Make Responsible Choices
2
Thessalonians 3:6-13
Additional
Scriptures
Isaiah
65:17-25; Isaiah 12; Luke 21:5-19;
Doctrine
and Covenants 161:7; 162:7b
Welcome
Inaanyayahan ang lahat para sa ating
pagpupuri sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay “Make Responsible
Choices” (Gawing Responsible Ang Pagpili), at ang banal na kasulatan para sa
araw na ito ay mula sa 2 Tesalonica 3:6-13 kung saan ipinapangaral ni Apostol
Pablo sa mga taga Tesalonica ang pagsisikap at pamumuhay na nagpapakita ng mga
aral ni Kristo. Binigyang diin niya ang pagiging masipag sa pagtatrabaho at
pabibigay ng kontribusyon para sa kabautihan ng komunidad.
Ito rin ang ika-limang linggo ng ating
Generosity Cycle, na kung saan binibigyan natin ng focus ang Responsableng
Paggasta, ang pang-anim sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Ipinapaalala
din sa atin ni Pablo na ang pagiging bukas-palad ay hindi lamang sa pamamagitan
ng pagbibigay, ito rin ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay, ikinakatawan ang
pag-ibig at pagkalinga na siyang umaagos mula sa puso ng Diyos.
Ipindala tayo ng Diyos sa mundong ito upang
maging mga buhay na patotoo sa puso ng Diyos. Ngunit kadalasan naiimplwesiyahan
tayo at nawawala ng dahil sa ating kultura, na siyang nagpapahirap sa atin
upang makapag-focus sa kultura ng kaharian ng Diyos, tulad ng itinuro ni Hesus.
Bahagi ng ating buong-buhay na pangangasiwa ay kung papaano gagawa ng mga
Responsableng Pagpili kung papaano tayo mamumuhay na may katapatan sa layunin
ng Diyos. Inaalala rin ng Diyos ang kalagayan nating pinansiyal at ng ating mga
puso – kung anuman ang ating inipon ay siya rin sana nating gagamitin o
gagastusin.
Sa ating pagsama-sama sa pagpupuri ngayong
umagang ito, nawa ay mapaalalahanan tayo sa mga biyayang ating tinanggap, at
ang pagiging bukas-palad ay hindi ito tungkol sa isang bagay na ating ginawa sa
halip ito ang pagiging buhay na halimbawa ng ating pananampalataya.
Call to Worship
Can we calculate
our giving, placing limits on our praise
when the blessings
we are given multiply and grace our days?
Let us share from
life’s abundance, God provides enough to spare -
shaken down and
pressed together, overflowing everywhere.
—Danny Belrose, “Can We
Calculate Our Giving,” CCS 617, Stanza 1
Hymn
of Gathering: “Can We Calculate Our Giving” CCS 617
Opening
Prayer
Response
Prayer
for Peace
Light
the peace candle.
Peace Scripture Reading: Isaiah 65:25
Song of Peace: 32 NI JESUS NAIMBAG A GAYYEM
Peace Prayer
Panginoong Diyos
na Lumikha,
Lubos kaming nagpapakumbaba at
lumalapit sa’Iyo na bukas ang mga mata at aming mga puso sa kamalayan ng
pagkabukas-palad na biyaya ng Iyong Espiritu. Alam din namin na kailangan namin
ng Iyong pagpapatawad dahil sa pagkukulang namin sa bisyon at panahon upang
malaman kung papaano namin mapapangasiwaan ang mga biyayang ito. Napakaganda ng
aming mundo, ngunit madalas iniiwan namin itong sira-sira dahil sa mali naming
paggamit at kawalan ng pagpapahalaga sa mga napakagandang yaman na ito. Ang
aming mga relasyon ay napakahalaga sa aming kalagayan, na kung minsan hindi
namin nabibigyan ng pansin dahil kami ay abala na humahantong sa pakawala ng
Iyong mga anak.
