Rumang-ay
Iti Parabur
Preparation
Angkop ang
worship service na ito para sa bautismo, dahil ang mga tekstong babasahin
(lectionary scripture) ay tumatalakay sa bagong buhay kay Kristo sa pamamagitan
ng bautismo. I-adjust ang daloy ng worship para magpokus sa sakramento ng bautismo
kung ito ay akma sa inyong grupo.
Maghanda ng
isang worship center kung saan naka-display ang mga cups na may lupa (sapat
para sa lahat) at ilang buti ng namumulaklak na halaman. Maglagay din ng mga
buto ng bulaklak (flower seeds) sa lugar na madaling makikita ng lahat.
Gagamitin ang
mga cups na may lupa at mga buto sa bahagi ng "Focus Moment."
Maghanda rin ng tubig. Mas maganda kung gagawa ng mga "stations" sa
paligid ng kwarto para sa activity na ito ng pagtatanim.
Prelude
Sharing of Joys and Concerns
Call to Worship: Salmo 86:1-3
Hymn of Invitation: 10 O JESUSCO
A NAAYAT
Invocation
Response/Music Ministry
Focus Moment
Bigyan ng
kanya-kanyang cup na may lupa ang lahat ng dadalo. Mamaya-maya ay bibigyan din
sila ng buto ng halaman (seed) para itanim dito. Maghanda rin ng tubig para sa
mga bagong tanim.
Pag-usapan
niyo ang tungkol sa bautismo—kung paano ito sumisimbolo sa bagong buhay kasama
si Kristo at sa patuloy na pagkilala sa Kanya.
·
Para saan kaya sa tingin niyo ang mga cup na may
lupa? (Sagot: Para pagtaniman ng buto)
·
Ano pa ang kailangan ng buto para tumubo?
(Sagot: Hangin, tubig, at araw)
Ipamahagi na
ang mga buto para maitanim sa kani-kanilang cup, at magbigay din ng tubig para
madiligan ang mga ito.
Ipaliwanag na
kung paanong kailangan ng bulaklak ang araw (sun), kailangan din natin ang Anak
ng Diyos (Son) na si Hesus.
Kapag tayo ay
binautismuhan, para tayong isang bagong tanim. Umahon tayo sa tubig na handang
mamuhay sa isang bagong buhay.
Hikayatin ang
lahat na magkwento tungkol sa karanasan nila noong sila ay nabautismuhan.
Anyayahan silang iuwi ang kanilang itinanim at abangan ang pagsibol ng bagong
buhay dito.
Prayer for Peace
Hymn of Peace
Light the
Peace candle
Prayer
Panginoon ng mga
bundok, parang, bawat sandali, at hiwaga, Inilalaan po namin ang oras na ito
para magpokus sa paghahanap ng kapayapaan— isang kapayapaan na kung minsan ay
parang kay lapit, pero madalas ay tila napakalayo. Sa mga sandaling ito, hamunin
mo kaming magbago at magsimulang muli. Ang bagong simula na ito ay parang
imposibleng mangyari sa mundong puno ng pagkakawatak-watak; dahil sa usapin ng
lahi, mga hangganan, politika, pagkasira ng kalikasan, at kahirapan. Idagdag pa
ang mga isyu sa relihiyon, mga doktrina, at ang agwat ng buhay sa probinsya at
sa lungsod.
Tulungan mo po
kaming intindihin at ipagdiwang ang aming mga pagkakaiba-iba. Kung paanong
ipinakita mo sa amin ang halimbawa ng bagong buhay at paglago, tulungan mo rin
kaming maging matabang lupa kung saan pwedeng lumago ang aming mga komunidad. Tulungan
mo kaming magbigay ng tubig sa mga nauuhaw. Tulungan mo kaming maging buhay na
halimbawa ng Iyong Anak para sa mundong nababalot ng dilim. Tulungan mo kaming
maging tagapagtaguyod ng kapayapaan— habang nagtatanim kami ng mga binhi ng
kapayapaan; habang nakikinig kami sa gitna ng ingay at gulo; at habang
inaalagaan namin ang Iyong ubasan.
Mapagmahal na
Diyos, tulungan mo kaming maging bukas sa aming kapwa. Dahil sa pagkilala sa
aming kapwa, natututo kaming makinig at magsama-samang magtayo ng kapayapaan.
Amen.
Scripture Reading: Romans 6:1b–11
Sharing in the Spoken Word based
on Romans 6:1b–11
Community Hymn: 87 TIMEC INCAM MANGNGEGAN
Disciples’ Generous Response
Scripture
Reading: Doctrine and Covenants 161:3a
3 a. Open your hearts and feel the
yearnings of your brothers and sisters who are lonely, despised, fearful,
neglected, unloved. Reach out in understanding, clasp their hands, and invite
all to share in the blessings of community created in the name of the One who
suffered on behalf of all.
Hymn of
Generosity “Into My Heart” CCS 573
Statement
Ang tampok na
talata mula sa aklat ng Roma ay naglalarawan sa bautismo at sa bagong buhay na
nakakamit sa pagsunod kay Hesus. Bagamat tila nakapokus ito sa bawat
indibidwal, isa rin itong tawag para sa buong komunidad. Sa ating pag-aalay,
nagbibigay tayo bilang magkakahiwalay na tao, pero ang ating mga kaloob ang
nagpopondo sa mga ministeryong nagpapatatag sa komunidad. Ang komunidad ng mga
Amish ay madalas ding nagsasama-sama sa panahon ng pagtatanim, pag-aani, mga
pagpapala, at maging sa mga trahedya. Ang ganitong paraan ng pagbibigay ay
madalas makikita kapag ang isang pamilya ay may matinding
pangangailangan—nagkakaisa ang lahat para magbigay ng pagkakataon sa isang
bagong simula sa gitna ng tila magulong sitwasyon.
Blessing and
Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Closing Hymn : Make Me a Servant”
sing twice CCS 597
Closing Prayer and Benediction
Postlude