Living Anticipation
"Agbiag nga Addaan Namnama"
Prelude
Centering Hymn: 105 ADDA MET LA
NALAGDA NGA ANCLAM
Welcome, Joys, and Concerns
Call to Worship
Leader: "May
hawak akong bola ng sinulid. Ihahagis ko ito sa inyo. Pagkasalo ninyo, humawak
kayo sa isang bahagi tapos ihagis niyo naman sa iba. Huwag ninyong bibitawan
ang hawak ninyong sinulid. Maya-maya, magkakaroon na tayo ng parang sapot ng
sinulid na nag-uugnay sa ating lahat."
Scripture Reading: Doctrine and
Covenants 161:3a
"Buksan ninyo
ang inyong mga puso at damhin ang pangungulila ng inyong mga kapatid na
nag-iisa, hinahamak, natatakot, napababayaan, at hindi minamahal. Unawain ninyo
sila, hawakan ang kanilang mga kamay, at imbitahan ang lahat na makibahagi sa
mga biyaya ng isang komunidad na binuo sa pangalan ng Isang nagpakasakit para
sa ating lahat."
Hymn of Community : “Weave” CCS 327
Invocation
Response
Scripture Reading: 1 Peter 3:13-22
Ministry of Music
Sharing in the Spoken Word based on 1
Peter 3:13-22
Hymn of Reflection: Jesus is Calling
Reflection: “Nakatali”
“Nakatali”
Isang summer,
kailangan kong gumawa ng ilang trabaho sa kulungan ng mga aso ko na medyo
delikado para sa kanila. Para siguradong ligtas sila, itinali ko muna sila sa
magkakaibang puno ng mansanas sa aking orchard. Hinding-hindi nila gustong
nakatali sila! Pero, magkaiba ang naging reaksyon nila sa sitwasyon.
Si Frodo, iyak nang
iyak at halatang sawang-sawa na. Malapit na akong matapos nang mapansin kong
paikot-ikot na pala siya sa puno kaya lalong humigpit ang tali niya—sobrang
miserable niya tignan. Ang ending, halos hindi na siya makagalaw. Si Pippin
naman, kabaligtaran; hindi siya umiyak. Naglaro pa nga siya sa mga mansanas at
mga sangang nakalaylay. Ang saya niyang panoorin na parang pusa na tinatabig
ang sanga tapos susubukang kagatin ang gumagalaw na mansanas! Pagkatapos,
humiga lang siya sa ilalim ng araw at natulog.
Nung pinakawalan ko
na sila, pagod at bad trip si Frodo. Pero si Pippin, nakapag-relax at
punong-puno ng energy para maglaro uli!
Minsan, napupunta
tayo sa mga sitwasyong hindi natin gusto. Pero ang nagdadala talaga ay kung
paano natin ito hinaharap. Pwede tayong maging malungkot, ma-frustrate, at
magreklamo nang magreklamo. Pwede nating lunurin ang sarili natin sa lungkot
hanggang sa hindi na tayo makakilos. O kaya naman, pwede nating hanapan ng saya
ang sitwasyon kahit limitado lang ang galaw natin. Pwede tayong tumingin sa mga
positibong bagay para makaraos. Para pag tapos na ang problema, handa na tayong
sumabak uli!
Sa totoo lang,
kapag sobrang lakas ng reklamo natin sa gitna ng problema, hindi na natin
marinig ang Diyos na sumusubok tumulong sa atin.
Makinig ka! Baka
sinasabi na sa’yo ng Diyos na ngatngatin mo na ang lubid para makawala ka!
Disciples’ Generous
Response
Hymn of Generosity
Statement
Mga kapatid, ang
ating pag-aalay ay simbolo ng ating buhay na pag-asa sa ating Panginoong
Hesu-Kristo. Ayon sa 1 Pedro 1:3, binuhay tayong muli ng Diyos para sa isang
pag-asang buhay dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus.
Hindi tayo
nagbibigay dahil sa obligasyon, kundi dahil sa pananabik sa mga pangako ng
Diyos na hindi pa natin nakikita ngunit ating pinaniniwalaan. Ang bawat halaga
at bawat oras na ating iniaalay ay pagtatanim para sa Kanyang kaharian, habang
buong tiwala nating hinihintay ang katuparan ng kanyang mga pangako.
Blessing and
Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Prayer for Peace
Light the peace
candle
Prayer
Panginoon,
Iniaalay namin ang aming mga kamay sa panalangin
Mga kamay na nangangalaga sa mundo, Sa mga ibon, At sa agos ng mga buhay na
bukal.
Mga kamay na humahabi
ng mga tela, Ng mga puso, At ng mga wasak na pangarap
Mga kamay na
naninindigan Para sa katotohanan, Para sa biyaya, At para sa mga layuning hindi
nakikita
Patatagin Mo ang
aming mga kamay Na pinagsama-sama ng mga gawain, Sa kapayapaan. Amen.
Closing Hymn:
Prayer
Sending Forth
Leader:
Ang Diyos ang Dakilang Humahabi ng Buhay.
People: Si Hesus
ang ating pag-asa.
Leader: Kumikilos
sa atin ang Espiritu Santo.
People: Narito tayo
para sa isa’t isa.
All: Samahan Mo
kami, Panginoon, habang ipinahahayag namin ang pag-asa sa mundong
nangangailangan. Amen.
