Friday, July 25, 2025

Belong to Christ

 Preparation: Maglagay ng dalawang halaman sa harapan na isa isang malusog na halaman at isang ay tila may sakit at halos patay na.

Prelude

Welcome

Sa Community of Christ tayo ay kay Cristo. “Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang inyong Panginoon, patuloy nawa kayong mamuhay sa kanya.” Ang lahat ay tinatanggap sa pag-ibig ni Hesu-Kristo. Magkaisa tayo sa araw na ito sa pagpupuri, pagninilay, pagpapahayag, at pagtatalaga sa ating mga sarili upang ang ating pagsamba ay maging katanggap-tanggap sa pangalan ng Diyos, ang lumikha, si Hesus, ang tagapagpalaya, at ang Espiritu Santo na siyang tagapangalaga.

Call to Worship: Psalm 85:8-13

Welcoming Hymn: HALIKANAKAPATID

Invocation

Response

Moment of Reflection

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer:

Panginoong Diyos,

Kami ngayon ay naririto sa iyong presensiya sa pangalan ni Hesus. Tulungan Mo kaming mapagnilayan ang pag-ibig ni Kristo sa aming buhay at laging maging bukas sa lahat. Nawa ay maibahagi sa aming lahat ang kapayapaan ni Hesu-Kristo at maihayag sa lahat ng mga nakikinig sa Iyong tinig. Kami ngayon ay tumatawag sa pangalan ni Hesus upang magwakas na ang kahirapan, pagkakahati-hati, at ang poot sa mundo. Tulungan Mo kami upang magsilbing biyaya ng komunidad at magdadala ng kapayapaan at pag-asa ng Sion, na siya naming dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.

Ministry of Music

Scripture Reading: Colossians 2:6-19

Focus Moment

Ang dalawang halaman sa harapan ay natutulad sa atin na kay Cristo – ang ilan sa atin ay malulusog at ilan naman ay hindi na tila namamatay at nalalanta na. “Pero ano nga ba ang maaaring mangyari sa mga halamang ito kapag nahugot mula sa lupa?” -sharing

Kailangan ng mga halaman ang manatili sa lupa upang makasipsip sila ng tubig, nutrients at makasagap ng sinag ng araw.

Tingnan natin ang halamang hindi malusog. Sa tingin natin bakit nga ba ito nahihirapan? -sharing

Ang mga halamang hindi nakakasipsip ng sapat na tubig, sinag ng araw, at nutrients ay mahihirapan.

Natutulad tayo sa mga halaman; tayo ay kay Hesu-Kristo (ang ating lupa). Tinawag tayo upang patuloy na mamuhay sa kanya, nag-ugat at lumalago sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. “Anong mangyayari sa atin kung tayo’y mahuhugot at mahihiwalay kay Hesus?” -sharing

Ano ang mga maaaring paraan upang mas mapalalim pa natin ang ating mga ugat kay Hesus? -sharing Kung patuloy ang paglalim ng ating mga ugat sa lupa, lalo tayong lalagong matibay sa ating mga pananampalataya at pagpapatotoo. Ang bawat paghinga natin ay naglalarawan ng kung ano ang kahulugan ang na kay Kristo.

Congregational Hymn: 46 KANTAAC TIMANNUBBOTCO

Pastoral Prayer: Maglaan ng panalangin para sa biktima ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa at sa lahat ng mga nasalanta.

Message Based on Colossians 2:6-19

Testimonies

Disciple’s Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2f-3a

Statement

Maaari nating ihayag ang pag-ibig ng Diyos sa pagiging mabuti at pagbabahagi o pagtulong sa ating kapuwa. Sa pamamagitan ng ating pagbibigay, tayo ay magniningning at makakatulong tayo upang magliwanag ang pag-ibig ng Diyos para lahat.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: 627 GodForgave My Sin in Jesus’ Name

Prayer and Benediction

Response

Postlude

Thursday, July 17, 2025

God’s Mystery Revealed

Maiparanganrang ti Misteryo ti Dios

Preparation

Maaaring ihanda ang harapan ng isang elemento ng krus at basket ng mga napapanahong prutas.

