Saturday, December 27, 2025

Seeking Home


Mateo 2:13-23

Prelude

Welcome

Call to Worship Responsive Reading

Leader: Purihin ang Panginoon! Purihin ang Panginoon mula sa langit; purihin Siya mula sa kaitaasan!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng lahat ng mga anghel, purihin siya ng lahat mga lingkod!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng araw at ng buwan; purihin siya ng lahat ng mga bituwin!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng katas-taasang langit at ng tubig sa ibabaw ng langit!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Nawa’y papurihan ang Kanyang pangalan, sapagkat sila’y nalikha ng Kanyang iutos ito. At sila’y Kanyang ilalagak magpakailanman.

Congregation: Purihin ang Panginoon!

-          Based on Psalm 148

Song of Praise: 23 NAPNOAN RAGSAC

Invocation

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Prayer

Mapagmahal at maawaing Diyos,

Kami ay naririto ngayon na may pananampalataya, pag-asa at pagtitiwala upang ipagdiwang ang Batang Kristo na Siyang ipinanganak para sa bawat isa sa amin. May mga pagkakataon O Dios na ikaw ay aming nasusumpungan sa bawat karanasang banal na lumalagablab sa amin, o kaya sa mga awitin ng mga anghel, o sa takot na dala-dala ng malamig na hangin. Nararanasan namin ang Iyong kabanalan sa lahat ng dako sapagkat ikaw ay nasa sa amin, sa aming paligid at bahagi ka ng lahat ng bagay sa lahat ng dako. Nasusumpungan namin ang iyong kapayapaan kapag nararamdaman naming ang Iyong presensiya. Nakakatagpo ka namin sa mga sangtuaryo ng Iyong kapayapaan at nakakasama ka naming sa aming mga pagdiriwang.

Dakilang Dios na Lumikha, naririto kami na may pag-asa sa aming pagdiriwang sa kapanganakan ni Jesus. Pinili namin ang lugar na ito upang ikaw ay pasalamatan. Pinili naming ikaw ay pasalamatan dahil ito ang alam naming paraan ng pagpapakumbaba, na ito ay sa pamamagitan ng pagsasabing “Salamat sa Iyo.”  Nakikita namin ang banal at dakila Mong pagpapala sa pamamagitan ng Batang Kristo, na kami ay marapat na mabuhay ng walang hanggang pasasalamat.

Kaming lahat ay tila mga panauhing manlalakbay, pinatibay sa pamamagitan ng iyong kaloob na siya naming tinanggap. Hindi namin hahayaan na man tatalo sap ag-ibig na naririto sa lugar na ito. Sa halip, pipiliin namin ang biyaya, malaya at walang hangganang pagmamahal, ang pagpapala ng buhay ay nasa lahat ng dako sa pangalan ng batang Kristo. Sa ating pagpili at pagbibigay, ibinabahagi natin ang pasasalamat sa mundo.

At ngayon O Dios, kami ay nakarating ng matatag upang hanapin ang batang nakahiga sa sabsaban, dala ang biyaya mula sa Iyong Liwanag at pag-ibig. Kami ay lumuluhod sa Iyo na may pagpapakumbaba sapagkat alam namin nalalapit na ang pagbabago ng mundo. Sa pangalan ni Jesus, na Siyang may kapayapaan. Amen.

Scripture Reading: Mateo 2:13-23

Song of Confession and Thanksgiving:

581 I’m Gonna Live So God Can Use Me

Proclamation Message based on Mateo 2:13-23

Ministry of Music or Congregational Hymn

Disciples’ Generous Response

What Can I Give?

What can I give him,
poor as I am?
If I were a shepherd,
I would bring a lamb;
if I were a wise man,
I would do my part;
yet what can I give him:
give my heart.

Ibahagi ang karanasan sa tuwing nagtataka ka kung ano ang maaari mong ibigay?

Blessing and Receiving of Mission Tithes

Song of Commitment: CCS 409 Go Tell it on the Mountain

Closing Prayer

Sending Forth

Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang kaligtasan mula sa mapagpalang umaga ng paskong iyon… Si Kristo ay naririto ngayon sa atin!

Postlude

Friday, December 12, 2025

The Promise of Joy


Preparation

Ihanda ang apat na kandila ng adbiento.

Prelude

Welcome and Sharing of Community Joys and Concerns

Call to Worship Salmo 146:5-10

Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa. 6Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan. 7Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran. 8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. 9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha. 10Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan.

Hymn of Praise: Ang Pasko ay Sumapit

Invoation

Light the Advent Candle of Joy

Statement

Sa araw na ito sisindihan natin ang kandila ng adbiento para sa kagalakan (Joy). Ang kagalakan ay ang nagpapatuloy na kaganapan ng biyaya ng Diyos dito sa mundo. Ang kagalakan ay nagbibigay ginhawa, nagpapalakas at gumigising ng buhay. Ito ang nagpapatunay na minamahal tayo, mayroon tayong layunin, at hindi tayo nagiisa. Ang kagalakan ay bumubusilak sa mundo tulad ng liwanag ng isang kandila na nasa gitna ng kadiliman.

