Saturday, November 22, 2025

The Peaceful Reign of Christ

Ti Natalna a Panagturay ni Cristo

Prelude

Gathering Songs: 112 I Will Sing, I Will Sing

Welcome

Muli, welcome po sa ating lahat sa ating pagpupuri at pagsamba sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay The Peaceful Reign of Christ o Ang Mapayapang Paghahari Ni Kristo, at ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Colosas 1:11-20 na kung saan ay mababasa natin ang mga salitang “Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan – ang lahat nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya.”

Ito narin ang final week ng Generosity Cycle, kung saan atin ngayong binibigyan ng focus ang pangangasiwa sa mundo. Habang iniisip natin ang dakilang paglalarawan kay Kristo, mas lalo pa tayong nadadala sa mas malalim na pagkaunawa sa kung ano ang ating papel bilang tagapangalaga. Ang ating papel bilang tagapangalaga ay hindi lamang isang obligasyon sa halip ito ay isang sagradong pagtugon sa dakilang mga biyayang ating tinatanggap, gaya ng naihayag sa pamamagitan ng buhay ni Kristo. Ang lahat ay nalikha sa pamamagitan ni Kristo. Ang lahat ay sa Dios kayat marapat lamang na ito ay mapahalagahan at magamit ng matuwid ayon sa dakila at banal na layunin ng Diyos. Sa ating pagsama-sama sa ating pagsamba sa umagang ito, nawa ay mapaalalahanan tayo na mayroon tayong responsibilidad na pangalagaan ang mundo, kabilang ang mga natural na yaman, at ang lahat ng mga nilikha.

Call to Worship: Doctrine and Covenants 165:1a,c,e

1 a. Community of Christ, a divine vision is set before you. Presented over the years through various inspired phrases and symbols, it is expressed now through initiatives in harmony with Jesus Christ’s mission.

c. Lovingly invite others to experience the good news of new life in community with Christ. Opportunities abound in your daily lives if you choose to see them.

e. Let nothing separate you from this mission. It reveals divine intent for personal, societal, and environmental salvation; a fullness of gospel witness for creation’s restoration.

Hymn of Creation: “Morning Has Broken”   CCS 143

Invocation

Response

Prayer for Peace

Peace Hymn: 184 Kyrie Eleison                   

Light the peace candle.

            Peace Prayer

O Diyos naming panginoon na may akda ng kapayapaan,

Patawarin Mo kami sa tuwing ang kapayapaan ay ipinangangahulugan namin ayon sa bagay na kami ay komportable. Sapagkat pinupuri namin si Jesus bilang manggagamot pero hindi bilang isang tapagsubok o tagapagsanay. Sapagkat sa tuwing kami ay namamangha sa pagtitiis ni Hesus sa krus at pagdaig niya sa kamatayan, nalilimot namin na kami ay pinapalakas at tinatawag upang dalhin ang krus ng hustisiya. Nawa ay hindi lamang kami makontento sa Band-Aid na kapayapaan na itinatago lamang ang sugat at hindi ginagamot ang impeksiyon ng pagiging makasarili, kawalan ng pakialam, at kawalan ng hustisiya. Nawa ang aming mga mata ay maging dilat sa mga pagdurusang nasa aming paligid. Tulungan Mo kaming marinig ang mga nanghihingi ng tulong, anumang lenguwahe o tono nito. Lord, hindi kami natatakot sa pagtawag Mo upang mahanap ang aming mga kaluluwa dahil alam namin sa Iyo ay walang paninisi, kundi pagtatama, pabibigay ng bagong direksiyon, at pagbabago. Bigyan mo kami ng mga dahilan upang magpatuloy na gumawa habang patuloy kaming nananlangin para sa kapayapaan. Nais naming kami ay maging ganap mong disipulo. Gabayan Mo ang aming mga paa sa daang patungo sa kapayapaan, nawa ang iyong pamamaraan ay aming paraan. Pakinggan Mo ang aming mga panalangin O Panginoon. Amen.

