Wednesday, March 26, 2025
Be Reconciled to God
Preparation
Prelude
Share, Care, and
Announcements
Welcome and Lent
Statement
Welcome ang bawat isa sa atin. Tayo ay
nagkatipon-tipon bilang komunidad ng mga kristiyano upang magpatuloy sa ating
paglalakbay sa panahong ito ng kwaresma. Ang panahong ito ng kuwaresma ay isang
pagkakataon upang tayo ay magnilay, at magsisi sa ating mga kasalanan at
pagkukulang sa Panginoon. Ito ay isang pagkakataon na maaari nating sundan ang
pag-aayuno ni Hesus sa loob ng apatnapong araw kung saan siya’y tinukso sa
disyerto. Sinimulan natin ang ating sama-samang ispirituwal na paglalakbay na
ito mula sa mga bakas ng alakbok noong Ash Wednesday hanggang sa kaluwalhatian
niya sa Easter Sunday.
Ang
panahong ito isang panawagan sa atin upang mag-ayuno, manalangin at
magsakripisiyo ng ating mga kaloob. Pinapaalalahanan tayo bilang mga taong
nilalang na mahina at nakaasa sa biyaya at pagpapala ng Diyos. Isang
pagkakataon upang tanggapin natin na tayo ay mahina at makasalanan at pagkisapan
natin tayo ay mapatawad ng Diyos at magpatawaran tayo sa isat-isa.
Bagamat
kailangang taimtim ang paggunita sa kuwaresma, tuwing lingo ang kuwaresma ay
isa ring pagdiriwang bilang munting pag-alala sa pasko ng pagkabuhay,
ipinapaalala ang pag-asa natin para sa pagkabuhay na muli mula sa krus. Tuwing
lingo tayo ay nagtitipon upang mapalakas ang bawat isa at magkaroon ng
inspirasyon sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa kuwaresma.
Sa
araw na ito, sama-sama tayong magpupuri sa Panginoon sa hangaring makipagkasundong
muli sa kanya bilang bahagi ng ating paglalakbay. Kinikilala natin na tayo ay
nagkasala sa kanya at nalayo sa kanyang piling, at nagkasala din tayo sa isat-isa
gayon din sa kanyang mga nilikha at nakalimutan na natin na tayo ay mga anak ng
Diyos. Ngayon, hinahangad natin na mapalapit pa ng lalo ang ating relasyon sa
Diyos sapagkat ang kanyang pag-ibig ay makapangyarihan na siyang babago sa atin
at maglalapit at maghihilom sa relasyon natin sa kanya.
Call to Worship: Salmo 32
Hymn of Praise: 52 Holy, Holy, Holy! Lord God
Almighty!
Scripture Reading: 2 Corinthians 5:16-21
Hymn of Confession: 17 MANNUBBOTCO DINAC LABSAN
Sermon Based on 2 Corinthians 5:16-2
Disciples’ Generous
Response
Scripture Reading
Buong araw at gabi akong nanalangin
hanggang sa umabot sa langit ang aking tinig. At sinabi ng Diyos, "Enos,
ang iyong mga kasalanan ay pinatawad na, at ikaw ay pagpapalain." Dahil
alam kong hindi kayang magsinungaling ang Diyos, nawala ang aking pagkakasala.
Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagnanais para sa kapakanan ng aking komunidad.
Kaya't ibinuhos ko ang aking buong kaluluwa sa Diyos para sa kanila.
—Enos 1:3-12 adapted
Statement
Kapag tayo ay nakikipagkasundo sa Diyos, ang ating mga
puso at pokus ay nagbabago. Mas lubos nating hinahangad ang kapakanan ng iba at
ng mas malawak na pamayanan. Kung paanong nagbago ang pokus ni Enos, gayon din
ang pagtuon natin kapag tinanggap natin ang kagandahang-loob ng Diyos at hangad
nating ibahagi ang kagandahang-loob na iyon sa iba.
Ang kamangha-manghang habag at pag-ibig ng Diyos sa
buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus ay ang pinakadakilang halimbawa
ng pagkabukas-palad. Mahal tayo ng Diyos nang sagana at walang kundisyon. Kapag
binubuksan natin ang ating mga puso at buong tapang sa pagiging bukas-palad sa
pagbabahagi sa pamamagitan ng paglalagay ng pera sa mga offering plate o sa
pamamagitan ng eTithing, sinasalamin natin ang pagkilos ng kamangha-manghang
pag-ibig at habag ng Diyos sa mundo.
Blessing
and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Song of Affirmation: 8 TARIGAGAYAC
O JESUS
Prayer for Peace
Light
the peace candle.
Prayer:
Mahal
na Diyos ng kapayapaan,
Sa mundong puno ng pagkakabaha-bahagi, gabayan mo kami tungo sa pagkakasundo.
