Friday, August 29, 2025

Show Hospitality to Strangers

 

Ipakita ti Panangsangaili Kadagiti Ganggannaet

Sharings and Annoncements

Prelude

Welcome

Greet and Be Greeted

Sa araw na ito ang ating tema ay ang pagpapakita ng pagpapatuloy sa mga dayuhan. Sa ating pagpupuri sa Diyos mayroon tayong pagkakataon upang gawin ito sa pamamagitan ng pag-awit at pagbigkas ng mga salita. Muli, batiin natin ang bawat isa bilang pagsisimula ng ating serbisiyo at pagkatapos ay awitin natin ang ating himno.

Hymn of Gathering:  “Meet Me in a Holy Place”     CCS 162

Responsive Call to Worship

Leader: Umawit kayo nang may galak sa Diyos na nagbibigay sa atin ng kalakasan. Sumigaw kayo nang may tuwa sa Diyos ni Jacob!

Left: Umawit tayo ng awitin sa Panginoon!

Right: Umawit tayo ng awitin sa Panginoon!

All: Hallelujah, luwalhati sa Panginoon.

-    Psalm 81:1 and CCS 112, adapted

Hymn of Praise: SALITA MO

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer:

Maunawaing Diyos,

Sa tuwing ipinapanalangin namin ang kapayapaan, alam namin na ikaw ang siyang kailangan naming patuluyin sa aming mga buhay. Alam namin na ang iyong Banal na Espiritu ang namamagitan para sa amin kapag ang aming mga salita ay hindi na sapat upang mailarawan ang aming mga layunin. Tulungan Mo kaming maipakita ang mabuting pakikitungo sa lahat, maging sa mga hindi namin kakilala. Nawa ang pagpapala ng Iyong kapayapaan ay palayain kami upang tanggapin ang mga hindi namin kilala at makasama namin sila sa aming kalagitnaan. Amen.

Hymn of Peace

Scripture Reading: Hebrews 13:1-8, 15-16

Message Based on Hebrews 13:1-8, 15-16

Hymn of Proclamation:  “I’m Gonna Live So God Can Use Me”  CCS 581

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading

Faithful disciples respond to an increasing awareness of the abundant generosity of God by sharing according to the desires of their hearts; not by commandment or constraint. Break free of the shackles of conventional culture that mainly promote self-serving interests. Give generously according to your true capacity. Eternal joy and peace await those who grow in the grace of generosity that flows from compassionate hearts without thought of return. Could it be otherwise in the domain of God, who eternally gives all for the sake of creation?

Statement:

Maaari tayong makatulong sa pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuti at pagbabahagi sa ating kapuwa. Maaaring sa pagbibigay ng ating mga kaloob, pwede tayong magsilbing bahaghari sa iba na siyang magpapakinang sa napakagandang pag-ibig ng Diyos na siyang masisilayan ng lahat.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Generosity Hymn: “From You I Receive”     Repeat several times.   CCS 611

Closing Hymn: 197 ITIKINASANTAC TOY DAGA

Prayer and Benediction

Postlude

Friday, August 22, 2025

With Reverence and Awe



Buyogan Ti Panagraem Ken Panagbuteng

Prelude

Announcements, Joys, and Prayer Needs

Greet and Be Greeted

Ang ating tema sa araw na ito ay “With Reverence and Awe”, “Sa Pagsamba at Takot”. Mas lalo nating napapagbuti ang Pagsamba at Takot kung kilala at alam natin kung sinu-sino ang mga kasama nating mananampalatayang nakapaligid sa atin. Sa sandaling ito batiin natin ang isat-isa na kasama nating magpupuri sa Panginoon.

Gathering Hymn: “Shout to the Lord” adapted from 2023 World Conference Hymnal, No. 56

Welcome

Ang ating teksto sa araw na ito mula sa aklat ng Hebreo ay magtatapos sa mga katagang, “Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya.” Sa ginawang ayos ng ating pagsamba sa araw na ito, nawa ay maranasan natin ang kapangyarihan at kagandahang loob ng Diyos.

Call to Worship

Ang aming kaligtasan ay nasa sa Iyo Panginoon;
Sa Iyo Panginoon ang aming pag-asa at pagtitiwala, mula pa sa aming Kabataan.
Ang aming pagpupuri patuloy at para lamang sa Iyo. 
-Psalm 71:1, 5-6; adapted

Hymn of Reverence and Awe: Santo, Santo, Santo   1

Invocation

Response/Music Ministry

Disciples’ Generous Response

Testimonies: Inaanyayahan tayo upang ibahagi ang ating mga naging karanasan na nakita natin ang daan o tamang landas sa pamamagitan ng pagbubukas ng ating palad.

Statement
Scripture: Doctrine and Covenants 165:2a-b
God’s generous compassion is limitless. As we open our hearts to courageously and generously share by placing money in the offering plates or through eTithing, we join the movement of God’s compassion in the world. God shares abundantly, we share faithfully, others share generously, and God’s love and compassion grow endlessly.

Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Offertory Hymn: Give Thanks

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Kamangha-manghang Diyos, tunay nga na hindi Ka kayang abutin ng aming pang-unawa. Ikaw ang kapayapaan ng Diyos. Mas lalo Mo pang pinagbuti ang paghimok at pagpapalakas sa amin upang gumawa at magbunga ang kapayapaan sa lupa. Kami po ay nakahanda bilang Iyong mga manggagawa. Ang Iyong anak na siyang prinsipe ng kapayapaan gayon din ang mga naunang manggagawa ng kapayapaan sa mga nagdaan taon ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa amin.

Ngayon sa oras na ito, hinahanap namin ang mga magiging katugunan sa mga pangangailangan. Ramdam namin ang aming kakulangan sa tuwing nakikita namin ang mga sigalot at pakakahati-hati ng mga bansa maging sa loob misyo ng mga ito. Mayroon nga bang pagkakaisa sa mga pakakaiba-iba? At maaari nga bang ang mga tao’y hindi papansinin ang mga pagkakaiba-iba at sama-samang ipagdiwang ang pakakatulad at gawin ang Iyong gawain? Ang Iyong sagot ya oo, at nawa ito ang aming paniniwalaan. Tulungan Mo kami sa pagkukulang ng aming pananampalataya. Patuloy Mo kaming dalhin upang gumawa at kumilos kahit na tila ang gawain ay napakalaki. Palakasin Mo po kami, ito ang aming dalangin sa pangalan ni Jesus na siyang may kapayapaan. Amen.

Hym of Assurance: “What a Friend We Have In Jesus”  CCS 253

Scripture Reading: Hebrews 12:18-29

Message based on Hebrews 12:18-29

Closing Hymn: 131 ARAMIDENNAC CAD’ O APO

Sending Forth:

Sa inyong pagpapatuloy ng inyong buhay na personal at pulitakang banal, pagpalain nawa ang inyong paglalakbay, at nawa ang inyong buhay at presensiya ang magsisilbing paala-ala sa mga nakapaligid sa Iyo na nasa presesiya ng din Panginoon. Sa huli, ang lahat ng ating mga gagawin sa ating buhay ay marapat na sa Diyos, inihahayag ang Diyos at dadalhin ang iba sa Diyos at ang Diyos na kailanman ay walang anumang bayolenteng katangian na siyang umiibig sa lahat.

Go and be awesome witnesses for God!

Postlude

Friday, August 15, 2025

Cloud of Witnesses Surrounds Us


Likmutennakami Dagiti Ul-ulep ti Saksi

Prelude

Welcome

Annoucements, Joys, and Prayer Need

Greet and Be Greeted

Ang ating tema sa araw na ito ay “Napapalibutan tayo ng ulap ng mga Saksi”. Tayong lahat ay mga saksi. Sa pagkakataong ito ating batiin ang ating mga kapuwa saksi sa pagsamba. Pagkatapos ay maaari tayong bumalik sa ating kinauupuan sa hudyat ng pag-awit natin ng ating Gathering Hymn.

Gathering  Hymn: TI TUNGGAL ALDAW

Call to Worship: Psalm 80:7

Invocation

Response/Ministry of Music

Scripture Reading: Hebrews 11:29 – 12:2

Message based on Hebrews 11:29 – 12:2

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Hymn of Assurance: “I’ve Got Peace like a River” Campfire song;

Peace Prayer

Dios na nasa aming palibot,

Kung bibigyan namin ng pansin, makikita namin na kami ay Iyong pinapalibutan ng mga ibat-ibang kaparaanan para sa kapayapaan. Ang aming mga ninuno kasama ang mga ninuno namin sa banal na kasulatan ay nagpatotoo para sa kapayapaan. Sila ay naghahangad ng kapayapaan tulad ng karamihan sa ngayon. Napakarami ang mga handang magsakripisyo para sa kapayaan. Pagpalain Mo kami ng Iyong mga pangitain at ng pananaw para sa mapayapang kaharian. Sa ngalan ng yaong may kapayapaan. Amen.

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2a-f

2 a. Free the full capacity of Christ’s mission through generosity that imitates God’s generosity. b. Listen to the testimonies of those responding generously. Follow your soul’s yearning to come home to God’s grace and generosity. Let gratitude show you the way. c. Remember, a basic discipleship principle is growing Christ’s mission through local and world mission tithes according to true capacity. Giving to other worthwhile organizations, while an important part of A Disciple’s Generous Response, should not diminish or replace mission tithes. d. Tithing is a spiritual practice that demonstrates willingness to offer every dimension of one’s life to God. When defined by faith, love, and hopeful planning, including resolving unwise debt, capacity to respond becomes much greater than initially assumed. e. Stewardship as response to the ministry of Christ is more than individual giving. It includes the generosity of congregations and jurisdictions that give to worldwide ministries of the church to strengthen community in Christ in all nations. f. Sharing for the common good is the spirit of Zion.

Statement

Ang mapagbigay na habag ng Diyos ay walang limitasyon. Habang binubuksan natin ang ating puso na buong tapang sa pagbubukas palad na magbahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng pagkahabag ng Diyos sa mundo. Sagana ang pagpapala ng Diyos, nawa ay tapat tayo sa pagbabahagi at maging bukas-palad sa iba, upang sa gayon ang pag-ibig at habag ng Diyos ay lalago ng walang hanggan.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Offertory Hymn:  108  BENDICIONNA INCA BILANGEN

Closing Hymn: 372 Clouds of Witnesses Surround Us

Friday, August 8, 2025

Seeking A Homeland

 
Sapulen Ti Pagtaengan

ANNOUCEMENTS

Welcome

Welcome! Sa lahat ng mga naghahanap ng espirituwal na tahanan, ang Community of Christ ay isang pandaigdigang komunidad ng mga mananampalataya na ikinalulugod ang pagtanggap, pagmamahal at binibigyang halaga ang bawat tao bilang mga anak ng Diyos at naglalaan ng isang ligtas na lugar upang tuklasin at palalimin ang ating ugnayan kay Jesu-Kristo. Ipinapahayag natin si Jesucristo at itinataguyod ang mga komunidad na may kagalakan, pag-asa, pag-ibig, at kapayapaan!

Call to Worship: Salmo 50:1-2

Welcoming Hymn: “ForEveryone Born” CCS 285

Invocation

Response

Disciples’ Generous Response

Generosity Scripture: Doctrine and Covenants 165:2a

a. Free the full capacity of Christ’s mission through generosity that imitates God’s generosity.

Statement

Kapag hinihipo ng malalim ng Diyos ang ating mga buhay, mas higit naman nating ninanais na sana ay maging katulad natin si Kristo sa ating pamumuhay. Bilang mga tagasunod ni Jesu-Kristo, kinikilala natin ang mga pagpapala at pag-ibig ng Diyos sa ating buhay.

Inaanyayahan tayo para sa isang habambuhay na pangangalaga bilang ating pagtugon sa napakadakilang biyaya ng Diyos sa ating buhay habang inaalam natin kung papaano natin maitataguyod ang isang komunidad na may galak, pag-asa, pag-ibig, at kapayapaan.

Ang dakilang awa ng Diyos ay walang hanggan. Habang binubuksan natin ang ating mga puso upang maging matapang sa pagiging bukas palad sa pagbibigay ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa pagkilos ng Diyos upang maiabot ang kanyang awa sa mundo. Luboslubos ang biyaya ng Diyos, kaya naman tayo ay tutugon ng may katapatan, magbahagi tayo sa ating kapuwa, sa gayon ang pag-ibig ng Diyos at ang kanyang awa ay patuloy na lalago.

Blessing and Receiving of Local ang Worldwide Mission Tithes

Hymn of Community/Music Ministry: 176  ADDA NAPNOAN IMNAS  A LUGAR

Prayer for Peace

Peace Scripture: Luke 12:32

“Kayong mga alagad ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.

Light the peace candle.

Peace Prayer

O Diyos ng mga manlalakbay, Tahanan ng mga naghahanap ng matutuluyan,

Pagpalain Mo nawa ang lahat ng mga naglalakbay patungo sa Iyo sa araw na ito. Punuin Mo kami ng Iyong awa upang tanggapin naming ang mga estranghero at magbahagi sa mga nangangailangan. Nawa’y sa pamamagitan ng Iyong kapayapaan ay masira ang mga pusong baton na tumatalikod sa iba. Nawa’y ang Iyong kapayapaan ay magdulot sa lahat na tanggapin ang isa’t isa at huwag pansinin ang mababaw na pagkakaiba. Manahan nawa ang Iyong kapayapaan sa lupaing ito at sa lahat ng lupain ng mga manlalakbay na silay tatanggapin upang manirahan. Ito ang aming dalangin sa kanya na may kapayapaan, kay Jesu-Kristo. Amen.

Scripture Reading: Hebrews 11:1-3, 8-16

Ministry of Music OR Congregational Hymn of Pilgrim: 77 UMAY KAYO AMIN

Message Based on Hebrews 11:1-3, 8-16

Hymn of Sending Forth: 555 Lift Every Voice and Sing

Closing Prayer

Postlude

Saturday, August 2, 2025

Clothe Yourself with the New Self

 


Kawesanyo ti Bagiyo it Baro a Kinataoyo

ANNOUNCEMENTS

Prelude

Welcome

Bilang mga alagad sa Community of Christ, tayo ay inaanyayahan upang makiisa sa pagpupuri at hanapin ang kapayapaan ni Hesus sa ating mga buhay. Nawa ay naparito tayo sa lamesang ito ni Cristo na may layuning maglingkod sa Diyos at maging mga lingcod ni Cristo. Sumaatin nawa ang Banal na Espiritu sa ating pagpupuri sa Panginoon sa araw na ito.

Call to Worhsip: Salmo 107:1-3,8-9, 43

1Magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siyaʼy mabuti; ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman. 8Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hanga niyang gawa sa mga tao. 9Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom. 43Ang mga bagay na itoʼy dapat ingatan sa puso ng mga taong marunong, at dapat din nilang isipin ang dakilang pag-ibig ng Panginoon.

Gathering Hymn: 188  INTON MAAWAGAN NAGNAGAN

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer: Read 315 O Christ Who by a Cross
O Christ who by a cross made peace your sign,
who gives your peace in water, bread and wine:
O Spirit Christ who is our spirit’s home,
teach us the secret of the true shalom.

We speak of peace when in our hearts we war
and, unforgiving, keep our grudges sore,
we promise peace while yet we strive to win,
and in our enemy, see not our kin.

Two deaths now face the starving and the fed—
the blinding bomb, the simple lack of bread;
with riches of the earth at our command,
from weaponry to welcome, turn our hand.

The selfishness which is our human curse,
the arsenal of hatred which we nurse—
all are dispelled when in our hearts we say
“There is no way to peace: peace is the way.”
AMEN

Scripture Reading: Colossians 3:1-11

Music Ministry/Congregational Hymn: “Take the Path of the Disciple” CCS 558

Homily based on Colossians 3:1-11

Disciples’ Generous Response

Generosity Scripture: Luke 12:13-21

13Sumagot si Juan, “Huwag kayong maningil nang higit sa inutos sa inyo!” 14May mga sundalo ring nagtanong sa kanya, “Kami naman po, ano ang dapat naming gawin?”

Sumagot siya, “Huwag kayong mangingikil kaninuman o magpaparatang ng hindi totoo para lang magkapera. Makontento kayo sa mga sahod ninyo!”

15Nang marinig ito ng mga tao, lalo silang nanabik sa pagdating ng Mesias at inisip nila na baka si Juan na nga ang hinihintay nila. 16Ngunit sinabi ni Juan sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit may isang darating na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy. 17Tulad siya ng isang taong nagtatahip para ihiwalay ang ipa sa butil ng trigo. Titipunin niya ang mga butil sa kamalig, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy na kailanmaʼy hindi mamamatay.” 18Marami pang mga ipinangaral si Juan sa pagpapahayag niya ng Magandang Balita.

19Ang pinunong si Herodes ay tinuligsa niya, dahil inagaw niya si Herodias na asawa ng kanyang kapatid, at gumawa pa siya ng iba pang mga kasamaan. At dinagdagan pa ni Herodes ang kanyang mga kasalanan nang ipabilanggo niya si Juan. 20At dinagdagan pa ni Herodes ang kanyang mga kasalanan nang ipabilanggo niya si Juan.

21Isang araw, nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, nagpabautismo rin si Hesus. At habang nananalangin si Hesus, bumukas ang langit

Statement

Ano nga ba ang hoarding?

Ang hoarding ay isang disorder kung saan ang isang tao ay nahihirapang pakawalan ang mga bagay na pag-aari niya, kahit na ang mga ito ay itinuturing na walang halaga ng karamihan. Ito ay nagiging sanhi ng pagbuo ng magulong tirahan at maaaring magdulot ng mga problema sa ekonomiya dahil sa manipulasyon ng suplay ng mga produkto. Ang hoarding ay itinuturing na nasa obsessive-compulsive spectrum condition at may kaugnayan sa OCD. Kabilang sa mga sintomas nito ang hirap sa pagtatapon ng mga bagay at pagkakaroon ng labis na dami ng iniimbak na gamit.

Isipin natin, may mga ibat-ibang paraan ng pagiging hoarder. Minsan ito ay dahil may mga bagay na hindi natin kayang pakawalan. Minsan ito rin ay dahil may mga ala-ala tayo sa mga nagdaang panahon na ang akala natin ay hindi na ito babalik muli. O dahil sa mga pangarap at inaasahan natin sa hinaharap na kahit na alam na natin – kung magiging totoo lamang tayo sa ating sarili – hindi naman ito kailanman darating o lilipas. Subalit sa kabila nito hindi parin tayo kumakawala mula rito at patuloy tayong hindi nakakagalaw upang maranasan sana natin ang kagalakan sa kasalukuyan.

Sa ating pagbubukas ng ating mga puso para maging matapang sa pababahagi sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos para sa kanyang habag sa mundo. Sa linggong ito, magsasamasama tayo sa sakramento at pag-aalay para sa misyon nating Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Sa pamamagitan nito lumalago ang pagiging bukas-palad ng Diyos sa mga materyal paraan.

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Sacrament of the Lord’s Supper

Invitation to Communion (by Minister)

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang huling hapunan ng Panginoon ay isang sakramento na kung saan ay inaalala natin ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo sa atin. Sa ating Iglesia, nararanasan din natin sa sakramentong ito ang isang opurtunidad upang mapanibago natin ang ating bautismo na siyang nabuo bilang mga alagad na namumuhay sa misyon ni Kristo. Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Communion Scripture: Luke 22:7-20 (by Minister)

Blessing and Serving of Bread and Wine

Pastoral Prayer (Birthdays, Anniversaries etc.)

Hymn of Sending Forth: 51 RAGRAGSACTO A NAPALAUS

Closing Prayer

Sending Forth: Doctrine and Covenants 165:3a

Nawa’y lisanin ninyo ang lugar na ito bilang mga bagong nilalang. Humayo kayong taglay ang biyaya ng Espiritu at kapayapaan ni Cristo.

Postlude

Friday, July 25, 2025

Belong to Christ

 Preparation: Maglagay ng dalawang halaman sa harapan na isa isang malusog na halaman at isang ay tila may sakit at halos patay na.

Prelude

Welcome

Sa Community of Christ tayo ay kay Cristo. “Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang inyong Panginoon, patuloy nawa kayong mamuhay sa kanya.” Ang lahat ay tinatanggap sa pag-ibig ni Hesu-Kristo. Magkaisa tayo sa araw na ito sa pagpupuri, pagninilay, pagpapahayag, at pagtatalaga sa ating mga sarili upang ang ating pagsamba ay maging katanggap-tanggap sa pangalan ng Diyos, ang lumikha, si Hesus, ang tagapagpalaya, at ang Espiritu Santo na siyang tagapangalaga.

Call to Worship: Psalm 85:8-13

Welcoming Hymn: HALIKANAKAPATID

Invocation

Response

Moment of Reflection

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer:

Panginoong Diyos,

Kami ngayon ay naririto sa iyong presensiya sa pangalan ni Hesus. Tulungan Mo kaming mapagnilayan ang pag-ibig ni Kristo sa aming buhay at laging maging bukas sa lahat. Nawa ay maibahagi sa aming lahat ang kapayapaan ni Hesu-Kristo at maihayag sa lahat ng mga nakikinig sa Iyong tinig. Kami ngayon ay tumatawag sa pangalan ni Hesus upang magwakas na ang kahirapan, pagkakahati-hati, at ang poot sa mundo. Tulungan Mo kami upang magsilbing biyaya ng komunidad at magdadala ng kapayapaan at pag-asa ng Sion, na siya naming dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.

Ministry of Music

Scripture Reading: Colossians 2:6-19

Focus Moment

Ang dalawang halaman sa harapan ay natutulad sa atin na kay Cristo – ang ilan sa atin ay malulusog at ilan naman ay hindi na tila namamatay at nalalanta na. “Pero ano nga ba ang maaaring mangyari sa mga halamang ito kapag nahugot mula sa lupa?” -sharing

Kailangan ng mga halaman ang manatili sa lupa upang makasipsip sila ng tubig, nutrients at makasagap ng sinag ng araw.

Tingnan natin ang halamang hindi malusog. Sa tingin natin bakit nga ba ito nahihirapan? -sharing

Ang mga halamang hindi nakakasipsip ng sapat na tubig, sinag ng araw, at nutrients ay mahihirapan.

Natutulad tayo sa mga halaman; tayo ay kay Hesu-Kristo (ang ating lupa). Tinawag tayo upang patuloy na mamuhay sa kanya, nag-ugat at lumalago sa kanya sa pamamagitan ng pananampalataya. “Anong mangyayari sa atin kung tayo’y mahuhugot at mahihiwalay kay Hesus?” -sharing

Ano ang mga maaaring paraan upang mas mapalalim pa natin ang ating mga ugat kay Hesus? -sharing Kung patuloy ang paglalim ng ating mga ugat sa lupa, lalo tayong lalagong matibay sa ating mga pananampalataya at pagpapatotoo. Ang bawat paghinga natin ay naglalarawan ng kung ano ang kahulugan ang na kay Kristo.

Congregational Hymn: 46 KANTAAC TIMANNUBBOTCO

Pastoral Prayer: Maglaan ng panalangin para sa biktima ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa at sa lahat ng mga nasalanta.

Message Based on Colossians 2:6-19

Testimonies

Disciple’s Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2f-3a

Statement

Maaari nating ihayag ang pag-ibig ng Diyos sa pagiging mabuti at pagbabahagi o pagtulong sa ating kapuwa. Sa pamamagitan ng ating pagbibigay, tayo ay magniningning at makakatulong tayo upang magliwanag ang pag-ibig ng Diyos para lahat.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn of Sending Forth: 627 GodForgave My Sin in Jesus’ Name

Prayer and Benediction

Response

Postlude

Thursday, July 17, 2025

God’s Mystery Revealed

Maiparanganrang ti Misteryo ti Dios

Preparation

Maaaring ihanda ang harapan ng isang elemento ng krus at basket ng mga napapanahong prutas.

Prelude

Welcome

Sa Community of Christ, nagtitipon-tipon tayo na nalalaman ang Kabanalan ng mga Nilikha. Ang misteryo ng Diyos ay kailanman hindi lubos na malalaman, ngunit ang pagkamangha sa pagtitipon sa presensiya ng Diyos ay naghahatid sa atin sa mga sagradong kaalaman na nagtataguyod ng kagandahan, kaluwalhatian at kahanga-hangang likha ng Dios kay Kristo. Ating ipinagtatapat na tayo ay may ambag sa paglapastangan sa mga nilikhang ito Diyos at sa pa-init ng lupa hanggang sa mga punto ng mga kakilakilabot na kahihinatnan ng nilikha. Ang ating tunay na hangarin ay mamuhay nang naaayon sa lahat ng nilikha ng Diyos. 

Call to Worship

“This is what the Lord God showed me—a basket of summer fruit. He said, ‘Amos, what do you see?’ And I [Amos] said, ‘A basket of summer fruit.’” …

15Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. [Colosas 1:15-17]

Ipahayag natin na "ang lupa, na maibiging nilikha bilang isang kapaligiran para sa pag-unlad ng buhay, ay nanginginig sa pagkabalisa dahil ang natural at likas na sistema ng buhay ay nauubos at nawawala dahil sa kasakiman at hindi pagkakaunawaan ng mga tao. Dapat gumising ang sangkatauhan mula sa ilusyon nito ng pagkamakasarili at walang makakapigil na pagkonsumo na tila hindi alam ang kahihinatnan." … [Doctrine and Covenants]

Sa katiyakan ng kabutihan ng Diyos at ng kabutihan ng Kanyang mga nilikha, ipahayag nati: "Pasasalamatan kita magpakailanman, dahil sa iyong ginawa. Sa harapan ng mga tapat na lingkod ipahahayag ko ang iyong pangalan, sapagkat ito ay mabuti." [Salmo]


Invocation

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Diyos na lumikha ng mga misteryo,
Pinupuri ka namin sa kaluwalhatian ng iyong mga nilikha. Nakikita namin ang iyong mga gawa sa mga ilog at batis, mga leon at mga tupa, mga bundok at mga anino. Nawa'y matagpuan namin ang Iyong kapayapaan sa aming mga puso habang inaamin namin na ang sangkatauhan ay walang ingat na kumukunsumo sa kalikasan na siyang nagpapainit sa mundo at nagiiwan ng dumi sa lupa, hangin, at tubig. Tulungan kaming makahanap ng mga paraan upang mamuhay nang payapa sa isa't isa at kasama ng nilikha. Nawa'y nakasentro ang aming buhay kay Kristo, na kami'y nabubuhay sa mga nakatagong misteryo ng sangnilikha. Ito ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen. 

Scripture Reading: Colossians 1:15-28

Hymn of Creation: 197 Iti Kinasantac Toy Daga

Message based on Colossians 1:15-28

Disciple's Generous Response

Statement
Habang isinasaalang-alang natin ang ating pagtugon sa kabutihang-loob ng Diyos dahil sa Kanyang mga nilikha, maglaan tayo ng panahon upang suriin ang ilan sa mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima na dulot ng mga greenhouse gas at fossil fuel. Bilang mga responsableng tagapangasiwa, tinawag tayong mamuhay nang naaayon sa nilikha ng Diyos, ngunit ang mga katotohanang nakaharap sa atin ay naksisindak.

Ayon sa NASA, "mayroong malinaw na katibayan na ang mundo ay umiinit sa bilis na hindi inaasahan. Ang gawain ng tao ang pangunahing dahilan."

Gayundin mula sa NASA: Ang Pandaigdigang Temperatura ay Tumataas
Ang average na temperatura sa ibabaw ng planeta ay tumaas nang humigit-kumulang 2 degrees Fahrenheit (1 degree Celsius) mula noong huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo, isang pagbabago na ang pangunahing dahilan ay ang pagtaas ng carbon dioxide emissions sa kalawakan at iba pang aktibidad ng tao.

Ang karagatan ay umiinit
Ang karagatan ay sumipsip ng karamihan sa tumaas na init na ito, na ang pinakamataas na 100 metro (mga 328 talampakan) ng karagatan ay uminit ng 0.67 degrees Fahrenheit (0.33 degrees Celsius) mula noong 1969.

Natutunaw at lumiliit na ang mga yelo (Ice Sheets)
Ang kabuuan ng yelo ng Greenland at Antarctic ay bumaba. Ipinapakita ng data mula sa Gravity Recovery and Climate Experiment ng NASA na sa pagitan ng 1993 at 2019, ang Greenland ay nawalan ng average na 279 bilyong tonelada ng yelo bawat taon, habang ang Antarctica ay nawalan ng humigit-kumulang 148 bilyong tonelada ng yelo bawat taon.

Tumataas ang Antas ng Dagat
Ang antas ng dagat sa daigdig ay tumaas nang humigit-kumulang 8 pulgada (20 sentimetro) noong nakaraang siglo. Gayunpaman, ang rate sa huling dalawang dekada ay halos doble kaysa noong nakaraang siglo at bahagyang bumibilis bawat taon.
                             —Climate.nasa.gov/evidence

Sa Community of Christ, tayo ay tinatawag upang manguna sa mga organisasyong magwawakas sa hindi kinakailangang at paglapastangan ng kapaligiran at mga likas na yaman.

Inaanyayahan tayo ng Diyos na gamitin ang ating kakayanan upang makagawa ng mga solusyon na nagtataguyod ng kapayapaan at katarungan. Kapag binuksan natin ang ating puso at buong tapang sa pagbubukas ng ating palad na magbahagi sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan para sa habag ng Diyos sa mundo upang magdala ng kapayapaan at katarungan para sa buong nilikha. 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes


Prayer and Benediction

Response

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...