Friday, May 15, 2026

Living Blessing


Prelude

Welcome

Call to Worship: Psalm 47:1, 6

1Agtipatkayo gapu iti rag-o, dakay amin a tattao! Idir-iyo ti naragsak a kankanta a pagdaydayaw iti Dios! 6Kantaenyo ti pagdaydayaw iti Dios; wen, kantaanyo iti pagdaydayaw ti aritayo!

Hymn of Praise: 6 UMAYCA TA TAENGANNAC

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle

Peace Hymn

Prayer

Panginoon, gawin Mo akong instrumento ng Iyong kapayapaan.
Sa gitna ng poot, hayaan Mong ibahagi ko ang pag-ibig;
Sa gitna ng sakit, hayaan Mong ibahagi ko ang pagpapatawad;
Sa gitna ng pagdududa, hayaan Mong ibahagi ko ang pananampalataya;
Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, hayaan Mong ibahagi ko ang pag-asa;
Sa gitna ng kadiliman, hayaan Mong ibahagi ko ang liwanag;
At sa gitna ng kalungkutan, hayaan Mong ibahagi ko ang kagalakan.

O, Banal na Guro, hayaan Mong hindi kasing tindi paghahangad ko na ako’y aliwin, sa halip nawa ay mas hahangarin ko ang mang-aliw ng iba;
Na ako’y unawain, kundi ang ako ang maunang umunawa;
Na ako’y mahalin, kundi ang ako ang magmamahal.

Sapagkat sa pagbibigay lamang kami’y tumatanggap;
Sa pagpapatawad kami’y pinatatawad;
At sa pagkamatay kami ay muling isisilang tungo sa buhay na walang hanggan.

Amen.

Scripture Reading: Luke 24:44-55

Message based on Luke 24:44-53

Disciples’ Generous Response

Discussion

“Magkano ang kailangan mong pera para masabi mong mayaman ka na?”

“Sa tingin mo ba, ang definition ng pagiging mayaman dito sa lugar natin ay katulad din sa ibang lugar sa mundo?”

·         Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging mayaman?

·         Magkano ba dapat ang pera mo para maramdaman mong mayaman ka?

·         Bukod sa pera, ano pa ang mga bagay sa buhay na nagpapayaman sa atin?

Tandaan natin na marami tayong aspeto sa buhay kung saan tayo ay sadyang mayaman; kaya naman, maging bukas-palad tayo sa pagbibigay.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Generosity  “Take My Gifts and Let Me Love You” CCS 609

Commitment Reading:

Leader: Ngayon, masdan ninyo, isang kamangha-manghang gawa ang malapit nang magsimula.

All: Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso sa Iyong mga salita.

Leader: Kung nagnanais kayong maglingkod sa Diyos, tinatawag kayo sa gawaing ito.

All: Panginoon, buksan Mo ang aming lakas sa Iyong mga salita.

Leader: Pananampalataya, pag-asa, pagkakawanggawa, at pag-ibig—na may layuning parangalan lamang ang Diyos—ang maghahanda sa inyo para sa gawaing ito.

All: Panginoon, buksan Mo ang aming isipan sa Iyong mga salita.

Leader: Tandaan ninyo: pananampalataya, kabutihang-asal, kaalaman, pagpipigil sa sarili, pagtitiyaga, kabaitan, kabanalan, pagkakawanggawa, pagpapakumbaba, at pagsisikap.

All: Panginoon, buksan Mo ang aming buong lakas sa Iyong mga salita.

Leader: Siguraduhin ninyong paglingkuran ang Diyos nang buong puso, lakas, at isipan.

All: Panginoon, buksan Mo ang aming buong lakas sa Iyong mga salita.

All: Amen.

—Adapted from Doctrine and Covenants 4 

Closing Hymn: “Send Me Forth” CCS 651 

Benediction

Sending Forth: Luke 24:46-48

Go and share your testimony!

Postlude

Thursday, May 7, 2026

Living Anticipation

 


"Agbiag nga Addaan Namnama"

Prelude

Centering Hymn: 105  ADDA MET LA  NALAGDA NGA ANCLAM

Welcome, Joys, and Concerns

Call to Worship

Leader: "May hawak akong bola ng sinulid. Ihahagis ko ito sa inyo. Pagkasalo ninyo, humawak kayo sa isang bahagi tapos ihagis niyo naman sa iba. Huwag ninyong bibitawan ang hawak ninyong sinulid. Maya-maya, magkakaroon na tayo ng parang sapot ng sinulid na nag-uugnay sa ating lahat."