Pagalingin ang ating mga pagkakaiba-iba, palambutin ang ating mga puso, at
akayin tayo sa landas ng pang-unawa at pagkakaisa. Nawa'y manaig ang kapayapaan
sa ating mga puso at sa lahat ng mga bansa.
Bigyan Mo kami ng lakas na magpatawad, lakas ng loob na humingi ng kapatawaran,
at karunungan upang itaguyod ang kapayapaan sa aming mga komunidad at higit pa.
Turuan Mo kaming mahalin ang isa't isa tulad ng pagmamahal mo sa amin,
pag-uugnay sa mga puwang at pagbuo ng isang hinaharap na nakabatay sa
pagkakasundo at paggalang sa isa't isa. Amen.
Sending Forth
Remember
the worth of souls is great in the sight of God; for, behold, the Lord your
Redeemer suffered death in the flesh; wherefore he suffered the pain of all
people, that all might repent and come unto him. And he hath risen again from
the dead, that he might bring all people unto him on conditions of repentance.
And how great is his joy in the soul who repents. Wherefore you are called to
cry repentance unto this people.
—Doctrine and Covenants 16:3c-e, adapted Go and love God’s people.
Postlude
Thursday, March 20, 2025
When We Are Tested
Prelude
Welcome
Pagbati
para sa isat-sa sapagkat tayo ay nagkatipon-tipon bilang komunidad ng mga
kristiyano upang magpatuloy sa ating paglalakbay sa panahong ito ng kwaresma. Ang
panahong ito ng kuwaresma ay isang pagkakataon upang tayo ay magnilay, at
magsisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang sa Panginoon. Ito ay isang
pagkakataon na maaari nating sundan ang pag-aayuno ni Hesus sa loob ng
apatnapong araw kung saan siya’y tinukso sa disyerto. Sinimulan natin ang ating
sama-samang ispirituwal na paglalakbay na ito mula sa mga bakas ng alakbok
noong Ash Wednesday hanggang sa kaluwalhatian niya sa Easter Sunday.
Ang
panahong ito isang pagtawag sa atin upang mag-ayuno, manalangin at
magsakripisiyo ng ating mga kaloob. Pinapaalalahanan tayo bilang mga taong
nilalang na mahina at nakaasa sa biyaya at pagpapala ng Diyos. Isang
pagkakataon upang tanggapin natin na tayo ay mahina at makasalanan at
pagkisapan natin tayo ay mapatawad ng Diyos at magpatawaran tayo sa isat-isa.
Bagamat
kailangang taimtim ang paggunita sa kuwaresma, tuwing lingo ang kuwaresma ay
isa ring pagdiriwang bilang munting pag-alala sa pasko ng pagkabuhay,
ipinapaalala ang pag-asa natin para sa pagkabuhay na muli mula sa krus. Tuwing
lingo tayo ay nagtitipon upang mapalakas ang bawat isa at magkaroon ng
inspirasyon sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa kuwaresma.
Sa
araw na ito, titingnan natin ang mga pag-uugali, mga bagay, at mga
pinagtutuonang gawain na siya namang naglalayo sa atin sa Diyos at kabilang
dako bibigyan din naman natin ng focus ang mga bagay na siya namang naglalapit
sa atin sa Diyos. Sa panahon ng kuwaresma, mag-aayuno tayo dahil sa mga bagay
na nanggugulo sa atin sa araw-araw at naglalayo sa atin sa Panginoon. Magpatuloy
tayo sa ating pagpupuri at pagsamba, at pagsumikapan nating punan ang puwang mula
sa ating pag-aayuno sa pamamagitan ang pagbabalik sa Diyos.
Opening
Prayer
Lenten
Hymn: “Jesus Walked This Lonesome Valley”
CCS 452
Spiritual Practice
and Reflection
Ang
susunod natin gagawin ay isang gawain tinatawag na “Banal Na Pagkikinig”.
Inaanyayahan tayo upang buksan ang ating pandama at pakinggan ang tinig ng
Diyos at alamin ang nais nating ipag-ayuno at kung ano ang dapat nating
yakapin.
Preparation:
Ang
Banal Na Pakikinig ay isang gawain kung saan pinakikinggan natin ang paggabay
ng Diyos. Sa araw na ito, bigyan natin ng focus kung paano natin mauunawaan ang
pagtawag sa atin ng Diyos. Ano nga ba ang gusto niyang bitawan na natin, ano
nga ba ang nais niyang ipag-ayuno natin, at ano nga ang mga ninanais niyang
papasukin natin sa ating mga buhay.
Tayo
ay manahimik at makinig… (1 minute of silence)
Sa
Banal na Pakikinig, hilingin natin sa Diyos na ipakita sa atin kung ano ang mga
pag-uugali, pagkilos, pag-aasal na kailangan nating i-surrender sa panahong ito
ng kuwaresma. Magkaisa at sama-sama tayong makinig sa kung ano ang ninanais ng
Diyos na mapalakas sa buhay natin.
