Friday, November 27, 2026

Hope Dawns

 
Pagsikat Ng Pag-asa
Isisingising iti Namnama

Additional Scriptures: Psalm 80:1–7, 17–19; Isaiah 64:1–9; 1 Corinthians 1:3–9 

Worship Setting 

Para sa pagsisindi at focus sa Advent candle, maglagay ng limang kandila. Puwede itong nakalagay sa korona o wreath, may halong mga halaman, o iba pang palamuti depende sa laki ng lugar. Ang nakasanayang kulay ng mga kandila ay tatlong lila o purple, isang rosas o kandila ng kagalakan, at isang puti o Christ candle; pero puwede rin kayong pumili ng sarili ninyong kulay. Tuwing Linggo, sinisindihan muna ang mga kandila mula sa mga nakaraang linggo bago magsimula ang pagtitipon, at isang dagdag na kandila naman ang sisindihan sa mismong pagsisindi ng Advent Candle. Ang Christ candle ay sinisindihan sa Araw ng Pasko.

Prelude

Welcome

Call to Worship “Psalm for Today” 

God of our beginnings— 
You are like a seed that breaks open to earth, 
a plant that leans toward sunlight, 
a tree that draws from earth and sky— 
You grow in us. 

God of our future— 
You are like an unborn child with unrealized promise, 
an unsung melody yet unheard, 
an unknown world to be discovered. 
You wait beyond us. 

God of this moment— 
Be our beginning—our new life. 
Be our present moment, 
our future, 
our promised hope. 

Opening Hymn: 6 UMAYCA TA TAENGANNAC

Prayer of Invitation 

Response 

Reading of Confession 

Leader: Pakinggan Mo ang aming mga daing, O Pastol ng Israel.

People: Ibalik Mo kami sa dati naming kalagayan, O Diyos; ipakita Mo ang liwanag ng Iyong mukha, nang kami ay maligtas.

Leader: Pinakain Mo ang Iyong bayan at binigyan sila ng buhay.

People: Ibalik Mo kami sa dati naming kalagayan, O Diyos; ipakita Mo ang liwanag ng Iyong mukha, nang kami ay maligtas.

—Psalm 80:1, 3, 5, adapted 

Prayer for Peace 

Light the peace candle

Prayer

O Diyos ng kapayapaan at pagkakasundo, buksan Mo ang aming mga puso at isipan sa Iyong presensya. Nawa’y tanggapin at yakapin namin ang kapayapaang malaya Mong ibinibigay sa amin. Itanim Mo sa aming mga puso ang kahalagahan ng pagsusumikap para sa kapayapaan at katarungan sa buong mundo. Amen.

Advent Candle Lighting and Focus Moment

HOPE

“Ipinapahayag namin si Jesu-Cristo, at itinataguyod ang mga komunidad na may kagalakan, pag-asa, pag-ibig, at kapayapaan.” Ngayong Advent, pagnilayan natin kung anong klaseng kalagayan ang nabubuo kapag ang ating mga komunidad ay nagiging lugar kung saan ang PAG-ASA ay palatandaan ng pagsisimula ng bagong nilikha ng Diyos. Isipin ang pag-asa bilang isang bagay na nararanasan at naisasabuhay mismo sa lugar kung saan ka nakatira:

Kapag nagbubukang-liwayway na, ang pag-asa ng Diyos ay:

Nararamdaman ko…

Naaamoy ko…

Nalalasahan ko…

Nahahawakan ko…

Naririnig ko…

Sinisindihan namin ang Advent candle ng PAG-ASA at nananalangin na maaalagaan namin ang mga palatandaan ng pag-asa ng Diyos na sumisibol sa piling namin. Nawa’y magbigay ng tapang ang kumikislap na apoy nito upang mapansin, maalagaan, at mapangalanan namin ang bagong nilikha sa aming paligid at sa loob namin.

Light the candle of Hope.

Amen.

Disciples’ Generous Response 

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7a, c

There are many lives waiting to hear the redeeming words of the gospel, or to be lifted from hopelessness by the hands of loving servants. But they will be lost to you without the generous response of disciples who share from their own bounty that others may know the joys of the kingdom.

You have been given the principles of generosity, rightly interpreted for a new time. These principles call every disciple to tithe faithfully in accordance with means and capacity. Those values, deeply rooted in the Restoration faith, affirm that stewardship and discipleship cannot be divided and are dependent upon each other.

