Additional Scriptures: Psalm 124; Matthew 16:13–20; Romans 12:1–8
Practice
Creative Resistance
Gawing Makalikhain
Ang Pagtutol
Prelude
Welcome
Call to
Worship: Psalm 124
Hymn :
234 ARE YOU COMING TO JESUS TONIGHT
Opening
Prayer
Response
Disciples’
Generous Response
Scripture
Reading: Doctrine and Covenants 165:2a
a. Palayain ang buong lakas ng misyon
ni Kristo sa pamamagitan ng pagbibigay na gumagaya sa mismong kabutihan ng
Diyos.
b. Makinig ka sa mga kwento ng mga
taong bukal sa loob nila ang tumulong. Sundin mo ang sigaw ng puso mong bumalik
sa biyaya at kabutihan ng Diyos. Hayaan mong ang pasasalamat ang magturo sa 'yo
ng daan.
c. Tandaan mo, ang isa sa mga
pundasyon ng pagiging alagad ay ang pagpapalago ng misyon ni Kristo sa
pamamagitan ng pag-iikapu sa lokal at pandaigdigang misyon base sa tunay mong
kakayahan. Ang pagbibigay sa ibang magagandang organisasyon ay kahit ito man ay
mahalagang bahagi ng pagiging bukas-palad—ay hindi nito dapat binabawasan o pinapalitan
ang iyong ikapu.
d. Ang pag-iikapu ay isang espiritwal
na gawain na nagpapakita ng kahandaang i-alay ang bawat bahagi ng buhay mo sa
Diyos. Kapag ginabayan ka ng pananampalataya, pagmamahal, at maayos na
pagpaplano—kasama na ang pag-aayos ng mga maling utang—mas malaki pala ang
kakayahan mong tumulong kaysa sa inakala mo noong una.
e. Ang pagiging mabuting tagapamahala
bilang ganti sa serbisyo ni Kristo ay higit pa sa personal na pagbibigay.
Kasama rito ang kabutihang-loob ng mga lokal na simbahan at grupo na nag-aambag
sa pandaigdigang misyon para patatagin ang pamayanan kay Kristo sa lahat ng
bansa.
f. Ang pagbibigay at paghahati-hati
para sa ikabubuti ng lahat—'yan ang tunay na diwa ng Zion.
Statement
Kapag
totoong inantig ng Diyos ang ating mga puso, mas gusto nating mamuhay nang
katulad ni Kristo. Bilang mga tagasunod ni Hesus, ramdam at pinapasalamatan
natin ang Kanyang biyaya at pagmamahal. Kapag tinanggap natin ang mga regalo ng
Diyos, ibig sabihin nito ay ibinibigay natin ang buo nating buhay sa Kanya
bilang tapat na alagad. Inaanyayahan tayo sa isang paglalakbay kung saan
inaalay natin ang lahat bilang ganti sa napakagandang kabutihan ng Diyos,
habang gumagawa tayo ng mga komunidad na puno ng saya, pag-asa, pagmamahal, at
kapayapaan.—Sharing in Community of Christ, 4th Ed.
Herald Publishing House, p.43
Blessing
and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Scripture
Reading: Exodus 1:8—2:10
Focus
Moment
Sa Exodus,
sinasabing may bagong Paraon na namuno sa Ehipto—isang haring hindi
nakakakilala kay Jose at punung-puno ng takot. May dalawang Hebreong hilot,
sina Sifra at Pua, na nagprotekta sa mga ina at mga sanggol, at itinago nila
ang mga isinisilang na sanggol na lalaki. Ang ina naman ng bata na kalaunan ay
naging si Moises ay iniligtas siya sa pamamagitan ng pagpapalutang sa kaniya sa
ilog gamit ang isang basket. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahanap ng anak
na babae ng Paraon ang sanggol sa basket at nagdesisyon siyang protektahan at
palakihin ito na parang sarili niyang anak.
·
Magpasimula
ng talakayan tungkol sa mga ito:
·
Sino-sino
ang nagpakita ng tapang sa kwentong ito?
·
Paano
naapektuhan ng kanilang matatapang na gawa ang hinaharap ng Israel?
·
May
maiisip ka bang mga sitwasyon ngayon na nangangailangan din ng ating
katapangan?
Ministry
of Music OR Community Hymn : “A Mother Lined a Basket” CCS 239
Message based
on Exodus 1:8—2:10
Prayer for
Peace
Light
the peace candle
Prayer
Lord,
lumalapit kami sa 'Yo ngayon nang may mabigat na puso pero may pag-asa. Sa
gitna ng mga kawalan ng katarungan at kaguluhan sa paligid namin, humihingi
kami ng Iyong kapayapaan—'yung kapayapaang nagpapakalma sa takot namin pero
hindi nagpapatulog sa aming konsensya.
Panginoon,
bigyan Mo po kami ng lakas ng loob at tunay na tapang. Huwag Mo kaming hayaang
manahimik o pumikit na lang kapag may natatapakang kapwa. Turuan Mo kaming
lumaban at tumindig sa mga paraang malikhain, puno ng pagmamahal, at hindi
nagpapadala sa galit o poot. Gamitin Mo ang aming mga talento, boses, at kilos
para maging liwanag sa dilim at magdala ng tunay na pagbabago.
Salamat
dahil alam naming kasama ka namin sa bawat hakbang. Ikaw ang aming lakas at
sandigan. Amen.
Closing Hymn: 177 AL-ALWADANNAC NI JESUSCO
Closing
Prayer and Benediction
Sending
Forth
Maging
matapang ka at magkaroon ng malawak na pananaw, habang naniniwalang kaya ng
kahit ilang tapat at buhay na saksi lang na baguhin ang mundo. Makasisiguro
kang ang pagmamahal ang laging mananalo laban sa mga boses ng takot,
pagkakawatak-watak, at kasinungalingan.
—Excerpted from Doctrine and Covenants 161:3c
Postlude