Tayo
ay manahimik at makinig… (1 minute of silence)
Reflection
and Sharings
Maaari
nating isulat ang ating mga nararamdaman o iguhit. Maaari din naman nating
ibahagi ito bilang pagtotoo sa tinig ng Diyos nangungusap sa atin.
Prayer
Prayer for
Peace
Light
the peace candle.
Mapagmahal
a Mapagpalang Diyos,
Sa
isang tahimik na santuwaryo ng iyong presensiya, naririto kami na naghahanap ng
kapayapaan. Sa aming paglalakbay sa sagradong panahon ng kwaresma, Nababatid
naming na kami sinusubok mula sa mga tukso at bagyo ng buhay. At sa mga ganitong
pagkakataon, kami ay dumudulog sa iyo na siya naming angkla magpakailanman.
Panginoon,
sa pagbugso ng mga bagyo sa aming buhay, nawa bigyan mo kami ng kapayapaan na higit
pa kayang unawain ng kahit na sino. Kapag nagsisitaasan ang mga daluyong ng takot
at pag-aalinlangan, pakalmahin mo ang aming mga isipan sa pamamagitan ng katiyakan
mula sa iyong pag-ibig. Sa aming paglalakbay mula sa mga napaka-komplikadong pagsubok
sa aming buhay, gabayan mo ang aming mga puso at nawa ay mahanap ang kapayapaan
sa iyong mga pangako.
Nawa
ay makita namin ang isang malalimang ng tagumpay sa aming mga pag-aayuno at
paghahanap, sa pamamagitan ng paggawa naming ng kabutihan. Tulungan mo kaming
alalahanin na kahit sa isang napakabagsik na mga bagyo, ikaw naririto sa amin,
ang ilaw naming tanglaw na gumagabay sa pampang ng kapayapaan at kaligtasan.
Amen.
Scripture
Reading 1 Corinthians10:1-13
Sermon Based
on 1 Corinthians 10:1-13
Hymn of Comfort:
I Will Sing Of My Redeemer 256
Disciples’
Generous Response
Statement
Ang
isa sa mga napakahalagang bahagi sa paglalakbay natin sa panahong ito ng kuwaresma
ay ang pag-aayuno (fasting). Ito ay ang kung papaano natin bibitawan ang mga
bagay na siyang kumukuha ng atensiyon natin para malayo sa Panginoon. Ang
tradisyunal na pag-aayuno ay ang pagliban sa pagkain na naging mahalagang
bahagi na ng pagninilay at paggunita sa kuwaresma. Sa halip na pagtuunan lamang
natin ang ating mga sarili, bigyan natin ng mas malaking pokus at atensiyun ang
Diyos at ang ating kapwa at pag-aralan kung papaano pa natin mapapalalim ang
katotohanan ng ating mga paglalakbay sa panahong ito. Maaaring sa araw na ito, subukan
naman nating gumawa ng paraan kung papaano tayo tutugon sa pangangailangan ng
mga kapuwa natin manlalakbay at kung papaano din tayo tutugon sa misyon ni Hesu-Kristo
dito sa mundo.
Sa
pagbibigay natin ng kaunting bahagi, isa itong pagpapakita sa Diyos na tayo ay
nagpapasalamat sa lahat ng mga ibinibigay niya sa atin. Mula sa mga mumunting
kaloob natin, maaari itong gamitin ng Diyos upang lumikha ng mga nakakamanghang
bagay. Maliit man ang kaya nating ibigay, marami ang matutulungan ng Diyos
ibat-ibang dako ng mundo.
Alalahanin
natin ang misyon ni Kristo sa pamamagitan ng Community of Christ dito sa
Pilipinas ay 59 taon ng nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagiging bukas palad ng
bawat tagasunod ni Kristo. Sa anibersaryong ito ng simbahan, hindi lamang natin
ginugunita ang pagkakatatag at katapatan ng mga naunang misyonaryo, ngunit gayon
din naman ang katatagan at pagkabukas-palad ng mga sinaunang alagad. Napakahalaga
ang mga kasaysayang ito na nagsisilbing inspirasyon sa atin upang
makapagpatuloy tayo sa pamumuhay at paggawa sa misyon ni Kristo.
Blessing
ang receiving of local ang worldwide mission tithes.
Hymn of the Journey: 77 UMAY KAYO AMIN
Closing Prayer
Sending
forth: Doctrine and Covenants 77:4a-c
Verily,
verily I say unto you, Ye are little children, and ye have not as yet
understood how great blessings the Father has in his own hands, and prepared
for you; and ye cannot bear all things now; nevertheless be of good cheer, for
I will lead you along; the kingdom is yours and the blessings thereof are
yours; and the riches of eternity are yours; and he who receiveth all things,
with thankfulness, shall be made glorious, and the things of this earth shall
be added unto him, even an hundredfold, yea, more;
Postlude
256 I WILL
SING OF MY REDEEMER
I will sing of my Redeemer,
And His wondrous love to me,
On the cruel cross He suffered,
from the curse to set me free.