            Peace Hymn

Hymn For Our World: 197 ITI KINASANTAC TOY DAGA

Message Based on Colossians 1:11-20

Disciples’ Generous Response

Hymn of Gratitude “Give Thanks” CCS 134

            Activity

Isulat kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng Pangangaisa sa Lupa.

Ipasa ang papel sa katabi ninyo sa kanan.

Pag-nilayan ang nakasulat na kahulugan at maaaring dagdagan o baguhin ito.

Ang unang Earth Day ay ipinagdiwang noong taong 1970. Ito ngayon ay kadalasang ginagawa sa buong mundo tuwing ika-22 ng Abril ng lahat tao anuman ang pinagmulan o nasyonalidad. Ang layunin ng Earth Day ay upang i-promote ang environmental citizenship, isang pangangalampag para sa kamalayan mula sa local at pandaig-digan at upang i-promote ang mga polisiya at gawain para sa pagsuporta sa kalupaan.

Ask Worshiper: Magbigay ng isang bagay na kaya at gusto mong gawin sa araw na ito upang mapaunlad mo ang iyong asal o pag-uugali na maging tagapangasiwa ng kalupaan, tulad ng mga sumusunod;

·       Magtatanim ako ng tatlong puno sa taong ito.

·       Mag-rerecycle ako ng plastic bag.

·       Makikiisa ako sa mga kilusan at susuporta ang mga adbokasiyang pangkapaligiran. Ang misyon ni Kristo ay nagiging posible dahil binibigyan natin ito ng mas maraming panahon, talento, patotoo, at mga yaman. Nagagawa natin ito dahil patuloy din naman tayong pinagpapala ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes and Earth Stewardship Pledges

Hymn: 204 GAGETAN TAY AGTRABAHO

Closing Prayer and Benediction

Postlude 

Friday, November 14, 2025

Make Responsible Choices


 

2 Thessalonians 3:6-13
Additional Scriptures
Isaiah 65:17-25; Isaiah 12; Luke 21:5-19;
Doctrine and Covenants 161:7; 162:7b

 Prelude

Welcome

Inaanyayahan ang lahat para sa ating pagpupuri sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay “Make Responsible Choices” (Gawing Responsible Ang Pagpili), at ang banal na kasulatan para sa araw na ito ay mula sa 2 Tesalonica 3:6-13 kung saan ipinapangaral ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica ang pagsisikap at pamumuhay na nagpapakita ng mga aral ni Kristo. Binigyang diin niya ang pagiging masipag sa pagtatrabaho at pabibigay ng kontribusyon para sa kabautihan ng komunidad.

Ito rin ang ika-limang linggo ng ating Generosity Cycle, na kung saan binibigyan natin ng focus ang Responsableng Paggasta, ang pang-anim sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Ipinapaalala din sa atin ni Pablo na ang pagiging bukas-palad ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay, ito rin ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay, ikinakatawan ang pag-ibig at pagkalinga na siyang umaagos mula sa puso ng Diyos.

Ipindala tayo ng Diyos sa mundong ito upang maging mga buhay na patotoo sa puso ng Diyos. Ngunit kadalasan naiimplwesiyahan tayo at nawawala ng dahil sa ating kultura, na siyang nagpapahirap sa atin upang makapag-focus sa kultura ng kaharian ng Diyos, tulad ng itinuro ni Hesus. Bahagi ng ating buong-buhay na pangangasiwa ay kung papaano gagawa ng mga Responsableng Pagpili kung papaano tayo mamumuhay na may katapatan sa layunin ng Diyos. Inaalala rin ng Diyos ang kalagayan nating pinansiyal at ng ating mga puso – kung anuman ang ating inipon ay siya rin sana nating gagamitin o gagastusin.

Sa ating pagsama-sama sa pagpupuri ngayong umagang ito, nawa ay mapaalalahanan tayo sa mga biyayang ating tinanggap, at ang pagiging bukas-palad ay hindi ito tungkol sa isang bagay na ating ginawa sa halip ito ang pagiging buhay na halimbawa ng ating pananampalataya.

Call to Worship

Can we calculate our giving, placing limits on our praise

when the blessings we are given multiply and grace our days?