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 161:3a

"Buksan ninyo ang inyong mga puso at damhin ang pangungulila ng inyong mga kapatid na nag-iisa, hinahamak, natatakot, napababayaan, at hindi minamahal. Unawain ninyo sila, hawakan ang kanilang mga kamay, at imbitahan ang lahat na makibahagi sa mga biyaya ng isang komunidad na binuo sa pangalan ng Isang nagpakasakit para sa ating lahat." 

Hymn of Community : “Weave” CCS 327

Invocation

Response

Scripture Reading: 1 Peter 3:13-22

Ministry of Music

Sharing in the Spoken Word based on 1 Peter 3:13-22

Hymn of Reflection: Jesus is Calling

Reflection: “Nakatali”

“Nakatali”

Isang summer, kailangan kong gumawa ng ilang trabaho sa kulungan ng mga aso ko na medyo delikado para sa kanila. Para siguradong ligtas sila, itinali ko muna sila sa magkakaibang puno ng mansanas sa aking orchard. Hinding-hindi nila gustong nakatali sila! Pero, magkaiba ang naging reaksyon nila sa sitwasyon.

Si Frodo, iyak nang iyak at halatang sawang-sawa na. Malapit na akong matapos nang mapansin kong paikot-ikot na pala siya sa puno kaya lalong humigpit ang tali niya—sobrang miserable niya tignan. Ang ending, halos hindi na siya makagalaw. Si Pippin naman, kabaligtaran; hindi siya umiyak. Naglaro pa nga siya sa mga mansanas at mga sangang nakalaylay. Ang saya niyang panoorin na parang pusa na tinatabig ang sanga tapos susubukang kagatin ang gumagalaw na mansanas! Pagkatapos, humiga lang siya sa ilalim ng araw at natulog.

Nung pinakawalan ko na sila, pagod at bad trip si Frodo. Pero si Pippin, nakapag-relax at punong-puno ng energy para maglaro uli!

Minsan, napupunta tayo sa mga sitwasyong hindi natin gusto. Pero ang nagdadala talaga ay kung paano natin ito hinaharap. Pwede tayong maging malungkot, ma-frustrate, at magreklamo nang magreklamo. Pwede nating lunurin ang sarili natin sa lungkot hanggang sa hindi na tayo makakilos. O kaya naman, pwede nating hanapan ng saya ang sitwasyon kahit limitado lang ang galaw natin. Pwede tayong tumingin sa mga positibong bagay para makaraos. Para pag tapos na ang problema, handa na tayong sumabak uli!

Sa totoo lang, kapag sobrang lakas ng reklamo natin sa gitna ng problema, hindi na natin marinig ang Diyos na sumusubok tumulong sa atin.

Makinig ka! Baka sinasabi na sa’yo ng Diyos na ngatngatin mo na ang lubid para makawala ka!

Disciples’ Generous Response  

Hymn of Generosity 

Statement

Mga kapatid, ang ating pag-aalay ay simbolo ng ating buhay na pag-asa sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Ayon sa 1 Pedro 1:3, binuhay tayong muli ng Diyos para sa isang pag-asang buhay dahil sa pagkabuhay na muli ni Hesus.

Hindi tayo nagbibigay dahil sa obligasyon, kundi dahil sa pananabik sa mga pangako ng Diyos na hindi pa natin nakikita ngunit ating pinaniniwalaan. Ang bawat halaga at bawat oras na ating iniaalay ay pagtatanim para sa Kanyang kaharian, habang buong tiwala nating hinihintay ang katuparan ng kanyang mga pangako.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes  

Prayer for Peace  

Light the peace candle 

Prayer 

Panginoon,
Iniaalay namin ang aming mga kamay sa panalangin
Mga kamay na nangangalaga sa mundo, Sa mga ibon, At sa agos ng mga buhay na bukal.

Mga kamay na humahabi ng mga tela, Ng mga puso, At ng mga wasak na pangarap

Mga kamay na naninindigan Para sa katotohanan, Para sa biyaya, At para sa mga layuning hindi nakikita

Patatagin Mo ang aming mga kamay Na pinagsama-sama ng mga gawain, Sa kapayapaan. Amen.

Closing Hymn:

Prayer

Sending Forth

Leader: Ang Diyos ang Dakilang Humahabi ng Buhay.

People: Si Hesus ang ating pag-asa.

