Friday, October 23, 2026

How Deeply Do we care?

 

Gaano kalalim ang ating pagmamalasakit?

Additional Scriptures
Deuteronomy 34:1-12; Psalm 90:1-6, 13-17; Matthew 22:34–46

Prelude

Hymn of Gathering: Kaybuti-buti Mo

Welcome

Call to Worship: Psalm 90:1-2 Eloiza Gandeza

1Panginoon, kayo ang aming naging tahanan sa lahat ng salinlahi. 2Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok, ang mundo, at ang sanlibutan, kayoʼy nariyan na, sapagkat kayoʼy Diyos magpakailanman.

Hymn of Centering: “Open My Heart” CCS 171

Invocation: David Gamicera

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle   

Prayer:

Let there be peace on earth…
And let it begin with those who are willing to risk courageous love.

Pause...

Let there be peace on earth…
And let it begin with a community who is dedicated to the pursuit of justice and equality.

Pause...


Let us walk with each other…
And let us shine your radiance into the darkness of the world.

Pause...

Let peace begin with me…
And let this be the moment where we walk a new path towards healing and reconciliation.

Pause...

Amen.

Scripture Reading: 1 Thessalonians 2:1–8  

Message Based on 1 Thessalonians 2:1–8 

Disciples’ Generous Response 

Statement

Makikita ang kabutihan at pagkabukas-palad ng Diyos sa ganda ng pagsikat ng araw, sa mga alon sa dalampasigan, sa mukha ng isang bagong silang na sanggol, at sa musikang umaantig sa ating kaluluwa. Pero hindi lang doon—maging sa mga simpleng bagay tulad ng upuang ating kinauupuan o ng damit na ating isinusuot, naroon din ang Kanyang biyaya. Alamin mo ang mga bagay na natanggap mo na, kung saan ang mga ito nanggaling, at kung paano mo magagamit ang mga ito para sa layunin ng Diyos at sa Kanyang plano para sa ating mundo.

            Sharing

Ibahagi kung anong napakaling biyaya ang natanggap mo na mula sa Diyos.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2b

Pakinggan mo ang kwento ng buhay ng mga taong kusang-loob at bukas-palad na tumutugon. Sundin mo ang pananabik ng iyong kaluluwa na bumalik sa biyaya at kabutihan ng Diyos. Hayaan mong ang pasasalamat ang magturo sa iyo ng daan.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Renewal: 340 PANANAGUTAN

Closing Prayer and Benediction by Felix De Guzman (Evangelist)

Postlude


Friday, October 16, 2026

Where Are Our Priorities?

Additional Scriptures: Exodus 33:12-23; Psalm 99; 1 Thessalonians 1:1–10


Prelude

Gathering Hymn: “Great and Marvelous Are Thy Works” CCS 118

Welcome

Call to Worship Responsive Reading

Leader: Dakila ang Panginoon.

People: Purihin natin ang banal na pangalan ng Diyos!

Leader: Nais ng Panginoon ang katarungan; siya ang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katuwiran.

People: Dakilain natin ang Panginoon na ating Diyos!

Leader: Dinirinig ng Diyos ang ating mga daing.

People: Magpasalamat tayo sa Diyos na mapagpatawad!

All: Sambahin natin ang Diyos!

—based on Psalm 99

Hymn of Praise: “Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty!” CCS 52

Invocation

Sung Response: “Come, Holy Spirit, Come” sing twice CCS 154

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

Panginoong Diyos,

Sa mga sandaling humihiyaw kami sa labis na pagmamakaawa at nag-aalinlangan kung dinirinig mo ang aming mga panalangin, ipaalala mo po sa amin na tinawag mo kami bilang mga alagad ni Cristo,  upang maging tugon sa mga panalangin ng iba at maging tagapaghatid ng kaniyang kapayapaan. Biyayaan mo po kami ng karunungan upang makita ang pangangailangan ng aming kapwa, at ng lakas ng loob upang tumugon nang buong katapatan.