Let us share from life’s abundance, God provides enough to spare -

shaken down and pressed together, overflowing everywhere.

—Danny Belrose, “Can We Calculate Our Giving,” CCS 617, Stanza 1

Hymn of Gathering: “Can We Calculate Our Giving” CCS 617

Opening Prayer

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Scripture Reading: Isaiah 65:25

            Song of Peace: 32 NI JESUS NAIMBAG A GAYYEM

Peace Prayer

Panginoong Diyos na Lumikha,

Lubos kaming nagpapakumbaba at lumalapit sa’Iyo na bukas ang mga mata at aming mga puso sa kamalayan ng pagkabukas-palad na biyaya ng Iyong Espiritu. Alam din namin na kailangan namin ng Iyong pagpapatawad dahil sa pagkukulang namin sa bisyon at panahon upang malaman kung papaano namin mapapangasiwaan ang mga biyayang ito. Napakaganda ng aming mundo, ngunit madalas iniiwan namin itong sira-sira dahil sa mali naming paggamit at kawalan ng pagpapahalaga sa mga napakagandang yaman na ito. Ang aming mga relasyon ay napakahalaga sa aming kalagayan, na kung minsan hindi namin nabibigyan ng pansin dahil kami ay abala na humahantong sa pakawala ng Iyong mga anak.  

Sa bagyo at kawalan ng kasiguruhan sa aming mga buhay, kami ay tumatawag mula sa pag-ibig mong walang hanggan at pagkalinga sa Iyong mundo. Alam namin nariyan ka para sa madidilim na pagkakataon sa amin buhay. Ang Iyong Espiritu ay tinutulungan kaming makita ang mas malinaw mong pangitain kung sino kami at kung ang kahihinatnan namin. Kami ay lumalago sa aming mga pagkaunawa sa tawag sa amin na gumawa ng ligtas na matutuluyan ng mga nanganganib sa mundo – at ramdamin sa kailaliman ng aming mga kaluluwa ang pagnanais sa relasyong may pagkalinga, pagsuporta at pag-aalaga.  

Pagpalain Mo kami aming dakilang lumikha, sa aming pag-aalay ng aming aming mga sarili na makibahagi sa paglikha ng bagong mundong may awitin ng pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan. Ito ang dalangin namin sa dakilang pangalan ng tagapamayapa, Amen.

                                                            —Helen Lents, October 24, 1995, adapted.

 

Scripture Reading: 2 Thessalonians 3:6-13

Message Based on 2 Thessalonians 3:6-13

Hymn of Reflection:

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7b

Statement

Choose Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship states: “Part of our whole-life stewardship is making Responsible Choices about how we live our lives so we are faithful to God’s purposes. The culture we live in influences our choices. Similarly, our choices influence the world around us…Sometimes we need to make decisions that are counter to what our particular culture promotes if we are faithful in living as disciples following Jesus Christ…”

Piliin ang Pagkabukas-palad: Sinasabi mula sa “Alamin Ang Buong-buhay Na Pangangasiwa”: Bahagi ng ating buong-buhay na pangangasiwa ay ang paggawa ng mga Responsableng Pagpili sa kung papaano tayo mamuhay upang ang ating buhay ay maging tapat sa layunin ng Diyos. Ang kinabubuhayan nating kultura o nakagawian ay nakakaimpluwensiya sa ating mga disisyon o pagpipili. Gayundin na ang ating mga pinipili ay nakakaimpluwensiya sa mundong nasa paligid natin… Minsan kailangan nating gumawa ng mga desisyon na sumasalungat sa mga nakaugalian o kultura natin kung tayo ay magiging matapat sa pamumuhay sa pagsunod kay Hesus bilang mga alagad ni Kristo…”

Activity

·       Maghanda ng isang container o lalagyan ng tubig at ilagay sa lamesa at lagyan ng tubig hanggang sa kalahati nito.

·       State: “Madalas pinupuno natin ang ating buhay sa mga bagay-bagay”

·       Simulang maglagay ng mga mani sa tubig at haluhaluin ang tubig. Mapapansing maihahalo ang mga ito sa tubig.