Statement:

"Napakarami sa mundo ang nabubuhay ng walang pag-asa na tila kapit bahay lang ang lapit sa atin. Para sa ilan, parang wala nang solusyon o lalabasan sa napakahirap nilang sitwasyon nila; puno sila ng takot at kawalan ng pag-asa. Bilang mga disciples, tinatawag tayo na mag-share nang bukas-palad para mabigyan din sila ng pag-asa sa buhay."

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Scripture Reading: Mark 13:24-37

Ministry of Music or Community Hymn: 397 God Almighty, We Are Waiting

Preaching the Word Based on Mark 13:24–37

Closing Hymn 178 O NAMNAMA

Closing Prayer 

Response 

Postlude 


Thursday, November 19, 2026

This Is How It Will Be...

Matthew 25:31-46

Pagsusuri sa Banal na Kasulatan

Ang bahaging ating binasa ay ang panghuling mensahe ni Jesus sa kanyang huling malaking pagtuturo sa kanyang mga disipulo. Tinatapos ng turong ito ang serye ng mga babala at talinghaga na naghihikayat ng responsableng pagpapasya at pagiging handa sa pagsunod sa kanya. Nabuhay ang sumulat ng Mateo at ang kanyang komunidad sa mga huling dekada ng unang siglo (bandang 80 CE). Dumaranas sila noon ng matinding pagsubok at pagbabago. Kinuwestiyon din nila ang sarili nilang pagkakakilanlan dahil sa pagkawasak ng templo at ng Jerusalem noong 70 CE.

Mahalaga noon ang mga usapin tungkol sa mensahe, misyon, pagkakakilanlan, at pamumuhay ng mga Kristiyano. Hinikayat ng sumulat ng Ebanghelyo ang mga mambabasa na mamuhay nang taliwas sa kalakaran ng mundo at labanan ang mga tukso nito. Naniniwala siyang tinawag ang mga Kristiyano para maging aktibo at hindi basta sumasabay sa agos ng mundo. Para sa sumulat ng Mateo, ang komunidad ng mga Kristiyano ay binubuo ng mga lingkod na bukas sa lahat, maawain, at may misyon. Matinding binibigyang-diin sa ating teksto ngayon kung ano ang dapat na pinakamahalaga sa mga Kristiyano—ang paglilingkod sa mga kapus-palad. Inihalintulad ni Jesus ang kanyang sarili sa mga tinatawag na “pinakahamak na mga kapatid na ito.”

Gumagamit ang ating teksto ng apat na pangunahing larawan: pastol, hari, mga kambing, at mga tupa. Maraming beses nang nabanggit sa Bibliya—sa literal man o matalinghagang paraan—ang tungkol sa pastol. Sa naunang bahagi ng Mateo, nagturo si Jesus ng talinghaga tungkol sa nawawalang tupa at ang kahalagahan ng paghahanap sa nag-iisang nawawalang iyon. Sa isa pang talinghaga sa Juan, tinukoy ni Jesus ang kanyang sarili bilang “mabuting pastol” na “nag-aalay ng kanyang buhay para sa mga tupa.” Tinawag din si Jesus ng ibang manunulat sa Bibliya bilang “Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa” (1 Pedro 2:25), “Pinunong Pastol” (1 Pedro 5:4), at “dakilang Pastol ng mga tupa” (Hebreo 13:20).

Sa mga sinaunang panitikan sa Gitnang Silangan, madalas ding tawaging pastol ang mga hari. Ipinakilala ni Mateo si Jesus bilang isang Hudyo na nagmula sa lahi ni Haring David. Tugma ang paggamit niya ng salitang hari sa paniniwala niyang si Jesus ang Mesiyas na karapat-dapat sambahin. Tulad ng ibang manunulat ng Ebanghelyo, ginamit din ni Mateo ang “Anak ng Tao” bilang pantawag ni Jesus sa kanyang sarili, at binigyang-diin ang karapatan ni Jesus sa titulong “Mesiyas, ang Pinili ng Diyos.”