Chorus:
Sing, O sing…..of my Redeemer!
With His blood He purchased me,
On the cross…..he sealed my pardon,
Paid the debt and made me free.
I will tell the wondrous story,
How my lost estate to save,
In His boundless love and mercy,
He the ransom freely gave.
I will
sing of my Redeemer,
And his heav’nly love to me,
He from death to life hath brought me,
Son of God with Him to be.
452 Jesus Walked This Lonesome Valley
Jesus walked this lonesome valley;
he had to walk it by himself.
Oh, nobody else could walk it for him;
he had to walk it by himself.
We must walk this lonesome valley;
we have to walk it by ourselves.
Oh, nobody else can walk it for us;
we have to walk it by ourselves.
You must go and stand your trial;
you have to stand it by yourself.
Oh, nobody else can stand it for you;
you have to stand it by yourself.
77
UMAY KAYO AMIN
(Come Ye That Love The Lord)
Umaycayo
amin,
Nga agayat ti Dios,
Agkantatay’ agtutunos,
Panagdaydayaw ken Jesus,
Nagannat’natan-oc,
Trononat’ nalibnos.
Coro:
Agpagpagnatayo,
Dalan agturong ‘diay ngato,
Diay Sion ayan ti Dios Apo,
Pacasaran ti rag-o.
Adu
a tattao,
Dida ammot’ Apo,
Ngem dacay a macaammo
Naganna iracuracyo,
Buyuganyot’ rag-o,
Buyuganyot’ rag-o.
Uray
payen ita,
A ditay pay dimteng,
Idiay daga namayengmeng,
Mabalinen a say-upen
Ti ayamuomna,
Ti Gloria a taeng.
Ditay’
ngad’ mamingga,
A mangicancanta,
Nagan ni Jesus nangina,
Rigrigat lipaten ida,
Inton madamdama,
Sumrectay’ diay Gloria.
Saturday, March 15, 2025
Stand Firm in The Lord
Prelude
Share,
Care, Announcements, and Bible Sharing
Praise: 645 The Trees of the Field
Welcome and
Lent Reflection
Tayong
lahat ay nagtipon-tipon sa sa araw na ito bilang isang komunidad ng mga
Kristiyano upang magpatuloy sa ating paglalakbay sa panahong ito ng kuwaresma.
Sa
araw ding ito inaalala natin ang ika-59 taon ng pagkakatatag ng Community of
Christ dito sa Pilipinas. Isang pagkakataon upang pasalamatan ang Diyos sa
kanyang patuloy na paggabay at pagpapala sa kanyang simbahan sa paghahayag ng
Magandang Balita. Ito ay isang anibersaryo sa matagumpay pamamahayag at sa
patuloy ng pagtawag ng Diyos sa atin na ang Misyon ni Kristo ay ang Misyon
Natin.
Ang
panahong ito ng kuwaresma ay isang pagkakataon upang tayo ay magnilay, at
magsisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang sa Panginoon. Ito ay isang pagkakataon
na maaari nating sundan ang pag-aayuno ni Hesus sa loob ng apatnapong araw kung
saan siya’y tinukso sa disyerto. Sinimulan natin ang ating sama-samang
ispirituwal na paglalakbay na ito mula sa mga bakas ng alakbok noong Ash
Wednesday hanggang sa kaluwalhatian niya sa Easter Sunday.
Ang
panahong ito isang pagtawag sa atin upang mag-ayuno, manalangin at magsakripisiyo
ng ating mga kaloob. Pinapaalalahanan tayo bilang mga taong nilalang na mahina
at nakaasa sa biyaya at pagpapala ng Diyos. Isang pagkakataon upang tanggapin
natin na tayo ay mahina at makasalanan at pagkisapan natin tayo ay mapatawad ng
Diyos at magpatawaran tayo sa isat-isa.
Bagamat
kailangang taimtim ang paggunita sa kuwaresma, tuwing lingo ang kuwaresma ay
isa ring pagdiriwang bilang munting pag-alala sa pasko ng pagkabuhay,
ipinapaalala ang pag-asa natin para sa pagkabuhay na muli mula sa krus. Tuwing
lingo tayo ay nagtitipon upang mapalakas ang bawat isa at magkaroon ng
inspirasyon sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa kuwaresma.
Sa
araw na ito pag-aaralan natin ang banal na kasulatan at pagninilan kung papaano
tayo titindig na may katatagan sa Panginoon. Nawa ang serbisyong ito ay
magbigay ng kalakasan at kahulugan ng pananampalataya ng bawat isa sa atin.
