Friday, August 28, 2026

Encounter God’s Solidarity


Damhin Ang Pakikiisa Ng Diyos



Additional Scriptures: Psalm 105:1-6, 23-26, 45c; Matthew 16:21–28; Romans 12:9–21

Prelude

Welcome

Call to Worship: Psalm 105:1-4, 45c

1Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. 2Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. 3Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon. 4Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya.

45c Purihin ang Panginoon!

Hymn of Praise: 21 NAGASAT A TIEMPOt’ CARARAG

Morning Prayer (Invocation)

Sung Response by Children

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer for Justice and Peace

Hymn “Creator of the Intertwined,” CCS 344, as a prayer.

Lumikha ng lahat na magkakaugnay,

ginawa Mong natatangi ang bawat kaluluwa: bawat isa may tainga para pakinggan ang tawag ng pananampalataya, bawat isa may boses para magsalita. Sinasamba ka ng bawat isa kung saan naririnig nila ang tawag— sa gubat, sa templo, sa ilalim ng simbahan, sa tuktok ng bundok, sa simpleng silid— kailangang makahanap ng tahanan ang kaluluwa.

Ang kanta ng kapayapaan ay pinakamagandang kantahin ng lahat: lakas na nanggagaling sa pagkakaisa. Sa magandang pagsasama, ipinagdiriwang namin ang regalo mo: ang aming pagkakaiba-iba. Hindi ba namin kayang kantahin ang kanta ng mag-isa? Magdasal ng panalanging hindi namin nakasanayan? Masayang ipagdiwang ang kasaganaan ng mga pagkakaibang pinagsasaluhan namin?

Sa dinalang pinsala ng kasamaan, lahat kami ay nasasaktan; kapag natutusok, lahat ng tao ay dumudugo. May parehong mga sugat at parehong kawalan ng pag-asa, hahanapin namin ang kaginhawang kailangan namin. Hindi kami nagtatanong bago kami lumapit para mag-alok ng yakap. Hindi kami nagtatanong ng, “Paano ka ba nagdadasal?” Lumalapit kami nang may bukas na palad at pagmamahal.

Turuang mo kaming pahalagahan ang mga bagay na bago o kakaiba sa amin, para mas maging mayaman ang aming pagkatao; makapakinig gamit ang aming puso at magsalita nang may tapat na pagmamahal. Mula sa iba’t ibang pinagmulan dumarating ang ginhawa, bawat isa’y naghahanap sa Maylikha: maraming wika ang sinasalita ng iyong boses, at isa lang doon ang akin.

AMEN.

Scripture Reading Exodus 3:1-15

Ministry of Music or Community Hymn: “God of the Ages” CCS 7

Morning Message Based on Exodus 3:1–15

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Romans 12:9–13

9Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti. 10Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa. 11Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon. 12At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. 13Tulungan ninyo ang mga hinirang ng Diyos na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

A Time of Reflection

Isipin mo ’yung pagkakataon na may nagpakita sa ’yo ng kabutihan o pagiging bukas-palad na talagang ikinagulat o ikinamangha mo. Pwedeng ito ’yung regalong matagal mo nang gustong-gusto pero parang hindi mo man lang maabot-abot, o kaya naman yung pagbibigay ng isang tao ng kanyang oras at panahon sa ’yo. Pwedeng regalong pera rin ito, o kaya may nagbayad para sa ’yo para makapunta ka sa isang event o makakuha ng isang magandang oportunidad.

Questions for Reflection 

·         Ano ang naging reaksiyon mo?

·         Binago ba nito ang iyong naging landas o pagtingin sa buhay?

·         Ano sa tingin mo ang nag-udyok sa taong iyon para magbahagi ng kabutihan sa iyo?

Statement

Ang ganitong uri ng pagbibigay at pagtanggap ay nagpapakita ng pagbibigay mula sa puso. Nakakatuwa at nakakagising talaga ng damdamin ang magbigay at tumanggap sa ganitong paraan. Ipinapakita nito ang mismong pagkabukas-palad ng Diyos. Tinatawagan tayong "pamarisan ang kabutihan at pagiging mapagbigay ng Diyos." —based on Of Water and Spirit, Herald Publishing House, p.84

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn: “I’m Gonna Live So God Can Use Me” CCS 581

Prayer and Benediction

Sending Forth: Doctrine and Covenants 162:8c

c. Continue your journey, O people of the Restoration. You have been blessed thus far but there is so much yet to see, so much yet to do. Go forth with confidence and live prophetically as a people who have been loved, and who now courageously choose to love others in the name of the One you serve. Amen.

Postlude

Encounter God’s Solidarity

Damhin Ang Pakikiisa Ng Diyos Additional Scriptures: Psalm 105:1-6, 23-26, 45c; Matthew 16:21–28; Romans 12:9–21 Prelude Welcome Cal...