Madaling naintindihan at nagustuhan ng mga unang Kristiyano ang talinghaga ng sumulat tungkol sa mga kambing at tupa. Tupa at kambing kasi ang pinakakaraniwang alagang hayop noong panahong iyon. Magkasama ang mga kambing at tupa sa iisang kawan sa Palestina. Nag-aalaga ang mga tao ng tupa para sa lana, gatas at mga produktong gawa rito, dumi (pampataba o panggatong), karne, buto, at sungay. Kahit mas matibay ang katawan ng mga kambing, hindi sila kasing-gusto o kasing-halaga ng mga tupa. Malinaw na nauunawaan ng mga unang Kristiyanong nakikinig na bilang isang pastol, ihihiwalay ng hari ang mas mahahalagang tupa mula sa mga kambing. Isang nakakatuwang bahagi ng kuwentong ito ang isinulat ni Mateo na parehong nagulat ang mga matuwid (ang mga tupa) at ang mga isinumpa (ang mga kambing) sa sinabi ng hari. Parehong nagtanong ang dalawang grupo sa hari, “Kailan ka namin nakita at hindi pinaglingkuran?” Sa parehong pagkakataon, sumagot si Jesus na ang hindi nila pagpapakita ng awa sa “pinakahamak” ay pagpapabaya na rin sa kanya.

Ang mga partikular na ginawa ng mga matuwid—o ang hindi ginawa ng mga isinumpa—ang mga pangunahing punto sa ating teksto ngayon (halimbawa, pagpapakain sa nagugutom, pagpapainom sa nauuhaw, pagpapatuloy sa mga dayuhan, at pagbibigay ng damit). Apat na beses itong binigyang-diin ng sumulat ng Ebanghelyo. Kahalintulad ng mga gawang ito ng pagmamalasakit at paglilingkod ang pagkaunawa ni Jesus sa sarili niyang misyon (Lucas 4:18); na siya ring misyon ng Community of Christ.

Mga Pangunahing Ideya

  1. Si Jesus ay isang mapagmahal na pastol na lubos na nagmamalasakit sa kanyang kawan.
  2. Mahalaga ang ating mga desisyon. Tinawag tayo upang paglingkuran ang “pinakahamak.” Ang mga gawain sa pamamagitan awa na binanggit sa tekstong ito ang ating misyon—ang misyon ni Jesu-Cristo—na siyang pinakamahalaga.
  3. May kabuluhan ang ating buhay. Ang ating mga ginagawa, paglilingkod man ito o pagwawalang-bahala, ay may epekto sa ibang tao.
  4. Ang Diyos ay nasa mundo sa katauhan ng mga taong pinagkaitan, walang kalaban-laban, at mahihina.

Mga Tanong para sa Tagapagsalita

  1. Paano mo tinitingnan si Jesus—bilang isang pastol o bilang isang hari? Paano nakakaapekto ang bawat pananaw na ito sa sarili mong pagsunod bilang Kristiyano?
  2. Kailan at saan mo nakatagpo si Jesus sa katauhan ng mga “pinakahamak”?
  3. Aktibo ba ang inyong kongregasyon sa mga gawain ng pagmamalasakit, gaya ng nakasaad sa tekstong ito?
  4. Bukas ba ang inyong kongregasyon sa pagtanggap at pagpapatuloy sa mga dayuhan o hindi kakilala?
  5. Nagulat ka na ba sa iyong paglilingkod at pagmamalasakit sa iba?

Friday, November 13, 2026

Invest in God’s Future


Additional Scriptures: Judges 4:1-7; Psalm 123; 1 Thessalonians 5:1–11


Prelude

Welcome, Caring and Sharing

Prayer of Intercession

Diyos na laging nariyan, inihahain namin sa Iyo ang aming mga alalahanin para sa aming mga kapatid sa banal na pamayanang tinatawag naming Daigdig. Tinanggap namin ang Iyong biyaya at idinadalangin namin ang mga nagpahayag ng kanilang mga pangangailangan ngayong araw, pati na rin ang mga hindi namin alam ngunit nananatili sa puso nila ang Iyong anak. Sa pamamagitan ni Hesukristo, idinadalangin namin ito, Amen.

Call to Worship

Sa’yo Panginoon, itinataas namin ang aming mga mata. Maawa Ka sa amin Panginoon, ito ang aming dalangin. Amen.

-based on Psalm 123:1, 3

Hymn of Praise: 235 PRAISE HIM, PRAISE HIM

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

Panginoon,

Ang aming paningin ay bumabalik sa aming sarili habang inaalala namin ang iba na nakaaapekto sa aming buhay. Dumadaan sila sa aming isipan, at may pag-asa naming tinatanong: Patawarin Mo kami sa mga nagawang pagkakasala at sa kakulangan sa awa. Yakapin Mo kaming lahat bilang mga natatangi at mahalagang kaluluwa. Nawa ay maging mapayapa kami sa isa't isa. Amen.