Leader: Kumikilos sa atin ang Espiritu Santo.

People: Narito tayo para sa isa’t isa.

All: Samahan Mo kami, Panginoon, habang ipinahahayag namin ang pag-asa sa mundong nangangailangan. Amen.

Postlude

 

Saturday, May 2, 2026

Living the Way



Panangibiag ti Dalan

Prelude

Welcome and Sharing

Prayer for Peace

Light the peace candle

Panginoon, lumalapit kami sa Iyo sa gitna ng aming mabilis at madalas na nakakapagod na mundo. Dalangin namin ang Iyong kapayapaan upang maghari sa bawat aspeto ng aming buhay:

Kapayapaang Pisikal (Physical)

Gabayan Mo ang aming mga katawan na madalas ay hapo sa trabaho at puyat. Ibigay Mo sa amin ang pahingang kailangan namin. Pakalmahin Mo ang aming mga ugat, patatagin ang aming kalusugan, at ilayo kami sa anumang karamdaman. Nawa’y maging templo ang aming katawan ng Iyong Espiritu at katahimikan.

Kapayapaang Intelektwal (Intellectual)

Sa gitna ng napakaraming impormasyon at kalituhan, bigyan Mo kami ng malinaw na isipan. Alisin Mo ang ingay ng mga pag-aalinlangan at ang bigat ng labis na pag-iisip (overthinking). Tulungan Mo kaming maging matalino sa aming mga desisyon at manatiling payapa kahit hindi namin alam ang lahat ng kasagutan sa hinaharap.

Kapayapaang Emosyonal (Emotional)

Pawiin Mo ang anumang kaba, takot, o galit na nananahan sa aming puso. Sa mga panahong kami ay nasasaktan o nabibigatan, ipadama Mo ang Iyong yakap. Turuan Mo kaming magpatawad sa aming sarili at sa iba, upang ang aming kalooban ay maging magaan at puno ng pag-asa.

Kapayapaang Espiritwal (Spiritual)

Higit sa lahat, Panginoon, pagkalooban Mo kami ng lalim ng pananampalataya. Nawa’y manatili kaming nakakonekta sa Iyo, ang Daan ng Buhay. Sa kabila ng anumang unos, nawa’y ang aming kaluluwa ay manatiling payapa dahil alam naming Ikaw ang may kontrol at hinding-hindi Mo kami iiwan.

Sana ay manatili sa aming mga ala-ala na ang "Ang kapayapaan ay hindi ang kawalan ng gulo, kundi ito ay ang Iyong presensya na nananatili sa gitna nito."

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Hymn: 185  ALA NGARUDEN

Invocation

Response/Music Ministry

Scripture Reading: John 14:1-14

Focus moment:
Sagutin ang katanungang nasa loob ng na-cutout na footprint at ibahagi ito. Pagkatapos mai-share ang sagot, maaaring idikit ang footprint patungo sa altar o sa nakahandang boad.

Tanong: Sa Iyong paglalakbay sa bilang isang disipulo na minsan madali, masaya, tahimik at minsa’y mahirap, magulo at nakakapagod, Ano ang nagiging papel ni Jesus sa buhay mo?

Hymn of Calling: “I Have Decided to follow Jesus” CCS 499

Sermon based on John 14:1-14

Sacrament of the Lord’s Supper

Hymn of Preparation: 141  ITI DAYDI A RABII

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang banal na hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo. Sa Community of Christ, isa rin itong pagkakataon upang mapanibago ang ating bautismo at pakikipagtipan na siyang nabuo sa atin bilang mga tagasunod ni Kristo na ipinamumuhay ang kanyang misyon. Tayong lahat ay inaanyaya na gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessings and Serving of the Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: – Alama 16:238, adapted.

…Mamuhay tayo araw-araw na may pasasalamat sa Diyos, dahil sa napakaraming blessings at napakadakilang awa Niya sa atin.               

Confession Prayer

Panginoon, maraming salamat po sa lahat ng biyayang natatanggap namin. Salamat sa Iyong pagmamahal, pang-unawa, at sa pagkakataong maging bahagi kami ng buhay ng aming kapuwa.

Inaamin po naming may mga pagkakataong kinikimkim namin ang mga pagpapalang malaya Mo namang ibinibigay, sa halip na ibahagi ito sa mas nangangailangan. Alam naming tumatawag Ka, pero madalas ay hindi kami nakikinig.