 Light the candle of Joy.

Advent Responsive Prayer

Leader: Panginoong Diyos, itinataan namin sa Iyo ang panalanging ito para sa adbiento:

All: Upang nawa kami ay maghihintay sa Iyong kagalakan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay makita namin ang kagalakan sa aming mga tahanan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay mapalawig pa namin ang kagalakan sa aming kalooban.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay madala namin ang Iyong kagalakan para sa iba.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa kami ay mamumuhay sa liwanag ng Iyong kalooban.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)

Amen.

Hymn of Advent Joy: CCS 427 Hark the Herald Angels Sing

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 161:1b

b. Claim your unique and sacred place within the circle of those who call upon the name of Jesus Christ. Be faithful to the spirit of the Restoration, mindful that it is a spirit of adventure, openness, and searching. Walk proudly and with a quickened step. Be a joyful people. Laugh and play and sing, embodying the hope and freedom of the gospel.

Prayer

Mapagmahal naming Diyos,

Habang pinaninilayan namin ang kahulugan ng Christmas at ang napakagandang regalo mo sa amin na Iyong anak na si Jesus nawa ay patuloy din naming pinagninilayan ang kabanalan ng Iyong kaloob dito sa mundo at sa aming mga puso sa lahat ng mga nagdaang taon.

Nawa ang pag-ibig at kagalakang ito ay tatagos at mananahan sa aming pagkatao na siyang magbibigay sa amin ng pag-asa...pag-asa para sa mas maliwanag na bukas na siyang magdadala sa amin ng kapayapaan;

KAPAYAPAAN para sa mundo, sa aming bansa, sa aming komunidad

KAPAYAPAAN para sa aming mga kongregasyon, sa malapit man o sa malayo.

KAPAYAPAAN para sa aming mga pamilya at mga kaibigan

KAPAYAPAAN para sa mga mahihirap, sa mga walang matutuluyan at sa mga pinagmamalupitan

KAPAYAPAAN para sa aming mga sarili... nawa ang KAPAYAPAANG ito ay magsisimula mula amin... tulad nga mga salita mula sa himno

Kami ay makikipagsaya sa Iyo habang binubuo namin ang aming mga komunidad.

Komunidad ng KAGALAKAN, PAG-ASA, PAG-IBIG, at KAPAYAPAAN, sa panalangin, musika, banal na kasulatan at aming araw-araw na pamumuhay.

Nawa ay lalo mo pa kaming ilapit sa piling ng Iyong presensiya, at gawin mo kaming malikhain para sa Iyong gawain upang kami'y makapaglingkod sa Iyo ng may kagalakan.

Sa pangalan ng prinsipe ng kapaypaan ito ang aming dalangin.

Amen.

Scripture Reading: Isaias 35:1-10

Ministry of Music or Congregational Hymn

Message based on Isaias 35:1-10

Hymn of Gratitude: CCS 420 Star Child

Disciples Generous Response

Statement

Itinataguyod ng Community of Christ ang isa sa mga Enduring Principles nito na Grace and Generosity. Ibig sabihin nito ang lubos na biyaya ng Diyos ay makikita sa pagkakaloob Niya ng kanyang bugtong na anak na Jesu-Kristo, isang bukas-palad na biyaya na walang anumang kondisyon. Itoy nangangahulugan na tinanggap natin ang biyaya ng Diyos, at tayo'y tutugon din ng may pagkabukas palad at tatanggapin din natin ang biyaya mula sa ating kapuwa. Gayon din na ang ibig sabihin pa nito ay ini-aalay natin ang lahat ng sa atin para sa layunin ng Diyos na siyang makikita kay Jesu-Kristo. Ibig sabihin ibahagi natin ang ating mga patotoo o testimonies, ang mga bagay na mayroon tayo, ministeryo/ministries at sakramento na ang mga ito ay mula sa totoo nating kakayanan at kapasidad.

Sa pagtugon natin sa nakita at nalaman nating biyaya at pagkabukas palad ng Diyos, mayroon tayong pagkakataon upang tumugon ng may kagalakan sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba, sa simbahan at sa kalupaan na tayo'y nagpapasalamat sa lahat ng ginawa ng Diyos sa atin. Paano ka nga ba magbabahagi ng may pagkabukas-palad sa Diyos?