Sa gitna ng kadiliman, nawa’y maging liwanag kami ng iyong Anak.

Sa harap ng pagkawasak at kabiguan, nawa’y maging daan kami ng iyong biyaya.

Para sa mga nakararanas ng kalungkutan, nawa’y maiparamdam namin ang yakap ng iyong walang-kondisyong pag-ibig.

Sa panahon ng kakulangan, nawa’y maipakita namin ang iyong walang-hanggang kabutihan at biyaya.

Para sa mga nawawalan ng pag-asa, nawa’y maipahatid namin ang aliw at tiwala na nagmumula sa piling ng iyong Espiritu.

At kung saan may pagkawasak, nawa’y hindi kami mapagod na magsumikap para sa katarungan at ibahagi ang kapayapaan ni Cristo, na sa kaniyang pangalan ay iniaalay namin ang panalanging ito para sa kapayapaan. Amen.

—Stassi Cramm

Focus Moment: Giving Thanks

Maraming paraan upang magbigay nang bukal sa loob bilang mga alagad ni Jesus. Ang ilan sa ating pagbibigay ay sa pamamagitan ng mga salita ng pasasalamat. Nung pumasok kayo sa ating pagsamba, nakatanggap kayo ng isang *thank-you note*. Isipin ninyo ang mga tao sa silid na ito at ang mga taong may kaugnayan sa inyo. Sino ang kailangang makarinig ng pasasalamat mula sa inyo? Kailan kayo nagpasalamat para sa taong ito sa inyong buhay?

Maglaan tayo ng ilang sandali upang sumulat ng pasasalamat sa taong naisip ninyo. Ang pagkilala sa biyayang idinulot ng taong ito sa inyo ay isang paraan ng pagbibigay sa abot ng inyong makakaya. Madalas nating naiisip na ang pagbibigay ay tungkol lamang sa pera, ngunit ang pagiging mapagpasalamat at ang pagpapahayag nito sa iba ay isa ring anyo ng pagbibigay.

Scripture Reading: Matthew 22:15–22

Ministry of Music or Community Hymn: Bendicionna Inca Bilangen

Sermon Based on Matthew 22:15–22

Response Song

Disciples’ Generous Response

Gratitude Exchange

Maglaan ng pagkakataon upang maibigay ang mga thank you card na ginawa sa Focus Moment.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 153:9a–c
Ipanangaral ang aking salita sa mga nasasaktan at sa mga may pusong binabagabag, pati na rin sa mga bilanggo at nakagapos sa kasalanan na naghahangad na magsisi at sumunod sa akin.

Ipahayag ang mga katotohanan ng aking ebanghelyo nang sa gayon ay makarating ito sa pinakamalawak at pinakamalayong lugar na kakayanin ng pag-aalay at pagtataguyod ng mga Banal, lalo na sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang pangkabuhayang pamamahala (temporal stewardship).

Ang aking Espiritu ay dumadapo at gumagalaw na sa napakaraming kaluluwa sa mga sandaling ito, at marami ang tutugon kung kayo, na aking bayan, ay magbibigay ng matapat at positibong patotoo tungkol sa aking pag-ibig at sa aking pagnanais na ang lahat ay lumapit sa akin.

Statement

Marami tayong napag-usapan tungkol sa pagbibigay ngayong araw. At naipakita rin natin ang pagbibigay na nagmumula sa puso ng pasasalamat. Ngayon naman, isipin natin ang bukas-palad na pagbibigay upang suportahan ang ating mga local at pandaigdigang Mission. Ang ating mga kaloob ay inilaan upang malayang ibahagi sa iba, at ang pag-iikapu (tithing) ay isang paraan natin upang matugunan ang mga misyon sa buong mundo. Ang ating pagiging mapagbigay ay nagbibigay-lakas sa iba upang magampanan din nila ang kanilang misyon. Nag-aalay din tayo ng mga pagkain bilang isa pang paraan ng pagpapakita ng pagbibigay sa abot ng ating makakaya.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Benediction

Sending Forth

Give generously according to your true capacity. Eternal joy and peace await those who grow in the grace of generosity that flows from compassionate hearts without thought of return. —based on Doctrine and Covenants 163:9

Let us go from this place to generously share with a world in need!

