The Promise of Joy
Preparation
Ihanda ang apat na
kandila ng adbiento.
Prelude
Welcome and
Sharing of Community Joys and Concerns
Call to
Worship Salmo 146:5-10
Pagbubulay-bulayan
ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga
gawa. 6Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga
gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan. 7Ipamamalita nila ang
katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa
inyong katuwiran. 8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling
magalit at sagana sa pagmamahal. 9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat;
nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha. 10Pasasalamatan kayo,
Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na
mamamayan.
Hymn of Praise:
Ang Pasko ay Sumapit
Invoation
Light
the Advent Candle of Joy
Statement
Sa araw na ito sisindihan natin ang
kandila ng adbiento para sa kagalakan (Joy). Ang kagalakan ay ang nagpapatuloy
na kaganapan ng biyaya ng Diyos dito sa mundo. Ang kagalakan ay nagbibigay
ginhawa, nagpapalakas at gumigising ng buhay. Ito ang nagpapatunay na minamahal
tayo, mayroon tayong layunin, at hindi tayo nagiisa. Ang kagalakan ay
bumubusilak sa mundo tulad ng liwanag ng isang kandila na nasa gitna ng
kadiliman.
Light the candle of Joy.
Advent Responsive
Prayer
Leader: Panginoong
Diyos, itinataan namin sa Iyo ang panalanging ito para sa adbiento:
All: Upang nawa
kami ay maghihintay sa Iyong kagalakan.
Leader: Pakinggan
Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)
All: Na nawa ay
makita namin ang kagalakan sa aming mga tahanan.
Leader: Pakinggan
Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)
All: Na nawa ay
mapalawig pa namin ang kagalakan sa aming kalooban.
Leader: Pakinggan
Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)
All: Na nawa ay
madala namin ang Iyong kagalakan para sa iba.
Leader: Pakinggan
Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)
All: Na nawa kami
ay mamumuhay sa liwanag ng Iyong kalooban.
Leader: Pakinggan
Mo nawa ang aming panalangin O Panginoon. (pause for a moment of silence)
Amen.
Hymn of Advent
Joy: CCS 427 Hark the Herald Angels Sing
Prayer
for Peace
Light the peace candle.
Scripture Reading: Doctrine and Covenants
161:1b
b.
Claim your unique and sacred place within the circle of those who call upon the
name of Jesus Christ. Be faithful to the spirit of the Restoration, mindful
that it is a spirit of adventure, openness, and searching. Walk proudly and
with a quickened step. Be a joyful people. Laugh and play and sing, embodying
the hope and freedom of the gospel.
Prayer
Mapagmahal naming Diyos,
Habang pinaninilayan namin ang kahulugan
ng Christmas at ang napakagandang regalo mo sa amin na Iyong anak na si Jesus
nawa ay patuloy din naming pinagninilayan ang kabanalan ng Iyong kaloob dito sa
mundo at sa aming mga puso sa lahat ng mga nagdaang taon.
Nawa ang pag-ibig at kagalakang ito ay
tatagos at mananahan sa aming pagkatao na siyang magbibigay sa amin ng
pag-asa...pag-asa para sa mas maliwanag na bukas na siyang magdadala sa amin ng
kapayapaan;
KAPAYAPAAN para sa mundo, sa aming bansa,
sa aming komunidad
KAPAYAPAAN para sa aming mga kongregasyon,
sa malapit man o sa malayo.
KAPAYAPAAN para sa aming mga pamilya at
mga kaibigan
KAPAYAPAAN para sa mga mahihirap, sa mga
walang matutuluyan at sa mga pinagmamalupitan
KAPAYAPAAN para sa aming mga sarili...
nawa ang KAPAYAPAANG ito ay magsisimula mula amin... tulad nga mga salita mula
sa himno
Kami ay makikipagsaya sa Iyo habang
binubuo namin ang aming mga komunidad.
Komunidad ng KAGALAKAN, PAG-ASA, PAG-IBIG,
at KAPAYAPAAN, sa panalangin, musika, banal na kasulatan at aming araw-araw na
pamumuhay.
Nawa ay lalo mo pa kaming ilapit sa piling
ng Iyong presensiya, at gawin mo kaming malikhain para sa Iyong gawain upang
kami'y makapaglingkod sa Iyo ng may kagalakan.
Sa pangalan ng prinsipe ng kapaypaan ito
ang aming dalangin.
Amen.
Scripture Reading:
Isaias 35:1-10
Ministry of Music
or Congregational Hymn
Message based on
Isaias 35:1-10
Hymn of Gratitude:
CCS 420 Star Child
Disciples
Generous Response
Statement
Itinataguyod ng Community of Christ ang
isa sa mga Enduring Principles nito na Grace and Generosity. Ibig sabihin nito
ang lubos na biyaya ng Diyos ay makikita sa pagkakaloob Niya ng kanyang bugtong
na anak na Jesu-Kristo, isang bukas-palad na biyaya na walang anumang
kondisyon. Itoy nangangahulugan na tinanggap natin ang biyaya ng Diyos, at
tayo'y tutugon din ng may pagkabukas palad at tatanggapin din natin ang biyaya
mula sa ating kapuwa. Gayon din na ang ibig sabihin pa nito ay ini-aalay natin
ang lahat ng sa atin para sa layunin ng Diyos na siyang makikita kay
Jesu-Kristo. Ibig sabihin ibahagi natin ang ating mga patotoo o testimonies,
ang mga bagay na mayroon tayo, ministeryo/ministries at sakramento na ang mga
ito ay mula sa totoo nating kakayanan at kapasidad.
Sa
pagtugon natin sa nakita at nalaman nating biyaya at pagkabukas palad ng Diyos,
mayroon tayong pagkakataon upang tumugon ng may kagalakan sa pamamagitan ng
pagbabahagi sa iba, sa simbahan at sa kalupaan na tayo'y nagpapasalamat sa
lahat ng ginawa ng Diyos sa atin. Paano ka nga ba magbabahagi ng may
pagkabukas-palad sa Diyos?
Blessing
and Receving of Local and Worldwide Mission Tithes
Hymn of Sending
Forth: CCS 408 Joy to the World
Sending
Forth
Now
have we not reason to rejoice? …our joy is carried away for God has all power,
all wisdom, and all understanding. This is our joy, and great thanksgiving. We
give thanks to our God for ever. Rejoice! —Alma 14:123, 124, 128, adapted
Postlude