You Shall Love
Prelude
Gathering Hymn: 77 UMAY KAYO AMIN
Welcome
Invitation to Worship: Doctrine and Covenants 161:7
Ang Espiritu ng inyong sinusundan ay ang espiritu ng pag-ibig at kapayapaan. Nais ng Espiritung ito na manatili sa puso ng mga yaong tatanggap sa kanyang pagtawag at ipamuhay ang mensahe nito. Hindi lagi madali ang tatahakin, hindi laging malinaw ang mga pagpipilian ngunit ang mga dahilan ay tiyak at ang Espiritu ang magpapatotoo sa katotohanan, at yaong mga mamumuhay sa katotohanan ay malalaman nila ang pag-asa, ang kagalakan ng pagiging alagad sa komunidad ni Kristo. Amen.
Opening Hymn: "Now in This Moment" CCS 96
Invocation
Response
Body Prayer: Surrendering Yourself to God
Leader: Sa gagawin nating panalangin ngayon hinihiling ko na ilagay natin ang ating mga kamay sa ating ulo, pagkatapos sa ating mga mata, sunod sa ating mga tainga, pagkatapos sa ating lalamunan, at sa ating puso. Pangungunahan ko ang panalangin at pagkatapos ay uulitin nating lahat. Tayo ay saglit na tatahimik pagkatapos ng bawat bahagi nito habang binubuksan natin ang ating mga sarili sa presensiya ng Diyos.
Ngayon, ilagay natin ang ating mga kamay at sundan ninyo ako:
Panginoon... sa araw na ito nawa ang isipan ko ay nasa isipan Mo.
All: Panginoon…nawa'y ang aking mga saloobin ay maging iyong mga saloobin habang ako'y nabubuhay sa araw na ito.
Pause.
Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating mga mata.
Panginoong Diyos...nawa'y maging pangitain mo ang aking pangitain habang tinitingnan ko nang may pagmamahal ang lahat ng aking nakikita.
All: Panginoong Diyos...nawa'y maging pangitain mo ang aking pangitain habang tinitingnan ko nang may pagmamahal ang lahat ng aking nakikita.
Pause
Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating mga tainga.
Panginoon naming Lumikha... buksan mo ang aming mga tainga nang marinig namin ang Iyong tinig sa araw na ito.
All: Panginoon naming Lumikha... buksan mo ang aming mga tainga nang marinig namin ang Iyong tinig sa araw na ito.
Pause
Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating lalamunan.
Panginoon Dios... iniaalay namin sa Iyo ang aming tinig upang sambitin at ipahayag ang iyong pag-ibig at katotohanan.
All: Panginoon Dios... iniaalay namin sa Iyo ang aming tinig upang sambitin at ipahayag ang iyong pag-ibig at katotohanan.
Pause.
Leader: Ilagay natin ang ating mga kamay sa ating puso.
Panginoon... dumaloy nawa ang Iyong pag-ibig sa aming mga puso patungo sa lahat ng aming makakasalamuha sa araw na ito.
All: Panginoon... dumaloy nawa ang Iyong pag-ibig sa aming mga puso patungo sa lahat ng aming makakasalamuha sa araw na ito.
Pause.
All: Amen.
Prayer for Peace
Light the peace candle.
"Never seen, ever known where this wind has blown bringing life, bringing power to the world."
Peace Prayer
Walang hanggang Espiritu,
Kami ay nagpapasalamat sa hangin! Hangin na siyang marahing nagpapalamig sa amin. Hanging pumapagaspas at nagsasabing tayo ay magmadali. Hanging umaalulong na humihimuk sa ating kuryosidad. Isang hanging tahimik na gumigising sa kamalayan sa ating direksiyon. Habang hinihikayat kami ng hangin, mawa'y maging bukas kami at maunawain sa iyong pagpapatnubay. Nawa kami ay makapagdala ng isang mapayapang buhay sa kapuwa. Nawa kami ay lumabas na dala-dala namin ang hangin. Ibukas mo ang aming mga pakpak at nawa ang Iyong hangin ay dalhin kami sa mga lugar na hindi pa namin nararating ngunit isang lugar na kilalang-kilala na namin. Nawa'y magamit namin ang Iyong Espiritu ng Kapayapaan at maibuga namin ito sa mga sulok-sulok ng aming mga komunidad, na naghahatid ng simoy ng kapayapaan sa mga humihinga ng sariwang hangin.
Sa pangalan ni Jesus, ang siyang humihinga ng kapayapaan. Amen.
Hymn of Wonder: "As the Windo Song Through the Tress" CCS 42
Focus Moment
Inaan-yayahay ang sinuman na gustong pumunta sa harapan upang magpakita ng isang galaw o action na sumisimbolo ng pag-ibig na siya namang huhulaan ng kongregasyon kun ano ito.
Sa pagtatapos ng activity na ito, maaaring mag-share kung ano ang kaya nating gawin sa mga susunod na araw bilang simbolo ng pag-ibig.
Morning Message Based on Galatians 5:1,13-25
Disciples' Generous Response
Statement
Kapay tayo'y nagbibigay o nagbabahagi ng ating mga kaloob, nakakatulong tayo upang maipalaganap ang pag-ibig at awa ng Diyos at lumalago o umuunlad ito ng walang hanggan.
Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7c-d
You have been given the principles of generosity, rightly interpreted for a new time. These principles call every disciple to tithe faithfully in accordance with means and capacity. Those values, deeply rooted in the Restoration faith, affirm that stewardship and discipleship cannot be divided and are dependent upon each other. d. The call to respond is urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Closing Hymn: 64 RAGSAKEN TAY AGSERVI TI APO
Benediction
Sending Forth
Kayo'y maging isang bayang nagpapahayag ng kapayapaan, mga taong nakadarama ng alitan ngunit iniabot ang kamay ng pagkakasundo, isang taong nakatagpo ng mga wasak na espiritu at nakahanap ng mga landas para sa kagalingan, isang taong naghahanap ng kapayapaan ni Jesucristo para sa buong mundo. Amen.
Postlude