Bigyan Mo po kami ng lakas ng loob at katatagan na pakinggan Ka, at humanap ng mga paraan para maipadama ang Iyong pag-ibig at kapayapaan sa iba. Tulungan mo kaming maging bukas-palad – maging sa aming pinansiyal, oras, o pag-aalaga.

Naririto kami ngayon, handang maglingkod at sumunod sa Iyo, dahil ikaw ang daan, ang katotohanan, at ang buhay na walang hanggan, In Jesus name. Amen.

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Commitment: “Go, Make of All Disciples” CCS 363 

Mission Prayer (All)

Panginoon, saan kaya ako dadalhin ng ‘Yong Espiritu ngayong araw? Tulungan Mo po akong maging laging handa at gising upang tumugon sa Iyo. Bigyan Mo po ako ng lakas ng loob na sumubok ng mga bagong bagay, at maging biyaya sa pagpapadama ng Iyong pag-ibig at kapayapaan sa iba. Amen.

Benediction

Postlude

Saturday, April 25, 2026

Living Abundantly

Agbiag Nga Awan Pagkuranganna
John 10:1-10

Prelude

Welcome

Read aloud this Community of Christ welcome statement: 

Para sa mga naghahanap ng espirituwal na tahanan, ang Community of Christ ay isang mapagtanggap, mapagmahal, at pandaigdigang komunidad ng pananampalataya. Pinapahalagahan nito ang dangal ng bawat isa bilang anak ng Diyos, at nagbibigay ng ligtas na puwang para mas mapalalim mo ang iyong ugnayan kay Jesu-Cristo at sa iyong kapwa.

Sa Community of Christ, may nagmamahal at sumusuporta habang tinutuklas mo ang bagong layunin ng iyong buhay sa pamamagitan ng paglilingkod na gaya ng kay Cristo—serbisyong nagwawakas sa pagdurusa at nagtataguyod ng katarungan at kapayapaan.

Sharing of Joys and Concerns 

Gathering Song : 79 INCA KEN CRISTO DICA AGTACTAC

Invocation

Response

Hymn of Naming “I Have Called You by Your Name” CCS 636 

Scripture Reading: John 10:1–10 

Prayer for Peace 

Light the peace candle 

Prayer from Scripture 

At ngayon, nawa’y manatili ang kapayapaan ng Diyos sa inyo, sa inyong mga tahanan at lupain, sa inyong mga kabuhayan, at sa lahat ng inyong pag-aari; ...ayon sa inyong pananampalataya at mabubuting gawa, mula ngayon at magpakailanman. Amen.—Alma 5:44, adapted 

Panalangin para sa Kapayapaan at Gabay

Panginoong Jesus, aming Mabuting Pastol,

Lumalapit kami sa Iyo ngayong araw upang hilingin ang Iyong kapayapaan. Sa gitna ng ingay at gulo ng mundong ito, tulungan Mo kaming makilala ang Iyong tinig. Ikaw ang Pintuan na nagbibigay sa amin ng kaligtasan; salamat dahil sa Iyo, kami ay panatag at ligtas sa anumang panganib.

Ilayo Mo po kami sa mga "magnanakaw" at "tulisang" nagtatangkang kumuha ng aming katahimikan, pag-asa, at kagalakan. Huwag Mong hayaang madaig kami ng takot o pag-aalinlangan. Sa halip, paalalahanan Mo kami na ang Iyong hangad ay mabigyan kami ng buhay na ganap at kasiya-siya—isang buhay na punong-puno ng Iyong biyaya.

Nawa’y ang Iyong kapayapaan ang maghari sa aming mga puso, sa aming mga tahanan, at sa aming komunidad. Gabayan Mo kami sa mga luntiang pastulan ng katarungan at sa payapang daluyan ng Iyong pag-ibig. Turuan Mo kaming maging instrumento ng Iyong kapayapaan para sa iba, habang kami ay sumusunod sa Iyong mga yapak.

Naniniwala kaming kasama Ka namin, at sa Iyong piling, wala kaming dapat ikatakot.

Amen.

Message based from John 10:1–10 

Disciples’ Generous Response 

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 164:4c–5 Inherent in this Kasama sa sakramentong ito ang tawag ng Diyos sa simbahan: na maging isang alay o handog para magdala ng pagpapala, kagalingan, at kapayapaan sa buong mundo.