Sa bagyo at kawalan ng kasiguruhan
sa aming mga buhay, kami ay tumatawag mula sa pag-ibig mong walang hanggan at
pagkalinga sa Iyong mundo. Alam namin nariyan ka para sa madidilim na
pagkakataon sa amin buhay. Ang Iyong Espiritu ay tinutulungan kaming makita ang
mas malinaw mong pangitain kung sino kami at kung ang kahihinatnan namin. Kami
ay lumalago sa aming mga pagkaunawa sa tawag sa amin na gumawa ng ligtas na
matutuluyan ng mga nanganganib sa mundo – at ramdamin sa kailaliman ng aming
mga kaluluwa ang pagnanais sa relasyong may pagkalinga, pagsuporta at
pag-aalaga.
Pagpalain Mo kami aming dakilang
lumikha, sa aming pag-aalay ng aming aming mga sarili na makibahagi sa paglikha
ng bagong mundong may awitin ng pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan. Ito
ang dalangin namin sa dakilang pangalan ng tagapamayapa, Amen.
—Helen Lents, October 24, 1995,
adapted.
Scripture
Reading: 2 Thessalonians 3:6-13
Message Based
on 2 Thessalonians 3:6-13
Hymn of
Reflection:
Disciples’
Generous Response
Scripture Reading:
Doctrine and Covenants 162:7b
Statement
Choose
Generosity: Discovering Whole-Life Stewardship
states: “Part of our whole-life stewardship is making Responsible Choices about
how we live our lives so we are faithful to God’s purposes. The culture we live
in influences our choices. Similarly, our choices influence the world around
us…Sometimes we need to make decisions that are counter to what our particular
culture promotes if we are faithful in living as disciples following Jesus
Christ…”
Piliin ang Pagkabukas-palad: Sinasabi
mula sa “Alamin Ang Buong-buhay Na Pangangasiwa”: Bahagi
ng ating buong-buhay na pangangasiwa ay ang paggawa ng mga Responsableng Pagpili
sa kung papaano tayo mamuhay upang ang ating buhay ay maging tapat sa layunin
ng Diyos. Ang kinabubuhayan nating kultura o nakagawian ay nakakaimpluwensiya
sa ating mga disisyon o pagpipili. Gayundin na ang ating mga pinipili ay
nakakaimpluwensiya sa mundong nasa paligid natin… Minsan kailangan nating
gumawa ng mga desisyon na sumasalungat sa mga nakaugalian o kultura natin kung
tayo ay magiging matapat sa pamumuhay sa pagsunod kay Hesus bilang mga alagad
ni Kristo…”
Activity
· Maghanda ng isang container o lalagyan ng tubig at ilagay sa lamesa
at lagyan ng tubig hanggang sa kalahati nito.
·
State: “Madalas pinupuno natin ang ating buhay sa mga bagay-bagay”
· Simulang maglagay ng mga mani sa tubig at haluhaluin ang tubig. Mapapansing
maihahalo ang mga ito sa tubig.
·
State: “Ngunit kadalasan, sa paglalagay natin ng mga bagay-bagay sa ating
buhay tila ito’y walang saysay at kinahihinatnan.”
· Ipagpatuloy ang paglalagay ng mga mani sa tubig at paghahalo dito.
· Ask: “Bakit kaya sa palagay natin
naniniwala tayo na ang pag-iipon ng mga bagay-bagay ay makapagbibigay ito sa
atin ng siguridad.”I-encourage ang bawat isa na makibahagi sa diskusyon.
· Hilingin ang sinomang gustong magbahagi ng isang aspeto o bahagi ng
kanilang buhay na kung saan maaari nilang mai-apply o magamit ang Paggawa Ng
Responsableng Pagpipili. Pagkatapos ng reflection, maaaring magpatuloy para sa
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Closing
Hymn : 60 TINGLEM NALAING TA DILAM
Benediction
Sending
Forth: Doctrine and Covenants 161:7
The Spirit of the One you follow is
the spirit of love and peace. That Spirit seeks to abide in the hearts of those
who would embrace its call and live its message. The path will not always be
easy, the choices will not always be clear, but the cause is sure and the
Spirit will bear witness to the truth, and those who live the truth will know
the hope and the joy of discipleship in the community of Christ. Amen.
Postlude