Friday, September 25, 2026

Is the Lord among Us or Not?


Kasama ba natin ang Panginoon o hindi?

Additional Scriptures
Psalm 78:1-4. 12-16; Matthew 21:23–32; Philippians 2:1–13  

Preparation 

Bigyan ng kopya ng finger labyrinth ang bawat isa na magagamit para sa Focus Moment.

Prelude 

Welcome 

Gathering Hymn: “Come Now, You Hungry” CCS 227 

Opening Prayer 

Response 

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Prayer 

Panalangin Para sa Kapayapaan sa Gitna ng mga Pagsubok

Panginoon, lumalapit kami sa Iyo ngayon upang humingi ng kapayapaan sa aming mga puso at isipan.

Sa gitna ng napakabilis, maingay, at nakakapagod na mundo ngayon, napakarami naming hinaharap na pagsubok—mga suliranin sa pananalapi, gulo sa paligid, at mga reklamo sa araw-araw na tila nag-aalis ng aming katahimikan.

Ipaalala Mo po sa amin na ang tunay na kapayapaan ay hindi nanggagaling sa kawalan ng problema, kundi ito ay nagmumula sa Iyong piling sa kabila ng anumang unos.

Turuan Mo kaming makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng:

·       Pagtitiwala sa Iyo: Na palaging ipaubaya ang mga bagay na hindi namin hawak at kayang kontrolin.

·       Pagpili na umunawa: Na sa halip na magreklamo at magalit sa aming kapwa, maging marunong kaming magpatawad, makinig, at magpasensya.

·       Pagiging MapagpaSalamat: Na sa gitna ng mga reklamo sa buhay, matuto kaming tumingin sa mga mumunting biyaya na ibinibigay Mo araw-araw.

·       Pagiging Daan ng Kapayapaan: Na imbis na dagdagan ang ingay at away sa mundo, maging instrumento kami ng pagmamahal at pag-asa sa aming pamilya at pamayanan.

Pagkalooban Mo po kami ng matatag na pananampalataya upang manatiling kalmado ang aming kalooban kahit marami ang gumagulo sa aming paligid.

Ito ang aming daing at dalangin sa pangalan ni Hesus, prinsipe ng kapayapaan. Amen. 

Disciples’ Generous Response 

Statement 

Ang pondo ng World Church ay sumusuporta sa mga programa ng Community of Christ World Hunger. Maraming tao sa buong mundo ang nabibiyayaan ng mga tulong na ito.

Si Danielle, na 14 na taong gulang mula sa Haiti, ay nagsabi:

"Gustong gusto ko 'yung mga pagkain na natatanggap namin sa paaralan. May kanin, gulay, at may karne pa! Hindi kami nakakakain ng karne sa bahay kasi hindi namin kayang bumili. Masaya rin ang mga magulang ko kasi hindi na nila kailangang gumastos nang malaki para sa pagkain namin ng kapatid ko. Sa halip, ginagamit nila ang perang iyon para ibili kami ng mga libro para sa aking pag-aaral." —2015 Annual Report, Community of Christ 

May anim na espiritwal na gawain mula sa *A Disciple’s Generous Response* na nagtataguyod at nagagabay sa atin sa pamamahala at pagbabahagi ng ating mga biyaya: (1.) Tanggapin ang mga Kaloob ng Diyos, (2.) Tumugon nang May Pananampalataya, (3.) Iayon ang Puso at Pera, (4.) Magbahagi nang Bukal sa Loob, (5.) Mag-ipon nang May Karunungan, at (6.) Gumastos nang May Pananagutan.

 

Para sa Pagninilay Ngayon: Paano ka tumugon nang may katapatan at pananampalataya sa mga biyayang natanggap mo mula sa Diyos?

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Scripture Reading: Exodus 17:1–7 

Music for Reflection/ Music Ministry

Sermon Based on Exodus 17:1–7 

Focus Moment: Finger Labyrinth 

Ang *maze* ay isang palaisipan na puno ng mga liko, ikot, at mga daang walang labasan. Marami itong ibinibigay na pagpipilian at nangangailangan ng lohikal at matematikal na pag-iisip—isang gawain ng *left brain* o kaliwang bahagi ng utak.

Sa kabilang banda, ang labirinto o *labyrinth*, kapag ginagamit sa espiritwal na pagsasanay, ay ginawa upang ipokus ang isip at hindi para lituhin ito. Iisa lamang ang daan nito (*unicursal*); ang daan pabalik ay ang daan din pabalik-loob. Ang *labyrinth* ay isang gawain ng *right brain* o kanang bahagi ng utak. Kinapapalooban ito ng pakiramdam, pagiging malikhain, at paggunita. Sa isang *labyrinth*, iisa lang ang pagpipilian: kung papasok ka o ba hindi.

Minsan, ang buhay ay parang isang *maze*—paikot-ikot ka lang at sinusubukang hanapin ang tamang daan.

Naiisip mo rin ba kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo, hindi lang sa hinaharap, kundi ngayon din?

Naiisip mo rin ba kung ano ang dapat mong gawin sa isang partikular na sitwasyon?

Hindi ba't masarap sa pakiramdam na malaman mong nasa tamang landas ka at nagpapatuloy nang may kamalayan sa mga biyaya at gabay ng Diyos?

Ang *Labyrinth* ay isang sinaunang simbolo na hango sa likas na hugis ng ating mundo (tulad ng spiral at bilog). Bagama't ginagamit ito sa Kristiyanismo bilang simbolo ng paglalakbay patungo sa Diyos, ang kahulugan nito ay higit pa sa anumang relihiyon. Ang daan pabalik ay ang daan din paloob. Maglaan ng ilang minuto ngayon para sa isang paglalakbay gamit ang nakatala na *Finger Labyrinth*.

A Rhythm for Finger Labyrinth 

Sending Forth Hymn : “Rain Down” CCS 260 

Sending Forth: Doctrine and Covenants 164:9a 

Postlude 

Is the Lord among Us or Not?

Kasama ba natin ang Panginoon o hindi? Additional Scriptures Psalm 78:1-4. 12-16; Matthew 21:23–32; Philippians 2:1–13   Preparation  ...