Saturday, July 25, 2026

Come as You Are

Additional Scriptures 
Genesis 29:15-28; Psalm 105:1-11, 45b; Matthew 13:31–33, 44–52

Prelude  

Welcome and Sharing Time  

Light the peace candle 

The Prayer for Peace will be read as the Closing Prayer.  

Hymn of Gathering : “Spirit of God, Descend upon My Heart” CCS 48 

Call to Worship Responsive Reading  

Leader: Bilang isang maliit na grupo, paano natin lubusang mabubuksan ang ating mga sarili sa hiwaga ng bagong simula sa ating pagsasama-sama?

People: Sana'y makita natin ang Diyos na gumagawa ng isang buo at masiglang samahan—puno ng kagalakan, at buhay na buhay sa mga usapan tungkol sa pag-asa at bagong pangarap.

Leader: Nawa'y maging bukas tayo sa mga aral mula sa pagkakaiba ng ating mga opinyon, at maging bukas sa pagtuklas ng mga bagong posibilidad. Damhin natin ang mga pagpapalang dulot ng pagbuo ng mga bagong layunin.

People: Sana'y mabago ang ating mga takot patungo sa pagsisikap sa paggawa, na hayaan nating ang ating mga puso upang yakapin ang ating pagkakaiba-iba, at bumuo ng mga planong magsasakatuparan sa ating mga pangarap.

Opening Hymn : 6 UMAYCA TA TAENGANNAC 

Prayer of Invitation  

Response 

Scripture Reading Romans 8:26–28  

Hymn of Healing and Wholeness : “Come Now, You Hungry” CCS 227  

Message Based on Romans 8:26–39  

Disciples’ Generous Response  

Scripture Reading: Psalm 105:1–4, 45 

1Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. 2Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. 3Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon. 4Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya. 45bPurihin ang Panginoon!

Statement  

Ang oras na inilalaan natin sa panalangin at pagninilay-nilay ay nagdudulot ng mas marami pang pagpapala sa ating paglilingkod. Walang anumang makakapalit sa sengseryo at regular na pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Sa ating pakikipag-ugnayan sa Kanya, napagtatanto natin na ang Diyos ay likas talagang mapagbigay. Lumilikha ang Diyos. Nagbibigay Siya—at ginagawa Niya ito nang bukas-palad at walang kupas. Ang buong sanglikha ay patunay ng Kanyang kasaganaan at patuloy na pagpapala. Mula sa napakaraming posibilidad, ang buong kalikasan ay sumisibol nang may bagong sigla at pagiging malikhain.

Ang pangkalahatang kabutihang-loob na ito, na nagmumula mismo sa Diyos, ay tumatawag din sa atin para maging mapagbigay. Bilang mga tagasunod ni Hesus, bukal sa loob nating ibinabahagi ang ating sarili dahil isinasabuhay natin ang Kanyang katangian. Sa ganitong paraan, natural na lang sa atin ang magbigay mula sa kasaganaan na ating mismong naranasan.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes  

Hymn of Commitment : WEN PUDNO TI SAO TI DIOS

Prayer for Peace as Benediction  

Diyos ng aming mga pinagdadaanan, mabigat ang aming puso para sa mga batang araw-araw na nagugutom. Naririnig namin ang nakatutulipang katahimikan ng kanilang mga boses—mga boses na naghahangad na pakinggan at maibsan ang paghihirap. Naririnig din namin ang sigaw para sa kapayapaan at katarungan, habang ang buong sanglikha ay dumaraing sa ilalim ng mabigat na dusa ng kasakiman at walang pakundangang pag-aaksaya ng aming mga likas na yaman. Nauuhaw kami sa kapayapaan… sa Iyong kapayapaan.

Diyos ng Pag-unawa, nalulungkot kami dahil hindi namin kayang matugunan ang pangangailangan ng lahat o maayos ang bawat kawalan ng katarungan sa mundo. Umiiyak kami para sa mga nawawalan ng landas, at niyayakap nang mahigpit ang mga taong nauuhaw na makilala ang Iyong pagmamahal at biyaya.

Diyos ng Awa at Mapagkalingang Puso, ngayong araw, nararamdaman namin ang mainit na yakap ng Iyong Espiritu habang ibinababa namin ang aming mga pader ng pag-aalinlangan, kapalaluan, at kasalanan. Habang mas nagiging sensitibo kami sa Iyong banal na biyaya sa pamamagitan ng Iyong Espiritu, tulungan Mo kaming makakita gamit ang Iyong mga mata—upang tingnan ang iba nang may bagong pag-unawa, tulad ng itinuro ng Iyong Anak na si Hesus, ang Tagapaghatid ng Kapayapaan. Nawa’y mas makilala pa namin ang Iyong mapagmahal na katangian at maalalang Ikaw ang Diyos ng mga himala at ang mismong sentro ng aming buhay. Kapag pinili naming mamuhay ayon sa Iyong Espiritu, magiging bukas ang aming mga mata at tainga sa kabanalan ng aming mga kapatid. Ang Iyong walang-kapantay na pagtanggap sa amin ay patuloy na lumalawak at nagbibigay-pag-asa para sa aming kinabukasan.

O Diyos na nagsisiyasat ng aming mga puso, nawa’y maunawaan namin na ang kabanalang nasa Iyo ay nasa loob din ng bawat isa sa amin at nagbibigay sa amin ng buhay sa piling Mo. Nawa’y humayo kami sa mundong ito ngayong araw bilang mismong hininga ng Iyong kapayapaan.

Ibinubulong namin ang panalanging ito sa ngalan ng Iyong Anak na si Hesus, ang Tagapaghatid ng Kapayapaan, Amen.

Sending Forth: Doctrine and Covenants 163:11a  

May we answer the call to be that community and offer the ministry of Jesus Christ to our friends and our neighbors, to the poor and the homeless, to the immigrant and the refugee. We are commissioned to serve. Go in peace.  

Postlude 

Come as You Are

Additional Scriptures  Genesis 29:15-28; Psalm 105:1-11, 45b; Matthew 13:31–33, 44–52 Prelude   Welcome and Sharing Time   Light the pea...