Purihin natin ang Diyos ay hanapin natin ang gabay at kalakasan mula sa
kaniyang mga salita at presensiya.
First
Lesson: Purihin ang Diyos, basahin natin mula Salmo 27:1-3
Opening
Prayer
Hymn of
Praise “Blessed Be
Your Name” CCS 252
Second
Lesson: Kapayapaan, Proteksiyon at Tipan, basahin natin mula Salmo 27:4-6
Prayer for
Peace
Light
the peace candle.
Hymn
of Peace: 37 DIOSCO PATIBKERENNAC
Peace
Prayer
Dakilang
Diyos,
Kami
ay naririto ngayon sa iyong harapan na bukas ang mga puso at batid na ikaw ang
aming kanlungan at lakas.
Panginoon,
sa panahon ng pagsubok at kami ay naguguluhan, ikaw ang hinahanap naming
sisilungan. Tulad ng Salmista, gusto naming kami ay nasa Iyong piling, sa
tagong lugar ng Iyong tolda, nakataas mula sa napakaraming pagsubok sa mundo. Alam
namin na sa Iyong presensiya tumatahimik ang bawat alon ng mga pagsubok ng
buhay, masusumpungan namin ang kapayapaan na hindi kayang abutin ng aming
pang-unawa.
Sa
mga panahong tila kinakain na ng takot ang aming mga kaluluwa, ipaalala mo sa
amin ang Iyong walang hanggan na pag-ibig at pangakong kami ay ligtas sa piling
mo. Nawa ang aming mga puso patuloy na magtiwala sa kapayapaang umaagos mula sa
iyong mga pagpapala.
Nawa
ang aming mga buhay ay magsilbing mga patotoo ng iyong kapayapaan. Nawa ang
katahimikan na siyang lalabas mula sa iyong pag-ibig ay magliliwanag sa
pamamagitan namin, at nang maranasan at makita din iba ang pag-asa nagmumula sa
Iyo. Sa bawat situwasyon, nawa ang aming mga puso ay tiwalang kami ay nasa iyo,
ligtas sa iyong dakilang presensiya.
Sa
Iyong dakila at banal mong pangalan, ito ang aming dalangin, Amen.
Third
Lesson: Pasisisi at Kapatawaran ng Diyos, basahin natin ang Salmo 27:7-10 at
ang talata kung ano ang kasalanan mula sa Basic Belief ng Community of Christ.
Nilalang
tayo ng Diyos upang maging kasangkapan ng pag-ibig at kabutihan. Ngunit, nagagamit
tayo bilang kasangkapan sa hindi tama. Ginagamit natin ang kanyang mga likha na
sumasalungat sa layunin ng Diyos at humahantong sa mga trahedya. Ang KASALANAN
ay isang kondisyon ng pagkakawalay mula Diyos sa isat-isa. Kailangan natin ng
isang banal na pagpapala na siyang mag-uugnay sa atin sa Diyos at sa bawat isa.
- Sharing in Community of Christ, fourth edition, Heral House
Hymn of Repentance and Reconciliation: 215 Forgive Our Sins as We Forgive
Fourth Lesson: Tumindig ng Matatag sa Panginoon, basahin ang Filipos
3:17- 4:1
Homily
Firth
Lesson: Pag-asa at Tiwala, basahin ang Salmo 27:11-14
Ministry of
Music
Disciples’s
Generous Response
Statement
Ang
pagbibigay ng ating mga kaloob ay isa lamang sa mga paraan kung papaano natin
maibabalik ang bahagi ng mga pagpapala ng Diyos sa atin bilang ating
pasasalamat na siyang magsisilbing suporta sa mga gawain ng Iglesia na mabigyan
ng kahulugan ang pag-asa at bilang kontribusyon natin para sa kinabukasan.
Sa
pagbibigay natin ng kaunting bahagi, isa itong pagpapakita sa Diyos na tayo ay
nagpapasalamat sa lahat ng mga ibinibigay niya sa atin. Mula sa mga mumunting
kaloob natin, maaari itong gamitin ng Diyos upang lumikha ng mga nakakamanghang
bagay. Maliit man ang kaya nating ibigay, marami ang matutulungan ng Diyos
ibat-ibang dako ng mundo.
Alalahanin
natin ang misyon ni Kristo sa pamamagitan ng Community of Christ dito sa
Pilipinas ay 59 taon ng nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagiging bukas palad ng
bawat tagasunod ni Kristo. Sa anibersaryong ito ng simbahan, hindi lamang natin
ginugunita ang pagkakatatag at katapatan ng mga naunang misyonaryo, ngunit gayon
din naman ang katatagan at pagkabukas-palad ng mga sinaunang alagad. Napakahalaga
ang mga kasaysayang ito na nagsisilbing inspirasyon sa atin upang makapagpatuloy
tayo sa pamumuhay at paggawa sa misyon ni Kristo.