Postlude

Friday, October 9, 2026

Why Do We Turn Away?

 

“Bakit Tayo Tumalikod?”

Additional Scriptures: Psalm 106:1-6, 19-23; Matthew 22:1–14; Philippians 4:1–9



Prelude

Welcome

Call to Worship: Psalm 106:1–3

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

Holy One,

We pray for…

Deep peace of the running waves to you,

Deep peace of the flowing air to you,

Deep peace of the quiet earth to you,

Deep peace of the shining stars to you,

Deep peace of the shades of night to you.

Moon and stars always giving light to you.

Amen.

 —Anonymous, Medieval Celtic Prayer

Hymn of Rejoicing:

Invocation

Response

Scripture Reading: Exodus 32:1–14

Focus Moment

Statement

Tulad ng katatapos lang nating marinig sa banal na kasulatan ngayong araw mula sa Aklat ng Exodo sa Lumang Tipan, natakot ang mga Israelita sa ilang dahil wala silang balita sa kanilang pinuno na si Moises. Kung kailan kailangan na kailangan ng mga Israelita ang kanilang pinuno, tsaka naman umakyat si Moises sa bundok upang makapiling ang Diyos.

Kailangan natin ng mga pinuno na gagabay sa atin habang sinisikap nating sumunod sa Diyos. Kapag walang pinuno, maaaring subukan nating magtago sa isang lugar na tila ligtas, o kaya nama'y isipin nating hindi tayo kayang tamaan ng kahit anong panganib. Hinahamon ng mga pinuno ang kasalukuyang sitwasyon at inaanyayahan tayo na isipin kung ano pa ang mas magandang mangyayari.

Storybook

Read the book, Swimmy by Leo Lionni, Dragonfly Books; reissued in 1973, ISBN: 13: 9780394826202. This has been translated into various languages.

Personal Story

Inaanyayahan ang sinoman na magbabahagi ng maikling patotoo o kuwento—noong mga panahon na, tulad ng mga Israelita, naramdaman mong naliligaw ka at nag-iisa, sa literal man o sa hindi, at kung ano ang naging solusyon mo o ginawa mo sa pagkakataong yun. O kaya naman, maaari tayong magbabahagi ng patotoo tungkol sa pag-tataas o pagpapakadakila sa isang tao o bagay (tulad ng mga artista sa pelikula o TV, atleta, koponan sa palakasan, pera, o mga gadget) at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay ng mga umiidolo sa kanila.

Hymn of Petition: 7 O BATO A PAGBIAGAN

Morning Message Based on Exodus 32:1–14

Responsive Prayer of Confession

Leader: Mapagpalang Diyos, nagkasala ang aming mga ninuno;

People: Panginoon, kami man ay may kasalanan din.

Leader: Gumawa sila ng guya sa Horeb at sumamba sa isang inukit na imahe.

People: Panginoon, kami man ay may kasalanan din.

Leader: Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos para sa imahe ng isang bakang kumakain ng damo.

People: Panginoon, kami man ay may kasalanan din.

Leader: Nakalimutan nila ang Diyos, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Ehipto, ng mga kahanga-hangang gawa sa lupain ng Ham, at ng mga kamangha-manghang kababalaghan sa Mapulang Dagat.

People: Panginoon, kami man ay may kasalanan din.

