Amplify Our Witness

 

Prelude

Welcome

Reader 1: Mga kaibigan at mga kapatid, makinig kayo!

Reader 2: Magalak kayo!

Reader 3: Maging inspirasyon kayo sa bawat isa!

Reader 4: Magkaisa kayo sa kapayapaan!

Reader 1: At ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay mananahan dito.

Reader 2: Magbatian kayo sa isa’t isa nang may kabanalan ng Diyos.

Reader 3: Magbatian kayo sa isa’t isa nang may pag-ibig ng Diyos.

Reader 4: Magbatian kayo sa isa’t isa nang may kapayapaan ng Diyos.

Reader 1: Ang kamangha-manghang biyaya ni Kristo,

Reader 2: ang nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos,

Reader 3: at ang malapit na pakikipagkaibigan ng Espiritu Santo ay sumasatinyong lahat!

Reader 4: Inanyayahan tayong lahat!

All Readers: Hallelujah! Amen!

Hymn of Invitation: Santo, Santo, Santo

Invocation

Sung Prayer Response: “Praise God from Whom All Blessings Flow” CCS 53 or 54

Scripture Reading: Matthew 28:16-20

Focus Moment: Stop and Go Invitation 

Maghanda ng invitation card para sa susunod na linggo at itanong, “Bakit tayo nagbibigay ng invitation sa mga tao?” Tanggapin ang lahat ng kanilang sagot. Karaniwang nagpapadala ng invitation para ayain ang mga tao sa isang espesyal na okasyon. Ano-ano ang mga salitang ginagamit natin kapag nag-iimbita tayo?

Pagnilayan natin ang sipi mula sa Mateo 28:16–20. Sinabihan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na humayo at ayain ang lahat na maging alagad ni Kristo, magpabinyag, at sumunod sa kaniya. Nangako si Jesus na laging nasa kanila ang kaniyang Espiritu. Ngayon, papraktisin natin ang utos ni Jesus na mag-anyaya ng mga tao. Kailangan ko ng ilang volunteers na pumunta rito sa harap at humarap sa grupo.

Ibigay ang mga invitation sa mga volunteer.

Kapag sinabi kong “Go,” pumunta kayo sa kahit sino sa grupo at bigyan sila ng isa sa ating mga special invitation. Pero kapag sinabi kong “Stop,” huminto kayo kung nasaan man kayo hangga’t hindi ko sinasabing “Go” ulit. Tingnan natin kung maibibigay ninyo ang lahat ng ating invitations kay Kristo. Handa na ba kayo?

Ipagpatuloy ang larong “Stop and Go” hanggang ang lahat ay makatanggap ng invitation, pati na ang bawat bata. Sabihan ang mga kalahok na isipin kung kanino nila ibabahagi ang kanilang invitation ngayong linggo.

Hymn of Invitation

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

O Prinsipe ng Kapayapaan,

Tinawag Mo kaming itaguyod ang kapayapaan at itatag ang layunin ng Sion. Nauunawaan namin ito bilang tawag upang ibahagi ang Iyong kapayapaan sa lahat ng aspeto—sa aming sarili, sa aming kapwa, sa komunidad, at sa buong mundo. Tulungan Mo kaming anyayahan ang iba sa aming hangarin para sa katarungan at pagkakapantay-pantay. Dinggin Mo ang aming dalangin, O Panginoon. Amen.

Message based on Matthew 28:16-20

Prayer of Confession and Commitment

Panginoon, alam namin na madalas kaming nag-aalinlangan na humayo sa mundo at ibahagi ang Iyong biyaya. Dahil sa aming mga takot at pagiging abala sa buhay, hindi kami nakakausad sa Iyong pangalan. Ngayong araw, nais naming tumugon at buong-pusong ayain ang mga tao kay Kristo. Bigyan Mo po kami ng lakas ng loob at katapangan upang matupad ang pangakong ito. Sa pamamagitan ni Jesus Amen.

Hymn of Commitment : CCS 363 Go, Make of All Disciples

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading

Pinapaalalahanan ko kayo… na tandaan ninyo na ang bawat mabuting kaloob ay nagmumula kay Kristo. —Moroni 10:13, adapted

Statement: 
Kung paanong mahalaga ang pag-anyaya sa bawat tao kay Kristo, mahalaga rin sa Diyos at sa ministeryo ng simbahan ang bawat handog. Maaari tayong magdiwang nang may kagalakan sa pamamagitan ng pag-aalay ng ating tugon sa paanyaya at biyaya ng Diyos

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Hymn of Sending: CCS 651 Send Me Forth

Benediction

Sending Forth: Doctrine and Covenants 163:2a–b

2 a. Jesus Christ, the embodiment of God’s shalom, invites all people to come and receive divine peace in the midst of the difficult questions and struggles of life. Follow Christ in the way that leads to God’s peace and discover the blessings of all of the dimensions of salvation. b. Generously share the invitation, ministries, and sacraments through which people can encounter the Living Christ who heals and reconciles through redemptive relationships in sacred community. The restoring of persons to healthy or righteous relationships with God, others, themselves, and the earth is at the heart of the purpose of your journey as a people of faith.

Postlude

Popular posts from this blog

The Promise of Peace

The Spirit Bear Witness

Welcome Jesus