Seeking Home


Mateo 2:13-23

Prelude

Welcome

Call to Worship Responsive Reading

Leader: Purihin ang Panginoon! Purihin ang Panginoon mula sa langit; purihin Siya mula sa kaitaasan!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng lahat ng mga anghel, purihin siya ng lahat mga lingkod!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng araw at ng buwan; purihin siya ng lahat ng mga bituwin!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Purihin Siya ng katas-taasang langit at ng tubig sa ibabaw ng langit!

Congregation: Purihin ang Panginoon!

Leader: Nawa’y papurihan ang Kanyang pangalan, sapagkat sila’y nalikha ng Kanyang iutos ito. At sila’y Kanyang ilalagak magpakailanman.

Congregation: Purihin ang Panginoon!

-          Based on Psalm 148

Song of Praise: 23 NAPNOAN RAGSAC

Invocation

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Prayer

Mapagmahal at maawaing Diyos,

Kami ay naririto ngayon na may pananampalataya, pag-asa at pagtitiwala upang ipagdiwang ang Batang Kristo na Siyang ipinanganak para sa bawat isa sa amin. May mga pagkakataon O Dios na ikaw ay aming nasusumpungan sa bawat karanasang banal na lumalagablab sa amin, o kaya sa mga awitin ng mga anghel, o sa takot na dala-dala ng malamig na hangin. Nararanasan namin ang Iyong kabanalan sa lahat ng dako sapagkat ikaw ay nasa sa amin, sa aming paligid at bahagi ka ng lahat ng bagay sa lahat ng dako. Nasusumpungan namin ang iyong kapayapaan kapag nararamdaman naming ang Iyong presensiya. Nakakatagpo ka namin sa mga sangtuaryo ng Iyong kapayapaan at nakakasama ka naming sa aming mga pagdiriwang.

Dakilang Dios na Lumikha, naririto kami na may pag-asa sa aming pagdiriwang sa kapanganakan ni Jesus. Pinili namin ang lugar na ito upang ikaw ay pasalamatan. Pinili naming ikaw ay pasalamatan dahil ito ang alam naming paraan ng pagpapakumbaba, na ito ay sa pamamagitan ng pagsasabing “Salamat sa Iyo.”  Nakikita namin ang banal at dakila Mong pagpapala sa pamamagitan ng Batang Kristo, na kami ay marapat na mabuhay ng walang hanggang pasasalamat.

Kaming lahat ay tila mga panauhing manlalakbay, pinatibay sa pamamagitan ng iyong kaloob na siya naming tinanggap. Hindi namin hahayaan na man tatalo sap ag-ibig na naririto sa lugar na ito. Sa halip, pipiliin namin ang biyaya, malaya at walang hangganang pagmamahal, ang pagpapala ng buhay ay nasa lahat ng dako sa pangalan ng batang Kristo. Sa ating pagpili at pagbibigay, ibinabahagi natin ang pasasalamat sa mundo.

At ngayon O Dios, kami ay nakarating ng matatag upang hanapin ang batang nakahiga sa sabsaban, dala ang biyaya mula sa Iyong Liwanag at pag-ibig. Kami ay lumuluhod sa Iyo na may pagpapakumbaba sapagkat alam namin nalalapit na ang pagbabago ng mundo. Sa pangalan ni Jesus, na Siyang may kapayapaan. Amen.

Scripture Reading: Mateo 2:13-23

Song of Confession and Thanksgiving:

581 I’m Gonna Live So God Can Use Me

Proclamation Message based on Mateo 2:13-23

Ministry of Music or Congregational Hymn

Disciples’ Generous Response

What Can I Give?

What can I give him,
poor as I am?
If I were a shepherd,
I would bring a lamb;
if I were a wise man,
I would do my part;
yet what can I give him:
give my heart.

Ibahagi ang karanasan sa tuwing nagtataka ka kung ano ang maaari mong ibigay?

Blessing and Receiving of Mission Tithes

Song of Commitment: CCS 409 Go Tell it on the Mountain

Closing Prayer

Sending Forth

Ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang kaligtasan mula sa mapagpalang umaga ng paskong iyon… Si Kristo ay naririto ngayon sa atin!

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

Love Is…

The Promise of Peace