Dapat nating maintindihan na kapag talagang nabinyagan ka na kay Kristo, bahagi ka na ng isang bagong nilikha. Dahil taglay mo na ang buhay at pag-iisip ni Kristo, unti-unti nang nagbabago ang tingin mo sa sarili mo at sa ibang tao.

Hindi na mahalaga kung ano ang estado mo sa buhay, anong social class mo, ano ang kasarian mo, o ano ang pinagmulan mong lahi. Sa pamamagitan ng Mabuting Balita, nabubuo ang isang bagong komunidad na marunong tumanggap, magpatawad, at magkaisa kahit magkakaiba ang bawat isa. Ang pagmamahalang ito ang nagsisilbing patunay na dumarating na ang paghahari ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes  

Sending Forth Hymn: “Jesus Is Calling” CCS 578 

Prayer and Benediction 

Response

Postlude

Friday, April 17, 2026

Living Invitation


Sibibiag Nga Awis

WE GATHER IN PRAISE

PRELUDE

WELCOME

CALL TO WORSHIP

…ngayon, sinasabi ko sa inyo darating ang panahon ng paglililigtas ng Panginoon na mahahayag sa lahat ng mga bansa, sa bawat wika at sa lahat ng tao… Magalak kayo sa sama-samang pag-awit… Sapagkat inaaliw ng Panginoon ang Kanyang bayan at makikita ng lahat hanggang sa dulo ng lupa ang kanyang pagliligtas.  Mosiah 8:66, 68–69, adapted 

SONG OF JOY: Shout To The Lord

Resurrection Responsive Reading

Leader: Christ is risen! 

People: Christ is risen, indeed! 

Leader: We give praise and honor to his holy name! 

People: Praise be to Christ Jesus, our Risen Savior! 

Leader: Alleluia! 

People: Alleluia! Amen! 

HYMN OF PRAISE: 13 Dayawendaca O Dios A Nadungngo

INVOCATION

RESPONSE

TIME OF CONFESSION AND PEACE (Reading Acts 2:36-39)

First Reading: Habang binabasa ang aklat mula sa GAWA 2:36-39, inaanyayahan tayong makinig lamang at huwag alalahanin ang mga detalye nito.

Second Reading: Ngayon, habang muling binabasa sa atin ang aklat mula sa GAWA 2:36-39, pakinggan kung anong bahagi nito ang makatawag pansin sa atin.

Third Reading: Sa pangatlong pagkakataong na babasahin sa ang teksto mula sa GAWA 2:36-39, ano nga ba ang sinasabi nito sa iyo? Paano mo ito maisasabuhay?

PRAYER FOR PEACE

Light the peace candle.

Prayer

Turuan Mo kami, O Diyos ng Kapayapaan, na magsalita sa wika ng shalom. Sa totoo lang, hindi pa namin kabisado ang Iyong sinauna at tila hindi pamilyar na wika sa amin. Ang punto namin ay mahirap pang maintindihan; ang aming mga galaw ay alanganin. Namimilipit ang aming dila, sumasakit ang lalamunan, at napapagod ang aming bibig sa pag-aaral ng mga bagong tunog na ito.

Ngunit handa kaming magsimula sa pinaka-umpisa. Tulad ng mga mag-aaral na humihingi ng tulong, mag-eensayo kami nang paulit-ulit—hanggang sa marinig na namin ang Iyong himig sa aming sariling boses, at makuha ang lalim ng Iyong mga salita mula sa mga matiyagang guro ng kapayapaan.

Sana, balang araw, dahan-dahan naming marinig sa aming tinig ang bahagyang musika at indayog ng wika ng kapayapaan. Nawa’y ang aming mga salita ay samahan ng gawa at paghakbang. Titik sa titik, pantig sa pantig, salita sa salita—tulungan Mo kaming sambitin ang Iyong bagong mundo hanggang sa ito ay magkatotoo.

Tulungan Mo kaming masabi ang "patawad" sa aming pamilya. Turuan Mo kaming bigkasin ang "paghilom" sa loob ng mga ospital; ang makiusap para sa "pagkakaisa" sa aming mga trabaho; at isigaw ang "katarungan" sa harap ng mga namumuno sa bayan. At sa dilim ng aming mga gabing nakakapagod, Panginoon, maaari bang Iyong ibulong sa amin ang "shalom"?

O Diyos, Walang-Hanggang Salita ng Kapayapaan, gamitin Mo kami upang awitin ang wika ng shalom sa mundo. Ito ang aming dalangin, sa ngalan ni Hesus. Amen.