·       State: “Ngunit kadalasan, sa paglalagay natin ng mga bagay-bagay sa ating buhay tila ito’y walang saysay at kinahihinatnan.”

·       Ipagpatuloy ang paglalagay ng mga mani sa tubig at paghahalo dito.

·       Ask: “Bakit kaya sa palagay natin naniniwala tayo na ang pag-iipon ng mga bagay-bagay ay makapagbibigay ito sa atin ng siguridad.”I-encourage ang bawat isa na makibahagi sa diskusyon.

·       Hilingin ang sinomang gustong magbahagi ng isang aspeto o bahagi ng kanilang buhay na kung saan maaari nilang mai-apply o magamit ang Paggawa Ng Responsableng Pagpipili. Pagkatapos ng reflection, maaaring magpatuloy para sa Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn : 60 TINGLEM NALAING TA DILAM

Benediction

Sending Forth: Doctrine and Covenants 161:7

The Spirit of the One you follow is the spirit of love and peace. That Spirit seeks to abide in the hearts of those who would embrace its call and live its message. The path will not always be easy, the choices will not always be clear, but the cause is sure and the Spirit will bear witness to the truth, and those who live the truth will know the hope and the joy of discipleship in the community of Christ. Amen.

Postlude

Friday, November 7, 2025

Hold Fast to God’s Vision

 
SERMON GUIDE

Preparation:

Maghanda ng ballpen at papel para sa lahat na magagamit sa DGR.

Welcome

Inaanyayahan tayo para sa ating pagpupuri sa araw na ito. Nagkatipon-tipon tayo sa presensiya ng ating mapagmahal at mapagpalang Dios. Ang ating tema sa araw na ito ay “Hold Fast to God’s Vision”, Manatili sa Layunin o Bisyon ng Diyos, at ang ating Banal na Kasulatan ay hango mula sa aklat ng 2 Tesalonica 2:1-5, 13-17. Sa kasulatang ito maririnig natin ang isang napakagandang paala-ala tungkol sa pag-ibig at pagpapala ng Diyos gayon din ang kanyang pagtawag upang tayo ay mamuhay sa ating pag-asa sa misyon ni Kristo na maaaring mabago ang mundo para sa pangitain ng Diyos ng Shalom.

Gayon din naman na sa araw na ito ang ika-apat na linggo ng ating Generosity Cycle na focus na (Saving Wisely) mag-impok ng may karunungan, ang ika-lima sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Gaya ng nasasaad sa Sharing in Community of Christ, nakikibahagi tayo sa isang kinabukasan: “Ang ating bukas ay punong-puno ng mga posibilidad, mga dapat pagdaanan, at pag-asa sa ating pagpapatuloy na pagsunod sa paggabay ng Diyos, na gumabay sa Iglesia mula pa noong una.” Kung tayo ay magiging mabuti sa pangangalaga ng ating mga ari-arian, magiging marunong sa pag-iipon at pagpapahagi sa mga ito, tayo ay nakakatulong upang maihanda ang maganda at puno ng pag-asa sa kinabukasan.

Sa ating pagsama-sama sa pagpupuri sa umagang ito, nawa ay mapaalalahanan tayo na tumanggap tayo ng pagpapala ng Diyos at ngayon binigyan tayo ng pagkakataon na maibahagi ang mga ito sa iba, mayroon din tayong pagkakataon na mabago ang ating sarili at matulungan tayong manatili sa bisyon ng Diyos para sa Shalom.

Call to Worship: Psalm 145:1, 3a, 21
Ako ay magpupuri sa inyo, aking Diyos at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman. Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.

Hymn of Praise: 123  AGSAGANA TAY’ SUMABET TI APO

Opening Prayer:

Response

Disciple’s Generous Response

Statement:

Ang (Consumerism) o labis na pagkunsumo ay makikita sa halos lahat ng mga makabago at modernong pamayanan. Ibinabahagi ni Apostle Catherine Mambwe ang kwento ni Stella, isang biyudang babae na sa kabila ng kanyang kahirapan ay nagagawa parin niyang magkapagtabi. Sa panulat ni Apostle Catherine, “Dahil sa pag-iipon ni Stella, mas nagiging disiplinado siya sa paggamit ng mayroon sa kanya lalo na sa mga importanteng bagay.

