Posts

Seeking Home

Image
Mateo 2:13-23 Prelude Welcome Call to Worship Responsive Reading Leader: Purihin ang Panginoon! Purihin ang Panginoon mula sa langit; purihin Siya mula sa kaitaasan! Congregation: Purihin ang Panginoon! Leader: Purihin Siya ng lahat ng mga anghel, purihin siya ng lahat mga lingkod! Congregation: Purihin ang Panginoon! Leader: Purihin Siya ng araw at ng buwan; purihin siya ng lahat ng mga bituwin! Congregation: Purihin ang Panginoon! Leader: Purihin Siya ng katas-taasang langit at ng tubig sa ibabaw ng langit! Congregation: Purihin ang Panginoon! Leader: Nawa’y papurihan ang Kanyang pangalan, sapagkat sila’y nalikha ng Kanyang iutos ito. At sila’y Kanyang ilalagak magpakailanman. Congregation: Purihin ang Panginoon! -           Based on Psalm 148 Song of Praise: 23 NAPNOAN RAGSAC Invocation Prayer for Peace Light the Peace Candle. Prayer Mapagmahal at maawaing Diyos, Kami ay n...

The Promise of Joy

Image
Preparation Ihanda ang apat na kandila ng adbiento. Prelude Welcome and Sharing of Community Joys and Concerns Call to Worship Salmo 146:5-10 Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa. 6Ipamamalita ng mga tao ang inyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ipamamalita ko rin ang inyong kadakilaan. 7Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran. 8 Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal. 9 Panginoon, mabuti kayo sa lahat; nagmamalasakit kayo sa lahat ng inyong nilikha. 10Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. Hymn of Praise: Ang Pasko ay Sumapit Invoation Light the Advent Candle of Joy Statement Sa araw na ito sisindihan natin ang kandila ng adbiento para sa kagalakan (Joy). Ang kagalakan ay ang nagpapatuloy na kagan...

The Promise of Peace

Image
Ti Kari iti Kappia Welcome Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Isaias na kung inilalarawan nito ang ilang mga hayop na payapang nagsasama-sama kasama isang bata. Ipinapaalala sa atin nito ang ating logo o seal sa Community of Christ na binubuo ng isang imahe ng leon, karnero at ng isang bata na may salitang kapayapaan “peace” isa ibaba nito. Patuloy na ang focus ng Community of Christ ay ang kapayapaan. Ang pagpupursigi para sa kapayapaan (Shalom) ay isa sa mga Enduring Priciples nito. Ipinapaalala nito sa atin na kailangan nating kumilos at magbahaginan sa kapayapaan ng Diyos at sa isat-isa. Ninanais natin ang isang mapayapang mundo para sa lahat ng tao. Pinapaalalahanan tayo sa araw na ito na magpatuloy sa pasusumikap na maging taong mapayapa na ibinabahagi ang kapayapaan ni Jesu-Kristo sa iba. Scripture Reading: Isaiah 11:1-10 The Peaceful Kingdom (Divide the scriptures fo...

The Peaceful Reign of Christ

Image
Ti Natalna a Panagturay ni Cristo Prelude Gathering Songs: 112 I Will Sing, I Will Sing Welcome Muli, welcome po sa ating lahat sa ating pagpupuri at pagsamba sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay The Peaceful Reign of Christ o Ang Mapayapang Paghahari Ni Kristo, at ang ating banal na kasulatan ay mula sa aklat ng Colosas 1:11-20 na kung saan ay mababasa natin ang mga salitang “Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan – ang lahat nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya.” Ito narin ang final week ng Generosity Cycle, kung saan atin ngayong binibigyan ng focus ang pangangasiwa sa mundo. Habang iniisip natin ang dakilang paglalarawan kay Kristo, mas lalo pa tayong nadadala sa mas malalim na pagkaunawa sa kung ano ang ating papel bilang tagapangalaga. Ang ating papel bilang tag...

Make Responsible Choices

Image
  2 Thessalonians 3:6-13 Additional Scriptures Isaiah 65:17-25; Isaiah 12; Luke 21:5-19; Doctrine and Covenants 161:7; 162:7b   Prelude Welcome Inaanyayahan ang lahat para sa ating pagpupuri sa araw na ito. Ang ating tema sa araw na ito ay “Make Responsible Choices” (Gawing Responsible Ang Pagpili), at ang banal na kasulatan para sa araw na ito ay mula sa 2 Tesalonica 3:6-13 kung saan ipinapangaral ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica ang pagsisikap at pamumuhay na nagpapakita ng mga aral ni Kristo. Binigyang diin niya ang pagiging masipag sa pagtatrabaho at pabibigay ng kontribusyon para sa kabautihan ng komunidad. Ito rin ang ika-limang linggo ng ating Generosity Cycle, na kung saan binibigyan natin ng focus ang Responsableng Paggasta, ang pang-anim sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Ipinapaalala din sa atin ni Pablo na ang pagiging bukas-palad ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay, ito rin ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay, ikinakataw...

Hold Fast to God’s Vision

Image
  SERMON GUIDE Preparation: Maghanda ng ballpen at papel para sa lahat na magagamit sa DGR. Welcome Inaanyayahan tayo para sa ating pagpupuri sa araw na ito. Nagkatipon-tipon tayo sa presensiya ng ating mapagmahal at mapagpalang Dios. Ang ating tema sa araw na ito ay “Hold Fast to God’s Vision”, Manatili sa Layunin o Bisyon ng Diyos, at ang ating Banal na Kasulatan ay hango mula sa aklat ng 2 Tesalonica 2:1-5, 13-17. Sa kasulatang ito maririnig natin ang isang napakagandang paala-ala tungkol sa pag-ibig at pagpapala ng Diyos gayon din ang kanyang pagtawag upang tayo ay mamuhay sa ating pag-asa sa misyon ni Kristo na maaaring mabago ang mundo para sa pangitain ng Diyos ng Shalom. Gayon din naman na sa araw na ito ang ika-apat na linggo ng ating Generosity Cycle na focus na (Saving Wisely) mag-impok ng may karunungan, ang ika-lima sa mga prinsipiyo ng Disciple’s Generous Response. Gaya ng nasasaad sa Sharing in Community of Christ , nakikibahagi tayo sa isang kinabukasan: “A...

Welcome Jesus

Image
  Prelude   Hymn Celebrating All Saints’ Day   All Saints’ Day Para sa kalendaryo ng mga kristiano, ang unang araw ng Nobyembre ay tinaguriang araw upang alalahanin ang mga santo – araw ng mga naging tapat na disipulo, sa nakaraan at kasalukuyan, sa mga nag-alay ng kanilang mga panahon, talento, patotoo at yaman sa mga komunidad ng mga Kristiano, upang ang lahat ay pagpapalain. Sa mga mahahalagang tao para sa iyo na siyang gumabay at naging kasama mo sa iyong kristianong paglalakbay? Maaaring sila yung mga alagad noong unang panahon. Sa ilang sandal, isipin kung ano ang mga naging epekto nito sa’yo. Pause Hayaan nating tayo’y mapalibutan ng mga santong ito sa pamamagitan ng pagsulat sa kanilang pangalan, tulad ng isang “kaibigan”, sa isang espasyong nakahanda. Magbigay ng sapat na panahon upang ang lahat ay makalapit sa harapan upang isulat ang pangalan ng kanilang nais isulat.     We Continue in Worship Tayo ay malugod na tinatanggap sa araw ...