The Promise of Peace

Ti Kari iti Kappia

Welcome

Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Isaias na kung inilalarawan nito ang ilang mga hayop na payapang nagsasama-sama kasama isang bata. Ipinapaalala sa atin nito ang ating logo o seal sa Community of Christ na binubuo ng isang imahe ng leon, karnero at ng isang bata na may salitang kapayapaan “peace” isa ibaba nito. Patuloy na ang focus ng Community of Christ ay ang kapayapaan. Ang pagpupursigi para sa kapayapaan (Shalom) ay isa sa mga Enduring Priciples nito. Ipinapaalala nito sa atin na kailangan nating kumilos at magbahaginan sa kapayapaan ng Diyos at sa isat-isa. Ninanais natin ang isang mapayapang mundo para sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan tayo sa araw na ito na magpatuloy sa pasusumikap na maging taong mapayapa na ibinabahagi ang kapayapaan ni Jesu-Kristo sa iba.

Scripture Reading: Isaiah 11:1-10 The Peaceful Kingdom (Divide the scriptures for three readers)

Advent Hymn: CCS 404 Canticle of the Turning

*Invocation

Response (Music Ministry)

Lighting of the Advent Candle of Peace

Statement

Sa araw na ito sisindihan natin ang isa sa mga kandila ng Adbiento na sumisimbolo ng kapayapaan. Ang kapayapaan ay nagpapakita ng pagiging ganap sa piling ng Diyos, maging sa ating mga puso at sa ating mundo. Sa ating paghahangad ng pakakaunawaan at hustisiya para sa mga wala nito at gayon din sa pagsisikap nating mabawasan ang takot at karahasan na siyang naghihiwa-hiwalay sa mga tao, ipinapanganak ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay tila isang liwanag nagbibigay ginhawa sa gitna ng kadiliman.

Light the candle of peace.

Advent Responsive Prayer

Leader: Panginoong Diyos itinataas namin sa Iyo ang panalanging ito ng Adbiento:

All: Upang nawa kami ay manatiling naghihintay ng iyong kapayapaan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All:  Na nawa ay makita namin na ang kapayapaan ay siyang aming magiging tahanan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay mapaunlad namin ang kapayapaan sa aming kalooban.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa ay maidala namin ang kapayapaan para sa iba.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

All: Na nawa kami ay mamumuhay sa liwanag ng Iyong kapayapaan.

Leader: Pakinggan Mo nawa ang aming panalangin Panginoon. (pause for a moment of silence)

Amen

Advent Peacemakers’ Hymn: CCS 402 Peace Child

Advent Communion Message Based on Isaias 11:1-10

Hymn of Peace: 52 PAGTALCAC NI JESUS

Sacrament of the Lord’s Supper

            Hymn of Prepartion: 140  ITDEM TI TINAPAY TI BIAG

Invitation to Communion

Blessing and Serving of Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture: Doctrine and Covenants 163:3a-b

3 a. You are called to create pathways in the world for peace in Christ to be relationally and culturally incarnate. The hope of Zion is realized when the vision of Christ is embodied in communities of generosity, justice, and peacefulness. b. Above all else, strive to be faithful to Christ’s vision of the peaceable Kingdom of God on earth. Courageously challenge cultural, political, and religious trends that are contrary to the reconciling and restoring purposes of God. Pursue peace.

Statement

Ang pagbabahagi sa kapayapaan ni Jesu-Kristo ay kasama dito ang pagiging generous at masinsinang pagbabahagi ng patotoo, minsteryo, sakramento at pamumuhay sa komunidad na siyang nag-uugnay at nagpapanumbalik sa tama at mabuting relasyon sa Diyos, sa kanyang sarili, sa kapuwa at sa buong nilikha. Ang holistic na pamamaraang ito sa paghahayag at pagpapakita ng pagiging tapat sa Magandang balita ang siyang ating buong pagkaunawa natin sa layunin ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: 178 O NAMNAMA

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Prayer

Panginoong Diyos ng buong kalupaan at ng lahat ng tao sa lupa, nawa ay sumasa-amin ka sa aming pananalangin para sa kapayapaan. Nawa ang Espiritu ng pagkakaunawaan ay dadaloy tulad ng isang tubig na lalaganap sa lahat ng kapangyarihang political. Nawa ang makapangyarihang tubig ng pagmamahal ng Diyos ay bibinyagan nito ang mga pusong balisa. Nawa ay gamitin tayo ng Diyos upang basagin ang mga pader ng pagkatakot at pagkakaila. Nawa kami ay gumawa sa halip na sumisira. Nawa ikaw O Diyos ang aming magiging lakas na sa halip na kami nagtitiwala lamang sa aming sarili. Nawa kami ay palakasin sa pamamagitan ng malikhaing kapangyahiran mo O Diyos na siyang magdadala sa amin mula sa takot patungo sa pagtitiwala. Nawa kami ay maging mga manggagawa ng kapayapaan mo O Diyos. Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Jesus. Amen.

 Sending Forth

Go, bring Peace. Live Peace. Share Peace and be Peace.

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

Love Is…

The Spirit Bear Witness