Wednesday, July 15, 2026

Come into God’s Presence

 



UMAYKA ITI PRESENSIYA TI DIOS

Additional Scriptures
Psalm 139:1-12, 23-24; Matthew 13:24-30, 36-43; Romans 8:12-25


Prelude 

Welcome 

Sung Call to Worship:“Santo, Santo, Santo/Holy, Holy, Holy”

Praying the Psalm: Psalm 139:1-12, 23-24 
Read slowly, allowing time for reflection. Add an “Amen” to the final verse.  

Sung Response 23 NAPNOAN RAGSAC TOY PUSOC ITA

Scripture Dialog: based on Genesis 28:10-19a 

Narrator: 10Umalis si Jacob sa Beer-seba at lumakad papuntang Haran. 11Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya. 12Ngayon, nanaginip siya na may isang hagdan na nakatayo sa lupa na abot hanggang langit. Nakita niya na akyat-baba ang mga anghel ng Diyos sa hagdan. 13Nakita rin niya ang Panginoon na nakatayo sa itaas ng hagdan at sinabi sa kanya,

The Lord: “Ako ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan. 14Ang mga lahi mo ay magiging kasindami ng alikabok sa lupa. Mangangalat sila sa ibaʼt ibang bahagi ng lupa. Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. 15Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita kahit saan ka pumunta. Pababalikin kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo.

Narrator: 16Biglang nagising si Jacob at sinabi niya sa kanyang sarili, Jacob: “Hindi ko alam na nandito pala ang Panginoon sa lugar na ito.” 

Narrator: 17Natakot siya at sinabi,

Jacob: “Kakila-kilabot ang lugar na ito! Tiyak na tahanan ito ng Diyos at ito ang pintuan ng langit.”

Narrator: 18Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis. 19Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel.

Focus Activity and Community Sharing 

·         Base sa ating karanasan, saang lugar natin maaaring nakatagpo ang Diyos?

·         Ito ba’y hindi natin inaasahan, o hinahanap natin noon ang Diyos at gusto nating makatagpo?

·         Sa papaanong paraan nakaapekto ito sa buhay mo?

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Statement 

Saan man tayo nakatira o anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay, may mga pagkakataong pakiramdam natin ay nawawala tayo at hindi alam ang gagawin. Kung minsan, parang napakahirap marating ng kapayapaan.

Pero kung nakasali ka na sa mga church family camp, youth camp, retreat, o iba pang mga katulad na pagtitipon, malamang naramdaman mo doon—kahit sandali lang—ang kapayapaang hatid ng Diyos. Minsan, galing ito sa pakikipag-bonding sa iba, minsan sa mismong oras ng pagsamba, at minsan naman dahil lang nasa isang lugar ka na nakatutulong para makapagrelax at magbagong-sigla ang iyong sarili.

Kung naramdaman mo na ang presensya ng Diyos na nagbigay sa'yo ng kapayapaan noong panahong kailangang-kailangan mo ito, huwag mo sanang kakalimutan ang pakiramdam na 'yan. Ipangako mo sa sarili mo na tutulong ka para gumawa ng mga paraan na maranasan din 'yan ng iba.

Prayer 

Dakilang Diyos,

Maraming-maraming salamat po sa mga pagkakataong naramdaman o nasilayan namin kung gaano kasaya at kapayapa ang Iyong kaharian, at sa mga sandaling ipinaramdam Mo sa amin ang Iyong pagmamahal at pag-aalaga.

Ngayong araw po, ipinapanalangin namin ang lahat ng tao sa buong mundo. Sana po ang pakiramdam ng pagiging naliligaw, nag-iisa, kawalan ng pag-asa, at takot ay mapawi sa pamamagitan ng pagpaparamdam Mo na kasama Mo silang naglalakad tungo sa mas mapayapang buhay.

Gabayan Mo po kami patungo sa kinabukasang nais Mo para sa buong sangkatauhan at sa lahat ng Iyong nilikha. Tulungan Mo po kaming laging maalala na nasaan man kami, kasama Ka ng bawat tao sa lahat ng dako.

Amen.

Morning Message Based on Genesis 28:10-19a 

Disciples’ Generous Response 

Statement 

Kahit madalas ay hindi natin namamalayan—gaya na lang ni Jacob—laging kasama natin ang Diyos. Ang mga sandaling nararamdaman natin Siya ay tumutulong sa atin para mas maintindihan na ang Kanyang presensya ay isang katotohanang para sa lahat ng tao. Isa pang katotohanan ay ang pagiging bukas-palad ng Diyos sa pagbibigay ng pagmamahal at awa na hindi naman natin kailangang paghirapan o pagtrabahuhan—para sa atin at sa lahat ng tao, maging sa mga itinuturing nating kaaway.

Kailanman ay hindi natin mapapantayan ang pagiging bukas-palad ng Diyos sa atin. Pero pwede rin tayong maging bukas-palad sa iba sa pamamagitan ng pagmamahal, paggalang, pagmamalasakit, at pagbabahagi ng ating oras at mga biyaya sa anumang paraang kaya natin, upang suportahan ang misyon ng simbahan—na siya ring misyon ni Cristo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Closing Hymn “Into My Heart”  sing several times CCS 573 

Benediction 

Sending Forth 

Sapagkat batid ninyo na ako’y nasa sa inyo saan man kayo naroroon, hinding hindi ko kayo iiwan hangga’t hindi ko tinutupad ang aking pangako sa inyo.  —Genesis 28:15, adapted

Postlude 

Come into God’s Presence

  UMAYKA ITI PRESENSIYA TI DIOS Additional Scriptures Psalm 139:1-12, 23-24; Matthew 13:24-30, 36-43; Romans 8:12-25 Prelude  Welcome  S...