasama mo sa iyong paglalakbay bilang disipulo?

3.      Papaano mo nararanasan ang presensiya ng Diyos sa Iyong paglalakbay?

Focus Moment (Pag-usapan ang mga sumusunod na katanungan)

·       Ano kaya ang pakiramdam kung isa ka sa mga taong naroroon noon sa Jerusalem ng pumasok si Hesus?

·       Maaari ba tayong maging isa sa mga sumusunod kay Hesuss at maging kanyang mga alagad?

Ministry of Music or

Community Hymn:  169  TI PUSO A NABURAC GAPU CANIAC

Sermon based on Matthew 21:1-11

Disciples’ Generous Response

Scripture

Lift up your eyes and fix them on the place to which you are sent. Journey in trust…Understand that the road to transformation travels both inward and outward. The road to transformation is the path of the disciple…The path will not always be easy, the choices will not always be clear, but the cause is sure…and those who live the truth will know the hope and the joy of discipleship in the community of Christ.

—excerpted from Doctrine and Covenants 161:1a, 3d, 7

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Commitment: “Take the Path of the Disciple” CCS 558 OR “Theres’ an Old Old Path” CCS 245

Prayers and Benediction

Response

Postlude

Thursday, March 19, 2026

Faithfully Breathe


Aganges a Sipupudno/Sitatalek

Additional Scriptures :Psalm 130; John 11:1–45; Romans 8:6–11 

Prelude

Community Share, Care, and Prayer

We Reflect

Lenten Welcome

Ang Kuwaresma ay tungkol sa banal na biyaya. Ito ay panahon upang pagnilayan ang ating pagkadisipulo at paghandaan ang Pasko ng Pagkabuhay (Easter). Ito ay hango mula sa apatnapong araw ni Kristo sa disyerto bilang paghahanda niya sa kanyang ministeryo. Ito ay panahon ng tapat na pagsusuri sa sarili, pagkilala sa tawag sa atin, at kung ano ang ating kahihinatnan, at tungkol din ito sa pagtanggap natin ng banal na biyaya sa gitna ng ating paglalakbay. Ang Kuwaresma ay isang paan-yaya na mag-ayuno o baguhin ang ating mga pag-uugali ng pagkikipag-ugnay sa ating Diyos.

Unison Lenten Lament (Para sa sabayang pagbasa ng lahat)

Ang aking kaluluwa ay nagdadalamhati dahil sa aking mga kasalanan.

Napaplibutan ako ng mga tukso na madaling makaimpluwensya sa akin.

Sa tuwing gusto kong maging masaya, ang aking puso ay dumadaing dahil sa aking mga kasalanan;

Gayunpaman, alam ko kung kanino ako magtitiwala.

-       Nephi 3:32-34, adapated.

Hymn of Shalom: CCS 325 “Blest Be the Tie That Binds”

Prayer for Peace

Light the Peace Candle

Tayo ay inaanyayahan upang tahimik nating dugtungan ang mga bahagi ng ating panalangin para sa kapayapaan.

Prayer

Panginoon naming banal, patawain mo kami sa aming mga…..

Pause.

Sa tagapagbigay ng buhay, patawarin mo kami sa aming mga…..

Pause.

Sa tagapagmahal ng kaluluwa, baguhin mo ang aming…...

Pause.

Sa pumupuno sa mga puso, baguhin mo ang aming…..

Pause.

Sa batayan ng kapayapaan, palakasin Mo kami sa aming…..

Pause.

Sa nangunguna sa mga maralita, palakasin Mo kami sa aming…..

Pause.

Dakilang lumikha, humihingi kami ng kapayapapaan sa aming mga…..

Pause.

Dakilang tagapagligtas, humihingi kami ng kapayapaan sa aming mga….

Pause.

Panginoong Diyos na makapangyarihan sa Lahat, sisikapin naming itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng…..

Pause.

Amen and amen.

*Sung Response: 11 KENCA AGTALECAC

Scripture Reflection

Read Ezekiel 37:1-14

First time reading reflection: Anong mga salita o imahe ang nangibabaw sa’iyo sa kwentong ito?

Read the second time: Ezekiel 37:1-14

Second time reading reflection: Anong ang maaaring ibinubulong Diyos sa’iyo sa pagbasang ito?

