Welcome Jesus
Prelude
Hymn Celebrating All Saints’ Day
All Saints’ Day
Para sa kalendaryo
ng mga kristiano, ang unang araw ng Nobyembre ay tinaguriang araw upang
alalahanin ang mga santo – araw ng mga naging tapat na disipulo, sa nakaraan at
kasalukuyan, sa mga nag-alay ng kanilang mga panahon, talento, patotoo at yaman
sa mga komunidad ng mga Kristiano, upang ang lahat ay pagpapalain. Sa mga
mahahalagang tao para sa iyo na siyang gumabay at naging kasama mo sa iyong
kristianong paglalakbay? Maaaring sila yung mga alagad noong unang panahon. Sa
ilang sandal, isipin kung ano ang mga naging epekto nito sa’yo. Pause
Hayaan nating tayo’y mapalibutan ng mga santong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa kanilang pangalan, tulad ng isang “kaibigan”, sa isang espasyong nakahanda.
Magbigay ng sapat na panahon upang ang lahat ay makalapit sa harapan upang isulat ang pangalan ng kanilang nais isulat.
We Continue in Worship
Tayo ay malugod na
tinatanggap sa araw na ito ng Lahat ng mga Banal gaya ng mga nakatala dito. Ang
tema natin ngayon ay ang Tanggapin si Hesus, at ang ating banal na kasulatan ay
mula sa Lucas 19:1-10. Ito ang kuwento ni Zakeo, isang maniningil ng buwis na,
sa kabila ng kanyang katayuan sa lipunan, ay naantig ng pagmamahal at
pagtanggap ni Hesukristo. Bilang resulta ng pakikipagtagpong ito, ang puso ni
Zakeo ay naantig upang magbahagi na may bukas-palad sa mga nangangailangan.
Tulad ni Zakeo, tayo ay tinawag upang yakapin ang diwa ng pagkabukas-palad sa ating buhay. Sa isang mundong kadalasang puno ng pansariling interes at materyalismo, sinisikap nating tularan ang halimbawang ipinakita ni Kristo, na nagbigay nang walang pag-iimbot at sagana. Ngayon din ang ikatlong linggo ng Generosity Cycle kung saan tayo ay nakatuon sa Share Generously, ang ikaapat na prinsipyo ng Bukas-palad na Tugon ng isang Disipulo. Ipinapaalala nito sa atin na ang pagbibigay ng ikapu ay isang espirituwal na gawain. Ito ay isang regalo ng pasasalamat sa Diyos bilang tugon sa mga bukas-palad na kaloob ng Diyos sa atin. Kapag ibinabahagi natin ang ating mga ikapu, maaaring magpalaganap ang simbahan ng kagalakan, pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan sa buong mundo upang maranasan din ng iba ang pagkabukas-palad ng Diyos.
Sa ating sama-samang pagsamba ngayon at pakikibahagi
sa Komunyon, nawa'y mabuksan ang ating mga puso sa kuwento ni Zakeo at gayon
din ang ating mga mata sa Siyang tumatawag sa atin upang italaga ang lahat ng
ating pagkatao at ang sa lahat ng mayroon tayo upang itayo ang mapayapang
kaharian Diyos.
Scripture Lesson: Luke 19:1-10
Hymn
of Invitation: CCS 276 “All Are
Welcome” Stanzas 1, 3, and 5
Prayer
of Invitation
Response
Focus
Moment
Ministry
of Music or Congregational Hymn
Message Based
on Luke 19:1-10
Disciples’ Generous Response
Scripture Reading:
Doctrine and Covenants 162:7a
Statement
Habang isinasagawa natin ang buong-buhay na pangangasiwa, ginagamit natin kung ano ang kinakailangan upang makapagbigay ng mabuti at balanseng buhay para sa ating sarili at sa ating mga pamilya. Tinitiyak natin na itinitira at ginagamit lamang natin ang ating kailangan upang maibigay natin ang pinakamahusay sa Diyos. Ang buong-buhay na pangangasiwa ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga unang bunga. Ito ay tungkol sa pamumuhay sa unang bunga.”—Choose Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship
Ang sumusunod ay mula kay Pangulong Steve Veazey: “Ang katawan ni Kristo ay higit pa sa limitasyon o hangganan ng lokal, panlipunan, pang-ekonomiya, kultura, at pambansa. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto, ‘…ito ay isang usapin ng patas na pagbalanse sa pagitan ng inyong kasalukuyang kasaganaan at ng kanilang pangangailangan.’”