ALL: Patawarin mo kami, Panginoon, ito ang aming dalangin at pagsusumamo. Amen. —Psalm 106:6, 19–22, adapted

Disciples’ Generous Response

Statement

Ngayong araw, magpopokus tayo sa pagiging bukas-palad. Sa tinatawag na Generosity Cycle, may apat na yugto: Pag-iimbita (Invitation), Pagtuklas (Discovery), Pagtugon (Response), at Pagninilay (Reflection). Isa itong pagkakataon para sa atin na maglaan ng puwang para sa isang espiritwal na gawaing nakatutok sa pagbibigay. Ito ay panahon na inilaan upang kilalanin ang biyaya ng Diyos at matuklasan ang mas malalim na kagalakan sa pagiging alagad sa pamamagitan ng kusang pamamahala sa ating buong buhay.

Tumatanggap tayo ng mga kaloob ng Diyos nang walang anumang kapalit. Hindi natin ito pinaghihirapan o pinagsisilbihan sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa. Bilang mga alagad, tinatawag tayong ibahagi ang mga kaloob ng Diyos sa iba. Ang ating pagbibigay ay nagdadala sa atin ng pagpapala at lumilikha ng mga bagong ugnayan na nagbibigay naman ng higit pang pagkakataon para magbahagi. At nagpapatuloy ang CYCLE. Ang pagtanggap at pagtugon ay magkatumbas at nagpapalitang gawa na gumagawa ng patuloy na CYCLE o pag-ikot—ito ang tulong na ibinabahagi sa atin ng Generosity Cycle.

Nawa'y maglaan tayo ng oras upang pagnilayan ang mga masaganang kaloob ng Diyos sa ating buhay at kung paano tayo tumutugon bilang mga alagad sa mga pagpapalang iyon.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth “Standing on the Promises” CCS 257

Sending Forth: Doctrine and Covenants 162:3a–b

Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hindi ipinangako sa inyo na magiging madali ang inyong daan, ngunit nakatitiyak kayo na ang Espiritung tumatawag sa inyo ay sasamahan kayo. Ang Espiritung iyan ay kasalukuyan nang pumupukaw sa kaluluwa ng mga taong may matinding pagnanasa para sa pagiging alagad na nag-aalab sa kanilang puso. Marami pang iba ang tutugon kung magiging matiyaga kayo sa inyong pagpapatotoo at masipag sa inyong misyon sa mundo.

Postlude

Friday, October 2, 2026

What Is God Revealing? (Invest)

 

 Ano ba ang ipinapahiwatig ng Diyos? 
Additional Scriptures: Psalm 19; Matthew 21:33–46; Philippians 3:4b–14

Prelude

Welcome

Call to Worship: Psalm 19:1, 7–9, 14

'Ipinapakita ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos! Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng kanyang mga kamay. Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay-liwanag sa kaisipan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng Panginoon ay matuwid at makatarungan. Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo, ang aking batong kanlungan at tagapagligtas!'

Hymn: 231 I AM THINE O LORD

Prayer of Confession (Opening)

Mapagmahal na Diyos,

Puno man ang buhay namin ng mga pagkakamali at maling desisyon. Hindi lang kung ilang beses na nawalan kami ng integridad, dahil sa mga nakakahiya desisyon, mga nasabi, at mga nagawa. Pero hindi kami pwedeng sumuko sa buhay, sa kabutihan, o sa 'Yo, Panginoon. Magsisikap kaming magpakabuti at mabuhay nang may karangalan.

Ngayon, kung mukhang hindi man gaanong malala ang mga ginagawa at pinipili namin na minsan pinag-uusapan namin ang tungkol sa buhay iba o kaya sumusubok kaming maniobrahin ang mga tao sa paligid namin para lang makuha ang gusto namin. Pero ano man ang maging desisyon at ginagawa namin, gusto naming magpakabuti at maging mas mabuting tao, Panginoon. Nais naming malaman na ang mga ginagawa namin ay nagiging pagpapala sa mga taong nasa paligid namin at sa 'Yong mga nilikha.