Scripture Reading: Matthew 25:14–30

Confessional Responsive Reading

Two readers speak from the back of the worship space.

Reader 1: Sumisikat ang bagong araw… mga bagong simula… mga bagong tuklas.

Reader 2: Panginoon, pinagliliwanagan Mo ang aming buhay ngunit nabubuhay pa rin kami sa kadiliman, natatakot na sumugal. Patawarin Mo kami, ito ang aming dasal.

Reader 1: Tinawag kita sa iyong pangalan dahil ikaw ang aking minamahal. Kilala kita bago ka pa man ipinanganak. Minamahal kita.

Reader 2: Panginoon, kung minsan ay hindi kami nakikinig. Ang mga ingay ng aming mundo ay tila lumulunod sa tamis ng Iyong tahimik at mahinang tinig. Patawarin Mo kami, ito ang aming dasal.

Reader 1: Inihanda ko ang daan sa iyong harapan at inilagay ang mga kailangan mo para sa paglalakbay.

Reader 2: Panginoon, kung minsan ay hindi namin makita ang Iyong landas dahil ang aming pokus ay sa iba pang mga bagay sa mundong ito. Patawarin Mo kami, ito ang aming dasal.

Reader 1: Ang bawat isa sa inyo mga anak ko, ay pinagpala ng mga talento na, kapag pinagsama-sama, ay lumilikha ng magandang kakaiba sa mundong aking minamahal. Tanggapin ang aking walang kundisyong biyaya at lumago sa pagtitiwala at kaalamang ikaw ay sa akin.

People : PURIHIN ANG DIYOS! Pinatawad na tayo ng Panginoon at binibigyan tayo ng lakas upang ipagpatuloy ang paglalakbay upang gawing misyon natin ang misyon ni Kristo.

Testimonies

Ask two or three people from different generations to share about discovering God’s blessing of gifts and talents in their lives that have enabled them to move forward in the mission of Christ.

Hymn of Blessing: “Of All the Spirit’s Gifts to Me” CCS 45

Homily Based on Matthew 25:14–30

Ministry of Music OR Community Hymn of Reflection: “O Living God” CCS 183

Disciples’ Generous Response

Scripture: Doctrine and Covenants 164:9b–c

Kapag ang iyong kahandaang mamuhay sa isang banal na pamayanan bilang bagong nilikha ni Kristo ay mas higit kaysa sa iyong likas na takot sa espirituwal at panlipunang pagbabago, magiging ikaw ang kung sino ang tinatawag mong maging. Ang pagtatayo ng magandang Zion, ang mapayapang paghahari ni Kristo, ay naghihintay sa iyong buong-pusong pagtugon sa panawagan na gawin at matatag na panghawakan ang tipan ng kapayapaan ng Diyos kay Hesukristo.
Ang tipang ito ay naglalaman ng sakramentong pamumuhay na iginagalang at inihahayag ang presensya ng Diyos at ang Kanyang pagkakasundo sa sangnilikha. Nangangailangan ito ng buong-buhay na pangangasiwa na nakatuon sa pagpapalawak ng mga ministeryo ng pagpapanumbalik ng simbahan, lalo na ang mga nakatuon sa pagpapatunay ng halaga ng mga tao, pagprotekta sa kabanalan ng sangnilikha, at pagpapagaan ng pisikal at espirituwal na pagdurusa.

Statement

Ang pangangakong ginagawa natin kapag namumuhay sa isang banal na pamayanan ay nangangahulugang paggalang, pag-aalaga, at pagmamahal sa sangnilikha ng Diyos. Nangangahulugan ito ng paggamit ng ating buong sarili upang dalhin ang pagmamahal ng Diyos sa iba. Nangangahulugan lalo na ito ng kamalayan na ang bawat tao ay may halaga, pagprotekta sa banal na sangnilikha ng Diyos, at pagtulong sa mga nahihirapan o nagdurusa.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Challenge: 73 YEG MOt’ INANIM

Benediction

Sending Forth

Go! Be trustworthy with the gifts with which God has blessed you. Invest in the people you meet each day. Love and bless—as you have been loved and blessed. Go with God.

Postlude

Friday, November 6, 2026

The Kingdom Is Like...

