Living Invitation
Sibibiag Nga Awis
WE GATHER IN PRAISE
PRELUDE
WELCOME
CALL TO WORSHIP
…ngayon, sinasabi ko sa inyo
darating ang panahon ng paglililigtas ng Panginoon na mahahayag sa lahat ng mga
bansa, sa bawat wika at sa lahat ng tao… Magalak kayo sa sama-samang pag-awit… Sapagkat
inaaliw ng Panginoon ang Kanyang bayan at makikita ng lahat hanggang sa dulo ng
lupa ang kanyang pagliligtas. —Mosiah
8:66, 68–69, adapted
SONG OF JOY: Shout To The Lord
Resurrection Responsive Reading
Leader: Christ is risen!
People: Christ is risen, indeed!
Leader: We give praise and honor to his holy name!
People: Praise be to Christ Jesus, our Risen Savior!
Leader: Alleluia!
People: Alleluia! Amen!
HYMN OF PRAISE: 13 Dayawendaca O Dios A Nadungngo
INVOCATION
RESPONSE
TIME OF CONFESSION AND PEACE (Reading
Acts 2:36-39)
First Reading: Habang binabasa ang aklat mula sa GAWA
2:36-39, inaanyayahan tayong makinig lamang at huwag alalahanin ang mga detalye
nito.
Second Reading: Ngayon, habang muling binabasa sa atin ang
aklat mula sa GAWA 2:36-39, pakinggan kung anong bahagi nito ang makatawag
pansin sa atin.
Third Reading: Sa pangatlong pagkakataong
na babasahin sa ang teksto mula sa GAWA 2:36-39, ano nga ba ang sinasabi nito sa
iyo? Paano mo ito maisasabuhay?
PRAYER FOR PEACE
Light the peace candle.
Prayer
Turuan Mo kami, O Diyos ng Kapayapaan, na magsalita sa wika
ng shalom. Sa totoo lang, hindi pa namin kabisado ang Iyong sinauna at
tila hindi pamilyar na wika sa amin. Ang punto namin ay mahirap pang
maintindihan; ang aming mga galaw ay alanganin. Namimilipit ang aming dila,
sumasakit ang lalamunan, at napapagod ang aming bibig sa pag-aaral ng mga
bagong tunog na ito.
Ngunit handa kaming magsimula sa pinaka-umpisa. Tulad ng mga
mag-aaral na humihingi ng tulong, mag-eensayo kami nang paulit-ulit—hanggang sa
marinig na namin ang Iyong himig sa aming sariling boses, at makuha ang lalim
ng Iyong mga salita mula sa mga matiyagang guro ng kapayapaan.
Sana, balang araw, dahan-dahan naming marinig sa aming tinig
ang bahagyang musika at indayog ng wika ng kapayapaan. Nawa’y ang aming mga
salita ay samahan ng gawa at paghakbang. Titik sa titik, pantig sa pantig,
salita sa salita—tulungan Mo kaming sambitin ang Iyong bagong mundo hanggang sa
ito ay magkatotoo.
Tulungan Mo kaming masabi ang "patawad" sa
aming pamilya. Turuan Mo kaming bigkasin ang "paghilom" sa
loob ng mga ospital; ang makiusap para sa "pagkakaisa" sa
aming mga trabaho; at isigaw ang "katarungan" sa harap ng mga
namumuno sa bayan. At sa dilim ng aming mga gabing nakakapagod, Panginoon,
maaari bang Iyong ibulong sa amin ang "shalom"?
O Diyos, Walang-Hanggang Salita ng
Kapayapaan, gamitin Mo kami upang awitin ang wika ng shalom sa mundo. Ito ang
aming dalangin, sa ngalan ni Hesus. Amen.
DISCIPLES’ GENEROUS RESPONSE
Scripture Reading: Salmo 116:12-13, 17-19
12Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat
ng kabutihan niya sa akin? 13Sasambahin ko ang Panginoon, at
maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.
17Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog
bilang pasasalamat. 18Tutuparin ko ang aking mga pangako sa
inyo Panginoon sa harap ng inyong mga mamamayan, 19doon sa
inyong templo sa Jerusalem.
Purihin ang Panginoon!
Statement
Ang pagiging tapat at bukas-palad
sa ating pananalapi ay nagsisimula sa kagustuhang tuparin ang ating tungkulin.
Nagbibigay tayo ng ikapu. Nagbabalik tayo sa Diyos, dahil Siya ang unang
nagbigay sa atin. Dito ito nagsisimula, pero hindi rin dito tumitigil. Ang
taong mapagbigay ay laging gusting gumawa ng higit pa!
Dinadala tayo nito mula sa “sapat
na” patungo sa “Sagana,” mula sa pagsunod sa kautusan patungo sa pagiging
bahagi na ito ng ating pamumuhay, at mula sa pagiging obligasyon patungo sa
pagiging pagkakataon. Ang tunay na pagka-bukas-palad ay nangyayari kapag ang
pagpili ay pumalit na sa pagsunod. Mas nangingibabaw ang diwa ng pagbibigay
kaysa sa patakaran ito.
Ang dating “kailangang gawin” ay nagiging
“gusting gawis.” At dahil dito, bawat regalo – maliit man o malaki – ay nagiging
pantay ang halaga basta’t inalay nang bukal sa loob.
Blessing and Receiving of Local and
Worldwide mission Tithes
HYMN: 79 Inca Ken Cristo Dica Agtactac
SERMON Based on Luke 24:13-35
HYMN OF COMMUNITY: CCS 558 Take the path of the Disciple
Prayer and Benediction
Sending forth: Doctrine and Covenants 157:17
Postlude