DISCIPLES’ GENEROUS RESPONSE

Scripture Reading: Salmo 116:12-13, 17-19

12Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin? 13Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.

17Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat. 18Tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo Panginoon sa harap ng inyong mga mamamayan, 19doon sa inyong templo sa Jerusalem.

Purihin ang Panginoon!

Statement

Ang pagiging tapat at bukas-palad sa ating pananalapi ay nagsisimula sa kagustuhang tuparin ang ating tungkulin. Nagbibigay tayo ng ikapu. Nagbabalik tayo sa Diyos, dahil Siya ang unang nagbigay sa atin. Dito ito nagsisimula, pero hindi rin dito tumitigil. Ang taong mapagbigay ay laging gusting gumawa ng higit pa!

Dinadala tayo nito mula sa “sapat na” patungo sa “Sagana,” mula sa pagsunod sa kautusan patungo sa pagiging bahagi na ito ng ating pamumuhay, at mula sa pagiging obligasyon patungo sa pagiging pagkakataon. Ang tunay na pagka-bukas-palad ay nangyayari kapag ang pagpili ay pumalit na sa pagsunod. Mas nangingibabaw ang diwa ng pagbibigay kaysa sa patakaran ito.

Ang dating “kailangang gawin” ay nagiging “gusting gawis.” At dahil dito, bawat regalo – maliit man o malaki – ay nagiging pantay ang halaga basta’t inalay nang bukal sa loob.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide mission Tithes

HYMN: 79 Inca Ken Cristo Dica Agtactac

SERMON Based on Luke 24:13-35

HYMN OF COMMUNITY: CCS 558 Take the path of the Disciple

Prayer and Benediction

Sending forth: Doctrine and Covenants 157:17

Postlude

Thursday, April 9, 2026

Living Hope

 

Sibibiag A Namnama

Prelude

Welcome Hymn: 123 AGSAGANA TAY’ SUMABET TI APO

Joys and Concerns

Welcome

Maraming pagsubok at hirap tayong pinagdadaanan at marami din tayong mga alalahanin. Kung minsan, kailangan nating ilabas ang ating mga alalahanin upang makita natin ang mga blessings sa ating buhay. Ngunit hindi natin ito magagawa ng mag-isa, o hindi dapat na mag-isa natin itong gagawin. Kaya ngayon, kumuha tayo ng papel at panulat o ballpen, isulat natin ang ating mga alalahanin o concerns at basahin sa harapan. Pagkatapos, i-crumple ito at ilagay natin sa supot ng basurahan.

Pagkatapos ng lahat…

Si Kristo ay nasa atin. Tayo ay nasa isat-isa. Hindi tayo nag-iisa.

Hymn: CCS 359 We Are One in the Spirit

Invocation

Response

Scripture Reading: 1 Peter 1:3-9

Hymn: 25 SICAT, SAPSAPULEC

Prayer for Peace

Light the peace candle

Prayer

Mapagmahal Naming Diyos at Dakilang Lumikha,

Ang buhay namin ay hindi madali, subalit kami ay naririto upang awitan Ka. Batid namin ang Iyong pagmamahal habang kami ay nabubuhay dito sa mundong tila nais kaming kontrolin kung sino kami, kung ang aming gagawin, at ang aming mga pang-unawa pag-iisip. Ngunit dahil nararamdaman namin at nararanasan namin ang Iyong pag-ibig, alam naming hingi kami nag-iisa. Nawa ay maging responsable kami sa aming mga desisyon na siyang maghahayag ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Gabayan Mo kami sa kabutihan at kapayapaan. Amen.

Ministry of Music or Community Hymn

Message based on 1 Peter 1:3-9

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang pagbibihay ay bilang pagkikilala na ang bawat isa sa atin ay magkakaugnay at kabahagi. Hindi lamang natin ibinibigay ang pagmamahal at suporta ng bawat isa, ibinibigay din natin ang ating mga ikapu upang maramdaman din ng iba ang pagmamahal at suporata. May malaking pangangailangan at ang maaari lamang nating gawin ay tumugon sa pangangailangang ito sa mga nasa paligid natin bilang isang pandaigdigang komunidad.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide mission Tithes

Spiritual Practice Video: https://www.youtube.com/watch?v=Vq9J8qqrGag 

Closing Hymn: CCS 636 I Have Called You by Your Name

Closing Prayer:

Sending forth: Doctrine and Covenants 164:9:d-f

d. If you truly would be Community of Christ, then embody and live the concerns and passion of Christ. e. The challenges and opportunities are momentous. Will you remain hesitant in the shadows of your fears, insecurities, and competing loyalties? Or will you move forward in the light of your divinely instilled call and vision? f. The mission of Jesus Christ is what matters most for the journey ahead.