May mga oras na nagkakamali kami, nawa’y pumasok Ka sa aming mga puso at tulungan Mo kaming magsikap na gumawa ng mas mabuti sa susunod naming hakbang. Baka hindi na namin mabago ang katatapos lang naming ginawa, pero kaya naming baguhin ang mga susunod pa naming gagawin. Kapag humihingi kami ng 'Yong gabay sa aming buhay, mas nagiging malinaw ang mga dapat naming piliin. Bigyan Mo po kami ng masunuring puso at isipan, na bukas ang kalooban na sumunod sa 'Yong mga utos. Amen.

Response

Scripture Reading: Exodus 20:1-4, 7-9, 12-21

Hymn of Choices: “O Living God” CCS 183

Homily Based on Exodus 20:1-4, 7-9, 12-20

Hymn of Love for God: “Santo, santo, santo” 

Sacrament of the Lord’s Supper

Communion Scripture Reading: 1 Corinthians 11:23–26

Communion Message

Inivation to Communion

Bukas ang hapag ni Cristo para sa lahat.

Ang Banal na Hapunan, o Communion, ay isang sakramento kung saan inaalala natin ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay, at ang patuloy na presensya ni Jesu-Cristo.

Sa Community of Christ, itinuturing din natin ang Communion bilang isang pagkakataon para sariwain ang ating kasunduan o tipan sa binyag o bautismo at maging mga alagad na isinasabuhay ang misyon ni Cristo. Ang iba naman ay maaaring may magkaiba o karagdagang pag-unawa ayon sa kanilang sariling tradisyon ng pananampalataya. Inaanyayahan natin ang lahat ng nakikibahagi sa Banal na Hapunan na gawin ito nang may pagmamahal at kapayapaan ni Jesu-Cristo.

Hymn of Sacrament Preparation: “Blessed Is the Body and the Soul CCS 238

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture: Doctrine and Covenants 163:9

Ang mga tapat na alagad ay tumutugon sa patuloy na paglago ng kanilang kamalayan sa labis-labis na kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay mula sa puso—hindi dahil sa utos o napipilitan. Kumawala ka sa kadena ng makamundong kultura na karaniwang nagsusulong lang ng pansariling interes. Magbigay nang bukal sa loob ayon sa iyong tunay na kakayahan. Walang hanggan na kagalakan at kapayapaan ang naghihintay sa mga lumalago sa biyaya ng pagbibigay, na nagmumula sa pusong may malasakit at walang hinihintay na kapalit. Kaiba pa ba ito sa kaharian ng Diyos, na walang hanggang ibinibigay ang lahat para sa Kanyang mga nilikha?

Statement

Ang lahat ng pagbibigay ay nagsisimula at nagtatapos sa Diyos. Kapag napansin natin ito at ginawa rin natin sa ating sariling buhay, makakawala tayo sa uri ng kulturang nagtutulak sa atin na laging matakot na baka kulang ang mayroon tayo. Papalayain tayo nito para maging bukas-palad na mga alagad na nagbibigay nang may kasabikan—at nagbibigay nang may kagalakan para lamang sa layuning magbahagi. At lalo pang dumadami ang kagalakang iyon kapag nakikita natin itong nagiging mga ministeryo na bilang pagpapala sa ibang tao sa pamamagitan ng ebanghelyo…

—Steve Veazey, Presidential Q&A, Part II, July 2015 Herald

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: 98  ADU A BANAG PACASUOTAN

Prayer for Peace

Light the peace candle

Statement of Sending Forth

We light the peace candle symbolizing our unrelenting pursuit of peace for a bruised and divided world.

Today—

     Make every breath one of thanksgiving;

     Make every deed a channel of justice;

     Make every thought a peaceful one;

Go in peace.

Postlude



How Deeply Do we care?

  Gaano kalalim ang ating pagmamalasakit? Additional Scriptures Deuteronomy 34:1-12; Psalm 90:1-6, 13-17; Matthew 22:34–46 Prelude Hymn of...