Prelude

Welcome

Sa Community of Christ, nagtitipon-tipon tayo na nalalaman ang Kabanalan ng mga Nilikha. Ang misteryo ng Diyos ay kailanman hindi lubos na malalaman, ngunit ang pagkamangha sa pagtitipon sa presensiya ng Diyos ay naghahatid sa atin sa mga sagradong kaalaman na nagtataguyod ng kagandahan, kaluwalhatian at kahanga-hangang likha ng Dios kay Kristo. Ating ipinagtatapat na tayo ay may ambag sa paglapastangan sa mga nilikhang ito Diyos at sa pa-init ng lupa hanggang sa mga punto ng mga kakilakilabot na kahihinatnan ng nilikha. Ang ating tunay na hangarin ay mamuhay nang naaayon sa lahat ng nilikha ng Diyos. 

Call to Worship

“This is what the Lord God showed me—a basket of summer fruit. He said, ‘Amos, what do you see?’ And I [Amos] said, ‘A basket of summer fruit.’” …

15Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. [Colosas 1:15-17]

Ipahayag natin na "ang lupa, na maibiging nilikha bilang isang kapaligiran para sa pag-unlad ng buhay, ay nanginginig sa pagkabalisa dahil ang natural at likas na sistema ng buhay ay nauubos at nawawala dahil sa kasakiman at hindi pagkakaunawaan ng mga tao. Dapat gumising ang sangkatauhan mula sa ilusyon nito ng pagkamakasarili at walang makakapigil na pagkonsumo na tila hindi alam ang kahihinatnan." … [Doctrine and Covenants]

Sa katiyakan ng kabutihan ng Diyos at ng kabutihan ng Kanyang mga nilikha, ipahayag nati: "Pasasalamatan kita magpakailanman, dahil sa iyong ginawa. Sa harapan ng mga tapat na lingkod ipahahayag ko ang iyong pangalan, sapagkat ito ay mabuti." [Salmo]


Invocation

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Diyos na lumikha ng mga misteryo,
Pinupuri ka namin sa kaluwalhatian ng iyong mga nilikha. Nakikita namin ang iyong mga gawa sa mga ilog at batis, mga leon at mga tupa, mga bundok at mga anino. Nawa'y matagpuan namin ang Iyong kapayapaan sa aming mga puso habang inaamin namin na ang sangkatauhan ay walang ingat na kumukunsumo sa kalikasan na siyang nagpapainit sa mundo at nagiiwan ng dumi sa lupa, hangin, at tubig. Tulungan kaming makahanap ng mga paraan upang mamuhay nang payapa sa isa't isa at kasama ng nilikha. Nawa'y nakasentro ang aming buhay kay Kristo, na kami'y nabubuhay sa mga nakatagong misteryo ng sangnilikha. Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen. 

Scripture Reading: Colossians 1:15-28

Hymn of Creation: 197 Iti Kinasantac Toy Daga

Message based on Colossians 1:15-28

Disciple's Generous Response

Statement
Habang isinasaalang-alang natin ang ating pagtugon sa kabutihang-loob ng Diyos dahil sa Kanyang mga nilikha, maglaan tayo ng panahon upang suriin ang ilan sa mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima na dulot ng mga greenhouse gas at fossil fuel. Bilang mga responsableng tagapangasiwa, tinawag tayong mamuhay nang naaayon sa nilikha ng Diyos, ngunit ang mga katotohanang nakaharap sa atin ay naksisindak.

Ayon sa NASA, "mayroong malinaw na katibayan na ang mundo ay umiinit sa bilis na hindi inaasahan. Ang gawain ng tao ang pangunahing dahilan."

Gayundin mula sa NASA: Ang Pandaigdigang Temperatura ay Tumataas
Ang average na temperatura sa ibabaw ng planeta ay tumaas nang humigit-kumulang 2 degrees Fahrenheit (1 degree Celsius) mula noong huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, isang pagbabago na ang pangunahing dahilan ay ang pagtaas ng carbon dioxide emissions sa kalawakan at iba pang aktibidad ng tao.

Ang karagatan ay umiinit
Ang karagatan ay sumipsip ng karamihan sa tumaas na init na ito, na ang pinakamataas na 100 metro (mga 328 talampakan) ng karagatan ay uminit ng 0.67 degrees Fahrenheit (0.33 degrees Celsius) mula noong 1969.