Postlude

Saturday, April 4, 2026

Awake to New Life

 

Gumising sa Bagong Buhay

Prelude

Gathering Song: 118 TI TIEMPO UMASIDEGEN

Welcome and Invitation

Tayona’t magsaya sa Pasko ng pagkabuhay ni Kristo. Magalak tayong mga alagad Niya. May Buhay tayo dahil sa pag-asang ipinamalita ng mga kababaihan. Ang Diyos ang siyang nagbibigay buhay; Si Kristo ang siyang tagapagligtas ng buhay; ang Espiritu ang nagpapalakas ng buhay; Alleluia! Buhay si Kristo!

Hymn of Praise: 122 TI ARI ADDAN TI RUANGAN

Invocation

Response

Silent Reflection

1.      Ano nga ba ang kahulugan ng pagkabuhay na muli sa akin?

2.      Paano ko nga ba ipapahayag ang Liwanag ng Diyos sa mundo na aking kumunidad?

3.      Paano ako makakagawa ng pagbabago sa buhay ng iba?

Prayer for Peace

Statement

Sa ating pagsindi sa kandilang ito alalahanin natin ang mga biktima at naapektuhan ng digmaan at ang mga walang Kalayaan.

Light the peace candle.

Prayer

Dios ng lahat.

Ang pagkabuhay na muli ng Iyong anak ay nagbibigay ng bagong buhay at bagong pag-asa sa amin.
Tulungan Mo kaming mamuhay bilang mga bagong nilalang sa pagtataguyod ng kapayapaan.
Bigyan Mo kami ng kaalaman at talino na marinig ang mga paghihinagpis ng mga nahihirapan at bigyan Mo kami ng lakas ng loob upang gumawa ng pagbabago sa kanilang buhay.
Bigyan Mo kami ng tiyaga at lakas bilang mga tao ng muling pagkabuhay  para sa mundong may pangangailangan.

Amen.

Hymn of Reflection:

Reading of the Word :Matthew 28:1–10 or John 20:1–18

Ministry of Music or Community Hymn:

Easter Sermon based on Matthew 281-10 or John 20:1-18

Hymn of Preparation for Communion: 141  ITI DAYDI A RABII

Invitation to Communion

Blessings and Serving of Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading

They imparted of their substance everyone according to that which they had, to the poor, and the needy, and the sick, and the afflicted…

—Alma 1:40, adapted

Statement

Inaanyayahan tayo maging mapagbigay gaya pagiging mapagbigay ng Diyos sa atin. Ang pagbibigay ng ating mga kaloob ayon sa tunay nating kakayanan ay ang pangunahing parinsipiyo ng pagiging bukas-palad bilang disipulo. Ang kasaysayan tungkol sa Pagkabuhay na Muli ay nagpapakita sa atin sa pagiging bukas palad ng Diyos sa atin. Papaano nga ba  tayo  tutugon?

Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Celebration: 143 Morning Has Broken

Sending forth Responsive Reading

Leader: Isugo Mo kami…

People: na patotohanang si Kristo ay Buhay.

Leader: Isugo Mo kami…

People: na may bagong layunin sa pagsisikap naming maihayag ang iyong kaharian.

Leader: Buksan Mo ang aming mga mata…

People: na makita ang kawalan ng hustisiya sa mundo.

Leader: Buksan Mo ang aming mga tainga…

People: na marinig ang pagmamakaawa ng mga nahihirapan.

Leader: Buksan Mo ang aming mga puso…

People: na yakapin ang mga napapag-iwanan.

Leaser: Buksan Mo ang aming mga kamay…

People: na tumugon sa mga kamay na naghihintay sa mundo.

Leader: Isugo Mo kami.

All: Isugo Mo kami na maglingkod. Amen.

-          Based on Doctrine and Covenants 163:4

Prayer

Postlude


 

141  ITI DAYDI A RABII

(The Last Supper)

 

Iti daydi rabii,

Panangtiliwda kencuana,

Anac ti Dios naasi,

Nga inyawat di gayyemna.

 

Casangoananna la unay,

Nangala iti tinapay,

Nagyaman ket pinisina,

Ket castoy ti insawangna.

