Bring Humility



Micah 6:1-8
Additional Scriptures : Psalm 15; 1 Corinthians 1:18–31; Matthew 5:1–12

Preparation

Provide each person with a copy of the Make Responsible Choices Challenge handout (see below) and something to write with either as they enter the worship space or during the Focus Moment.

Prelude

Welcome

Call to Worship Responsive Reading 

Leader: Pakinggan ninyo ang Magandang balita:

People: Ang pagpapala ng Diyos ay nasa atin.

Leader: kahit ano pa man ang nangyayari sa ating mga buhay.

People: Magalak kayo at magsaya.

Leader: Pakinggan ang sinasabi ng Panginoon:

ALL: Kumilos ng may katarungan, ibigin ang kabutihan. Maglakad nang may kababaang-loob kasama ang Diyos.

—Based on Micah 6:1–8, Matthew 5:12

Hymn of Gathering : 46 KANTAAC TIMANNUBBOTCO

Invocation

Response

Focus Moment

Called to Make Responsible Choices

Scripture Reading: Micah 6:1-8

Reflection

Pag-isipan at ibahagi ang kasagutan mula sa mga sumusunod na tanong:

Ano ang maaaring larawan ng isang taong nasa kanyang puso ang Diyos?

Papaanong magiging higit ang ating pamumuhay sa piling ng Diyos, na magiging mas maligaya at payapa tayo?

Papaano tayo mas magiging responsable sa ating mga desisyon?

Read after sharings:
Kung gusto nating mamuhay ng masaya a payapa, simulant nating tumugon sa pamamagitan ng mga makabagong paraan. Kung may mga tao na nagsalita ng nakakasakit ngunit ito ay hindi naman direkta para sa atin, o kung ito ay patungkol sa mga minamahal natin, kailangang magtiwala tayo na sila man ay minamahal din ng Diyos. Magtiwala tayo na ang Diyos naririyan sa situwasyon at namamagitan. Alam ng Diyos kung ano ang ating mga intensiyon. Madalas hindi natin alam ang mga totoong detalye upang makapanghusga tayo ng tama, ngunit ang Diyos ay tiyak na nakakaalam ng lahat.

Ang ating Enduring Priciple na Responsible Choices ay pinagtitibay nito ang mensaheng binibigyan tayo ng Diyos ng abilidad upang pumili at umaasa Siyang patuloy nating pipiliin ang kabutihan. Kung tayo’y gagawa, patuloy tayong lilikha sa pamamagitan ng mas mahusay na proseso sa mundo, mas mabuting pakikipagkaibigan at ang lahat ng mga nilalang mas magiging malusog.

Prayer for Peace 

Light the peace candle.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 163:3

Prayer

Diyos naming Magpakailanman,

Minsan na naming pinili ang sumunod sa Iyo. At ngayon muli naming pipiliin ang sumunod sa Iyo. Nawa ay magkaroon kami ng lakas ng loob na gumawa ng mga desisyon na magpapakita ng aming pananampalataya at gumawa ng kapayapaan sa Iyong pangalan.   

Sa mga pagkakataong hindi naaayon sa Iyong kalooban ang aming mga desisyon, patawarin Mo kami, patawarin Mo kami sa mga pagkukulang namin para umibig, na umunawa, at pagiging makasarili.

Buksan Mo ang aming mga puso at isipan para sa mga posibilidad ng kapayapaan na maaaring magmula sa aming pangangalaga ng iyong mga nilikha, sa mas mabuti naming relasyon, at sa pagkilala na ang lahat ay banal at sagrado.

Pinili at tinawag Mo kami bilang Iyong bayan ng Iyong kapayapaan. Pagkalooban Mo kami ng lakas ng loob at pananampalataya upang matupad ang pangitain ng kapayapaang nakalaan sa amin. Sa pangalan ni Hesus, Amen

Hymn of Response : “Lord, Make UsInstruments” CCS 364

Homily Based on Micah 6:1-8

Disciples’ Generous Response 

Statement

Generosity Flows from Responsible Choices

Gamitin ang mga sumusunod mula sa Enduring Principles upang gumawa ng pahayag tungkol sa pangangasiwa na may responsableng pagpili bilang mensahe para sa Disciple’s Generous Response.

Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng abilidad na pumili kung sino ang nais niyang pagsilbihan. May mga ilang tao rin nakakaranas ng mga kondisyong bumababa ang kanilang abilidad na gumawa o pumili ng tamang desisyon.

Ang ating mga desisyon ay maaaring nakakadagdag sa kabutihan o nakakasama sa ating buhay o sa mundo.

Marami sa mga nilikha ng Diyos ang nangangailangan ng kaligtasan dahil iresponsable at makasalanang desisyon ng tao.

Tinatawag tayo upang maging responsable sa ating mga desisyon sa ating buhay na siyang nakakatulong sa mga layunin ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Ministry of Music

The Sacrament of the Lord’s Supper 

Communion Message 

Invitation to Communion

Ang Hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento ng pagala-ala natin sa buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at sa nagpapatuloy na presensiya ni Hesu-Kristo.
Sa Community of Christ, nararanasan din natin na ang Komunyon ay isang pagkakataon upang mapabago ang ating pakikipagkasundo mula sa ating bautismo na maging isang alagad na ipinamumuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may iba o karagdagang pagkakaunawa ang iba sa tradisyon ng kanilang pananampalataya. Inaanyayahan namin ang lahat na makibahagi sa Banal na Hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitang pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Hymn of Preparation : 140  ITDEM TI TINAPAY TI BIAG

Communion Scripture: 1 Corinthians 11:23–26

Blessing and Serving of Bread and Wine

Scripture of Remembrance and Promise 

Ito ay marapat na lagi ninyong gagawin, gaya ng ginawa ko, gaya ng pinagpirapiraso ko ang tinapay, na aking binasbasan at ibinigay sa inyo. At sa gayon lagi ninyong aalalahanin ang aking katawan, na aking ipinakita sa inyo. At ito nga ang magpapatotoo sa Ama, na lagi ninyo akong inaalala. At kung lagi nga ninyo akong naalala, ang aking Ispiritu ay sumasaInyo.  —3 Nephi 8:33–36, adapted

Pastoral Prayer 

Hymn of Benediction:  “Now Go in Joy” CCS 659

Congregational Sending Forth 

Our God is a Source of blessings.

Our God is a Source of love and justice.

Our God is a Source of wisdom and truth.

We move out in mission through the Creator, Savior, and Source.

Go in peace.

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

The Promise of Peace

The Spirit Bear Witness