When We Are Tested

 


Prelude

Welcome

Pagbati para sa isat-sa sapagkat tayo ay nagkatipon-tipon bilang komunidad ng mga kristiyano upang magpatuloy sa ating paglalakbay sa panahong ito ng kwaresma. Ang panahong ito ng kuwaresma ay isang pagkakataon upang tayo ay magnilay, at magsisi sa ating mga kasalanan at pagkukulang sa Panginoon. Ito ay isang pagkakataon na maaari nating sundan ang pag-aayuno ni Hesus sa loob ng apatnapong araw kung saan siya’y tinukso sa disyerto. Sinimulan natin ang ating sama-samang ispirituwal na paglalakbay na ito mula sa mga bakas ng alakbok noong Ash Wednesday hanggang sa kaluwalhatian niya sa Easter Sunday.

Ang panahong ito isang pagtawag sa atin upang mag-ayuno, manalangin at magsakripisiyo ng ating mga kaloob. Pinapaalalahanan tayo bilang mga taong nilalang na mahina at nakaasa sa biyaya at pagpapala ng Diyos. Isang pagkakataon upang tanggapin natin na tayo ay mahina at makasalanan at pagkisapan natin tayo ay mapatawad ng Diyos at magpatawaran tayo sa isat-isa.

Bagamat kailangang taimtim ang paggunita sa kuwaresma, tuwing lingo ang kuwaresma ay isa ring pagdiriwang bilang munting pag-alala sa pasko ng pagkabuhay, ipinapaalala ang pag-asa natin para sa pagkabuhay na muli mula sa krus. Tuwing lingo tayo ay nagtitipon upang mapalakas ang bawat isa at magkaroon ng inspirasyon sa pagpapatuloy natin sa ating paglalakbay sa kuwaresma.

Sa araw na ito, titingnan natin ang mga pag-uugali, mga bagay, at mga pinagtutuonang gawain na siya namang naglalayo sa atin sa Diyos at kabilang dako bibigyan din naman natin ng focus ang mga bagay na siya namang naglalapit sa atin sa Diyos. Sa panahon ng kuwaresma, mag-aayuno tayo dahil sa mga bagay na nanggugulo sa atin sa araw-araw at naglalayo sa atin sa Panginoon. Magpatuloy tayo sa ating pagpupuri at pagsamba, at pagsumikapan nating punan ang puwang mula sa ating pag-aayuno sa pamamagitan ang pagbabalik sa Diyos.

Opening Prayer

Lenten Hymn: “Jesus Walked This Lonesome Valley”   CCS 452

Spiritual Practice and Reflection

Ang susunod natin gagawin ay isang gawain tinatawag na “Banal Na Pagkikinig”. Inaanyayahan tayo upang buksan ang ating pandama at pakinggan ang tinig ng Diyos at alamin ang nais nating ipag-ayuno at kung ano ang dapat nating yakapin.

Preparation:

Ang Banal Na Pakikinig ay isang gawain kung saan pinakikinggan natin ang paggabay ng Diyos. Sa araw na ito, bigyan natin ng focus kung paano natin mauunawaan ang pagtawag sa atin ng Diyos. Ano nga ba ang gusto niyang bitawan na natin, ano nga ba ang nais niyang ipag-ayuno natin, at ano nga ang mga ninanais niyang papasukin natin sa ating mga buhay.

Tayo ay manahimik at makinig… (1 minute of silence)

Sa Banal na Pakikinig, hilingin natin sa Diyos na ipakita sa atin kung ano ang mga pag-uugali, pagkilos, pag-aasal na kailangan nating i-surrender sa panahong ito ng kuwaresma. Magkaisa at sama-sama tayong makinig sa kung ano ang ninanais ng Diyos na mapalakas sa buhay natin.

Tayo ay manahimik at makinig… (1 minute of silence)

Reflection and Sharings

Maaari nating isulat ang ating mga nararamdaman o iguhit. Maaari din naman nating ibahagi ito bilang pagtotoo sa tinig ng Diyos nangungusap sa atin.

Prayer

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Mapagmahal a Mapagpalang Diyos,

Sa isang tahimik na santuwaryo ng iyong presensiya, naririto kami na naghahanap ng kapayapaan. Sa aming paglalakbay sa sagradong panahon ng kwaresma, Nababatid naming na kami sinusubok mula sa mga tukso at bagyo ng buhay. At sa mga ganitong pagkakataon, kami ay dumudulog sa iyo na siya naming angkla magpakailanman.

Panginoon, sa pagbugso ng mga bagyo sa aming buhay, nawa bigyan mo kami ng kapayapaan na higit pa kayang unawain ng kahit na sino. Kapag nagsisitaasan ang mga daluyong ng takot at pag-aalinlangan, pakalmahin mo ang aming mga isipan sa pamamagitan ng katiyakan mula sa iyong pag-ibig. Sa aming paglalakbay mula sa mga napaka-komplikadong pagsubok sa aming buhay, gabayan mo ang aming mga puso at nawa ay mahanap ang kapayapaan sa iyong mga pangako.

Nawa ay makita namin ang isang malalimang ng tagumpay sa aming mga pag-aayuno at paghahanap, sa pamamagitan ng paggawa naming ng kabutihan. Tulungan mo kaming alalahanin na kahit sa isang napakabagsik na mga bagyo, ikaw naririto sa amin, ang ilaw naming tanglaw na gumagabay sa pampang ng kapayapaan at kaligtasan. Amen.