 

Datoy ti bagic canenyo,

Napisi gaput’ basolyo,

Toy darac met bingbingayenyo,

Tanda’t tulag a baro.

 

Ket daytoy aramidenyo,

Ta pataycot’ lagipenyo,

Iti gimong isipenyo,

Ti ayatco cadacayo.

 

Jesus, fiestam rambacanmi,

Naganmo icancantami,

Aginggat dica agsubli,

A mangala cadacami.

 

188  INTON MAAWAGAN NAGNAGAN

(When the bells is called up yonder)

 

Inton tiempo ti aggibus,

ket mangngeg trumpetat’ Dios,

Ket bumtac ti lawag nga igget laus,

Addanto met idiay a makiurnong.

 

Coro:

Intuno agtangguyobda,

Nagnagan mapucawanda,

Siacto met inagananda,

Idiay nagasat napintas a daga.

 

Inton mapuccawan dagiti nalinteg a natay,

Tapno makiranoddat’ panagungar,

Inton maurnong ti dagup dagiti naisalacan,

Cayatco nga addaacto met idiay.

 

Ngarud agservitay’ iti Apo a di agressat,

Ti ayatna intay iwaragawag,

Tapno inton maawagan nagnagan naisalacan,

Addatay’to coma met amin idiay.

 

122 TI ARI ADDAN TI RUANGAN

(Even At The Door)

 

Ti Ari addan ti ruangan,

A mangala ti buyotnan,

Agrag-rag-o tay ngad’ ita,

Sumabet kencuana.

 

Coro:

Ti ruangan, ti ruangan,

Wen, addan ti ayan ti ruangan.

Wen umayen, wen umayen,

Ta addan iti ruanganen.

 

Dagiti pagilasinan,

Yaayna nagpakitadan,

Nganngani ngaruden itan,

Ket intay agyaman.

 

Ditoy daga ti agcurang,

Riribuc, basol ken patay,

Ngem indanto agpatingga,

Inton Jesus umay.

 

Ta sadiay baro a daga,

Addanto biag di mamingga,

Ragsac a nagpaiduma,

Nga awan inggana.

 

118 TI TIEMPO UMASIDEGEN

(I know He Is Coming Soon)

 

Ti tiempo umasidegen,

Nga ni Jesus umayto manen,

Ta isu ti incarina,

Ti umay nga awan duadua.

 

Coro:

Ammoc a ngannganin,

Jesus umay manen,

Mabalin nga rabii,

Bigat ken malem,

Matmatan yot’ ngato,

Umayen ti Apo,

Ammoc a ngannganin umayen.

 

Pagilasinan makita,

Bayat ti aldaw umad-addang,

Kitaenyo ti tangatang,

Ta ti tiempo umasidegen.

 

Dagiti natay ken Cristo,

Agungar sabtenda ti apo,

Ket datayo a sibibiag,

Maitayabtay’ apagdarikmat.

 

Umay mangted ragsac talna,

Awanton ti ut-ot ken patay,

Umay tapnu in agturay,

Ket lulua punasen nantopay.

 

156  INISPALNAC PARABORNA

(Save By The Grace)

 

Mapugsattot’ cuerdas toy biag,

Diacto agdaniw cas itan,

Ngem amangantot’ ragsacco,

No agriingac yan Apo.

 

Coro:

Makitactot’ rupan rupa,

Ket saritaec graciana,

Makitactot’ rupan rupa,

Inispalnac paraborna.

 

Matuangto met toy balayco,

Ngem diac ammo no kaano,

Ngem ammoc ti capapatgan,

Naisaganat’ baro a yan’.

 

Addan to aldaw a lumnec,

Ti dumardarang nga init,

Ket tinto Apo cunana,

“Sica matalec sumrecca”.

 

Gapuna agsaganaac,

Ti silawco maparaniag,

Ta inton ti ruangan maluktan,

Dagusec ken Jesus mapan.

 

143 Morning Has Broken

Morning has broken
like the first morning,
blackbird has spoken
like the first bird.
Praise for the singing!
Praise for the morning!
Praise for them, springing
fresh from the Word!

Sweet the rain’s new fall
sunlit from heaven,
like the first dew-fall
on the first grass.
Praise for the sweetness
of the wet garden,
sprung in completeness
where his feet pass.

Mine is the sunlight!
Mine is the morning
born of the one light
Eden saw play!
Praise with elation,
praise every morning,
God’s recreation
of the new day!

 

 

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...