 

Additional Scriptures:  Joshua 24:1-3a, 14-25; Psalm 78:1-7; 1 Thessalonians 4:13–18


Prelude and Meditation

Welcome

Call to Worship

Reader 1: Makinig kayo, O ang mga langit, at gayon din, O ang mga lupa at magalak kayong lahat na naninirahan dito, sapagkat ang Panginoon ay Diyos, at bukod sa Kanya ay walang ibang Tagapagligtas. Napakadakila ng Kanyang karunungan; at kamangha-mangha ang Kanyang mga pamamaraan……

Reader 2: Makinig kayo sa aking katuruan aking bayan; ipakinig ninyo ang inyong mga tainga sa mga salitang sinasabi ng aking bibig.

—based on Doctrine and Covenants 76:1; Psalm 78:1

Hymn of Praise: “Great and Marvelous Are Thy Works” CCS 118

Invocation

Response

Sharing of Joys and Concerns

Prayer of Intercession

May mga bahagi ng sandaling katahimikan sa ating panalangin upang taimtim nating babanggitin ang mga pangalan ng mga alam nating nangangailangan ng pagpapala ng Diyos.

Mapagmahal na Lumikha, ibinahagi namin ang aming mga kagalakan at alalahanin sa isa't isa at sa Iyo. Narinig Mo ang aming pagbanggit sa mga nangangailangan ng buong pagpapagaling at kapanatagan. Hinihiling namin ang Iyong pagpapala ng kaginhawaan, presensya, at pagpapagaling para sa mga taong binanggit namin, pati na rin sa iba na ang mga pangalan ay tahimik naming iaakyat sa Iyo ngayon.

*Pause…

We trust in your compassion for your children and offer this prayer seeking your special blessing on their behalf. In the name of the One who healed many during his years of ministry, Jesus Christ, Amen.

Nagtitiwala kami sa iyong habag para sa iyong mga anak at iniaalay ang panalanging ito upang humingi ng iyong natatanging pagpapala para sa kanila. Sa pangalan ng Siyang nagpapagaling sa marami noong panahon ng kanyang ministeryo, si Hesukristo, Amen.

Hymn of Confession: “Spirit, Open My Heart” CCS 564

Disciples’ Generous Response

Statement

Wise disciples choose to offer their first fruits to God. It might be through teaching to help disciples learn to serve, or it might be helping with a local food pantry to help Abolishing Poverty, End Suffering. Wise disciples recognize that first-fruits monetary giving also helps make mission real. How will you generously respond today?

Pinipili ng mga marurunong na alagad na ialay ang kanilang mga unang ani (first fruits) sa Diyos. Maaaring sa pamamagitan nito ng pagtuturo para matulungan ang mga alagad na matutong maglingkod, o kaya naman ay tumulong sa isang lokal na food pantry para makatulong na maibsan ang kahirapan at wakasan ang pagdurusa (Abolishing Poverty, End Suffering). Batid ng mga matatalinong alagad na ang pagbibigay ng handog na pera mula sa unang ani ay nakakatulong din para maisabuhay ang misyon. Paano ka magiging bukas-palad sa iyong pagtugon ngayon?

 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Prayer for Peace

Light the peace candle

Scripture Reading

Ngayon, igalang ninyo ang Panginoon at maglingkod nang may katapatan at buong puso; …piliin ninyo ngayon kung sino ang paglilingkuran ninyo…. ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, maglilingkod kami sa Panginoon. —based on Joshua 24:14-15

Prayer

Banal na Diyos, mas madalas naming naipapalit o dahilan ang pagiging abala sa aming buhay  kaysa sa pagpapairal ng katarungan at pagmamahal nang may awa sa iglesia. Bigyan Mo po kami ng lakas ng loob na maglakas-loob sa mga bagong bagay upang maging mga tagapagtaguyod ng kapayapaan. Amen.

Music Ministry or Community Hymn: “Keep Your Lamps Trimmed” CCS 633

Sermon Based on Matthew 25:1–13

Hymn of Commitment: 113 O SICA AGTAWID ITI PAGARIAN

Prayer and Benediction

Postlude



Hope Dawns

  Pagsikat Ng Pag-asa Isisingising iti Namnama Additional Scriptures: Psalm 80:1–7, 17–19; Isaiah 64:1–9; 1 Corinthians 1:3–9  Worship Setti...