Blessing
and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes.
Hymn of
Hope: 112 AGCAMANGAC KENCA BATO A NABIAG
Closing
Prayer
Sixth
Lesson: Christ’s Mission, Our Mission
Doctrine
and Covenants 164:9d-f
d. If you truly would be Community of
Christ, then embody and live the concerns and passion of Christ. e.
The challenges and opportunities are momentous. Will you remain hesitant in the
shadows of your fears, insecurities, and competing loyalties? Or will you move
forward in the light of your divinely instilled call and vision? f.
The mission of Jesus Christ is what matters most for the journey ahead.
Postlude
645 The Trees of the Field
You shall go out with joy
and be led forth with peace;
the mountains and the hills
will break forth before you;
there’ll be shouts of joy,
and all the trees of the field
will clap, will clap their hands.
And all the trees of the field
will clap their hands,
the trees of the field
will clap their hands,
the trees of the field
will clap their hands
while you go out with joy.
252 Blessed Be Your Name
Blessed be your name
in the land that is plentiful,
where your streams of abundance flow;
blessed be your name.
Blessed be your name
when I’m found in the desert place.
Though I walk through the wilderness,
blessed be your name.
Every blessing you pour out
I’ll turn back to praise.
When the darkness closes in,
Lord, still I will say,
“Blessed be the name of the Lord,
blessed be your name.
Blessed be the name of the Lord,
blessed be your glorious name.”
Blessed be your name
when the sun’s shining down on me,
when the world’s “all as it should be.”
Blessed be your name.
Blessed be your name
on the road marked with suffering;
though there’s pain in the offering,
blessed be your name.
(to Refrain)
215 Forgive Our Sins as We Forgive
“Forgive our sins as we forgive,”
you taught us, Lord, to pray,
but you alone can grant us grace
to live the words we say.
How can your pardon reach and bless
the unforgiving heart
that broods on wrongs and will not let
old bitterness depart?
In blazing light your cross reveals
the truth we dimly knew:
what trivial debts are owed to us,
how great our debt to you.
Lord,
cleanse the depths within our souls
and bid resentment cease.
Then, bound to all in bonds of love,
our lives will spread your peace.
112
AGCAMANGAC KENCA BATO A NABIAG
(O Safe To The Rock)
Agcamangac
kenca bato a nabiag,
No umay caniac adu a rigrigat,
Ket uray payno siac managbasolac,
Sica ti taclinco bato a nabiag.
Coro:
Pagtaclinac, pagtaclinac,
Bato a nabiag sicat’ pagtaclinac,
Uray pay ti
bagyo napigsa unay,
Sica ti camangco a manaranay,
No adda ragsacco ken paglidayan,
Bato a nabiag sica lat’ pagtalcan.
Ti
tengngat’ bacal no mapacapsutac,
Kenca bato a nabiag agcamangac,
Sicat’ salacnib ko,
Bato a nabiag.
37 DIOSCO
PATIBKERENNAC
(Higher Ground)
Diosco
papigsaennac,
Iti pammati ken ayat;
Imulam dagitoy sacac,
Iti bato a sibibiag.
Coro:
Diosco, patibkerem ala,
Daytoy a pammatic Kenca,
Alaennac nga iragpat,
Iti nangatngato a biag.
Apo iccatem
toy duadua,
Ken buteng itoy cararuac;
Tapno awan ti lappedna,
Nga awatec dayta gracia.
Pagsantoennac
cadi, Ama,
Tapno diac agbasol Kenca;
Ket amin nga aramidco,
Nasam-it macaay-ayo.
Itag-aynac
nga iragpat,
Iti nangatngato a biag;
Ingganat’ maipangatoac,
Dita gloriam a naraniag.
Friday, March 14, 2025
Friday, March 7, 2025
Believe with Our Hearts
Preparation
Ang tradisyunal na kulay
para sa kuwaresma ay ang kulay ube(purple). Maaring maglagay ng dekorasyon sa
loob ng bahay sambahan na may dominanteng kulay ube.
Prelude
Welcome and Lent
Explanation
Tayon lahat ay inaanyayahan
sa araw na ito bilang mga Kristiyano para sa ating pagtitipon na nakatuon sa
ating paglalakbay sa kuwaresma.
Ang kuwaresma ay panahon
ng ating pagninilay, pag-uusig sa ating mga sarili, at pagsisisi sa ating mga
kasalanan. Ito ay ang pagbabalik tanaw natin sa apatnapong(40) araw ng
pag-aayuno ni Hesus at ang kanyang pagkakatukso sa desyerto. Ang ating
espiritual na paglalakbay na ito ay hinudiyatan natin mula sa mga alabok noong
Ash Wednesday hanggang sa kalulwalhatian sa araw ng Easter Sunday.