Blessing and Receving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: CCS 408 Joy to the World

Sending Forth

Now have we not reason to rejoice? …our joy is carried away for God has all power, all wisdom, and all understanding. This is our joy, and great thanksgiving. We give thanks to our God for ever. Rejoice! —Alma 14:123, 124, 128, adapted

Postlude


Saturday, December 6, 2025

The Promise of Peace

Ti Kari iti Kappia

Welcome

Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Isaias na kung inilalarawan nito ang ilang mga hayop na payapang nagsasama-sama kasama isang bata. Ipinapaalala sa atin nito ang ating logo o seal sa Community of Christ na binubuo ng isang imahe ng leon, karnero at ng isang bata na may salitang kapayapaan “peace” isa ibaba nito. Patuloy na ang focus ng Community of Christ ay ang kapayapaan. Ang pagpupursigi para sa kapayapaan (Shalom) ay isa sa mga Enduring Priciples nito. Ipinapaalala nito sa atin na kailangan nating kumilos at magbahaginan sa kapayapaan ng Diyos at sa isat-isa. Ninanais natin ang isang mapayapang mundo para sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan tayo sa araw na ito na magpatuloy sa pasusumikap na maging taong mapayapa na ibinabahagi ang kapayapaan ni Jesu-Kristo sa iba.

Scripture Reading: Isaiah 11:1-10 The Peaceful Kingdom (Divide the scriptures for three readers)

Advent Hymn: CCS 404 Canticle of the Turning

*Invocation

Response (Music Ministry)

Lighting of the Advent Candle of Peace

Statement

Sa araw na ito sisindihan natin ang isa sa mga kandila ng Adbiento na sumisimbolo ng kapayapaan. Ang kapayapaan ay nagpapakita ng pagiging ganap sa piling ng Diyos, maging sa ating mga puso at sa ating mundo. Sa ating paghahangad ng pakakaunawaan at hustisiya para sa mga wala nito at gayon din sa pagsisikap nating mabawasan ang takot at karahasan na siyang naghihiwa-hiwalay sa mga tao, ipinapanganak ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay tila isang liwanag nagbibigay ginhawa sa gitna ng kadiliman.

Light the candle of peace.

Advent Responsive Prayer

Leader: Panginoong Diyos itinataas namin sa Iyo ang panalanging ito ng Adbiento:

All: Upang nawa kami ay manatiling naghihintay ng iyong kapayapaan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All:  Na nawa ay makita namin na ang kapayapaan ay siyang aming magiging tahanan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay mapaunlad namin ang kapayapaan sa aming kalooban.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay maidala namin ang kapayapaan para sa iba.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa kami ay mamumuhay sa liwanag ng Iyong kapayapaan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

Amen

Advent Peacemakers’ Hymn: CCS 402 Peace Child

Advent Communion Message Based on Isaias 11:1-10

Hymn of Peace: 52 PAGTALCAC NI JESUS

Sacrament of the Lord’s Supper

            Hymn of Prepartion: 140  ITDEM TI TINAPAY TI BIAG

Invitation to Communion

Blessing and Serving of Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture: Doctrine and Covenants 163:3a-b

3 a. You are called to create pathways in the world for peace in Christ to be relationally and culturally incarnate. The hope of Zion is realized when the vision of Christ is embodied in communities of generosity, justice, and peacefulness. b. Above all else, strive to be faithful to Christ’s vision of the peaceable Kingdom of God on earth. Courageously challenge cultural, political, and religious trends that are contrary to the reconciling and restoring purposes of God. Pursue peace.

Statement

Ang pagbabahagi sa kapayapaan ni Jesu-Kristo ay kasama dito ang pagiging generous at masinsinang pagbabahagi ng patotoo, minsteryo, sakramento at pamumuhay sa komunidad na siyang nag-uugnay at nagpapanumbalik sa tama at mabuting relasyon sa Diyos, sa kanyang sarili, sa kapuwa at sa buong nilikha. Ang holistic na pamamaraang ito sa paghahayag at pagpapakita ng pagiging tapat sa Magandang balita ang siyang ating buong pagkaunawa natin sa layunin ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: 178 O NAMNAMA

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Prayer

Panginoong Diyos ng buong kalupaan at ng lahat ng tao sa lupa, nawa ay sumasa-amin ka sa aming pananalangin para sa kapayapaan. Nawa ang Espiritu ng pagkakaunawaan ay dadaloy tulad ng isang tubig na lalaganap sa lahat ng kapangyarihang political. Nawa ang makapangyarihang tubig ng pagmamahal ng Diyos ay bibinyagan nito ang mga pusong balisa. Nawa ay gamitin tayo ng Diyos upang basagin ang mga pader ng pagkatakot at pagkakaila. Nawa kami ay gumawa sa halip na sumisira. Nawa ikaw O Diyos ang aming magiging lakas na sa halip na kami nagtitiwala lamang sa aming sarili. Nawa kami ay palakasin sa pamamagitan ng malikhaing kapangyahiran mo O Diyos na siyang magdadala sa amin mula sa takot patungo sa pagtitiwala. Nawa kami ay maging mga manggagawa ng kapayapaan mo O Diyos. Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Jesus. Amen.

 Sending Forth

Go, bring Peace. Live Peace. Share Peace and be Peace.

Postlude

Come and Listen

  Umaykayo ket Dumngeg Genesis 25:19-34; Psalm 119:105-112; Romans 8:1–11 SERMON GUIDE Prelude  Welcome and Sharing in Community  ...