Faithfully Reconcile


Romans 5:1-11

Prelude

Welcome

Ang kuwaresma ay panahon ng paghahanda. Isang panahon patungo sa pagkakapako ni Jesu-Kristo sa krus. Isang panahon para sa seryosong paglapit sa Diyos, upang iiwas at ilayo ang ating mga sarili mula sa mga bagay na gumugulo sa ating mga relasyon sa bawat isa. Ang kuwaresma ay kung saan tayo ay tinatawag upang tumugon na may radikal na pagiging bukas-palad at disiplinang Espiritual sa ating kasunduan sa Diyos na tayo ay mapapalapit sa Kanya.

Call to Worship

Leader: Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan!

Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.

People: Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

Leader: Masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

People: Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

Leader: Lumuhod tayo sa Panginoong lumikha sa atin.

People: Sapagkat Ikaw ang aming Diyos,

All: at kami ang Iyong mamamayan, ang Iyong mga tupa na kawan at Iyong binabantayan at inaalagaan. 

                           -Psalm 95, adapted

Lenten Hymn: “Come Now, You Hungry” CCS 227

Opening Prayer

Response

Scripture Reading: Romans 5:1-11

Focus Moment: Faith in Christ

Pag-usapan:

Halimbawang kayo ay naglalakbay sa ilang, ano kaya ang maaari mong ikakatakot doon? Ano kaya ang maaaring magpapanatag sa'iyo na magpaparamdam sayo na ikaw ay ligtas.

Sharings...

Ano man ang mga bagay na ating kinakatakutan sa ating paglalakbay, maglakad tayong kasama natin si Hesus at ramdamin nating tayo ay ligtas. Ang bawat isa sa atin maging ang lahat ng kanyang nilalang ay minamahal ng Diyos.

Hymn of Faith: "Standing on the Promises" CCS 257

Prayer for Peace

Peace Story: Alma 12:172–180 and 14:25–47

Ang pangalang Lamoni ay pamilyar sa maraming miyembro ng simbahan dahil ito ang pangalan ng bayan kung nakatayo ang unibersidad ng ating iglesia na Graceland University. Ang pangalang ito ay nagmula sa banal na kasulatan sa Community of Christ na siyang nagpakita sa atin ng daan patungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Krito at pakikipagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang biyaya.

Ang haring si Lamoni ay isang bayolenteng lider na madalas nagsisimula ng pakikipagdigma na siya namang laging bumabalik sa kanya. Ngunit ang lahat ng ito ay milagrong nagbago simula ng maranasan niya ang Diyos sa kanyang buhay na siyang nagpalambot ng kanyang puso at pangunahan ang marami sa kanyang mamamayan na mabautismuhan at magbago. Sa pagbuhos ng Diyos ng kanyang espiritu sa kanila, itinayo nila ang isang simbahan at binago nila ang paraan ng kanilang pamumuhay mula sa karahasan patungo sa kapayapaan. 

Ang kanilang panatang ito ay sinubok sa mga panahong hinaharap nila ang mga hukbong nais silang puksain dahil sa bagong pananampalatayang kanilang natagpuan. Kahit sa paglapit na sa kanila ng mga sundalo ay ayaw parin nilang humawak ng mga armas upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Mas pinatunayan pa nila ito ng kanilang ilagay sa hukay ang kanilang mga armas bilang kanilang patotoo sa naranasan nilang pagkilos ng Espiritu sa kanila at pakikipagkaisa nila sa Diyos pagkatapos na sila'y magsisi sa mga karahasang kanilang nagawa sa iba. Nilagay nila sa hukay ang kanilang mga armas upang yakapin ang kapayapaan. 

Light the candle of peace. 

Prayer

Diyos ng Kapayapaan,

Palambutin Mo ang aming mga puso.

Bigyan Mo kami ng talino at tapang na maitaguyod ang kapayapaan.

TulunganMo kaming maintindihan ang iyong layunin para sa lahat ng Iyong nilalang.

Naway maisabuhay namin ang kapayapaan ni Hesu-Kristo sa araw-araw naming pamumuhay. 

Sa pangalan ng prinsipe ng kapayapaan. Amen. 

Hymn of Peace: “Gonna Lay Down My Sword and Shield” CCS 321

Sermon Based on Romans 5:1–11

Disciples' Generous Response

Statement

Tulad ng mga sinaunang Kristiyano o ni Haring Lamoni at ng kanyang bayan, kapag tayo'y naging tapat sa pagtugon sa ministeryo ni Jesucristo, nagiging may pananagutan tayo sa isa't isa, sa Diyos, at sa ating sarili. Ang ating pagtugon sa pagmamahal na biyayang kaloob ng Diyos ay ang maglingkod sa iba at hayaang maging bahagi ng ating pagkatao ang pagiging bukas-palad.

Sa panahong ito ng kuwaresma, mayroon tayong pagkakataon upang pagnilayan ang ibat-ibang paraan kung papaano naging bukas-palad ang Diyos sa atin. Mayroon tayong pagkakataon upang buksan ang ating mga puso at ihanda sa pagtanggap ng paggabay kung papaano tayo magpapatuloy sa pamumuhay sa misyon ni Kristo at sa ating paglilingkod. 

Blessing and Receiving of Local ang Worldwide Mission Tithes

Sending Forth Hymn

Closing Payer

Resonse

Postlude

Popular posts from this blog

The Promise of Peace

The Spirit Bear Witness

Welcome Jesus