Hold Fast to God’s Vision
Preparation:
Maghanda ng ballpen at papel para sa lahat na magagamit sa DGR.
Welcome
Inaanyayahan tayo para sa ating pagpupuri
sa araw na ito. Nagkatipon-tipon tayo sa presensiya ng ating mapagmahal at mapagpalang
Dios. Ang ating tema sa araw na ito ay “Hold Fast to God’s Vision”, Manatili sa
Layunin o Bisyon ng Diyos, at ang ating Banal na Kasulatan ay hango mula sa
aklat ng 2 Tesalonica 2:1-5, 13-17. Sa kasulatang ito maririnig natin ang isang
napakagandang paala-ala tungkol sa pag-ibig at pagpapala ng Diyos gayon din ang
kanyang pagtawag upang tayo ay mamuhay sa ating pag-asa sa misyon ni Kristo na
maaaring mabago ang mundo para sa pangitain ng Diyos ng Shalom.
Gayon din naman na sa araw na ito ang ika-apat na linggo ng ating Generosity Cycle
na focus na (Saving Wisely) mag-impok ng may karunungan, ang ika-lima sa mga
prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Gaya ng nasasaad sa Sharing in
Community of Christ, nakikibahagi tayo sa isang kinabukasan: “Ang ating
bukas ay punong-puno ng mga posibilidad, mga dapat pagdaanan, at pag-asa sa
ating pagpapatuloy na pagsunod sa paggabay ng Diyos, na gumabay sa Iglesia mula
pa noong una.” Kung tayo ay magiging mabuti sa pangangalaga ng ating mga ari-arian,
magiging marunong sa pag-iipon at pagpapahagi sa mga ito, tayo ay nakakatulong upang
maihanda ang maganda at puno ng pag-asa sa kinabukasan.
Sa ating pagsama-sama sa pagpupuri sa umagang ito, nawa ay mapaalalahanan tayo
na tumanggap tayo ng pagpapala ng Diyos at ngayon binigyan tayo ng pagkakataon
na maibahagi ang mga ito sa iba, mayroon din tayong pagkakataon na mabago ang
ating sarili at matulungan tayong manatili sa bisyon ng Diyos para sa Shalom.
Call to Worship: Psalm 145:1, 3a,
21
Ako ay magpupuri sa inyo, aking Diyos at Hari. Pupurihin ko kayo magpakailanman.
Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Pupurihin ko
kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.
Hymn
of Praise: 123 AGSAGANA TAY’ SUMABET TI
APO
Opening
Prayer:
Response
Disciple’s Generous Response
Statement:
Ang
(Consumerism) o labis na pagkunsumo ay makikita sa halos lahat ng mga makabago
at modernong pamayanan. Ibinabahagi ni Apostle Catherine Mambwe ang kwento ni
Stella, isang biyudang babae na sa kabila ng kanyang kahirapan ay nagagawa
parin niyang magkapagtabi. Sa panulat ni Apostle Catherine, “Dahil sa pag-iipon
ni Stella, mas nagiging disiplinado siya sa paggamit ng mayroon sa kanya lalo
na sa mga importanteng bagay.
Activity:
* Gumawa ng isang listahan ng mga
bagay na madalas o kaya halos hindi mo na nagagamit, na sa tingin mo ito ay
nakasama pa sa iyo o kaya nasisiyahan ka dito, o masaya ka parin kahit wala
ito.
* Ngayon, tantiyahin mo kung magkano ang halagang iyong ginastos sa mga ito.
* Hayaang makalahok ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bagay na
gusto nilang bilhin ngunit maaaring hindi naman kailangan.
Ang turo sa atin ni Jesus ay kailangang gamitin natin ang mga ipinagkaloob sa
atin upang papurihan ang Diyos, kahit na sa tingin natin ay mas maliit ito kaysa
iba. Itinuro din niya na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa ating
kapuwa sa pamamagitan ng pagtulong maging sa pisikal nilang pangangailangan.
* Ano kaya ang maaaring mangyari kung ang halaga ng lahat ng nasa ating
listahan natin o kung hindi man yung halaga ng kahit tig-isa tayo sa ating listahan
ay ating ipagkakaloob para sa taong ito?
Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Hymn of Generosity: 618 We Lift Our Voices
Scripture
Reading: 2 Thessalonians 2:1-5, 13-17
Ministry
of Music
Message
Based on 2 Tesalonica 2:1-5, 13-17
Prayer for Peace
Light
the peace candle.
Responsive
peace prayer
Leader: "Community of Christ," ang inyong
pangalan, ibinigay bilang isang banal na pagpapala, na siyang inyong
pagkakakilanlan at tawag.
People: Tinawag tayo upang itaguyod
ang kapayapaan.
Leader: Si Hesu-Kristo na kumakatawan sa Shalom ng
Diyos, inaanyayahan ang lahat ng tao upang lumapit at tanggapin ang banal na
kapayapaan sa gitna ng mga katanungang napakahirap sagutin at sa mga pagsubok sa
buhay.
People: Tinawag tayo upang itaguyod
ang kapayapaan.
Leader: Sundan si Kristo sa daang patungo sa
kapayapaan ng Diyos at nang mahanap ang mga pagpapala sa lahat ng dimensiyon ng
kaligtasan.
People: Tinawag tayo upang itaguyod
ang kapayapaan.
Leader: Higit sa lahat, sikaping manatili at tapat sa
bisyon ni Kristo sa mapayapang kaharian ng Diyos dito sa lupa.
People: Tinawag tayo upang itaguyod
ang kapayapaan.
All: O Panginoon naming Diyos,
ipagkaloob mo sa amin ang pananaw para sa iyong kapayapaan. Sumasa-amin ka nawa
sa aming pasisikap para sa kapayapaan dito at para sa lupa. Amen.
Closing
Hymn: CCS 260 Rain Down
Closing
Prayer:
Sending Forth: 2 Tesalonica 2:16-17
Sapat ang inyong ibinibigay at
silaʼy lubos na nasisiyahan. Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong
pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.
Go in peace.
Postlude