"Agbiag nga Addaan Namnama"
Prelude
Centering Hymn: 105 ADDA MET LA
NALAGDA NGA ANCLAM
Welcome, Joys, and Concerns
Call to Worship
Leader: "May
hawak akong bola ng sinulid. Ihahagis ko ito sa inyo. Pagkasalo ninyo, humawak
kayo sa isang bahagi tapos ihagis niyo naman sa iba. Huwag ninyong bibitawan
ang hawak ninyong sinulid. Maya-maya, magkakaroon na tayo ng parang sapot ng
sinulid na nag-uugnay sa ating lahat."
Scripture Reading: Doctrine and
Covenants 161:3a
"Buksan ninyo
ang inyong mga puso at damhin ang pangungulila ng inyong mga kapatid na
nag-iisa, hinahamak, natatakot, napababayaan, at hindi minamahal. Unawain ninyo
sila, hawakan ang kanilang mga kamay, at imbitahan ang lahat na makibahagi sa
mga biyaya ng isang komunidad na binuo sa pangalan ng Isang nagpakasakit para
sa ating lahat."
Hymn of Community : “Weave” CCS 327
Invocation
Response
Scripture Reading: 1 Peter 3:13-22
Ministry of Music
Sharing in the Spoken Word based on 1
Peter 3:13-22
Hymn of Reflection: Jesus is Calling
Reflection: “Nakatali”
“Nakatali”
Isang summer,
kailangan kong gumawa ng ilang trabaho sa kulungan ng mga aso ko na medyo
delikado para sa kanila. Para siguradong ligtas sila, itinali ko muna sila sa
magkakaibang puno ng mansanas sa aking orchard. Hinding-hindi nila gustong
nakatali sila! Pero, magkaiba ang naging reaksyon nila sa sitwasyon.
Si Frodo, iyak nang
iyak at halatang sawang-sawa na. Malapit na akong matapos nang mapansin kong
paikot-ikot na pala siya sa puno kaya lalong humigpit ang tali niya—sobrang
miserable niya tignan. Ang ending, halos hindi na siya makagalaw. Si Pippin
naman, kabaligtaran; hindi siya umiyak. Naglaro pa nga siya sa mga mansanas at
mga sangang nakalaylay. Ang saya niyang panoorin na parang pusa na tinatabig
ang sanga tapos susubukang kagatin ang gumagalaw na mansanas! Pagkatapos,
humiga lang siya sa ilalim ng araw at natulog.
Nung pinakawalan ko
na sila, pagod at bad trip si Frodo. Pero si Pippin, nakapag-relax at
punong-puno ng energy para maglaro uli!
Minsan, napupunta
tayo sa mga sitwasyong hindi natin gusto. Pero ang nagdadala talaga ay kung
paano natin ito hinaharap. Pwede tayong maging malungkot, ma-frustrate, at
magreklamo nang magreklamo. Pwede nating lunurin ang sarili natin sa lungkot
hanggang sa hindi na tayo makakilos. O kaya naman, pwede nating hanapan ng saya
ang sitwasyon kahit limitado lang ang galaw natin. Pwede tayong tumingin sa mga
positibong bagay para makaraos. Para pag tapos na ang problema, handa na tayong
sumabak uli!
Sa totoo lang,
kapag sobrang lakas ng reklamo natin sa gitna ng problema, hindi na natin
marinig ang Diyos na sumusubok tumulong sa atin.
Makinig ka! Baka
sinasabi na sa’yo ng Diyos na ngatngatin mo na ang lubid para makawala ka!
Disciples’ Generous
Response
Hymn of Generosity
Statement
Mga kapatid, ang
ating pag-aalay ay simbolo ng ating buhay na pag-asa sa ating Panginoong
Hesu-Kristo. Ayon sa 1 Pedro 1:3, binuhay tayong muli ng Diyos para sa isang
pag-asang buhay dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus.
Hindi tayo
nagbibigay dahil sa obligasyon, kundi dahil sa pananabik sa mga pangako ng
Diyos na hindi pa natin nakikita ngunit ating pinaniniwalaan. Ang bawat halaga
at bawat oras na ating iniaalay ay pagtatanim para sa Kanyang kaharian, habang
buong tiwala nating hinihintay ang katuparan ng kanyang mga pangako.
Blessing and
Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Prayer for Peace
Light the peace
candle
Prayer
Panginoon,
Iniaalay namin ang aming mga kamay sa panalangin
Mga kamay na nangangalaga sa mundo, Sa mga ibon, At sa agos ng mga buhay na
bukal.
Mga kamay na humahabi
ng mga tela, Ng mga puso, At ng mga wasak na pangarap
Mga kamay na
naninindigan Para sa katotohanan, Para sa biyaya, At para sa mga layuning hindi
nakikita
Patatagin Mo ang
aming mga kamay Na pinagsama-sama ng mga gawain, Sa kapayapaan. Amen.
Closing Hymn:
Prayer
Sending Forth
Leader:
Ang Diyos ang Dakilang Humahabi ng Buhay.
People: Si Hesus
ang ating pag-asa.
Leader: Kumikilos
sa atin ang Espiritu Santo.
People: Narito tayo
para sa isa’t isa.
All: Samahan Mo
kami, Panginoon, habang ipinahahayag namin ang pag-asa sa mundong
nangangailangan. Amen.
Postlude