
Additional
Scriptures: Matthew 5:1-12; 1 John 3:1-3; Revelation 7:9-17
Prelude
Welcome
Hymn of Invitation:
“Gather Us In” CCS 72
Invocation
Response
Focus Moment
Ang All Saints’
Day o Araw ng mga Banal ay isang banal na araw na natatapat tuwing
Nobyembre 1. Ito ang araw kung kailan inaalala natin ang mga taong naging
bahagi ng ating buhay na yumao na—mga totoong taong nag-iwan ng positibo,
mapagmahal, at maalagang marka sa ating mga puso. Habang kasama natin silang
naglalakad sa mundong ito, namuhay sila nang may kababaang-loob, katapatan, at
matatag na pananampalataya. Ang mga banal na ito ay nag-alay ng kanilang buhay
sa Diyos at sa kapwa. Inalagaan nila ang ating mga puso’t espiritu at naging
inspirasyon sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Sa Kristiyanismo,
tinuturing natin ang mga taong ito bilang bahagi ng ating "Cloud of
Witnesses" (Ulap ng mga Saksi).
May mga Banal din
na opisyal na kinilala o canonized ng Simbahang Katolika. Sila ang mga
yumaong pormal na idineklara bilang Santo o Santa dahil hinayaan
nilang kumilos ang Diyos sa kanilang buhay at patuloy na tumingin sa iba nang
may malasakit, pagmamahal, at pagpapatawad—kung paano sila tinitingnan ng
Diyos.
Sa oras na ito,
babanggitin natin ang mga pangalan ng ating mga nakilala at nais alalahanin
bilang ating mga banal. Ngayon, pakinggan natin ang kuwento ng isang banal na
opisyal na kinilala ng Simbahan.
Ang Kuwento ni Carlo Acutis
Ang unang kuwento
ay tungkol sa isang batang lalaki, si Carlo Acutis, na kamakailan lamang
ay ginawang santo ni Papa Leo. Isinilang si Carlo noong 1991 at pumanaw dahil
sa leukemia noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Siya ay isang taong
napakatotoo sa ating mga mata—isang batang mahilig maglaro ng soccer at video
games, mahilig sa mga hayop, at gumamit ng teknolohiya upang ipalaganap ang
Salita ng Diyos. Tinawag din siya bilang "a saint next door" o
ang banal na kapitbahay natin.
Hymn: 10 O JESUSCO
A NAAYAT
Prayer for
Peace
Light the peace
candle
Prayer
Ringer the bell,
Ngayon ay nagpapasalamat tayo para sa lahat
ng mga banal na nauna sa atin, na ngayon ay lumisan na. Namamangha kami sa mga
sumunod sa Iyong halimbawa ng pamumuno na naglilingkod, na nagpagod nang walang
kapaguran para sa kapayapaan sa mga lugar na kasing-layo ng kabilang panig ng
mundo at kasing-lapit ng kanilang sariling mga tahanan.
Inaalala natin ang
mga banal na nauna at ang kanilang mga sakripisyo, at tulad ng dati, Ikaw at
ang Iyong mga sakripisyo na ginawa sa ngalan ng kapayapaan. Nawa'y magkaroon
kami ng lakas na itaas ang kandila ng kapayapaan upang maibahagi ang init nito
sa mga nangangailangan, upang ang paghahanap ng kapayapaan ay magpatuloy sa
susunod na henerasyon. Sa pangalan ni Jesus kami nananalangin, Amen. —Tiffany
and Caleb Brian
Spiritual
Practice:
Maglaan ng
panalangin para sa mga kabilang sa ating Cloud of Witnesses (Ulap ng mga
Saksi)—tulad ng magulang, lolo o lola, kabiyak, kapatid, guro, kasamahan sa
trabaho, kapitbahay, kaibigan— mga taong nagpalakas at nagbigay-inspirasyon sa
atin sa pamamagitan ng halimbawa ng kanilang buhay at pagmamahal.
