One in Christ


Prelude

Gathering Hymn: 101 ADTOY UMAYAKITI MADARAS

Welcome

Responsive Invitation to Worship

Leader: Sino nga ba ang Diyos – siya ba’y bata o matanda?

All: Siya ba’y nasa malapit lamang o malayo? Siya ba’y babae o lalaki?

Leader: Sa lahat ng ito ay wala,

All: Minamahal Niya ang lahat, minamahal Niya ako.

Leader: Ang Diyos ba ay isang bata, o ang Diyos ba ay matanda,

All: Ang Diyos ba ay babae, o ang Diyos ba ay lalaki,

Leader: Siya ba’y halik ni Nanay, o yakap ni Tatay,

All: Minamahal Niya ang lahat, minamahal Niya ako.

—Based on “Who Is God”, by Brian Wren, CCS 9,© 1993 Hope Publishing Company

Hymn of Transformation: “Who Is My Mother, Who Is My Brother?”     CCS 336

Prayer of Invitation/Invocation

Response/Music Ministry

Disciples’ Generous Response

Statement

Makakatulong tayo sa pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabait at pagbabahagi sa iba. Siguro sa pagbibigay ng ating mga kaloob, maaari tayong maging isang bahaghari para sa ibang tao at makakatulong ito na sumikat at makita ng lahat ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2b

Listen to the testimonies of those responding generously. Follow your soul’s yearning to come home to God’s grace and generosity. Let gratitude show you the way.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Focus Moment (sharing)

  •          Anong mga pangyayari o kaganapan sa buhay mo ang siyang maaaring nakatulong sa iyong pagkaunawa tungkol sa Misyon ng Diyos?
  •        Kailan mo mas naramdaman na ikaw ay buhay?Anong mga bagay ang nakakapag-excite at nagtutulak saiyo na magpatuloy at makibahagi sa misyon ng Diyos? (Bakit ka naririto? Bakit sa tingin mo ay mahalaga ito para sa’yo?)

Scripture Reading: Galatians 3:23-29

Morning Message based on Galatians 3:23-39

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer for Middle East

O Banal na Diyos na pinagmumulan ng lahat ng nilikha sa mundo,

Kami ay naririto at mapagpakumbabang lumalapit sa Iyo, na may pagkilala sa aming pagkakaugnay sa bawat isa sa buong mundo anuman ang aming lahi at wika.

Idinadalangin namin na manaig ang Iyong kapayapaan sa pagitan ng Israel, Iran at sa iba pang mga bansa sa gitnang silangan at ng buong mundo. Palambutin mo ang mga pusong punong-puno ng poot, galit at paghihiganti at sa halip ay gawin mo na ang mga pusong ito ay maging mapang-unawa, mapagmahal at mapagpatawad. Nawa Panginoon ay mangibabaw ang habag ng bawat panig sa mga batang walang kamalay-malay, sa mga mahihina at walang kakayanan.

Nawa’y ang mga instrument ng digmaan ay maging mga kasangkapan para sa pagbuo ng mga tulay ng pagkakaibigan. Pagalingin Mo O Diyos ang mga nakaraang hinaing sa pamamagitan ng pagpapatawad , at ang mga susunod na henerasyon ay maligtas sa mga pasanin ng tunggalian.

Gabayan Mo ang lahat na makita ang banal na kislap at halaga sa loob ng bawat indibidwal. Nawa’y liwanagan Mo ang aming lalandasin ng katarungan at empatiya, na humantong ito sa mundo kung saan naghahari ang pagkakaisa, at ang lahat ng mga tao ay maaaring umunlad na may dignidad at seguridad.

Sa pangalan ni Hesus, ang prinsipe ng kapayapaan. Amen.

Closing Hymn: 37 DIOSCOPATIBKERENNAC

Closing Prayer

Sending forth:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan at pagmamahalan sa inyong mga puso. Nawa'y gabayan kayo ng liwanag ng pag-asa at pagkakaisa sa bawat hakbang. Maglingkod nawa kayo nang may kabutihan, at nawa'y ang kapayapaan na inyong natagpuan dito ay inyong ibahagi sa lahat ng inyong makasalubong.

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

Heal Our Blindness

Love Is…