Wednesday, July 8, 2026

Come and Listen

 

Umaykayo ket Dumngeg
Genesis 25:19-34; Psalm 119:105-112; Romans 8:1–11

SERMON GUIDE

Prelude 

Welcome and Sharing in Community 

"Ang pagbabahagi ng ating mga kagalakan at mga alalahanin sa bawat isa ay mahalagang bahagi ng ating komunidad. Kaya maglaan muna tayo ng konting oras para magkumustahan sa mga nangyari noong nakaraang linggo."

Pastoral Prayer over Joys and Concerns 

Hymn of Praise : 57 CAPINTASAN A LIRIO IDIAY TAY-AC

Invocation 

Response 

Scripture Reading: Matthew 13:1–9, 18–23 

Song of Planting : 155  ARAMID TAYTO LAt’ MALAGIPDA,

Focus Moment: Planting Wisely 

Supplies: seedlings, pot(s), potting mix, water 

"Magkakasama nating ililipat ang isang seedling sa bagong paso. Pwedeng maghanda ng tig-iisang paso para sa bawat participant, o kaya naman ay sabay-sabay kayong magtanim sa iisang malaking paso."

Ano nga ba ang alam natin tungkol sa mga halaman? Ano ba ang kailangan nila para mabuhay? Kailangan nila ng tubig, lupa, sikat ng araw, at space para lumaki ang mga ugat nila. Kailangan na nating ilipat ang mga seedlings na 'to sa mas malaking paso; ang ganda ng laki nila dito sa maliit, pero kailangan na nila ng mas malaking espasyo ngayon.

Ano naman ang dapat nating gawin para maging healthy ang bawat seedling sa bago nilang paso? Maglalagay tayo ng konting lupa sa paso, tapos isusunod ang halaman natin (baka kailangan ninyong maghukay ng maliit na butas depende sa dami ng lupang nailagay niyo), at pagkatapos, dahan-dahan nating pipitpitin o aayusin ang lupa sa paligid nito. Gagawin natin 'to para may suporta ang halaman at makakuha siya ng nutrients.

Kusa namang gumagawa ng sarili nilang pagkain ang mga halaman, kaya hindi natin sila kailangang pakainin na parang mga alagang hayop. Pero, may mga specific pa rin silang kailangan para makagawa sila ng pagkain na 'to. Ano kaya 'yon? Tama, sikat ng araw at tubig! Kaya didiligan natin nang konti ang mga halamang ito at ilalagay sa lugar na nasisikatan ng araw—pero tandaan natin na may mga halaman namang hindi naman kailangan ng sobrang init. Ang inililipat natin ngayon ay seedling na o nagsimula nang tumubo; mas mahirap kasi magpatubo kapag galing mismo sa buto. Pero parehong-pareho lang din ang kailangan ng mga buto.

May ikinuwento si Jesus noon tungkol sa isang magsasaka na nagtatanim ng mga buto. Habang naglalakad ang magsasaka, nagsasabog lang siya ng mga buto; ang iba ay nahulog sa tabi ng daan at mabilis na kinain ng mga ibon. Ang iba naman, nahulog sa may mga matitinik na damo kaya nasakal ang mga halaman. May mga nahulog din sa mababaw na lupa; mabilis silang tumubo pero kulang sa tubig at espasyo para sa mga ugat nila. At sa wakas, may mga buto namang nahulog sa magandang uri ng lupa.

Sa tingin ninyo, ano kayang meron sa magandang lupa kaya natulungan nitong lumaki ang mga buto? Kailangan ng mga buto ng espasyo, nutrients, tubig, sikat ng araw, at iba pa. Kaya kailangan nating magtanim nang tama at wais para masiguradong lalaking mabuti ang mga buto natin.

(Kung pwedeng iuwi, ipamahagi na ang mga paso para madala nila sa bahay).

Disciples’ Generous Response: Overflowing Bounty 

Scripture Reading: Psalm 65:9–13 

Discussion 

Sa paanong mga paraan nagtanim nang tama o "nagtanim nang may karunungan" ang Diyos sa buhay mo?

Paano mo naman "itinanim nang tama" ang mga pagpapala sa buhay ng ibang tao?

Paano mo naranasan 'yung sinasabing pinagpala ka para maging pagpapala rin sa iba (blessed to be a blessing)?

Ano ang kinalaman ng "tamang pagtatanim" sa pagiging mapagbigay?

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Ministry of Music or Community Hymn: “The Trees of the Field” CCS 645 

Message Based on Matthew 13:1–9, 18–23 

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Prayer 

Panginoon, lumalapit po kami sa Inyo ngayon, humihingi ng kapayapaan na Kayo lang ang makapagbibigay. Salamat dahil patuloy Niyong inihahasik ang Inyong mga salita at pagmamahal sa buhay namin.

Suriin Niyo po ang puso namin, Panginoon. Kung may mga bahagi man dito na naging parang matigas na daan—puno ng stress, pagdududa, o takot kaya madaling manakaw ng kaaway ang kapayapaan namin—pinalalambot po namin ito sa Inyo.

Sana rin po, hindi maging parang mabatong lupa ang puso namin. Huwag Mo pong hayaan na kapag dumatíng ang mga pagsubok, problema, at persecution sa buhay, ay madali kaming manghina o mawalan ng pag-asa. Bigyan Mo po kami ng malalim na ugat sa Inyo para kahit may bagyo, kalmado pa rin ang puso namin.

Linisin Mo rin po kami, Panginoon, sa mga matitinik na halaman—ang mga alalahanin sa buhay na ito, ang takot sa bukas, at ang panlilinlang ng yaman. Ang bilis po ng mundo ngayon, at madalas, nasasakal ng ingay nito ang kapayapaang galing sa Inyo. Tulungan Mo kaming bitawan ang mga bagay na hindi namin kontrolado.

Gawin Mo pong mabuting lupa ang aming puso. Tulungan Mo kaming makinig sa Inyo nang may pag-unawa, tanggapin ang Inyong kapayapaan, at mamuhay nang may pananampalataya. Gusto po naming magbunga ang buhay namin ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan na mapapakinabangan din ng ibang tao.

Salamat, Hesus, dahil Kayo ang aming tapat na Magsasaka, at alam naming hindi Mo kami pababayaan. Amen.

Sending Forth Hymn: 204      GAGETAN TAY AGTRABAHO

Sending Forth: Isaiah 55:12 

Postlude 

Come and Listen

  Umaykayo ket Dumngeg Genesis 25:19-34; Psalm 119:105-112; Romans 8:1–11 SERMON GUIDE Prelude  Welcome and Sharing in Community  ...