Natutunaw at lumiliit na ang mga yelo (Ice Sheets)
Ang kabuuan ng yelo ng Greenland at Antarctic ay bumaba. Ipinapakita ng data mula sa Gravity Recovery and Climate Experiment ng NASA na sa pagitan ng 1993 at 2019, ang Greenland ay nawalan ng average na 279 bilyong tonelada ng yelo bawat taon, habang ang Antarctica ay nawalan ng humigit-kumulang 148 bilyong tonelada ng yelo bawat taon.

Tumataas ang Antas ng Dagat
Ang antas ng dagat sa daigdig ay tumaas nang humigit-kumulang 8 pulgada (20 sentimetro) noong nakaraang siglo. Gayunpaman, ang rate sa huling dalawang dekada ay halos doble kaysa noong nakaraang siglo at bahagyang bumibilis bawat taon.
                             —Climate.nasa.gov/evidence

Sa Community of Christ, tayo ay tinatawag upang manguna sa mga organisasyong magwawakas sa hindi kinakailangang at paglapastangan ng kapaligiran at mga likas na yaman.

Inaanyayahan tayo ng Diyos na gamitin ang ating kakayanan upang makagawa ng mga solusyon na nagtataguyod ng kapayapaan at katarungan. Kapag binuksan natin ang ating puso at buong tapang sa pagbubukas ng ating palad na magbahagi sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan para sa habag ng Diyos sa mundo upang magdala ng kapayapaan at katarungan para sa buong nilikha. 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes


Prayer and Benediction

Response

Postlude

Friday, July 11, 2025

Discern Spiritual Wisdom

Lasinen Ti Naespirituan a Kinasirib

Prelude

Gathering Hymn: "As God Is " CCS 366

Welcome
Invitation to Worship (For four readers)
Reader 1:         God of still waiting,
Reader 2:         God of deep longing,
Reader 3:         God of the heart’s true rest:
Reader 4:         hold us in fathomless peace and guard us with unwaning love.
Reader 1:         Spirit of promise,
Reader 2:         Spirit of purpose,
Reader 3:         Spirit of ceaseless prayer:
Reader 4:         bathe us in life full and free, kindle our wonder and hope.
Reader 1:         Word who comes to us,
Reader 2:         Word who lives with us,
Reader 3:         Word who disturbs and heals:
Reader 4:         silence our chattering fears, waken our unconscious faith.
Reader 1:         Word true and faithful,
Reader 2:         hope-bringing Spirit,
Reader 3:         God of enfolding love:
Reader 4:         come in your fullness and grace;
All Readers: Work through our lives for your praise.

Congregational Hymn

Prayer of Invitation

Response

Prayer for Peace
Light the peace candle.
From all your bounty I give to you;
For all the blessings you impart.
Receive this offering I bring.
Receive my joyful heart.
Peace Prayer

Espiritu ng Kagalakan at Kapayapaan, 

Hindi kami laging masaya o payapa. Ang aming mga isipan bilang tao ay nakatuon sa araw-araw sa paghahanap ng landas para sa mas mababang balakid sa kapayapaan. Ngunit sa kabila nito punong-puno parin ng mga balakid na tumututol sa kapayapaan. 
Kami ay sumandaling tumitigil ngayon upang alalahanin na ikaw ay tapat a laging naroon sa aming mga pagsusumikap para sa kapayapaan. Nawa ay maingat na mabuksan ang aming mga espiritu sa pamumuno ng Iyong Espiritu, na magbibigay ng kasiyahan sa amin sa araw araw. 
Napakabukas-palad Mo sa amin sa Iyong mga biyaya. Nawa lahat kami ay buong pusong nagpapasalamat sa pagtanggap ng iyong mga pagpapala at tutugon sa pamamagitan ng pagsunod sa Iyong mga pahiwatig na magkaroon ng kapayapaan sa loob ng aming mga puso, sa aming buhay, at mula sa mga taluktok ng burol ng aming mga bayan. Sa pangalan ni Hesus, na nagbibigay ng masaganang kapayapaan, Amen.

