Amplify All Voices




Prelude

Welcome

Call to Worship: Responsive Reading

Leader: Biglang may narinig na ugong mula sa langit, gaya ng malakas na hanging humahagibis, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.

Response: Ito ang Diyos na ating sinasamba, ang tapat at hindi nagbabagong kaibigan.

Leader: May nakita silang parang mga dilang apoy na naghiwa-hiwalay at dumapo sa bawat isa sa kanila.

Response: Ang pag-ibig Niya ay kasinglawak ng Kanyang kapangyarihan, at ito ay walang hanggan.

Leader: Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita sa iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu.

Response: Si Hesus ang una at ang huli, ang Kanyang Espiritu ang papatnubay sa atin sa pagbabalik nang ligtas.

Leader: Namangha sila at naguluhan, kaya’t nagtanungan sila sa isa’t isa, “Ano kaya ang kahulugan nito?”

Response: Pupurihin natin Siya sa lahat ng nakaraan, at magtitiwala tayo sa Kanya sa lahat ng darating.

Hymn of Praise: 165 SARITAEC A SIAYAT NI HESUS A NASLAG

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle

Peace Hymn

Prayer

Panginoon, kumusta po Kayo?

Mabuti naman po kami, pero marami po sa labas ang hindi. Kung maaari po sana, tulungan Niyo sila. Bigyan Niyo po sila ng kapayapaan—’yung kapayapaang magpapagaling sa kanilang mga sugat.

Magbigay Kayo ng kapayapaan sa mga nasa gitna ng digmaan. Bigyan Niyo rin ng kapayapaan ang mga dumaranas ng matitinding pagsubok, ’yung mga nawasak na ang buhay. Para rin po ito sa mga taong ang mismong tahanan o lungsod ang nagiging labanan—sana po ay makatagpo sila ng katahimikan.

Ipinapanalangin din namin na pagkalooban Niyo ng kapayapaan ang mga hindi pa nakakakilala sa Inyo, para matagpuan Niyo rin sila.

May kapayapaan kami dahil kilala namin Kayo. Sa pangalan ng Inyong Anak, Amen.

Scripture Reading: Acts 2:1- 21

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang Alay at Panalangin

Ginawa tayong tagapangalaga ng Diyos sa saganang biyayang ibinigay Niya noong likhain ang mundo—mga biyayang patuloy Niyang ipinagkakaloob araw-araw.

Sa araw na ito, buong puso nating ibinibigay ang ating mga handog at ikapu para sa mga misyon at gawain ng simbahan sa buong mundo. Nagbibigay tayo dahil alam nating ang lahat ng mayroon tayo ay mula sa Kanya, at Siya ang patuloy na magpupuno sa ating mga pangangailangan.

Dahil marami pa tayong dapat gawin upang ipakita ang kabutihan ng Diyos sa bawat sulok ng daigdig, nawa’y maging bukas-palad tayo sa ating pagbibigay.

Manalangin tayo.

Banal na Diyos, salamat sa pagpapadala ng Iyong Espiritu—ang Espiritu ng muling nabuhay na si Kristo—mula sa langit.

Tulungan Mo kaming maging katulad ng mga unang alagad, na may tiyagang nanalangin habang naghihintay sa Iyong gabay at kapangyarihan.

Punuin Mo ang aming puso at isipan ng Iyong mga kaloob na pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Nawa ang aming pakikipag-usap sa mga tao mula sa iba’t ibang wika at kultura ay maging saksi ng Iyong biyaya at habag.

Iniaalay namin ang aming sarili at ang aming mga handog para sa Iyong mabubuting layunin sa mundo, sa pamamagitan ng mga gawain ng aming simbahan at sa kapangyarihan ng Iyong Espiritu.

Dalangin namin ito sa pangalan ni Hesus. Amen.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Generosity “Take My Gifts and Let Me Love You” CCS 609

Message based on Acts 2:1- 21

Scripture Meditation:

Gabay sa Meditasyon

Tayo po ay umupo sa komportableng posisyon, mag-relax, huminga ng malalim, at ipikit ang ating mga mata.

Bilang isang komunidad at bilang indibiduwa, minamahal tayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggan na pag-ibig – isang pag-ibig na natutuwa sa bawat hakbang ng pananampalataya na ating ginagawa.

Ramdamin natin ang walang hanggang na pagmamahal ng Diyos para sa atin.

Pause.

Nanabik ang Diyos sa Iyong pag-lapit sa Kanyang presensiya – upang ang iyong sugat ay magamot at maghilom, ang iyong kakulangan ay mapunan, at ang iyong pag-asa ay mapatibay.

Sabihin mo sa Diyos ang Iyong mga pangangailangan.

Pause.

Huwag kang tumalikod sa Kanya dahil sa iyong pride, takot, o guilt. Dahil Siya lamang ang tanging nagnanais ng pinakamabuti para sa iyo sa iyong mga mahal sa buhay.

Ano nga ba ang hinahangad ng Diyos para sa iyo at iyong mga mahal sa buhay?

Pause.

Lumapit ka sa iyong Walang Hanggang Manlilikha na may bukas na isip at puso, at muli mong tuklasin ang mga biyaya ng Magandang Balita.

Hingin mo sa Diyos ang paglago ng iyong espiritu sa panahong pakiramdam mo ay malayo o sarado sa ka Banal na Espiritu.

Pause.

Maging handa ka sa pagtanggap sa biyaya ng Diyos.

Sambitin mo sa iyong mga bibig ang iyong pagtanggap sa biyaya ng Diyos.

Pause.

Ipagpatuloy ang iyong paglalakbay sa pananampalataya nang may bagong lakas at sigla. Amen

Closing Hymn: “Now Sing to Our God” CCS 108

Prayer and Benediction

Sending Forth

Postlude


Popular posts from this blog

The Promise of Peace

The Spirit Bear Witness

Welcome Jesus