Postlude
1 Peter 3:13-22
13Adda aya mangranggas
kadakayo no nareggetkayo nga agaramid iti naimbag? 14Ngem uray
no agsagabakayo gapu iti panagaramidyo iti naimbag, nagasatkayo. Dikay agbuteng
kadagiti tattao. Ket diyo ipalubos nga adda mangted iti pagdanaganyo. 15-16Ngem
iti pusoyo, raemenyo ni Cristo a kas Apo. Sisasaganakayo koma a kanayon nga
agpalawag no saludsodenda maipapan iti namnama nga adda kadakayo, ngem
agsaokayo a sipapakumbaba ken napnoan dayaw. Pagtalinaedenyo a nadalus ti
konsensiayo tapno mabainan dagiti nangibagbaga a dakes dagiti aramidyo kas
pasurot ni Cristo. 17Ta naim-imbag ti agsagaba gapu iti
panagaramid iti naimbag, no isut' pagayatan ti Dios, ngem ti agsagaba gapu iti
panagaramid iti dakes. 18Naminsan a natay ni Cristo a
maipaay iti amin tapno mapakawan dagiti basbasoltayo. Natay ti nalinteg a tao
gapu kadagiti nakillo tapno yasidegnakayo iti Dios. Napapatay iti bagi ngem
napagungar iti espiritu, 19ket iti daytoy a kasasaadna napan
nangasaba kadagiti naibalud nga espiritu. 20Dagitoy ti
espiritu dagiti saan a nagtulnog idi tiempo ni Noe idinto a siaanus ti Dios a
nangur-uray kadakuada bayat ti pannakaaramid ti daong. Walo amin dagiti tattao
nga adda iti daong. Naisalakanda iti danum. 21Mayasping daytoy
a danum iti buniag a makaisalakan ita kadakayo. Saan a babaen iti
pannakaugas ti rugit ti bagi, no di ket iti panagkari iti Dios babaen iti
nadalus a konsensia. Isalakannakayo ti buniag babaen iti panagungar ni
Jesu-Cristo 22a napan sadi langit. Adda itan iti makannawan ti
Dios, ket iturayanna dagiti amin nga angheles, dagiti nailangitan nga agtuturay
ken pannakabalin.
Pag-unawa sa Kasulatan
Ang sulat na ito ay para sa mga taong nakakaranas ng
pag-uusig o persecution. Hindi natin alam ang eksaktong dahilan nito;
maaaring dahil sa kanilang lahi, bansa, relihiyon, katayuan sa buhay, o lahat
ng ito. Sa kabila ng kanilang pinagdadaanan, ang sulat ay isang panawagan na
manatiling may pananampalataya at pag-asa habang isinasabuhay ang kanilang
binyag at pagiging Kristiyano. Sinasabi sa teksto na dapat tayong laging
handang ipaliwanag ang ating pananampalataya.
Itinuturo ng sulat na si Kristo ang nagtakda ng pamantayan
kung paano harapin ang paghihirap para sa kalooban ng Diyos. Si Kristo ang
ating halimbawa, at sa Kanya nakatuon ang ating buhay. Kahit sa gitna ng mga
trahedya, hindi tayo mapaghihiwalay sa kaligtasang ibinigay ng Diyos sa
pamamagitan ni Kristo. Tinatawagan ng tekstong ito ang lahat ng sumusunod kay
Hesus na magpatotoo sa pag-ibig ng Diyos. Ginagawa ito ng mga alagad kahit
pakiramdam nila ay hindi pakikinggan o tatanggapin ang kanilang mga salita at
gawa. Ginagawa nila ito kahit pa kutyain sila o maging sanhi ito ng lamat sa
kanilang mga relasyon.
Iba ang pag-amin na si Hesus ang sinusunod mo; iba rin ang
paninindigan sa mga turo ni Kristo kung magdadala ito ng hirap sa iyo at sa
iba. "Ngayon, sino ang magtatangkang saktan kayo kung masigasig kayo sa
paggawa ng mabuti? (v. 14). Ngunit kahit magdusa kayo dahil sa paggawa ng tama,
mapalad pa rin kayo (v. 15)." Hindi layunin ng may-akda na utusan ang
mga tao na maging bastos o makasakit ng damdamin. Sabi niya, "Huwag
kayong matakot (manahimik), kundi sa paraang mahinahon at may pagpapakumbaba,
gamitin ninyo ang inyong boses para sa mga walang boses."
Sa pagtingin natin sa buhay ni Kristo at sa mga kwento sa
Bibliya kung paano Niya itrato ang mga tao, makikita natin ang halimbawa ng
"paggawa ng mabuti." Nakisalamuha Siya at nakipag-usap sa mga tao
nang may respeto sa kanilang kalagayan sa lipunan. Kinausap Niya ang mga
pinuno, guro, mangingisda, magsasaka, negosyante, mga tagakuha ng tubig, mga
eskriba, ang mga itinakwil ng lipunan, at mga relihiyosong lider. Nanindigan
Siya para sa buhay ng ilan, kinuwestiyon ang turo at ugali ng iba, at nag-alok
ng kagalingan para sa lahat.
Ang hamon sa atin ngayon: "Laging maging handa na
ipaliwanag ang pag-asang nasa loob ninyo."
Mga Pangunahing Kaisipan
- Ang
pagpaparating ng boses ng mga inaapi ay tawag sa atin bilang mga alagad.
- Tumutugon
tayo nang may katapatan, sa tulong ng Espiritu Santo, ayon sa ating
pagkaunawa sa tawag ng Diyos.
Mga Tanong para sa Tagapagsalita
- Kailan
mo naibahagi sa ibang tao ang "pag-asang nasa loob mo"?
- Kailan
mo naranasang maapi o ma-persecute? Sino ang sumuporta sa iyo o nagsalita
para sa iyo?
- Sino-sino
ang mga naaapi sa inyong lugar o komunidad? Paano kayo (bilang
iglesya/grupo) magiging boses para sa kanila?