Peace with God

Prelude

Call to Worship

O Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay matutunghayan, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan. 

Kapag akoʼy tumitingala sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan, akoʼy napapatanong, “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”

Ginawa ninyong mas mababa kaysa sa mga anghel ang kanyang kalagayan. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan. Ipinamahala nʼyo sa amin ang inyong mga nilalang, at ipinasailalim sa amin ang lahat ng bagay: mga tupa, mga baka at lahat ng mga mababangis na hayop, ang mga ibon sa himpapawid, mga isda sa dagat at lahat ng lumalangoy doon. 

O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan sa buong mundo ay natutunghayan. - Salmo 8

Opening Hymn

Invocation

Response/Music Ministry

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Panginoon at Dios ng lahat,

Punong puno ng pag-ibig ang iyong pagtingin sa lahat ng tao ano ang kanilang lahi, kultura, at relihiyon. Hinihiling namin na sa araw na ito kami ay Iyong basbasan at ipagkaloob Mo ang Iyong Banal Na Ispiritu sa amin at sa lahat ng Iyong likha hanggang sa kalawakan. Basbasan Mo kami ng Ispiritu ng kapayapaan at hustisiya, ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Nawa ang Ispiritu ay tulungan kaming palawakin ang aming pang-unawa sa lahat. 
Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Jesus, ang prinsipe ng kapayapaan. Amen.

Hymn of Peace: "Let there be peace on Earth"

Focus Moment
  1. Magbigay ng dalawang salita na naglalarawan sa iyo kung sino ang Diyos.
  2. Talong salita na naglalarawan sa iyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo.
  3. Ano ang gusto mong sabihin sa Diyos sa araw na ito.
  4. Ano ang maaari mong ipangalan o itatawag sa Diyos?
By: <isulat ang iyong pangalan>_________

Scripture Reading: Romans 5:1-5

Ministry of Music/Congregational Hymn

Message based on Romans 5:1-5

Disciples' Generous Response: Doctrine and Covenants 165:2df

Statement
Ang biyaya at awa ng Diyos ay walang hanggan. Sa ating pagbubukas ng ating mga puso sa isang matapang at bukas palad na pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa isang kilusan ng Diyos sa mundo. Ang Diyos ay nabibigay ng kasaganaan, tayo nama'y tumugon ng may katapatan at ibahagi natin ang pag-ibig at awa ng Diyos na lumalago ng walang hanggan. 

Blessing of Local and Worldwide Missin Tithes

Mapagpala at mapagmahal na Diyos,
Nauunawaan namin na kami ay Iyong tinawag upang maging tagapangalaga ng masagana Mong pagpapala, at sa lahat ng iyong ipinagkatiwala sa amin. Tulungan Mo kami sa maayos na paggamit namin sa mga ito at turuan mo kami sa pagbabahagi nito. Nawa ang tapat naming pangangalaga sa mga ito ang siya naming magiging patotoo sa pag-ibig ni Kristo sa aming mga buhay. Amen. 

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn: "We Are One in the Spirit"

Prayer and Benediction

Postlude

Popular posts from this blog

Stand Firm in The Lord

Heal Our Blindness

Love Is…