Ang panahong ito ay isang pagtawag sa atin
para sa pag-aayuno, pananalangin, at pagkabukas-palad upang magbahagi sa iba.
Pinapaalalahanan tayo sa ating pagiging mahina bilang tao at sa pagtitiwala
natin sa biyaya ng Diyos. Ito ang panahon upang harapin natin ang ating mga
kahinaan, ipagtapat ang ating mga kasalanan, at hanapin natin ang pagpapatawad
ng Diyos at ang pagpapatawad natin sa isat-isa.
Sa araw na ito,
sama-sama tayo sa pagpupuri at batid natin ang walang hanggan na pag-ibig ng
Diyos sa atin, at batid din natin maging ang ating mga kahinaan at pagkukulang.
Sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa panahon ng kuwaresma, hanunin
natin ang mga sa sarili upang palalimin pa ang ating pananampalataya, talikuran
ang mga bagay na siyang naglalayo sa atin sa Diyos, at yakapin natin ang
ispiritu ng pagsisisi at pagbabago.
Call to Worship:
Leader: Ang sinumang nananahan sa
piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Dahil ginawa mong kanlungan
ang Panginoon, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol, walang
kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Dahil uutusan ng Dios ang
kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila
upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
Leader: Ililigtas ko at iingatan
ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko
siya; sa oras ng kaguluhan, asamahan ko
siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.
All: Ikaw ang kumakalinga sa akin
at nagtatanggol. Ikaw ang aking Dios na pinagtitiwalaan ko.
-
Psalm
91:1-2, 9-16, adapted
Hymn of Gathering: Gather Us In CCS72
Opening Prayer
Response/Music Ministry
Lent Scripture Reading and
Reflection
Read Luke 4:1-3
Reflection
Ang talatang ito ay tungkol sa apatnapong araw na pag-aayuno ni Hesus sa
ilang bago ang kanyang pagmiministeryo. Ang pag-aayunong ito ay bilang
paghahanda ni Hesus sa kanyang ministeryo. Ito ay natutulad sa ating
paglalakbay sa panahong ito ng kuwaresma na siyang panahon ng pag-aayuno bilang
paghahanda nating mga Kristiyano.
Hymn of Change: Into My Heart CCS573, Sing twice
Prayer for Peace
Light the Peace Candle
Peace Prayer
Mapagpalang
Diyos,
Sa gitna ng aming buhay
na punong-puno ng pagsubok ng bagyo at kawalan ng kasiguruhan, kami ay narito
upang hanapin ang Iyong kapayapaan. Pagpalain Mo nawa ang aming mga puso ng
kapayapaan, ng kalinawan ang aming mga isipan, at pagkakaisa ang aming mundo. Baguhin
mo ang aming mga hindi pagkakaunawaan sa isang opurtunidad ng pagkakaunawaan at
nawa ang iyong pag-ibig ay siyang magtuturo sa amin sa isang maayos na
pamumuhay, ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ni Hesu-Kristo. Amen.
Sermon Based on Romans 10:8b-13
Hymn of Reflection: 54 IDIAY CRUS
Disciples Generous Response
Scripture
Reading: Deuteronomy 26:1-2
Kapag naangkin na ninyo
ang lupaing ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios bilang inyong mana, at doon
na kayo naninirahan, ilagay ninyo ang naunang mga bahagi ng inyong ani sa
basket. At dalhin ninyo ito sa lugar na pinili ng Panginoon na inyong Dios,
kung saan pararangalan siya.
Statement
Tulad ng sinaunang
panahon, hanggang ngayon dinadala natin sa Diyos ang bawat unang bunga mula sa kanyang
biyaya tuwing linggo.
Ang walang kapantay na awa
at pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan, at muling
pagkabuhay ni Hesus ang siyang pangunahing halimbawa ng pagiging bukas-palad at
biyaya ng Diyos sa atin. Minamahal tayo ng lubos ng Diyos na walang anumang kapalit
o kondisyon. Sa pagbubukas natin ng ating mga puso, at pagbabahagi natin ng
ating mga kaloob, tayo ay tila mga repleksiyon ng kanyang walang hanggan na
pag-ibig at awa sa mundo.
Blessing and receiving
of local and worldwide mission tithes.
Hymn of the Journey: “There’s anOld, Old Path” CCS 244
Closing Prayer
Sending Forth
Postlude
Saturday, March 1, 2025
Seek Spiritual Freedom
Prelude
Welcoming Hymn: “Santo, Santo,
Santo / Holy, Holy, Holy! Lord God Almighty! CCS 52
Sharing, Joys and Concern
Welcome
Sa araw na ito, sama-sama
tayo sa ating pagpupuri sa Panginoon, sama-sama tayo sa paghahanap ng spirituwal
na kalayaan. Ano ba ito dapat? Ano nga ba ang dapat nating gawin? Ibibigay sa
atin ng Diyos kung ano ang dapat nating gawin. Hindi natin ito kayang kontrolin
maliban sa mga bagay na kaya nating gawin. Hayaan nating gawin ng Diyos ang Kaniyang
gawain. Tayo ay sa Diyos at ang Diyos ay nasa sa atin.