Activity:

* Gumawa ng isang listahan ng mga bagay na madalas o kaya halos hindi mo na nagagamit, na sa tingin mo ito ay nakasama pa sa iyo o kaya nasisiyahan ka dito, o masaya ka parin kahit wala ito.
* Ngayon, tantiyahin mo kung magkano ang halagang iyong ginastos sa mga ito.
* Hayaang makalahok ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bagay na gusto nilang bilhin ngunit maaaring hindi naman kailangan.

Ang turo sa atin ni Jesus ay kailangang gamitin natin ang mga ipinagkaloob sa atin upang papurihan ang Diyos, kahit na sa tingin natin ay mas maliit ito kaysa iba. Itinuro din niya na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa ating kapuwa sa pamamagitan ng pagtulong maging sa pisikal nilang pangangailangan.

* Ano kaya ang maaaring mangyari kung ang halaga ng lahat ng nasa ating listahan natin o kung hindi man yung halaga ng kahit tig-isa tayo sa ating listahan ay ating ipagkakaloob para sa taong ito?

Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Generosity: 618 We Lift Our Voices

Scripture Reading: 2 Thessalonians 2:1-5, 13-17

Ministry of Music

Message Based on 2 Tesalonica 2:1-5, 13-17

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Responsive peace prayer

Leader: "Community of Christ," ang inyong pangalan, ibinigay bilang isang banal na pagpapala, na siyang inyong pagkakakilanlan at tawag.

People: Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan.

Leader: Si Hesu-Kristo na kumakatawan sa Shalom ng Diyos, inaanyayahan ang lahat ng tao upang lumapit at tanggapin ang banal na kapayapaan sa gitna ng mga katanungang napakahirap sagutin at sa mga pagsubok sa buhay.

People: Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan.

Leader: Sundan si Kristo sa daang patungo sa kapayapaan ng Diyos at nang mahanap ang mga pagpapala sa lahat ng dimensiyon ng kaligtasan.

People: Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan.

Leader: Higit sa lahat, sikaping manatili at tapat sa bisyon ni Kristo sa mapayapang kaharian ng Diyos dito sa lupa.

People: Tinawag tayo upang itaguyod ang kapayapaan.

All: O Panginoon naming Diyos, ipagkaloob mo sa amin ang pananaw para sa iyong kapayapaan. Sumasa-amin ka nawa sa aming pasisikap para sa kapayapaan dito at para sa lupa. Amen.

Closing Hymn: CCS 260 Rain Down

Closing Prayer:

Sending Forth: 2 Tesalonica 2:16-17

Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan. Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.

Go in peace.

Postlude

Saturday, November 1, 2025

Welcome Jesus

 


Prelude

 Hymn Celebrating All Saints’ Day

 All Saints’ Day

Para sa kalendaryo ng mga kristiano, ang unang araw ng Nobyembre ay tinaguriang araw upang alalahanin ang mga santo – araw ng mga naging tapat na disipulo, sa nakaraan at kasalukuyan, sa mga nag-alay ng kanilang mga panahon, talento, patotoo at yaman sa mga komunidad ng mga Kristiano, upang ang lahat ay pagpapalain. Sa mga mahahalagang tao para sa iyo na siyang gumabay at naging kasama mo sa iyong kristianong paglalakbay? Maaaring sila yung mga alagad noong unang panahon. Sa ilang sandal, isipin kung ano ang mga naging epekto nito sa’yo. Pause

Hayaan nating tayo’y mapalibutan ng mga santong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa kanilang pangalan, tulad ng isang “kaibigan”, sa isang espasyong nakahanda.

Magbigay ng sapat na panahon upang ang lahat ay makalapit sa harapan upang isulat ang pangalan ng kanilang nais isulat.  