Scripture Reading:
Psalm 34:1-10, 22
Ministry of Music
OR Community Hymn
Homily Based on
Psalm 34:1-10, 22
Sacrament of the
Lord’s Supper
Communion Scripture Reading: 1 Corinthians
11:23-26
Ito ang turo na ibinigay sa akin ng
Panginoon, at itinuturo ko naman sa inyo: Noong gabing ipagkanulo ang
Panginoong Hesus, kumuha siya ng tinapay, at pagkatapos niyang magpasalamat sa
Diyos, hinati-hati niya ito at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog
para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Pagkatapos nilang
kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa. Kinuha niya ito at sinabi, “Ang
kopang ito ang bagong kasunduang pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo
ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng
tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng
Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.
Hymn of Preparation: “Let Us Break Bread
Together” CCS 521
Invitation to Communion
Ang lahat malugod na inaanyayahan sa hapag
ni Kristo.
Ang Banal Na Hapunan ng Panginoon, o
Komunyon, ay isang sakramento kung saan inaalala natin ang buhay, kamatayan,
muling pagkabuhay, at ang patuloy na presensya ni Jesu-Kristo.
Sa Community of Christ, nararanasan din
natin ang Komunyon bilang pagkakataon upang mapanibago o buhaying muli ang
ating tipan sa bautismo at mahubog bilang mga alagad na isinasabuhay ang misyon
ni Kristo. Ang iba ay maaaring may magkaiba o pandagdag na pagkaunawa sa loob
ng kanilang sariling tradisyon sa pananampalataya. Inaanyayahan natin ang lahat
ng makikibahagi sa Hapunan ng Panginoon na gawin ito sa pag-ibig at kapayapaan
ni Jesu-Kristo.
Blessing and
Serving of Bread and Wine
Disciples’ Generous
Response
Hymn of Generosity:
“From You I Receive” sing several times CCS 611
Oblation
Scripture Reading: Doctrine and Covenants
165:1d
Magsagawa tayo ng mga makatarungan at may
malasakit na kilos upang wakasan ang kahirapan at ang hindi kinakailangang
paghihirap ng iba. Isulong natin ang kapayapaan sa buong mundo at para sa ating
Daigdig.
Statement
Tuwing unang Linggo ng buwan, nakatuon ang Disciples’
Generous Response sa ating Layunin sa Misyon—ang Wakasan ang Kahirapan at
Paghihirap (Abolish Poverty, End Suffering)—na kinabibilangan din ng
ministeryo ng Oblation.
Story of Saint Theresa
Itinatag ni Mother Teresa ang Missionaries
of Charity, isang relihiyosong organisasyon na noon ay nakatuon sa
paglilingkod sa "mga pinakamahirap sa mga mahihirap" sa mga iskinita
o slums ng Calcutta. Sa paglipas ng mga dekada, lumago ang ministeryong
ito at umabot sa mahigit 133 na bansa, kung saan mahigit 4,500 madre ang
namamahala sa mga tahanan para sa mga namamatay dahil sa HIV/AIDS, ketong, at
tuberculosis. Nagpapatakbo rin sila ng mga kusina para sa mahihirap (soup
kitchens), botika o klinika sa lansangan (mobile clinics), ampunan,
at mga paaralan. Opisyal na idineklarang santo o kinilala si Mother Teresa
noong Setyembre 4, 2016, ni Pope Francis, bilang pagkilala sa kanyang
buong-buhay na dedikasyon sa paglilingkod sa mga pinakamahirap sa pamamagitan
ng Missionaries of Charity. Ang pag-alala sa buhay at paglilingkod ni Mother
Teresa ay nagbibigay-inspirasyon sa atin na sundin ang mga yapak ni Jesus.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide
Mission Tithes
Hymn of Faith and
Hope: “There’s an Old, Old Path” CCS 244/245
Sending Forth
Inaalala natin ang mga taong nagpalakas sa
atin sa pamamagitan ng halimbawa ng kanilang buhay na puno ng pananampalataya
at pagmamahal. Sa sandaling ito, binibigkas natin ang mga sumusunod na
pagpapala, na ibinigay ni Jesus sa Kanyang Pangaral sa Bundok (Sermon on the
Mount). Nawa'y maging pagpapala tayo habang iniingatan natin ang alaala ng
lahat ng mga banal na nakapaligid sa atin.
Read Matthew 5:1
-12
Postlude