Call to Worship: Psalm
99:9
Purihin ang Diyos na
ating Diyos. Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok, dahil ang Panginoon na
ating Diyos ay banal.
Hymn: 85 TIMEC TI APO INCAM
Invocation
Response/Music Ministry
Reflection (Optional)- Tingnan ang kwento
na may pamagat na “Coming”.
Scripture Reading: 2 Corinthians
3:12-4:2
Prayer for Peace
Peace
Hymn: “Spirit, Open My Heart” CCS 564
Light the peace candle.
Peace
Prayer
Diyos naming minamahal,
Tulad ng mga alagad na
hindi na nakapagsalita nang makita nila ang pagbabagong anyo ni Jesus sa tuktuk
ng bundok, hindi sapat ang salita lamang upang mailarawan ang hangarin ng aming
mga puso para sa kapayapaan. Kitang kita namin ang hiwaga ng Iyong kapayapaan
na siyang nagdadala ng ginhawa, ngunit nasaan nga ba ang kapayapaan para sa mga
nagugutom, para sa mga walang matuluyan, para sa mga pinagkaitan? Napakaraming
mga komplikadong sistema na ang aming mga ginawa na minsa'y tila imposibleng
magkakaroon pa ng kapayapaan. Ngunit, ang mga alagad ay nakaranas naman sila ng
isang hiwaga at imposibleng kaganapan sa tuktuk ng bundok. Buhayin Mo kami O
Diyos at magsilbi kami bilang isang gamot sa mundong may sakit, upang magsilbi
kaming prutas para sa mga nagugutom, magsilbi kaming silungan ng mga walang tahanan.
Paalalahanan Mo kami na kahit hindi man namin masambit ang Iyong kapayapaan, may
mga kaya kaming gawin para sa kapayapaan sa aming kapwa at sa aming mga puso.
Sa pangalan ng Siya naming
tanglaw sa aming mga daanan. Amen.
Homily based on 2 Corinthians
3:12-4:2
Sacrament of the Lord’s Supper
Hymn of Preparation: “Come Now, You
Hungry” CCS 227
Communion Scripture:
Luke 22:19-20
19Pagkatapos, kumuha siya
ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Dios ay hinati-hati niya ito at ibinigay
sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20Pagkatapos nilang
kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at
nagpasalamat sa Dios, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na
pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.
Invitation
to Communion:
Ang lahat ay
inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang huling hapunan ng Panginoon ay
isang sakramento na kung saan ay inaalala natin ang buhay, kamatayan,
pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo sa atin. Sa
ating Iglesia, nararanasan din natin sa sakramentong ito ang isang opurtunidad
upang mapanibago natin ang ating bautismo na siyang nabuo bilang mga alagad na namumuhay
sa misyon ni Kristo. Inaanyayahan natin ang lahat na makibahagi at gawin ito sa
pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.
Blessing and Serving of
the Bread and Wine
Disciples’ Generous
Response
Scripture Reading:
Doctrine and Covenants 162:7d
The call to respond is
urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your
walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a
spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to
share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the
gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.
Statement
Sa pagbubukas natin ng
ating mga puso at sa pagiging bukas-palad natin sa pagbabahagi ng ating mga
kaloob sa kahit anong paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos para sa
pagkalinga sa mundo. Sa linggong ito, nagkaisa tayo sa sakramento ng huling
hapunan ni Kristo at ang ating mga kaloob ay siyang pangunahing pagtugon natin
para ating misyong Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Sa
pamamagitan nito, makikita ang materyal na paglago ng pagkalinga ng Diyos.
Blessing and Receiving
of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes.
Closing Hymn: 36 NO TALNA
TI MASARACAC DALANCO
Closing Prayer/Benediction
Sending Forth
Postlude
Halika at Humanap ng Kapahingahan
"Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude Welcome Call to Worship Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...
-
Ti Kari iti Kappia Welcome Ito ang pangalawang linggo ng Adbiento at sa araw na ito ang ating focus ay ang kapayapaan. Ang ating banal ...
-
Prelude Hymn Celebrating All Saints’ Day All Saints’ Day Para sa kalendaryo ng mga kristiano, ang unang araw ng Nobyembre ay tin...
-
Sapulen Ti Pagtaengan ANNOUCEMENTS Welcome Welcome! Sa lahat ng mga naghahanap ng espirituwal na tahanan, ang Community of Christ ay...