 We Continue in Worship

Tayo ay malugod na tinatanggap sa araw na ito ng Lahat ng mga Banal gaya ng mga nakatala dito. Ang tema natin ngayon ay ang Tanggapin si Hesus, at ang ating banal na kasulatan ay mula sa Lucas 19:1-10. Ito ang kuwento ni Zakeo, isang maniningil ng buwis na, sa kabila ng kanyang katayuan sa lipunan, ay naantig ng pagmamahal at pagtanggap ni Hesukristo. Bilang resulta ng pakikipagtagpong ito, ang puso ni Zakeo ay naantig upang magbahagi na may bukas-palad sa mga nangangailangan.

Tulad ni Zakeo, tayo ay tinawag upang yakapin ang diwa ng pagkabukas-palad sa ating buhay. Sa isang mundong kadalasang puno ng pansariling interes at materyalismo, sinisikap nating tularan ang halimbawang ipinakita ni Kristo, na nagbigay nang walang pag-iimbot at sagana. Ngayon din ang ikatlong linggo ng Generosity Cycle kung saan tayo ay nakatuon sa Share Generously, ang ikaapat na prinsipyo ng Bukas-palad na Tugon ng isang Disipulo. Ipinapaalala nito sa atin na ang pagbibigay ng ikapu ay isang espirituwal na gawain. Ito ay isang regalo ng pasasalamat sa Diyos bilang tugon sa mga bukas-palad na kaloob ng Diyos sa atin. Kapag ibinabahagi natin ang ating mga ikapu, maaaring magpalaganap ang simbahan ng kagalakan, pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan sa buong mundo upang maranasan din ng iba ang pagkabukas-palad ng Diyos.

Sa ating sama-samang pagsamba ngayon at pakikibahagi sa Komunyon, nawa'y mabuksan ang ating mga puso sa kuwento ni Zakeo at gayon din ang ating mga mata sa Siyang tumatawag sa atin upang italaga ang lahat ng ating pagkatao at ang sa lahat ng mayroon tayo upang itayo ang mapayapang kaharian Diyos.

Scripture Lesson: Luke 19:1-10

Hymn of Invitation: CCS 276  “All Are Welcome”  Stanzas 1, 3, and 5         

Prayer of Invitation

Response

Focus Moment

Ministry of Music or Congregational Hymn

Message Based on Luke 19:1-10

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7a

Statement

Habang isinasagawa natin ang buong-buhay na pangangasiwa, ginagamit natin kung ano ang kinakailangan  upang makapagbigay ng mabuti at balanseng buhay para sa ating sarili at sa ating mga pamilya. Tinitiyak natin na itinitira at ginagamit lamang natin ang ating kailangan upang maibigay natin ang pinakamahusay sa Diyos. Ang buong-buhay na pangangasiwa ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga unang bunga. Ito ay tungkol sa pamumuhay sa unang bunga.”

Choose Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship

Ang sumusunod ay mula kay Pangulong Steve Veazey: “Ang katawan ni Kristo ay higit pa sa limitasyon o hangganan ng lokal, panlipunan, pang-ekonomiya, kultura, at pambansa. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto, ‘…ito ay isang usapin ng patas na pagbalanse sa pagitan ng inyong kasalukuyang kasaganaan at ng kanilang pangangailangan.’” 

Hindi tayo dapat nagpapatali sa mga partikular na pamamaraan o proseso para sa pangongolekta at pamamahagi ng mga Ikapu para sa Misyon. Ang mahalaga ay kung paano natin pauunlarin ang mga alagad na may layuning pangasiwaan ang kanilang mga tungkulin at nauunawaan na ang pinansyal na pagsuporta sa misyon ni Kristo ay sa kanilang kapwa bilang isang indibidwal at sa pangkalahatan ng komunidad.