Ministry of Music

Morning Message based on Ezekiel 37:1-14

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang panahon ng kuwaresma a patungkol sa biyaya at habag ng Diyos na kaniyang ipinakita bilang kanyang kaloob sa lahat ng mga nilalang na atin namang tinanggap. Ang ating mga Walang Hanggan Na Prinsipiyo ay pinag-uugnay nito na nakabatay mula sa pagka-bukas-palad mula sa Diyos.

Ang mga prinsipiyo Grace and Generosity at Continuing Revelation ay pinagsama sa mga katagang: “Ang biyaya ng Diyos na pangunahing ipinakita Niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang isang pagkabukas-palad na walang anumang kondisyon.

Ang banal na pagkabukas-palad ng Diyos ay ipinamalas Niya mula noon hanggang ngayon… Ipagkaloob natin ang ating mga sarili ayon sa kanyang layunin sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, bilang indibiduwal at komunidad, tayo ay sama-samang manalangin, makinig upang maintindihan natin ang layunin ng Diyos sa ating buhay, sa ating Iglesia at maging sa lahat ng nilalang sa kabuuan… Ibahagi natin ang ating mga patotoo, mga resources, ministeryo at sakramento ayon sa totoo nating kakayanan.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Transformation: CCS 260 Rain Down

Prayer for Wholeness/Closing Prayer

Response

Postlude


Ezekiel 37:1-14

Central Ideas

  1. War, natural disasters, and personal tragedy can leave us feeling like dry bones, devoid of life and hope.
  2. Only God can give the gift of new life, new hope, and the Holy Spirit to revitalize us.
  3. We are called to be the prophetic voice that announces the presence of God’s Spirit in the lives of people who need transformation and restoration.

Questions for the Speaker

  1. When have you felt like you and those around you were existing as dry bones in an alien valley?
  2. When have you felt the Spirit of God bringing new life and hope into your existence?
  3. When have you found yourself preaching the word of God to those who were parched and dry, longing for living water? What was the good word to those people? What was the result?



Saturday, March 14, 2026

BUILDING NEW COMMUNITY

 


Prelude

Welcome

Announcements

Community Sharing, Prayer for Joys and Concerns

Call to Worship: Psalm 23

Gathering Hymn: 64 RAGSAKEN TAY AGSERVI TI APO

Invocation

Response

Sharing your story

Ito ay isang gabay upang matulungan kang ibahagi ang iyong personal na kwento o "testimony" bilang miyembro ng Community of Christ. Ang layunin ay ipakita ang iyong paglalakbay nang may katapatan at pag-asa.

·       Ano ang kalagayan ng iyong espirituwal na buhay bago mo nakilala ang Community of Christ?

·       Paano mo unang nalaman ang tungkol sa simbahan? (Sino ang nag-imbita sa iyo, o anong pangyayari ang nagdala sa iyo rito?)

·       Ano ang unang "impression" mo sa komunidad noong unang beses kang dumalo?

·       Kailan mo naramdaman na "ito ang iyong tahanan"? Ilarawan ang sandaling iyon.

·       Anong mga katanungan o pag-aalinlangan ang nabigyang-linaw noong naging bahagi ka na ng simbahan?

·       Paano nabago ng iyong pananampalataya ang tingin mo sa iyong sarili at sa ibang tao?

·       Sa paanong paraan ka naging mas aktibo sa paglilingkod o sa pagtataguyod ng kapayapaan mula nang sumapi ka?

·       Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa Community of Christ na baon mo sa iyong pang-araw-araw na buhay?

·       Ano ang mensahe mo para sa mga taong naghahanap din ng espirituwal na tahanan at kapayapaan?

