Friday, October 16, 2026

Where Are Our Priorities?

Additional Scriptures: Exodus 33:12-23; Psalm 99; 1 Thessalonians 1:1–10


Prelude

Gathering Hymn: “Great and Marvelous Are Thy Works” CCS 118

Welcome

Call to Worship Responsive Reading

Leader: Dakila ang Panginoon.

People: Purihin natin ang banal na pangalan ng Diyos!

Leader: Nais ng Panginoon ang katarungan; siya ang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katuwiran.

People: Dakilain natin ang Panginoon na ating Diyos!

Leader: Dinirinig ng Diyos ang ating mga daing.

People: Magpasalamat tayo sa Diyos na mapagpatawad!

All: Sambahin natin ang Diyos!

—based on Psalm 99

Hymn of Praise: “Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty!” CCS 52

Invocation

Sung Response: “Come, Holy Spirit, Come” sing twice CCS 154

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

Panginoong Diyos,

Sa mga sandaling humihiyaw kami sa labis na pagmamakaawa at nag-aalinlangan kung dinirinig mo ang aming mga panalangin, ipaalala mo po sa amin na tinawag mo kami bilang mga alagad ni Cristo,  upang maging tugon sa mga panalangin ng iba at maging tagapaghatid ng kaniyang kapayapaan. Biyayaan mo po kami ng karunungan upang makita ang pangangailangan ng aming kapwa, at ng lakas ng loob upang tumugon nang buong katapatan.

Sa gitna ng kadiliman, nawa’y maging liwanag kami ng iyong Anak.

Sa harap ng pagkawasak at kabiguan, nawa’y maging daan kami ng iyong biyaya.

Para sa mga nakararanas ng kalungkutan, nawa’y maiparamdam namin ang yakap ng iyong walang-kondisyong pag-ibig.

Sa panahon ng kakulangan, nawa’y maipakita namin ang iyong walang-hanggang kabutihan at biyaya.

Para sa mga nawawalan ng pag-asa, nawa’y maipahatid namin ang aliw at tiwala na nagmumula sa piling ng iyong Espiritu.

At kung saan may pagkawasak, nawa’y hindi kami mapagod na magsumikap para sa katarungan at ibahagi ang kapayapaan ni Cristo, na sa kaniyang pangalan ay iniaalay namin ang panalanging ito para sa kapayapaan. Amen.

—Stassi Cramm

Focus Moment: Giving Thanks

Maraming paraan upang magbigay nang bukal sa loob bilang mga alagad ni Jesus. Ang ilan sa ating pagbibigay ay sa pamamagitan ng mga salita ng pasasalamat. Nung pumasok kayo sa ating pagsamba, nakatanggap kayo ng isang *thank-you note*. Isipin ninyo ang mga tao sa silid na ito at ang mga taong may kaugnayan sa inyo. Sino ang kailangang makarinig ng pasasalamat mula sa inyo? Kailan kayo nagpasalamat para sa taong ito sa inyong buhay?

Maglaan tayo ng ilang sandali upang sumulat ng pasasalamat sa taong naisip ninyo. Ang pagkilala sa biyayang idinulot ng taong ito sa inyo ay isang paraan ng pagbibigay sa abot ng inyong makakaya. Madalas nating naiisip na ang pagbibigay ay tungkol lamang sa pera, ngunit ang pagiging mapagpasalamat at ang pagpapahayag nito sa iba ay isa ring anyo ng pagbibigay.

Scripture Reading: Matthew 22:15–22

Ministry of Music or Community Hymn: Bendicionna Inca Bilangen

Sermon Based on Matthew 22:15–22

Response Song

Disciples’ Generous Response

Gratitude Exchange

Maglaan ng pagkakataon upang maibigay ang mga thank you card na ginawa sa Focus Moment.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 153:9a–c
Ipanangaral ang aking salita sa mga nasasaktan at sa mga may pusong binabagabag, pati na rin sa mga bilanggo at nakagapos sa kasalanan na naghahangad na magsisi at sumunod sa akin.

Ipahayag ang mga katotohanan ng aking ebanghelyo nang sa gayon ay makarating ito sa pinakamalawak at pinakamalayong lugar na kakayanin ng pag-aalay at pagtataguyod ng mga Banal, lalo na sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang pangkabuhayang pamamahala (temporal stewardship).

Ang aking Espiritu ay dumadapo at gumagalaw na sa napakaraming kaluluwa sa mga sandaling ito, at marami ang tutugon kung kayo, na aking bayan, ay magbibigay ng matapat at positibong patotoo tungkol sa aking pag-ibig at sa aking pagnanais na ang lahat ay lumapit sa akin.

Statement

Marami tayong napag-usapan tungkol sa pagbibigay ngayong araw. At naipakita rin natin ang pagbibigay na nagmumula sa puso ng pasasalamat. Ngayon naman, isipin natin ang bukas-palad na pagbibigay upang suportahan ang ating mga local at pandaigdigang Mission. Ang ating mga kaloob ay inilaan upang malayang ibahagi sa iba, at ang pag-iikapu (tithing) ay isang paraan natin upang matugunan ang mga misyon sa buong mundo. Ang ating pagiging mapagbigay ay nagbibigay-lakas sa iba upang magampanan din nila ang kanilang misyon. Nag-aalay din tayo ng mga pagkain bilang isa pang paraan ng pagpapakita ng pagbibigay sa abot ng ating makakaya.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Benediction

Sending Forth

Give generously according to your true capacity. Eternal joy and peace await those who grow in the grace of generosity that flows from compassionate hearts without thought of return. —based on Doctrine and Covenants 163:9

Let us go from this place to generously share with a world in need!

Postlude

The Kingdom Is Like...

  Additional Scriptures:  Joshua 24:1-3a, 14-25; Psalm 78:1-7; 1 Thessalonians 4:13–18 Prelude and Meditation Welcome Call to Worship ...