Belong to Christ
Preparation: Maglagay ng dalawang halaman sa harapan na isa isang malusog na halaman at isang ay tila may sakit at halos patay na.
Prelude
Welcome
Sa Community of Christ tayo ay kay
Cristo. “Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang inyong Panginoon,
patuloy nawa kayong mamuhay sa kanya.” Ang lahat ay tinatanggap sa pag-ibig ni
Hesu-Kristo. Magkaisa tayo sa araw na ito sa pagpupuri, pagninilay,
pagpapahayag, at pagtatalaga sa ating mga sarili upang ang ating pagsamba ay
maging katanggap-tanggap sa pangalan ng Diyos, ang lumikha, si Hesus, ang
tagapagpalaya, at ang Espiritu Santo na siyang tagapangalaga.
Call to Worship: Psalm 85:8-13
Welcoming Hymn: HALIKANAKAPATID
Invocation
Response
Moment of Reflection
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Peace Prayer:
Panginoong Diyos,
Kami ngayon ay naririto sa iyong
presensiya sa pangalan ni Hesus. Tulungan Mo kaming mapagnilayan ang pag-ibig
ni Kristo sa aming buhay at laging maging bukas sa lahat. Nawa ay maibahagi sa
aming lahat ang kapayapaan ni Hesu-Kristo at maihayag sa lahat ng mga nakikinig
sa Iyong tinig. Kami ngayon ay tumatawag sa pangalan ni Hesus upang magwakas na
ang kahirapan, pagkakahati-hati, at ang poot sa mundo. Tulungan Mo kami upang
magsilbing biyaya ng komunidad at magdadala ng kapayapaan at pag-asa ng Sion,
na siya naming dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.
Ministry of Music
Scripture Reading: Colossians
2:6-19
Focus Moment
Ang dalawang halaman sa harapan ay
natutulad sa atin na kay Cristo – ang ilan sa atin ay malulusog at ilan naman
ay hindi na tila namamatay at nalalanta na. “Pero ano nga ba ang maaaring
mangyari sa mga halamang ito kapag nahugot mula sa lupa?” -sharing
Kailangan ng mga halaman ang
manatili sa lupa upang makasipsip sila ng tubig, nutrients at makasagap ng
sinag ng araw.
Tingnan natin ang halamang hindi
malusog. Sa tingin natin bakit nga ba ito nahihirapan? -sharing
Ang mga halamang hindi nakakasipsip
ng sapat na tubig, sinag ng araw, at nutrients ay mahihirapan.
Natutulad tayo sa mga halaman; tayo
ay kay Hesu-Kristo (ang ating lupa). Tinawag tayo upang patuloy na mamuhay sa
kanya, nag-ugat at lumalago sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. “Anong
mangyayari sa atin kung tayo’y mahuhugot at mahihiwalay kay Hesus?” -sharing
Ano ang mga maaaring paraan upang
mas mapalalim pa natin ang ating mga ugat kay Hesus? -sharing Kung
patuloy ang paglalim ng ating mga ugat sa lupa, lalo tayong lalagong matibay sa
ating mga pananampalataya at pagpapatotoo. Ang bawat paghinga natin ay
naglalarawan ng kung ano ang kahulugan ang na kay Kristo.
Congregational Hymn: 46 KANTAAC TIMANNUBBOTCO
Pastoral Prayer: Maglaan ng
panalangin para sa biktima ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa at sa lahat ng
mga nasalanta.
Message Based on Colossians 2:6-19
Testimonies
Disciple’s Generous Response
Scripture Reading: Doctrine and
Covenants 165:2f-3a
Statement
Maaari nating ihayag ang pag-ibig
ng Diyos sa pagiging mabuti at pagbabahagi o pagtulong sa ating kapuwa. Sa
pamamagitan ng ating pagbibigay, tayo ay magniningning at makakatulong tayo
upang magliwanag ang pag-ibig ng Diyos para lahat.
Blessing and Receiving of Local and
Worldwide Mission Tithes
Hymn of Sending Forth: 627 GodForgave My Sin in Jesus’ Name
Prayer and Benediction
Response
Postlude