Scripture Reading 1 Corinthians10:1-13

Sermon Based on 1 Corinthians 10:1-13

Hymn of Comfort: I Will Sing Of My Redeemer 256

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang isa sa mga napakahalagang bahagi sa paglalakbay natin sa panahong ito ng kuwaresma ay ang pag-aayuno (fasting). Ito ay ang kung papaano natin bibitawan ang mga bagay na siyang kumukuha ng atensiyon natin para malayo sa Panginoon. Ang tradisyunal na pag-aayuno ay ang pagliban sa pagkain na naging mahalagang bahagi na ng pagninilay at paggunita sa kuwaresma. Sa halip na pagtuunan lamang natin ang ating mga sarili, bigyan natin ng mas malaking pokus at atensiyun ang Diyos at ang ating kapwa at pag-aralan kung papaano pa natin mapapalalim ang katotohanan ng ating mga paglalakbay sa panahong ito. Maaaring sa araw na ito, subukan naman nating gumawa ng paraan kung papaano tayo tutugon sa pangangailangan ng mga kapuwa natin manlalakbay at kung papaano din tayo tutugon sa misyon ni Hesu-Kristo dito sa mundo.

Sa pagbibigay natin ng kaunting bahagi, isa itong pagpapakita sa Diyos na tayo ay nagpapasalamat sa lahat ng mga ibinibigay niya sa atin. Mula sa mga mumunting kaloob natin, maaari itong gamitin ng Diyos upang lumikha ng mga nakakamanghang bagay. Maliit man ang kaya nating ibigay, marami ang matutulungan ng Diyos ibat-ibang dako ng mundo.

Alalahanin natin ang misyon ni Kristo sa pamamagitan ng Community of Christ dito sa Pilipinas ay 59 taon ng nagpapatuloy sa pamamagitan ng pagiging bukas palad ng bawat tagasunod ni Kristo. Sa anibersaryong ito ng simbahan, hindi lamang natin ginugunita ang pagkakatatag at katapatan ng mga naunang misyonaryo, ngunit gayon din naman ang katatagan at pagkabukas-palad ng mga sinaunang alagad. Napakahalaga ang mga kasaysayang ito na nagsisilbing inspirasyon sa atin upang makapagpatuloy tayo sa pamumuhay at paggawa sa misyon ni Kristo.

Blessing ang receiving of local ang worldwide mission tithes.

Hymn of the Journey: 77 UMAY KAYO AMIN

Closing Prayer

Sending forth: Doctrine and Covenants 77:4a-c

Verily, verily I say unto you, Ye are little children, and ye have not as yet understood how great blessings the Father has in his own hands, and prepared for you; and ye cannot bear all things now; nevertheless be of good cheer, for I will lead you along; the kingdom is yours and the blessings thereof are yours; and the riches of eternity are yours; and he who receiveth all things, with thankfulness, shall be made glorious, and the things of this earth shall be added unto him, even an hundredfold, yea, more;

Postlude

 

256 I WILL SING OF MY REDEEMER

  I will sing of my Redeemer,
And His wondrous love to me,
 On the cruel cross He suffered,
 from the curse to set me free.

 

Chorus:
 Sing, O sing…..of my Redeemer!
With His blood He purchased me,
On the cross…..he sealed my pardon,
Paid the debt and made me free.

 

  I will tell the wondrous story,
How my lost estate to save,
In His boundless  love and mercy,
He the ransom freely gave.

I will sing of my Redeemer,
And his heav’nly love to me,
He from death to life hath brought me,
Son of God with Him to be.

452 Jesus Walked This Lonesome Valley

Jesus walked this lonesome valley;
he had to walk it by himself.
Oh, nobody else could walk it for him;
he had to walk it by himself.

We must walk this lonesome valley;
we have to walk it by ourselves.
Oh, nobody else can walk it for us;
we have to walk it by ourselves.

You must go and stand your trial;
you have to stand it by yourself.
Oh, nobody else can stand it for you;
you have to stand it by yourself.

 

77 UMAY KAYO AMIN
(Come Ye That Love The Lord)

Umaycayo amin,
Nga agayat ti Dios,
Agkantatay’ agtutunos,
Panagdaydayaw ken Jesus,
Nagannat’natan-oc,
Trononat’ nalibnos.

Coro:
Agpagpagnatayo,
Dalan agturong ‘diay ngato,
Diay Sion ayan ti Dios Apo,
Pacasaran ti rag-o.

Adu a tattao,
Dida ammot’ Apo,
Ngem dacay a macaammo
Naganna iracuracyo,
Buyuganyot’ rag-o,
Buyuganyot’ rag-o.

Uray payen ita,
A ditay pay dimteng,
Idiay daga namayengmeng,
Mabalinen a say-upen
Ti ayamuomna,
Ti Gloria a taeng.

Ditay’ ngad’ mamingga,
A mangicancanta,
Nagan ni Jesus nangina,
Rigrigat lipaten ida,
Inton madamdama,
Sumrectay’ diay Gloria.

Popular posts from this blog

Heal Our Blindness

Stand Firm in The Lord

Love Is…