Choose Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship

    Focus Moment

Maaaring gawin ang aktuwal na demonstrasyon para sa mas epektibong obserbasyon.
Demonstrasyon: Ang epekto ng pinagsama-samang pagbibigay – the ripple effect.
·       Isiping mayroon tayong isang planggana ng tubig dito sa harapan.
·       Halimbawang maglalagay tayo ng paisa-isa ng maliliit na bato, then medyo malalaking bato, pagkatapos mga malalaking bato naman. Sa paglalagay natin ng ibat-ibang laki at hugis ng bato ano kaya ang mangyayari sa tubig na nasa planggana.  
·       Halimbawang minsanan naman nating ilagay ang mga bato, ano kaya ang mangyayari?
·       Papaano kaya lalago ang kaloob ng bawat isa kapag ito ay ibinahagi sa isang komunidad?

Blessing of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Mapagpalang Diyos,
Pagpalain Mo ang aming pagbibigay at pagtanggap.
Bawat isa sa amin ay maaari niyang gawin ang kanyang bahagi o parte –
ang magbigay ng dahil sa pagbibigay,
itoy kusang aagos mula sa mapagpalang puso. Amen.

 Receiving of Oblation, Local, and Worldwide Mission Tithes

 Sacrament of the Lord’s Supper

 Prayer for Peace

Ring a bell or chime three times slowly.

Light the peace candle.

O Panginoon, na aming Diyos, lumalapit kami sa Iyo nang may papuri at pasasalamat para sa kagandahan ng mundong iyong ginawa. Lubos kaming nagpapasalamat sa walang hanggang awa at biyaya na ipinagkakaloob mo sa amin bilang bahagi ng iyong mga nilikha. Nakikita mo ang kahalagahan ng bawat isa sa amin. Patawarin mo kami kung hindi namin naaabot ang potensyal o kakayanang Iyong ipinagkatiwala sa amin.

Tulungan Mo kaming maging mas mapagmalasakit sa mga pangangailangan ng mga nasa paligid namin—mga pangangailangang matutugunan namin bilang Iyong mga kamay kung maglalaan kami ng oras upang hanapin Ka at magiging handa kaming kumilos nang may pananampalataya. Dalangin namin na kami ay maging mga instrumento ng kapayapaan sa isang magulong mundo. Dalangin namin na ang mga pinuno ng lahat ng mga bansa—nawa'y naisin nila ang kapayapaan, nawa'y maliwanagan sila sa mga paraan na makapagdudulot ng kapayapaan, nawa'y isantabi nila ang kasakiman at pansariling interes.

Hinihiling namin na Iyong pag-ibig at galak ay hipuin ang aming mga kaluluwa. Dalangin namin sa buong mundo ang pagbabago para sa tapang, mas pinalakas, at pagbuhos ng Iyong Espiritu upang ang aming pagiging alagad ay magdulot ng positibong impluwensiya. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Communion Scripture Reading: Matthew 26:26-29

 Find Meaning in Communion

Maglaan ng pagkakataon para sa dalawa na maaaring magbahagi ng kanilang tesimonyo tungkol sa kahulugan ng Communion sa kanilang buhay.

Hymn of Preparation to Communion

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang banal na hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo. Sa Community of Christ, isa rin itong pagkakataon upang mapanibago ang ating bautismo at pakikipagtipan na siyang nabuo sa atin bilang mga tagasunod ni Kristo na ipinamumuhay ang kanyang misyon. Tayong lahat ay inaanyaya na gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessing and Serving of Bread and Wine      

Pastoral Prayer

Closing Hymn : “Lord Prepare Me”   Sing twice. CCS 280

Sending Forth: Doctrine and Covenants 163:9

Ang mga tapat na disipulo ay tumutugon sa lumalaking kamalayan sa masaganang pagkabukas-palad ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ayon sa mga nais ng kanilang mga puso; hindi dahil sa ito ay isang utos o napipigilan. Lumaya sa mga tanikala ng kultura at nakagawian na pangunahing nagtataguyod ng pansariling interes. Magbigay nang sagana ayon sa iyong tunay na kakayahan. Ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan ay naghihintay sa mga lumalago sa biyaya ng pagkabukas-palad na dumadaloy mula sa mga pusong mahabagin nang walang iniisip na kapalit. Ito ba ay naiiba pa sa nasasakupan ng Diyos, na walang hanggang nagbibigay ng lahat para sa kapakanan ng sangnilikha?

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...