 Hymn of Peace:

Scripture Reading: Colossians 1:1-14

Ministry of Music

Message based on Colossians 1:1-14

Disciples's Generous Response
Statement
Ang habag at pagkabukas-palad ng Diyos ay walang limitasyon. Habang binubuksan natin ang ating puso na buong tapang at bukas-palad na magbahagi sa pamamagitan ng paglalagay ng ating mga kaloob sa mga sisidlan o sa pamamagitan ng eTithing, nakikiisa tayo sa kilusan ng pagkahabag ng Diyos sa mundo. Sagana ang pagbabahagi ng Diyos. Nawa ay tapat din tayong nagbabahagi at maging bukas-palad sa iba para sa walang katapusan na pag-ibig at habag ng Diyos.

Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes  


Closing Prayer

Benediction and Sending Forth
Ang walang hanggang biyaya, pagmamahal, katapatan, at patuloy na relasyon ng Diyos sa mga indibidwal at komunidad ng pananampalataya ay may katiyakan. Habang hinahangad nating makilala ang espirituwal na karunungan, ang biyaya ng Panginoong Diyos at pagpapanumbalik ng mga gawain ay naririto sa atin. Humayo kayo…sa pangalan ni Hesus na may kapayapaan.

ILOCANO:

Pudno ti awan patinggana a parabur, ayat, kinamatalek, ken agtultuloy a relasyon ti Dios kadagiti indibidual ken iti komunidad ti pammati. Bayat ti panangikagumaantayo a mangammo iti naespirituan a kinasirib, adda ken magun-odantayo ti parabur ti Dios ken dagiti aramid a mangipasubli kadagiti napukaw ken immadayo. Inka ita...iti nagan ni Jesus a napnoan talna. 

Postlude

Saturday, July 5, 2025

Let Us Not Grow Weary

Saantayo Koma a Mabannog
Huwag Tayong Mapagod.

Communion Service
Galatians 6:1-16

Sharing of News, Joys, and Prayer Concerns

Prelude

Gathering Hymns: 103 NO ADDA PAGDANAGAN TA PUSOM

Welcome

Call to Worship: Psalm 30:4-5, 11-12
Ikantayo ti pagdaydayaw iti Apo, dakay a mapagtalkan a tattaona! Lagipenyo dagiti inaramid ti Nasantoan, ket agyamankayo kenkuana! Apagdarikmat laeng ti pungtotna; ngem saan nga agpatingga ti kinaimbagna. Mabalin nga iti rabii adda sangsangit, ngem iti bigat, ragsak ti sumukat. Pinagbalinmo a rag-o ti dung-awko; inikkatmo ti panesko, ket kinawesannak iti ragsak. Iti kasta, saanakto nga agulimek, dagitinto pagdayawko kenka ti kankantaek. Sika, O Apo, ti Diosko; agnanayon a sika ti pagyamanak.

Invocation

Response

Disciples’ Generous Response

Statement
Sa pagbubukas natin sa ating mga puso na buong tapang at bukas-palad na magbahagi sa pamamagitan sa paglalagay ng ating mga alay sa lalagyan o sa pamamagitan ng eTithing, nakikiisa tayo sa kilusan ng pagkahabag ng Diyos sa mundo. Sa Linggo na ito habang tayo ay nakikibahagi sa mga sakramento ng Banal Na Hapunan ni Kristo, ang ating mga handog ay iniaalay sa Pag-aalis ng Kahirapan at Pagwawakas sa Hindi Kinakailangang Pagdurusa (Abolishing Poverty and Ending Needless Suffering). Ito ang kung gaanong ang habag ng Diyos at ang kanyang pagka-bukaspalad Niya ay mas lumalago at lalo pang nakikita sa ibat-ibang mga paraan.

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes


Scripture Reading: Galatians 6:1-16

Ministry of Music OR Congregational Hymn of Hopefulness

Homily based on Galatians 6:1-16

Prayer for Peace

Light the peace candle.

“We must walk this lonesome valley;
We have to walk it by ourselves.
Oh, nobody else can walk it for us;
We have to walk it by ourselves.”
—Based on “Jesus Walked this Lonesome Valley,” CCS 452

Peace Prayer

Kamangha-manghang Diyos,

Nakatira kami sa isang komunidad, hangad namin ang isang komunidad, at kami ay gumagawa para sa kapayapaan sa ng aming komunidad. Oo, kami ay marami, pero iisa kami. Bigyan kami ng kapangyarihan sa aming komunidad na kami ay lalakad nang may kumpiyansa sa kawawa naming lambak, batid na kahit na naglalakad kami sa mga landas na nag-iisa sa paghahanap ng kapayapaan, ang aming mga kaibigan ay kasama naming naglalakad. At ang kapayapaan na aming nilalakbay ay higit pa ang halaga sa kahit anuman.

