God’s Mystery Revealed
Maiparanganrang ti Misteryo ti Dios
Preparation
Maaaring ihanda ang harapan ng isang elemento ng krus at basket ng mga napapanahong prutas.
Prelude
Welcome
Sa Community of Christ, nagtitipon-tipon tayo na nalalaman ang Kabanalan ng mga Nilikha. Ang misteryo ng Diyos ay kailanman hindi lubos na malalaman, ngunit ang pagkamangha sa pagtitipon sa presensiya ng Diyos ay naghahatid sa atin sa mga sagradong kaalaman na nagtataguyod ng kagandahan, kaluwalhatian at kahanga-hangang likha ng Dios kay Kristo. Ating ipinagtatapat na tayo ay may ambag sa paglapastangan sa mga nilikhang ito Diyos at sa pa-init ng lupa hanggang sa mga punto ng mga kakilakilabot na kahihinatnan ng nilikha. Ang ating tunay na hangarin ay mamuhay nang naaayon sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Call to Worship
“This is what the Lord God showed me—a basket of summer fruit. He said, ‘Amos, what do you see?’ And I [Amos] said, ‘A basket of summer fruit.’” …
15Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. [Colosas 1:15-17]
Ipahayag natin na "ang lupa, na maibiging nilikha bilang isang kapaligiran para sa pag-unlad ng buhay, ay nanginginig sa pagkabalisa dahil ang natural at likas na sistema ng buhay ay nauubos at nawawala dahil sa kasakiman at hindi pagkakaunawaan ng mga tao. Dapat gumising ang sangkatauhan mula sa ilusyon nito ng pagkamakasarili at walang makakapigil na pagkonsumo na tila hindi alam ang kahihinatnan." … [Doctrine and Covenants]
Sa katiyakan ng kabutihan ng Diyos at ng kabutihan ng Kanyang mga nilikha, ipahayag nati: "Pasasalamatan kita magpakailanman, dahil sa iyong ginawa. Sa harapan ng mga tapat na lingkod ipahahayag ko ang iyong pangalan, sapagkat ito ay mabuti." [Salmo]
Light the peace candle.Peace Prayer
Diyos na lumikha ng mga misteryo,Pinupuri ka namin sa kaluwalhatian ng iyong mga nilikha. Nakikita namin ang iyong mga gawa sa mga ilog at batis, mga leon at mga tupa, mga bundok at mga anino. Nawa'y matagpuan namin ang Iyong kapayapaan sa aming mga puso habang inaamin namin na ang sangkatauhan ay walang ingat na kumukunsumo sa kalikasan na siyang nagpapainit sa mundo at nagiiwan ng dumi sa lupa, hangin, at tubig. Tulungan kaming makahanap ng mga paraan upang mamuhay nang payapa sa isa't isa at kasama ng nilikha. Nawa'y nakasentro ang aming buhay kay Kristo, na kami'y nabubuhay sa mga nakatagong misteryo ng sangnilikha. Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.
Statement
Habang isinasaalang-alang natin ang ating pagtugon sa kabutihang-loob ng Diyos dahil sa Kanyang mga nilikha, maglaan tayo ng panahon upang suriin ang ilan sa mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima na dulot ng mga greenhouse gas at fossil fuel. Bilang mga responsableng tagapangasiwa, tinawag tayong mamuhay nang naaayon sa nilikha ng Diyos, ngunit ang mga katotohanang nakaharap sa atin ay naksisindak.
Ayon sa NASA, "mayroong malinaw na katibayan na ang mundo ay umiinit sa bilis na hindi inaasahan. Ang gawain ng tao ang pangunahing dahilan."
Gayundin mula sa NASA: Ang Pandaigdigang Temperatura ay Tumataas
Ang average na temperatura sa ibabaw ng planeta ay tumaas nang humigit-kumulang 2 degrees Fahrenheit (1 degree Celsius) mula noong huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, isang pagbabago na ang pangunahing dahilan ay ang pagtaas ng carbon dioxide emissions sa kalawakan at iba pang aktibidad ng tao.
Ang karagatan ay umiinit
Ang karagatan ay sumipsip ng karamihan sa tumaas na init na ito, na ang pinakamataas na 100 metro (mga 328 talampakan) ng karagatan ay uminit ng 0.67 degrees Fahrenheit (0.33 degrees Celsius) mula noong 1969.
Natutunaw at lumiliit na ang mga yelo (Ice Sheets)
Ang kabuuan ng yelo ng Greenland at Antarctic ay bumaba. Ipinapakita ng data mula sa Gravity Recovery and Climate Experiment ng NASA na sa pagitan ng 1993 at 2019, ang Greenland ay nawalan ng average na 279 bilyong tonelada ng yelo bawat taon, habang ang Antarctica ay nawalan ng humigit-kumulang 148 bilyong tonelada ng yelo bawat taon.
Tumataas ang Antas ng Dagat
Ang antas ng dagat sa daigdig ay tumaas nang humigit-kumulang 8 pulgada (20 sentimetro) noong nakaraang siglo. Gayunpaman, ang rate sa huling dalawang dekada ay halos doble kaysa noong nakaraang siglo at bahagyang bumibilis bawat taon.
—Climate.nasa.gov/evidence
Sa Community of Christ, tayo ay tinatawag upang manguna sa mga organisasyong magwawakas sa hindi kinakailangang at paglapastangan ng kapaligiran at mga likas na yaman.
Inaanyayahan tayo ng Diyos na gamitin ang ating kakayanan upang makagawa ng mga solusyon na nagtataguyod ng kapayapaan at katarungan. Kapag binuksan natin ang ating puso at buong tapang sa pagbubukas ng ating palad na magbahagi sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan para sa habag ng Diyos sa mundo upang magdala ng kapayapaan at katarungan para sa buong nilikha.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes