Saturday, March 14, 2026

BUILDING NEW COMMUNITY

 


Prelude

Welcome

Announcements

Community Sharing, Prayer for Joys and Concerns

Call to Worship: Psalm 23

Gathering Hymn: 64 RAGSAKEN TAY AGSERVI TI APO

Invocation

Response

Sharing your story

Ito ay isang gabay upang matulungan kang ibahagi ang iyong personal na kwento o "testimony" bilang miyembro ng Community of Christ. Ang layunin ay ipakita ang iyong paglalakbay nang may katapatan at pag-asa.

·       Ano ang kalagayan ng iyong espirituwal na buhay bago mo nakilala ang Community of Christ?

·       Paano mo unang nalaman ang tungkol sa simbahan? (Sino ang nag-imbita sa iyo, o anong pangyayari ang nagdala sa iyo rito?)

·       Ano ang unang "impression" mo sa komunidad noong unang beses kang dumalo?

·       Kailan mo naramdaman na "ito ang iyong tahanan"? Ilarawan ang sandaling iyon.

·       Anong mga katanungan o pag-aalinlangan ang nabigyang-linaw noong naging bahagi ka na ng simbahan?

·       Paano nabago ng iyong pananampalataya ang tingin mo sa iyong sarili at sa ibang tao?

·       Sa paanong paraan ka naging mas aktibo sa paglilingkod o sa pagtataguyod ng kapayapaan mula nang sumapi ka?

·       Ano ang pinakamahalagang aral na natutunan mo sa Community of Christ na baon mo sa iyong pang-araw-araw na buhay?

·       Ano ang mensahe mo para sa mga taong naghahanap din ng espirituwal na tahanan at kapayapaan?

Scripture Reading: Acts 2:44-45

Ministry of Music/
  Congregational Hymn: 558 Take the Path of the Disciple

Message based on Acts 2:44-45

Prayer for Peace

O mapagmahal na Diyos, nagtitipon kami ngayon na may mabigat na kalooban, itinataas ang aming mga panalangin para sa kapayapaan sa Middle East. Ipinapanalangin namin ang lahat ng naninirahan sa gitna ng hidwaan at kawalang-katiyakan, para sa mga nawalan ng mahal sa buhay, at para sa mga nawasak ang tahanan at kinabukasan. ​Hinihiling namin ang Iyong banal na pakikialam, upang patahimikin ang mga unos ng karahasan at magtanim ng binhi ng pag-unawa at pagbabati. Gabayan Mo ang puso at isipan ng mga pinuno, upang piliin nila ang diyalogo kaysa sa pagkakabaha-bahagi, habag kaysa sa lupit, at katarungan kaysa sa paghihiganti. ​Ipagkaloob Mo ang lakas at katatagan sa mga mamamayan ng Middle East. Nawa’y makatagpo sila ng pag-asa sa gitna ng kawalan, at malaman nilang hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdurusa. Pagpalain Mo sila ng kapayapaan, seguridad, at pagkakataong muling mabuo ang kanilang buhay nang may kaligtasan at dangal. ​Ipinapanalangin namin ang pagwawakas ng lahat ng gawaing may poot at terorismo, at para sa isang panibagong espiritu ng pagtutulungan at paggalang sa bawat isa sa lahat ng tao sa rehiyon. Nawa’y magningning nang maliwanag ang ilaw ng Iyong kapayapaan, na tumatanglaw sa landas patungo sa kinabukasan kung saan ang lahat ay maaaring mamuhay nang magkakasama sa pagkakaisa. ​Sa Iyong banal na pangalan, kami ay nananalangin. Amen.     
- Eddie Odson, Maddela Congregation

Disciples’ Generous Response

Statement

Sa loob ng 60 taon mula noong tayo’y binuklod sa Community of Christ, patuloy tayong pinagpapala at ginagabayan ng Panginioong Diyos. Sa bawat pagkakataon lalong lalona sa panahon ng kahirapan at kawalan ng katiyakan ramdam natin ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos dahil patuloy tayong nagiging matatag at pinagsasama-sama sa ating paglalakbay. Napatunayan din natin kung gaano kahalaga ang pananatili sa atin ng kaniyang mga aral tulad ng PAGDADAMAYAN na siyang nagpapatunay na buhay ang kanyang misyon ay sa ating Iglesia. Kung ihahalintulad natin ito sa ilang ilaw, isa sa pangunahing nagsisilbing langis ng ilawang ito ay ang ating mga kaloob upang manatiling ito ay nakasindi. Mahalaga ang bawat kaloob natin bilang langis na nagpapanatili sa ating pag-asa.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes   

Community Singing: 51 RAGRAGSACTO A NAPALAUS

Prayer ang Benediction

Sending Forth

Mga kapatid, hindi tayo tinawag upang manatili lamang sa loob ng apat na sulok ng simbahang ito. Tayo ay tinawag upang humayo at maging mga katuwang ng Diyos sa pagbuo ng isang bagong komunidad.

Nawa’y ang biyaya ng ating Panginoon, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ay sumainyong lahat. Humayo kayo at simulan ang pagbubuo ng mundong ayon sa kalooban ng Maykapal—isang bagong komunidad na puno ng pag-asa. At lahat tayo ay magsabing, AMEN.

Postlude


Thursday, March 5, 2026

Faithfully Reconcile


Romans 5:1-11

Prelude

Welcome

Ang kuwaresma ay panahon ng paghahanda. Isang panahon patungo sa pagkakapako ni Jesu-Kristo sa krus. Isang panahon para sa seryosong paglapit sa Diyos, upang iiwas at ilayo ang ating mga sarili mula sa mga bagay na gumugulo sa ating mga relasyon sa bawat isa. Ang kuwaresma ay kung saan tayo ay tinatawag upang tumugon na may radikal na pagiging bukas-palad at disiplinang Espiritual sa ating kasunduan sa Diyos na tayo ay mapapalapit sa Kanya.

Call to Worship

Leader: Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan!

Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.

People: Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

Leader: Masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

People: Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

Leader: Lumuhod tayo sa Panginoong lumikha sa atin.

People: Sapagkat Ikaw ang aming Diyos,

All: at kami ang Iyong mamamayan, ang Iyong mga tupa na kawan at Iyong binabantayan at inaalagaan. 

                           -Psalm 95, adapted

Lenten Hymn: “Come Now, You Hungry” CCS 227

Opening Prayer

Response

Scripture Reading: Romans 5:1-11

Focus Moment: Faith in Christ

Pag-usapan:

Halimbawang kayo ay naglalakbay sa ilang, ano kaya ang maaari mong ikakatakot doon? Ano kaya ang maaaring magpapanatag sa'iyo na magpaparamdam sayo na ikaw ay ligtas.

Sharings...

Ano man ang mga bagay na ating kinakatakutan sa ating paglalakbay, maglakad tayong kasama natin si Hesus at ramdamin nating tayo ay ligtas. Ang bawat isa sa atin maging ang lahat ng kanyang nilalang ay minamahal ng Diyos.

Hymn of Faith: "Standing on the Promises" CCS 257

Prayer for Peace

Peace Story: Alma 12:172–180 and 14:25–47

Ang pangalang Lamoni ay pamilyar sa maraming miyembro ng simbahan dahil ito ang pangalan ng bayan kung nakatayo ang unibersidad ng ating iglesia na Graceland University. Ang pangalang ito ay nagmula sa banal na kasulatan sa Community of Christ na siyang nagpakita sa atin ng daan patungo sa kapayapaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Krito at pakikipagkaisa sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang biyaya.

Ang haring si Lamoni ay isang bayolenteng lider na madalas nagsisimula ng pakikipagdigma na siya namang laging bumabalik sa kanya. Ngunit ang lahat ng ito ay milagrong nagbago simula ng maranasan niya ang Diyos sa kanyang buhay na siyang nagpalambot ng kanyang puso at pangunahan ang marami sa kanyang mamamayan na mabautismuhan at magbago. Sa pagbuhos ng Diyos ng kanyang espiritu sa kanila, itinayo nila ang isang simbahan at binago nila ang paraan ng kanilang pamumuhay mula sa karahasan patungo sa kapayapaan. 

Ang kanilang panatang ito ay sinubok sa mga panahong hinaharap nila ang mga hukbong nais silang puksain dahil sa bagong pananampalatayang kanilang natagpuan. Kahit sa paglapit na sa kanila ng mga sundalo ay ayaw parin nilang humawak ng mga armas upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Mas pinatunayan pa nila ito ng kanilang ilagay sa hukay ang kanilang mga armas bilang kanilang patotoo sa naranasan nilang pagkilos ng Espiritu sa kanila at pakikipagkaisa nila sa Diyos pagkatapos na sila'y magsisi sa mga karahasang kanilang nagawa sa iba. Nilagay nila sa hukay ang kanilang mga armas upang yakapin ang kapayapaan. 

Light the candle of peace. 

Prayer

Diyos ng Kapayapaan,

Palambutin Mo ang aming mga puso.

Bigyan Mo kami ng talino at tapang na maitaguyod ang kapayapaan.

TulunganMo kaming maintindihan ang iyong layunin para sa lahat ng Iyong nilalang.

Naway maisabuhay namin ang kapayapaan ni Hesu-Kristo sa araw-araw naming pamumuhay. 

Sa pangalan ng prinsipe ng kapayapaan. Amen. 

Hymn of Peace: “Gonna Lay Down My Sword and Shield” CCS 321

Sermon Based on Romans 5:1–11

Disciples' Generous Response

Statement

Tulad ng mga sinaunang Kristiyano o ni Haring Lamoni at ng kanyang bayan, kapag tayo'y naging tapat sa pagtugon sa ministeryo ni Jesucristo, nagiging may pananagutan tayo sa isa't isa, sa Diyos, at sa ating sarili. Ang ating pagtugon sa pagmamahal na biyayang kaloob ng Diyos ay ang maglingkod sa iba at hayaang maging bahagi ng ating pagkatao ang pagiging bukas-palad.

Sa panahong ito ng kuwaresma, mayroon tayong pagkakataon upang pagnilayan ang ibat-ibang paraan kung papaano naging bukas-palad ang Diyos sa atin. Mayroon tayong pagkakataon upang buksan ang ating mga puso at ihanda sa pagtanggap ng paggabay kung papaano tayo magpapatuloy sa pamumuhay sa misyon ni Kristo at sa ating paglilingkod. 

Blessing and Receiving of Local ang Worldwide Mission Tithes

Sending Forth Hymn

Closing Payer

Resonse

Postlude

Friday, February 27, 2026

Faithfully Question


Simamatalek Nga Agsaludsod

Gathering

Welcome

Ang kuaresma ay isang pagkakataon sa personal na pagpapanibago at bilang isang komunidad. Nagsisimula ang Kuwaresma sa Ash Wednesday, 40 na araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay, hindi kasama ang mga linggo, at ito ay nagtatapos sa Holy Saturday. Sa ating paglalakbay kasama si Hesus tinatawag tayo sa ilang upang maging handa sa isang pagbabago. Sa ilang na ito, haharapin natin ang mga pinakamasasakit na bahagi ng ating sarili, haharapin natin ang ating mga kahinaan, at hihintayin natin ang dakilang pagbabagong hatid ng biyaya, pag-asa, at pagkabuhay na muli ni Kristo.

Hymn: “Swing Low, Sweet Chariot” CCS 255

Invocation

Scripture Reading: John 3:1–17

Ministry of Music or Community Hymn of Faith

Homily Based on John 3:1–17

Sacrament of the Lord’s Supper

Invitation to Communion

Ang Hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento ng pagala-ala natin sa buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at sa nagpapatuloy na presensiya ni Hesu-Kristo.
Sa Community of Christ, nararanasan din natin na ang Komunyon ay isang pagkakataon upang mapabago ang ating pakikipagkasundo mula sa ating bautismo na maging isang alagad na ipinamumuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may iba o karagdagang pagkakaunawa ang iba sa tradisyon ng kanilang pananampalataya. Inaanyayahan namin ang lahat na makibahagi sa Banal na Hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitang pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Blessings and Serving of the Bread and Wine

Disciples’ Generous Response

Statement

All Are Called, isa sa mga Enduring Principles natin na nagsasabing “Ang lahat ng tao ay pinagpala ng Diyos at binigyan niya ng pagkakataong gumawa ng kabutihan at ibahagi ito ayon sa layunin ng Diyos.”

Gaano kadalas natin naiisip na “Kaya kong gawin ya,” o kaya “sige tutulong ako mamaya,” o kaya “May ibang gagawa o magbibigay- hindi na mahalaga ang ibibigay ko.” Hindi natin lubusang tinatanggap ang kabuuan ng buhay bilang isang kaloob ng Diyos sa atin kung ipinagwawalang bahala natin ang mga pagkakataon at ang mga kaloob mismo ng Diyos sa atin.

Blessing of Local and Worldwide Mission Tithes

Minamahal naming Diyos, patawarin Mo kami kung ipinapalagay namin na ang mga biyaya mong ibinibigay ay para lamang sa amin. Patawarin Mo kami na kami ay tanggap lang ng tanggap sa Iyong mga kaloob at hindi pinapansin ang mga pagkakataon upang ito ay maibahagi sa iba. Bigyan Mo kami ng mas malalim pang pang-unawa kung ano ang mapayapa Mong kaharian. Ipakita Mo sa amin kung papaano namin hahamunin ang mundo na aming tinitirhan sa pamamagitan ng pamumuhay sa buhay ng isang alagad.

Tinatawag ang bawat isa sa amin. Salamat sa Iyong pag-ibig at biyaya. Salamat sa pagkakataon sa araw na ito upang makapagbahagi, at sa bawat pagkakataon sa linggong ito.

Amen.

Hymn: “Lift Every Voice and Sing” CCS 555

Prayer for Peace

Ring the bell or chime three times slowly.

Light the peace candle.

1.      Read the entire paragraph.

2.      Read the paragraph again and ask people shout “Amen!” when they hear the word “peace.”

3.      Read again and have them shout “Hallelujah!” at the words “just” or “justice.”

God wants shalom. Shalom exists when all creation experiences justice, wholeness, and peace. God’s shalom is revealed in Christ’s peace. When we just take time to know someone else, we help create peace, justice draws near, and the world begins to change. You see, God’s kingdom isn’t just you, or just me—it is us, everyone. I have peace when you have peace. God’s love connects us. Christ’s presence invites shalom. May we commit to nurture justice and peace every day.

Prayer

Panginoon naming Diyos ng Kapayapaan,

Dinala Mo ang liwanag sa aming kadiliman at pag-asa sa aming kaloob-looban.

Pagtibayin Mo kami sa pagnanais naming para sa kapayapaan.

Gabayan Mo kami sa aming pag-aabang sa kapayapaan.

Palakasin Mo ang loob namin sa pagsusumikap para sa kapayapaan.

Ikaw ang liwanag!

Ikaw ang kapayapaan!

Amen.

Closing Hymn: “Humble Yourself” CCS 211

Prayer and Benediction

Postlude 

Friday, February 20, 2026

Faithfully Persevere


Sipupudno nga Agpursigi

Prelude

Welcome and Focus our Thoughts

Nagsisimula ang Kuwaresma sa Ash Wednesday, 40 na araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay, hindi kasama ang mga linggo, at ito ay nagtatapos sa Holy Saturday. Ito ay panahon ng personal na pagninilay, isang panloob na pananaliksik sa ating kaluluwa, at pagsisisi habang inaalala natin ang sakripisyo ni Kristo.

Tinatanggap natin ang biyaya ng Diyos bilang isang regalo; hindi natin ito pinaghirapan. Maglaan ng mga sandal at alalahanin natin ang mga pagkakataon na tumanggap tayo ng regalong hindi natin inaasahan, regalong hindi naman natin pinaghirapan. Narito ang ilang mga halimbawa:

·         Isang hindi inaasahang malinin na talaan ng kalusugan.

·         Pagkakakita ng pera sa bulsa ng lumang damit sa panahong gipit na gipit ka.

·         Hindi inaasahang pagbisita ng isang malapit na kamag-anak.

Ang mga banal na biyaya ay dumarating din sa mga paraang nakakagulat, na kadalasang nakakaligtaan natin.

Sa sandalling ito, inaanyayahan tayo upang alalahanin ang mga tinanggap nating regalo na hindi natin pinaghirapan. Maaari natin itong pag-usapan sa ating mga katabi at ibahagi ito sa isat-isa.

Praise Scripture Reading: Salmo 32:10b-11

..ngunit mamahalin ng Panginoon ang sa kanya ay nagtitiwala. Kayong mga matuwid, magalak kayo at magsaya sa Panginoon. Kayong mga namumuhay ng tama, sumigaw kayo sa galak!

*Hymn of God’s Presence: 122 TI ARI ADDAN TI RUANGAN

Prayer of Praise (Invocation)

Scripture Reading: Matthew 4:1–11  

Voice 1: Matthew 4:1 

Voice 2: Matthew 4:4  

Voice 3: Matthew 4:5 

Voice 4: Matthew 4 7  

Voice 2: Matthew 4:8 

Voice 4: Matthew 4:10  

All Voices: Matthew 4:11  

*Lenten Hymn: “Jesus Walked This Lonesome Valley” CCS 452 

Prayer for Peace

Light the peace candle

Statement:

Ngayon, ating sisindihan ang kandilang ito na nawa ang liwanag nito ay magsisilbing paalala sa bawat isa na tayo ay “ilaw na nagliliwanag – bilang halimbawa sa lahat ng pag-ibig ni Kristo”.

Prayer:

Panginoon naming minamahal,

Sa labis naming pagmamadali, madalas ay hindi na namin napapansin ang Iyong presensiya sa araw-araw naming pamumuhay. Tulungan Mo nawa kami. Pause and breath deeply.

na huminto ay magsulat;

na makakita sa pamamagitan ng Iyong mga mata… ang Iyong mga nilikha at ng mundo;

na makinig sa pamamagitan ng Iyong mga mga tainga… sa awitin ng kagalakan sa mundo at sa mga paghihinagpis nito.

na makaramdam sa pamamagitan ng Iyong balat… sa sakit at pagdurusa ng mga nasa malapit at nasa malayo.

na magamit ang mga paa, kamay at kaluluwang Iyong ibinigay sa amin… na maabot ang mga nangangailangan;

na makagawa ng pagbabago… mula ngayon at mula rito.

Ito ang tauspuso naming idinadalangin. Amen.

Song of the Sacred Moment: “Come, Holy Spirit, Come” sing several times   CCS 154 

Lenten Sacred Moments  

Sa ilang linggong ating paglalakbay para sa kuwaresma, pag-isipan natin ang mga katanungang ito:

·         Ano kaya ang mga pagbabagong makakatulong sa relasyon Mo sa Diyos?

·         Paano ka makapaglalaan ng panahon upang alalahanin ang Diyos sa bawat araw?

·         Ano kaya ang katangiang natututlad kay Kristo ang pipiliin mong gawin sa bawat araw at papaano mo ito gagawin?

Disciples Generous Response

Gratitude Focus Moment: Ano ang iyong ipinagpapasalamat sa araw na ito?

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 163:10b

Do not turn away in pride, fear, or guilt from the One who seeks only the best for you and your loved ones. Come before your Eternal Creator with open minds and hearts and discover the blessings of the gospel anew. Be vulnerable to divine grace.

                Blessings and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Message based on Matthew 41:1-11

Closing Hymn: 174  CAS PASTOR NGA MANGIDALAN

Prayer for the Journey (Closing Payer)

Saturday, February 14, 2026

Bring Witness

Additional Scriptures
Exodus 24:12-18, Psalm 2, Matthew 17:1-9

Prelude 

*Hymn at the Crossroads: 98  ADU A BANAG PACASUOTAN

Welcome 

Mountaintop Experience

Moses 

12Kinuna ni Yahweh ken ni Moises, “Sumang-atka iti bantay ket umayka iti ayanko. Agyanka ditoy ket itedkonto kenka dagiti dua a tapi a bato a nakailanadan dagiti linteg ken bilin nga insuratko nga annuroten dagiti tattao.”

15Simmang-at ni Moises ket adda ulep a nangkumot iti Bantay Sinai. 16-17Bimmaba iti rabaw ti bantay ti makapurar a lawag a mangipakdaar iti kaadda ni Yahweh. Iti panagkita dagiti Israelita, ti lawag ket kasla apuy a gumilgil-ayab iti tapaw ti bantay. Innem nga aldaw a kinumotan ti ulep ti bantay. Iti maikapito nga aldaw, manipud iti ulep, inawagan ni Yahweh ni Moises. 18Simrek ni Moises iti ulep iti isasang-atna iti bantay. Nagyan idiay iti las-ud ti 40 nga aldaw ken rabii. —Exodus 24:12, 15–18 

Call to Worship 

Iti daytoy nga aldaw , intayo iti bantay ket urayentayo iti Dios iti aldaw iti Pannakabalbaliw.

Hymn of Transformation: 168  TA ADDAN NI HESUS CANIAC

Prayer of Invocation  

Response/Music Ministry

Prayer for Peace 

Scripture Reading: Isaiah 52:7 

Light the peace candle. 

Prayer 

Ako ay bulag Panginoon, Hindi ko nakikita ang paglilinis sa aking landas.

Ramdam ko lamang ang aking dinaraanan dahil sa mga tinik na pumipigil sa akin.

Hindi ako mangangahas na magtiwala sa pangunguna ng aking mga paa, pinakikiramdaman ang landas na hindi tiyak na maaaring pagkakamali.

Magsalita Ka sa aking isipan, pangunahan Mo ako ako at itama, liwanagan Mo ang naninilim kong mga mata, pataasin Mo ang aking katiyakan.

Out of the maze of self and narrow vision,
lead me to mount the high lookout of peace. Amen. 

Mula sa kalituhan sa aking sarili at makitid na paningin, gabayan Mo ako sa mataas na bantayog ng kapayapaan. Amen.

Message/Testimonies/Shadings 

Disciples’ Generous Response  

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 163:3a–b

You are called to create pathways in the world for peace in Christ to be relationally and culturally incarnate. The hope of Zion is realized when the vision of Christ is embodied in communities of generosity, justice, and peacefulness. b. Above all else, strive to be faithful to Christ’s vision of the peaceable Kingdom of God on earth. Courageously challenge cultural, political, and religious trends that are contrary to the reconciling and restoring purposes of God. Pursue peace.

Kayo ay tinawag upang gumawa ng daanan para sa kapayapaan kay Kristo sa mundo na maging katanggap-tanggap at na maaaring magpatuloy na bahagi ng kultura. Ang ating pag-asa para sa pangitaing ito ni Kristo ay magkakatotoo kung ang bisyon ni Kristo ay maisasabuhay sa mga komunidad ng may bukas-palad, hustisiya, at kapayapaan. Higit sa lahat, sikapin ninyong maging tapat sa bisyon ni Kristo

Blessing of Local and Worldwide Mission Tithes 

Mapagpalang Dios, kami ay patuloy na nagpapasalamat sa lahat ng Iyong nilalang sa buong mundo. Pagpalain Mo ang aming mga kaloob na nawa ay makapagdala ng Liwanag sa mga nangangailangan. Ibinibigay namin ang lahat ng mayroon kami para sa misyon ng Iyong anak na si Jesu-Kristo, sa kanyang pangalan na aming dinadalanginan. Amen.  

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes 

Hymn of Gratitude: 197 ITI KINASANTAC TOY DAGA

Closing Prayer 

Response 

Postlude

Friday, February 6, 2026

Bring an End To Oppression

 

Itigil Ang Pang-aapi

Prelude

*Gathering Hymn: 13 DAYAWENDACA O DIOS A NADUNGNGO

Welcome

Sharing of Congregational Joys and Concerns

Prayer of Blessings

Call to Worship

Leader: Madaydayaw ti Apo!

People: Nagasat dagiti maragsakan iti Apo.

Leader: Mabendisionanto dagiti kaputotanna.

People: Ti silawtayo aglawag iti kasipngitan,

Leader: ket makita ti kinaimbag ti Dios.

Peole: Mangtedtayo a sibubuslon, naasi ken napudno.

Leader: Malaglagipto ida gapu iti kinahustisiya.

People: Sangsangkamaysatayo uray agdudumatayo.

All: Madaydayaw ti Dios!   

-Salmo 112:1-2, adapted

*Congregational Hymn: For Everyone Born CCS 279 (1st, 4th and last stanza only)

Invocation

Response

Scripture Reading: Isaiah 58:1-12

Ministry of Music or Congregational Hymn 

Sermon Based on Isaiah 58:1–12 OR Small Group Discussion

·         From what might we fast?

·         When might we fast as a spiritual practice?

·         What are some ways to fast?

·         Of what injustices are you aware today?

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Prayer

Kami ay lumalapit sa Iyo O prinsipe ng Kapayapaan.
Ipinagtatapat namin ang aming paghahanap ng kamalian ng iba at maging ng aming sarili at ang aming mga pamamaraan na “hindi mapayapa.” Palayain Mo kami na maituon ang aming mga iniisip sa Iyo, na mapakinggan ang kapayapaan sa kalaliman ng Iyong Banal na Espiritu upang gabayan ang aming mga puso, ang puso ng aming komunidad, at ng aming mundo.
Sa pangalan ni Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen.

Disciples Generous Response

Generosity Reading

Reader 1: Sapagkat hindi ba tayong lahat ay pulubi? Hindi ba tayong lahat ay umaasa sa Diyos para sa ating mga damit at pagkain, at para sa  lahat ng yaman na mayroon tayo?

Reader 2: Tingnan ninyo, kahit sa mga oras na ito, kayo ay tumatawag sa kanyang pangalan para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan. At hinayaan ba kayong magmakaawa ng walang kabuluhan?

Reader 1: Hindi, ibinuhos Niya ang Kanyang Espiritu sa inyo, at ginawang ang inyong mga puso ay mapuno ng kagalakan… labis na kagalakan.

Reader 2: Ngayon, kung ang Diyos na Siyang lumikha sa inyo na Siya ninyong inaasahan para sa inyong mga buhay at sa lahat ng mayroon kayo, na Siyang nagbibigay sa inyong mga mabubuting kahilingan sa pamamagitan ng inyong mga pananampalataya, kung gayon, paano ninyo dapat ibahagi ang kayamanang mayroon kayo, sa isa't isa?

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

*Closing Hymn: 204  GAGETAN TAY AGTRABAHO

Closing Prayer

Sending Forth

Christ has no body now on earth but yours, no hands but yours, no feet but yours, Yours are the eyes through which is to look out  Christ’s compassion to the world.  Yours are the feet with which he is to go about doing good; Yours are the hands with which he is to bless…now.  —Teresa of Ávila

Postlude

Saturday, January 31, 2026

Bring Humility



Micah 6:1-8
Additional Scriptures : Psalm 15; 1 Corinthians 1:18–31; Matthew 5:1–12

Preparation

Provide each person with a copy of the Make Responsible Choices Challenge handout (see below) and something to write with either as they enter the worship space or during the Focus Moment.

Prelude

Welcome

Call to Worship Responsive Reading 

Leader: Pakinggan ninyo ang Magandang balita:

People: Ang pagpapala ng Diyos ay nasa atin.

Leader: kahit ano pa man ang nangyayari sa ating mga buhay.

People: Magalak kayo at magsaya.

Leader: Pakinggan ang sinasabi ng Panginoon:

ALL: Kumilos ng may katarungan, ibigin ang kabutihan. Maglakad nang may kababaang-loob kasama ang Diyos.

—Based on Micah 6:1–8, Matthew 5:12

Hymn of Gathering : 46 KANTAAC TIMANNUBBOTCO

Invocation

Response

Focus Moment

Called to Make Responsible Choices

Scripture Reading: Micah 6:1-8

Reflection

Pag-isipan at ibahagi ang kasagutan mula sa mga sumusunod na tanong:

Ano ang maaaring larawan ng isang taong nasa kanyang puso ang Diyos?

Papaanong magiging higit ang ating pamumuhay sa piling ng Diyos, na magiging mas maligaya at payapa tayo?

Papaano tayo mas magiging responsable sa ating mga desisyon?

Read after sharings:
Kung gusto nating mamuhay ng masaya a payapa, simulant nating tumugon sa pamamagitan ng mga makabagong paraan. Kung may mga tao na nagsalita ng nakakasakit ngunit ito ay hindi naman direkta para sa atin, o kung ito ay patungkol sa mga minamahal natin, kailangang magtiwala tayo na sila man ay minamahal din ng Diyos. Magtiwala tayo na ang Diyos naririyan sa situwasyon at namamagitan. Alam ng Diyos kung ano ang ating mga intensiyon. Madalas hindi natin alam ang mga totoong detalye upang makapanghusga tayo ng tama, ngunit ang Diyos ay tiyak na nakakaalam ng lahat.

Ang ating Enduring Priciple na Responsible Choices ay pinagtitibay nito ang mensaheng binibigyan tayo ng Diyos ng abilidad upang pumili at umaasa Siyang patuloy nating pipiliin ang kabutihan. Kung tayo’y gagawa, patuloy tayong lilikha sa pamamagitan ng mas mahusay na proseso sa mundo, mas mabuting pakikipagkaibigan at ang lahat ng mga nilalang mas magiging malusog.

Prayer for Peace 

Light the peace candle.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 163:3

Prayer

Diyos naming Magpakailanman,

Minsan na naming pinili ang sumunod sa Iyo. At ngayon muli naming pipiliin ang sumunod sa Iyo. Nawa ay magkaroon kami ng lakas ng loob na gumawa ng mga desisyon na magpapakita ng aming pananampalataya at gumawa ng kapayapaan sa Iyong pangalan.   

Sa mga pagkakataong hindi naaayon sa Iyong kalooban ang aming mga desisyon, patawarin Mo kami, patawarin Mo kami sa mga pagkukulang namin para umibig, na umunawa, at pagiging makasarili.

Buksan Mo ang aming mga puso at isipan para sa mga posibilidad ng kapayapaan na maaaring magmula sa aming pangangalaga ng iyong mga nilikha, sa mas mabuti naming relasyon, at sa pagkilala na ang lahat ay banal at sagrado.

Pinili at tinawag Mo kami bilang Iyong bayan ng Iyong kapayapaan. Pagkalooban Mo kami ng lakas ng loob at pananampalataya upang matupad ang pangitain ng kapayapaang nakalaan sa amin. Sa pangalan ni Hesus, Amen

Hymn of Response : “Lord, Make UsInstruments” CCS 364

Homily Based on Micah 6:1-8

Disciples’ Generous Response 

Statement

Generosity Flows from Responsible Choices

Gamitin ang mga sumusunod mula sa Enduring Principles upang gumawa ng pahayag tungkol sa pangangasiwa na may responsableng pagpili bilang mensahe para sa Disciple’s Generous Response.

Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng abilidad na pumili kung sino ang nais niyang pagsilbihan. May mga ilang tao rin nakakaranas ng mga kondisyong bumababa ang kanilang abilidad na gumawa o pumili ng tamang desisyon.

Ang ating mga desisyon ay maaaring nakakadagdag sa kabutihan o nakakasama sa ating buhay o sa mundo.

Marami sa mga nilikha ng Diyos ang nangangailangan ng kaligtasan dahil iresponsable at makasalanang desisyon ng tao.

Tinatawag tayo upang maging responsable sa ating mga desisyon sa ating buhay na siyang nakakatulong sa mga layunin ng Diyos.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Ministry of Music

The Sacrament of the Lord’s Supper 

Communion Message 

Invitation to Communion

Ang Hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento ng pagala-ala natin sa buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at sa nagpapatuloy na presensiya ni Hesu-Kristo.
Sa Community of Christ, nararanasan din natin na ang Komunyon ay isang pagkakataon upang mapabago ang ating pakikipagkasundo mula sa ating bautismo na maging isang alagad na ipinamumuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may iba o karagdagang pagkakaunawa ang iba sa tradisyon ng kanilang pananampalataya. Inaanyayahan namin ang lahat na makibahagi sa Banal na Hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitang pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Hymn of Preparation : 140  ITDEM TI TINAPAY TI BIAG

Communion Scripture: 1 Corinthians 11:23–26

Blessing and Serving of Bread and Wine

Scripture of Remembrance and Promise 

Ito ay marapat na lagi ninyong gagawin, gaya ng ginawa ko, gaya ng pinagpirapiraso ko ang tinapay, na aking binasbasan at ibinigay sa inyo. At sa gayon lagi ninyong aalalahanin ang aking katawan, na aking ipinakita sa inyo. At ito nga ang magpapatotoo sa Ama, na lagi ninyo akong inaalala. At kung lagi nga ninyo akong naalala, ang aking Ispiritu ay sumasaInyo.  —3 Nephi 8:33–36, adapted

Pastoral Prayer 

Hymn of Benediction:  “Now Go in Joy” CCS 659

Congregational Sending Forth 

Our God is a Source of blessings.

Our God is a Source of love and justice.

Our God is a Source of wisdom and truth.

We move out in mission through the Creator, Savior, and Source.

Go in peace.

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...