Scripture Reading: Acts 2:44-45

Ministry of Music/
  Congregational Hymn: 558 Take the Path of the Disciple

Message based on Acts 2:44-45

Prayer for Peace

O mapagmahal na Diyos, nagtitipon kami ngayon na may mabigat na kalooban, itinataas ang aming mga panalangin para sa kapayapaan sa Middle East. Ipinapanalangin namin ang lahat ng naninirahan sa gitna ng hidwaan at kawalang-katiyakan, para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, at para sa mga nawasak ang tahanan at kinabukasan. ​Hinihiling namin ang Iyong banal na pakikialam, upang patahimikin ang mga unos ng karahasan at magtanim ng binhi ng pag-unawa at pagbabati. Gabayan Mo ang puso at isipan ng mga pinuno, upang piliin nila ang diyalogo kaysa sa pagkakabaha-bahagi, habag kaysa sa lupit, at katarungan kaysa sa paghihiganti. ​Ipagkaloob Mo ang lakas at katatagan sa mga mamamayan ng Middle East. Nawa’y makatagpo sila ng pag-asa sa gitna ng kawalan, at malaman nilang hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdurusa. Pagpalain Mo sila ng kapayapaan, seguridad, at pagkakataong muling mabuo ang kanilang buhay nang may kaligtasan at dangal. ​Ipinapanalangin namin ang pagwawakas ng lahat ng gawaing may poot at terorismo, at para sa isang panibagong espiritu ng pagtutulungan at paggalang sa bawat isa sa lahat ng tao sa rehiyon. Nawa’y magningning nang maliwanag ang ilaw ng Iyong kapayapaan, na tumatanglaw sa landas patungo sa kinabukasan kung saan ang lahat ay maaaring mamuhay nang magkakasama sa pagkakaisa. ​Sa Iyong banal na pangalan, kami ay nananalangin. Amen.     
- Eddie Odson, Maddela Congregation

Disciples’ Generous Response

Statement

Sa loob ng 60 taon mula noong tayo’y binuklod sa Community of Christ, patuloy tayong pinagpapala at ginagabayan ng Panginioong Diyos. Sa bawat pagkakataon lalong lalona sa panahon ng kahirapan at kawalan ng katiyakan ramdam natin ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos dahil patuloy tayong nagiging matatag at pinagsasama-sama sa ating paglalakbay. Napatunayan din natin kung gaano kahalaga ang pananatili sa atin ng kaniyang mga aral tulad ng PAGDADAMAYAN na siyang nagpapatunay na buhay ang kanyang misyon ay sa ating Iglesia. Kung ihahalintulad natin ito sa ilang ilaw, isa sa pangunahing nagsisilbing langis ng ilawang ito ay ang ating mga kaloob upang manatiling ito ay nakasindi. Mahalaga ang bawat kaloob natin bilang langis na nagpapanatili sa ating pag-asa.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes   

Community Singing: 51 RAGRAGSACTO A NAPALAUS

Prayer ang Benediction

Sending Forth

Mga kapatid, hindi tayo tinawag upang manatili lamang sa loob ng apat na sulok ng simbahang ito. Tayo ay tinawag upang humayo at maging mga katuwang ng Diyos sa pagbuo ng isang bagong komunidad.

Nawa’y ang biyaya ng ating Panginoon, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ay sumainyong lahat. Humayo kayo at simulan ang pagbubuo ng mundong ayon sa kalooban ng Maykapal—isang bagong komunidad na puno ng pag-asa. At lahat tayo ay magsabing, AMEN.

Postlude


Thursday, March 5, 2026

Faithfully Reconcile


Romans 5:1-11

Prelude

Welcome

Ang kuwaresma ay panahon ng paghahanda. Isang panahon patungo sa pagkakapako ni Jesu-Kristo sa krus. Isang panahon para sa seryosong paglapit sa Diyos, upang iiwas at ilayo ang ating mga sarili mula sa mga bagay na gumugulo sa ating mga relasyon sa bawat isa. Ang kuwaresma ay kung saan tayo ay tinatawag upang tumugon na may radikal na pagiging bukas-palad at disiplinang Espiritual sa ating kasunduan sa Diyos na tayo ay mapapalapit sa Kanya.

Call to Worship

Leader: Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan!

Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.

People: Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

Leader: Masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

People: Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

Leader: Lumuhod tayo sa Panginoong lumikha sa atin.

People: Sapagkat Ikaw ang aming Diyos,

All: at kami ang Iyong mamamayan, ang Iyong mga tupa na kawan at Iyong binabantayan at inaalagaan. 