Hindi tayo dapat nagpapatali sa mga partikular na pamamaraan o proseso para sa pangongolekta at pamamahagi ng mga Ikapu para sa Misyon. Ang mahalaga ay kung paano natin pauunlarin ang mga alagad na may layuning pangasiwaan ang kanilang mga tungkulin at nauunawaan na ang pinansyal na pagsuporta sa misyon ni Kristo ay sa kanilang kapwa bilang isang indibidwal at sa pangkalahatan ng komunidad.—Choose Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship
Focus Moment
Maaaring gawin ang aktuwal na demonstrasyon para sa mas epektibong obserbasyon.Demonstrasyon: Ang epekto ng pinagsama-samang pagbibigay – the ripple effect.· Isiping mayroon tayong isang planggana ng tubig dito sa harapan.· Halimbawang maglalagay tayo ng paisa-isa ng maliliit na bato, then medyo malalaking bato, pagkatapos mga malalaking bato naman. Sa paglalagay natin ng ibat-ibang laki at hugis ng bato ano kaya ang mangyayari sa tubig na nasa planggana.· Halimbawang minsanan naman nating ilagay ang mga bato, ano kaya ang mangyayari?
· Papaano kaya lalago ang kaloob ng bawat isa kapag ito ay ibinahagi sa isang komunidad?
Blessing of
Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes
Mapagpalang Diyos,Pagpalain Mo ang aming pagbibigay at pagtanggap.Bawat isa sa amin ay maaari niyang gawin ang kanyang bahagi o parte –ang magbigay ng dahil sa pagbibigay,
itoy kusang aagos mula sa mapagpalang puso. Amen.
Sacrament of the Lord’s Supper
Prayer for Peace
Ring a bell or chime three times slowly.
Light the peace candle.
O Panginoon, na aming Diyos, lumalapit kami sa Iyo nang may papuri at pasasalamat para sa kagandahan ng mundong iyong ginawa. Lubos kaming nagpapasalamat sa walang hanggang awa at biyaya na ipinagkakaloob mo sa amin bilang bahagi ng iyong mga nilikha. Nakikita mo ang kahalagahan ng bawat isa sa amin. Patawarin mo kami kung hindi namin naaabot ang potensyal o kakayanang Iyong ipinagkatiwala sa amin.
Tulungan Mo kaming maging mas mapagmalasakit sa mga pangangailangan ng mga nasa paligid namin—mga pangangailangang matutugunan namin bilang Iyong mga kamay kung maglalaan kami ng oras upang hanapin Ka at magiging handa kaming kumilos nang may pananampalataya. Dalangin namin na kami ay maging mga instrumento ng kapayapaan sa isang magulong mundo. Dalangin namin na ang mga pinuno ng lahat ng mga bansa—nawa'y naisin nila ang kapayapaan, nawa'y maliwanagan sila sa mga paraan na makapagdudulot ng kapayapaan, nawa'y isantabi nila ang kasakiman at pansariling interes.
Hinihiling namin na Iyong pag-ibig at galak ay hipuin ang aming mga kaluluwa. Dalangin namin sa buong mundo ang pagbabago para sa tapang, mas pinalakas, at pagbuhos ng Iyong Espiritu upang ang aming pagiging alagad ay magdulot ng positibong impluwensiya. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Communion Scripture Reading: Matthew
26:26-29
Find Meaning in Communion
Maglaan ng pagkakataon para sa dalawa na maaaring magbahagi ng kanilang tesimonyo tungkol sa kahulugan ng Communion sa kanilang buhay.
Hymn of
Preparation to Communion
Invitation to Communion
Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni
Kristo. Ang banal na hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento kung
saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at ang patuloy na
presensiya ng Hesu-Kristo. Sa Community of Christ, isa rin itong pagkakataon
upang mapanibago ang ating bautismo at pakikipagtipan na siyang nabuo sa atin
bilang mga tagasunod ni Kristo na ipinamumuhay ang kanyang misyon. Tayong lahat
ay inaanyaya na gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.
Blessing and
Serving of Bread and Wine
Pastoral
Prayer
Closing
Hymn : “Lord Prepare Me” Sing twice. CCS 280
Sending Forth: Doctrine and
Covenants 163:9
Ang mga tapat na disipulo ay
tumutugon sa lumalaking kamalayan sa masaganang pagkabukas-palad ng Diyos sa
pamamagitan ng pagbabahagi ayon sa mga nais ng kanilang mga puso; hindi dahil sa
ito ay isang utos o napipigilan. Lumaya sa mga tanikala ng kultura at nakagawian
na pangunahing nagtataguyod ng pansariling interes. Magbigay nang sagana ayon
sa iyong tunay na kakayahan. Ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan ay
naghihintay sa mga lumalago sa biyaya ng pagkabukas-palad na dumadaloy mula sa
mga pusong mahabagin nang walang iniisip na kapalit. Ito ba ay naiiba pa sa
nasasakupan ng Diyos, na walang hanggang nagbibigay ng lahat para sa kapakanan
ng sangnilikha?