Nawa'y umasa kami na sa kahit hindi komportable at malungkot na mga landas ng kapayapaan ay may katiyakang naghihintay sa amin sa aming komunidad, at Ikaw na aming Diyos ay palaging naririyan.

Sa pangalan ni Hesus, na lumalakad sa aming unahan, na nasa aming tabi, at nasa aming kalooban. Amen.

Congregational Hymn of Peace: No Talna Ti Masaracac Dalanco 36

Spiritual Practice: Confession

Ang pangungumpisal ay isang pagkakataon upang suriin ang ating puso, at dalhin sa liwanag ang mga bagay na itinatago natin mula sa madilim na bahagi ng ating pagkatao. Sa ganitong paraan maibibigay natin ang mga ito sa Diyos, makakahingi tayo ng kapatawaran, at babaguhin tayo sa pamamagitan ng Kaniyang awa at biyaya. Ngayon, ilagay natin ang ating mga kamay sa ating kandungan(lap), ibukas natin ang ating mga palad. Ibabasa sa atin ang aklat ng Awit 51, at sa bawat bahagi pagbasa ay sumandaling huminto. Sa ating paghahanda para sa sakramento ng komunyon, gamitin ang sandalling katahimikan upang pag-isipan ang mga nais mong dalhin sa liwanag ng Diyos, ang mga gusto mong ihingan ng tawad sa Kanya at ang mga ninanais mong baguhin Niya sa Iyo. (Tatapusin natin ang session na ito sa pamamagitan ng isang “AMEN”)

Communion Scripture: Luke 22:14-22

Dimteng ti oras ket simmango ni Jesus ken dagiti apostolesna iti panganan. “Tinarigagayak unay ti makisango kadakayo iti daytoy a pangrabii iti Paskua sakbay nga agsagabaak,” kinunana kadakuada. “Ta ibagak kadakayo a diakton mangan iti daytoy agingga a matungpal ti pudno a kaipapananna iti Pagarian ti Dios.”

Nangala iti kopa, nagyaman iti Dios, ket kinunana, “Alaenyo daytoy ket pagbibingayanyo. Ibagak kadakayo a manipud ita, diakton uminum iti daytoy tubbog ti ubas agingga a dumteng ti Pagarian ti Dios.”

Nangala met iti tinapay ket kalpasan ti panagyamanna iti Dios, pinisina sana inted kadakuada a kunana, “Daytoy ti bagik a maited nga agpaay kadakayo. Aramidenyo daytoy a panglaglagip kaniak.”

Kasta met a kalpasan ti panangrabii, intedna kadakuada ti kopa ket kinunana, “Daytoy ti kopa ti baro a pannakitulag ti Dios kadakayo a mapatalgedan iti darak a maibuyat para kadakayo.

Testimonies

Hymn of Preparation: “Let Us Break Bread Together” CCS 521

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang huling hapunan ng Panginoon ay isang sakramento na kung saan ay inaalala natin ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo sa atin. Sa ating Iglesia, nararanasan din natin sa sakramentong ito ang isang opurtunidad upang mapanibago natin ang ating bautismo na siyang nabuo bilang mga alagad na namumuhay sa misyon ni Kristo. Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Hymn of Mission and Calling: Pagtalcac Ni Jesus 52

Closing Prayer

Benediction and Sending Forth

Tayo ang mga taong mula sa Pakabuhay na Muli ni Kristo na suot ang kagalakan. Ang walang hanggang biyaya, pagmamahal, katapatan, at ang patuloy na relasyon ng Diyos sa bawat indibidwal at sa komunidad ng pananampalataya ay may katiyakan. Ang biyaya ng Diyos at mga gawain Niya upang mapanumbalik ang lahat ay nagpapatuloy para sa bawat indibidwal, sa mga komunidad ng mga mananampalatay, at sa buong mundo. Humayo kayo at huwag kayong mapagod. Gumawa tayo para sa kabutihan ng lahat.

Response

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...