Grow in Faith (Grow)
Prelude
Gathering Song: 11 KENCA AGTALECAC
Welcome and Scripture of Invitation :
Gayunpaman, narinig ko ang inyong
mga panalangin sa tuwing kayo ay tumatawag sa akin, at sinamahan ko kayo sa mga
lugar kung nasaan kayo. Batid ko ang inyong hangarin na paglingkuran ako, at
titiyakin ko sa inyo: habang kayo ay humahayo, ang inyong mga handog na
pananampalataya at paglilingkod ay katanggap-tanggap sa akin.
Kaya naman, sa lahat ng inyong mga
pagsisikap, patuloy kayong magtiwala sa aking biyaya at tumugon nang may
pagmamahal sa mga gabay ng aking Espiritu. Kung lalapit kayo sa akin nang may
pagkakaisa at pag-ibig, pagpapalain ko kayo ng isang masaganang buhos ng
habag—para sa isa’t isa at para sa mundo kung saan Ko kayo isinugo. Amen.
Call to Worship Response Reading
Leader: Mapagkakatiwalaan Ka ba namin O Diyos sa gitna ng
panlilinlang at katiwalian?
All: Panginoon, alam naming Ikaw ay mapagkakatiwalaan
namin. Mahal Mo kami, kahit na hindi namin ito lubos na maunawaan.
Leader: Maaari ba kaming magtiwala sa Iyong biyaya,
Panginoon?
All: Ang pagtitiwala namin sa Iyong biyaya ang naghahatid
sa amin sa pag-asa.
Leader: Paano kami magkakaroon ng pag-asa kung mahirap ang
buhay?
All: Ang aming pananampalataya ang nagsisilbing tulay sa
pagitan ng magulong mundong ito at sa Iyo.
Leader: Ano ang maaari naming gawin upang tunay na maranasan
ang Iyong biyaya?
All: Pipilitin naming maging matatag sa pananampalataya
upang tunay naming makilala ang Iyong biyaya.
Leader: May pag-asa kami sa Iyo,
Panginoon, dahil sa Iyong katuwiran na ipinakita sa pamamagitan ng pananalig ni
Jesus, sa Kanyang buhay, sa Kanyang sakripisyo, at sa Kanyang muling
pagkabuhay.
Opening Hymn: 102 DICA CUMAPOY URAY ANIA
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Prayer of Examen
Ang Panalangin ng Pagsusuri (Prayer
of Examine) ay isang paraan ng pagdarasal na binuo ni San Ignacio de Loyola
(1491–1556). Kadalasan itong ginagawa sa pagtatapos ng araw, ngunit maaari ring
gamitin anumang oras bilang paraan ng pagbabalik-tanaw kasama ang Diyos. Ang
layunin nito ay kilalanin kung saan natin kailangan ng kapatawaran, paghilom,
pakikipagkasundo, at muling pagtatalaga ng ating sarili.
Ang sumusunod ay isang halaw
(adapted) na bersyon ng panalangin. Gabayan ang grupo sa bawat linya. Huwag
magmadali; bigyan sila ng pagkakataong manalangin at magnilay sa bawat pahayag.
Salamat, O Diyos, sa regalo ng buhay at sa araw na ito.
Tulungan Mo kaming makita ang araw na ito kung papaano kami
namuhay at ayon sa liwanag ng Inyong kalooban.
Nawa kami ay makapagnilay sa mga pangyayari, sa aming mga
nakasalamuha, at ang mga emosyong naramdaman namin sa araw na ito.
Bigyan Ninyo kami ng pang-unawa sa mga pagkakataong ang aming
naging tugon ay mabuti, nagbibigay-buhay, o nagdulot ng paghilom.
Bigyan Ninyo kami ng pang-unawa sa mga pagkakataong ang
aming naging tugon ay maaaring naging manhid, kulang sa pagmamahal, o nakasama
sa iba, sa kalikasan, o sa aming sarili.
Nawa’y matagpuan namin ang Inyong biyaya at habag,
kapatawaran, paghilom, pakikipagkasundo, at paglaya.
Panginoon, ipinauubaya namin sa Inyo ang aming bukas.
Nawa’y manatili Kayo sa aming isipan, kilos, at pakikipag-ugnayan habang kami
ay humaharap sa bagong araw sa piling ni Kristo.
Kaming lahat, si Kristo ang aming
kapayapaan. Amen.
Scripture Reading: Romans 4:13-25
Ministry of Music OR Community Hymn of Faith: CCS 7 God of
the Ages
Homily based on Romans 4:13-25
Disciples’ Generous Response
Activity: Magbahagi ng mga panahong kung saan ang Iyong
pananampalataya ay nagsilbi bilang iyong pag-asa. Maaari din itong isulat sa
papel at ihulog sa lalagyan ng offerings na sumisimbolo sa pagpapala at
pag-ibig ng Diyos.
Blessing and Receiving of Local and
Worldwide Mission Tithes
Sacrament of the Lord’s Supper
Communion Scripture: Matthew 26:26-30
Invitation to Communion
Hymn of Preparation: 138 NAUGASAN DAGITI BASBASOL MO
Blessing and Serving of the Bread
and Wine
Pastoral Prayer
Hymn: 241 FOR ME TO
LIVE IS CHRIST
Sending Forth
Let us go into the world, trusting
in God with new faith and hope. Go with God.
Postlude