                           -Psalm 95, adapted

Lenten Hymn: “Come Now, You Hungry” CCS 227

Opening Prayer

Response

Scripture Reading: Romans 5:1-11

Focus Moment: Faith in Christ

Pag-usapan:

Halimbawang kayo ay naglalakbay sa ilang, ano kaya ang maaari mong ikakatakot doon? Ano kaya ang maaaring magpapanatag sa'iyo na magpaparamdam sayo na ikaw ay ligtas.

Sharings...

Ano man ang mga bagay na ating kinakatakutan sa ating paglalakbay, maglakad tayong kasama natin si Hesus at ramdamin nating tayo ay ligtas. Ang bawat isa sa atin maging ang lahat ng kanyang nilalang ay minamahal ng Diyos.

Hymn of Faith: "Standing on the Promises" CCS 257

Prayer for Peace

Peace Story: Alma 12:172–180 and 14:25–47

Ang pangalang Lamoni ay pamilyar sa maraming miyembro ng simbahan dahil ito ang pangalan ng bayan kung nakatayo ang unibersidad ng ating iglesia na Graceland University. Ang pangalang ito ay nagmula sa banal na kasulatan sa Community of Christ na siyang nagpakita sa atin ng daan patungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Krito at pakikipagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang biyaya.

Ang haring si Lamoni ay isang bayolenteng lider na madalas nagsisimula ng pakikipagdigma na siya namang laging bumabalik sa kanya. Ngunit ang lahat ng ito ay milagrong nagbago simula ng maranasan niya ang Diyos sa kanyang buhay na siyang nagpalambot ng kanyang puso at pangunahan ang marami sa kanyang mamamayan na mabautismuhan at magbago. Sa pagbuhos ng Diyos ng kanyang espiritu sa kanila, itinayo nila ang isang simbahan at binago nila ang paraan ng kanilang pamumuhay mula sa karahasan patungo sa kapayapaan. 

Ang kanilang panatang ito ay sinubok sa mga panahong hinaharap nila ang mga hukbong nais silang puksain dahil sa bagong pananampalatayang kanilang natagpuan. Kahit sa paglapit na sa kanila ng mga sundalo ay ayaw parin nilang humawak ng mga armas upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Mas pinatunayan pa nila ito ng kanilang ilagay sa hukay ang kanilang mga armas bilang kanilang patotoo sa naranasan nilang pagkilos ng Espiritu sa kanila at pakikipagkaisa nila sa Diyos pagkatapos na sila'y magsisi sa mga karahasang kanilang nagawa sa iba. Nilagay nila sa hukay ang kanilang mga armas upang yakapin ang kapayapaan. 

Light the candle of peace. 

Prayer

Diyos ng Kapayapaan,

Palambutin Mo ang aming mga puso.

Bigyan Mo kami ng talino at tapang na maitaguyod ang kapayapaan.

TulunganMo kaming maintindihan ang iyong layunin para sa lahat ng Iyong nilalang.

Naway maisabuhay namin ang kapayapaan ni Hesu-Kristo sa araw-araw naming pamumuhay. 

Sa pangalan ng prinsipe ng kapayapaan. Amen. 

Hymn of Peace: “Gonna Lay Down My Sword and Shield” CCS 321

Sermon Based on Romans 5:1–11

Disciples' Generous Response

Statement

Tulad ng mga sinaunang Kristiyano o ni Haring Lamoni at ng kanyang bayan, kapag tayo'y naging tapat sa pagtugon sa ministeryo ni Jesucristo, nagiging may pananagutan tayo sa isa't isa, sa Diyos, at sa ating sarili. Ang ating pagtugon sa pagmamahal na biyayang kaloob ng Diyos ay ang maglingkod sa iba at hayaang maging bahagi ng ating pagkatao ang pagiging bukas-palad.

Sa panahong ito ng kuwaresma, mayroon tayong pagkakataon upang pagnilayan ang ibat-ibang paraan kung papaano naging bukas-palad ang Diyos sa atin. Mayroon tayong pagkakataon upang buksan ang ating mga puso at ihanda sa pagtanggap ng paggabay kung papaano tayo magpapatuloy sa pamumuhay sa misyon ni Kristo at sa ating paglilingkod. 

Blessing and Receiving of Local ang Worldwide Mission Tithes

Sending Forth Hymn

Closing Payer

Resonse

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...