Living the Way



Panangibiag ti Dalan

Prelude

Welcome and Sharing

Prayer for Peace

Light the peace candle

Panginoon, lumalapit kami sa Iyo sa gitna ng aming mabilis at madalas na nakakapagod na mundo. Dalangin namin ang Iyong kapayapaan upang maghari sa bawat aspeto ng aming buhay:

Kapayapaang Pisikal (Physical)

Gabayan Mo ang aming mga katawan na madalas ay hapo sa trabaho at puyat. Ibigay Mo sa amin ang pahingang kailangan namin. Pakalmahin Mo ang aming mga ugat, patatagin ang aming kalusugan, at ilayo kami sa anumang karamdaman. Nawa’y maging templo ang aming katawan ng Iyong Espiritu at katahimikan.

Kapayapaang Intelektwal (Intellectual)

Sa gitna ng napakaraming impormasyon at kalituhan, bigyan Mo kami ng malinaw na isipan. Alisin Mo ang ingay ng mga pag-aalinlangan at ang bigat ng labis na pag-iisip (overthinking). Tulungan Mo kaming maging matalino sa aming mga desisyon at manatiling payapa kahit hindi namin alam ang lahat ng kasagutan sa hinaharap.

Kapayapaang Emosyonal (Emotional)

Pawiin Mo ang anumang kaba, takot, o galit na nananahan sa aming puso. Sa mga panahong kami ay nasasaktan o nabibigatan, ipadama Mo ang Iyong yakap. Turuan Mo kaming magpatawad sa aming sarili at sa iba, upang ang aming kalooban ay maging magaan at puno ng pag-asa.

Kapayapaang Espiritwal (Spiritual)

Higit sa lahat, Panginoon, pagkalooban Mo kami ng lalim ng pananampalataya. Nawa’y manatili kaming nakakonekta sa Iyo, ang Daan ng Buhay. Sa kabila ng anumang unos, nawa’y ang aming kaluluwa ay manatiling payapa dahil alam naming Ikaw ang may kontrol at hinding-hindi Mo kami iiwan.

Sana ay manatili sa aming mga ala-ala na ang "Ang kapayapaan ay hindi ang kawalan ng gulo, kundi ito ay ang Iyong presensya na nananatili sa gitna nito."

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Hymn: 185  ALA NGARUDEN

Invocation

Response/Music Ministry

Scripture Reading: John 14:1-14

Focus moment:
Sagutin ang katanungang nasa loob ng na-cutout na footprint at ibahagi ito. Pagkatapos mai-share ang sagot, maaaring idikit ang footprint patungo sa altar o sa nakahandang boad.

Tanong: Sa Iyong paglalakbay sa bilang isang disipulo na minsan madali, masaya, tahimik at minsa’y mahirap, magulo at nakakapagod, Ano ang nagiging papel ni Jesus sa buhay mo?

Hymn of Calling: “I Have Decided to follow Jesus” CCS 499

Sermon based on John 14:1-14

Sacrament of the Lord’s Supper

Hymn of Preparation: 141  ITI DAYDI A RABII

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang banal na hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo. Sa Community of Christ, isa rin itong pagkakataon upang mapanibago ang ating bautismo at pakikipagtipan na siyang nabuo sa atin bilang mga tagasunod ni Kristo na ipinamumuhay ang kanyang misyon. Tayong lahat ay inaanyaya na gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessings and Serving of the Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: – Alama 16:238, adapted.

…Mamuhay tayo araw-araw na may pasasalamat sa Diyos, dahil sa napakaraming blessings at napakadakilang awa Niya sa atin.               

Confession Prayer

Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng biyayang natatanggap namin. Salamat sa Iyong pagmamahal, pang-unawa, at sa pagkakataong maging bahagi kami ng buhay ng aming kapuwa.

Inaamin po naming may mga pagkakataong kinikimkim namin ang mga pagpapalang malaya Mo namang ibinibigay, sa halip na ibahagi ito sa mas nangangailangan. Alam naming tumatawag Ka, pero madalas ay hindi kami nakikinig.

Bigyan Mo po kami ng lakas ng loob at katatagan na pakinggan Ka, at humanap ng mga paraan para maipadama ang Iyong pag-ibig at kapayapaan sa iba. Tulungan mo kaming maging bukas-palad – maging sa aming pinansiyal, oras, o pag-aalaga.

Naririto kami ngayon, handang maglingkod at sumunod sa Iyo, dahil ikaw ang daan, ang katotohanan, at ang buhay na walang hanggan, In Jesus name. Amen.

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Commitment: “Go, Make of All Disciples” CCS 363 

Mission Prayer (All)

Panginoon, saan kaya ako dadalhin ng ‘Yong Espiritu ngayong araw? Tulungan Mo po akong maging laging handa at gising upang tumugon sa Iyo. Bigyan Mo po ako ng lakas ng loob na sumubok ng mga bagong bagay, at maging biyaya sa pagpapadama ng Iyong pag-ibig at kapayapaan sa iba. Amen.

Benediction

Postlude

Popular posts from this blog

The Promise of Peace

Welcome Jesus

The Spirit Bear Witness