Wednesday, January 8, 2025

Baptized of Water and Spirit



Prelude

Welcome, Announcements, Sharing

Songs of Praise

Call to Worship: Responsive Reading

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nasa katubigan; tila kulog ang Kaniyang kaluwalhatian. 

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig Panginoon ay punongpuno ng hiwaga!

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Maging ang malalaking puno ay mababali at mapipilipit sa tinig ng Panginoon.  

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nagbibigay lakas at kapayapaan sa lahat ng tao!

People: Napakabuti Ng Diyos!

All: Amen!

Hymn of Assurance: 203 NABILEGCA O DIOS

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Scripture Reading: Isaiah 43:1-2, 4-5

 

Peace Prayer with Meditation Time

 

Dios ng kapayapaan na siyang nagpapaunawa,

Naririto kami at nakikinig...

 

 

Ring the bell...

Nakikinig sa presensiya ng Iyong Espiritu na naririto ngayon. 

Kami ay nakikinig sa paggabay Mo kung papaano kami magpapatuloy sa paghubog mo sa aming mga buhay at sa komunidad naming mananampalataya sa kung papaano kami tutugon sa pagpapalaganap ng kapayapaan ni Kristo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell... 

Kami ay nakikinig sa Iyong pagpapatawad kung kami’y nagkukulang bilang iyong mga alagad.
Kami ay nakikinig sa iyong pagpapalakas upang kami ay magpatuloy sa aming mga paglalakbay.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa Ikyong tinig na siyang lumulunod sa tinig ng lipunan na hinahamon ang pangitain ni Kristo na ang Shalom ay lalaganap sa lahat ng dako na aming tinitirhan at pinaglilingkuran.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa patuloy Mong paghahayag sa aming araw at panahon.
Kami ay nakikinig sa patuloy Mong pagbibigay ng inspirasyon kung papaano namin itataguyod ang kapayapaan at upang ang aming pag-asa para Sion ay magkatotoo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa pamamagitan ng aming puso, isipan at kaluluwa.
Kami ay nakikinig, O Dios ng walang hanggang posibilidad sa iyong pangungusap sa amin sa araw na ito.
Sa pangalan ng prisipe ng kapayapaan, ito ang aming dalangin, Amen.

Ring the bell...

Naririto kami at nakikinig...

Scripture Reading: Acts 8:14-17

Morning Message

Hymn of Reflection: Rain Down CCS 260

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang biyaya at pagpapala ng Diyos ay tulad ng isang tubig na dumadaloy mula sa mga batis na nakapaligid sa atin. Para din naman tayong tumalon sa batis kapag pinatuloy natin ang Diyos sa ating buhay, babahain tayo ng Kaniyang pagpapala. Habang pinapatuloy natin ang Diyos sa ating mga buhay, ginigising natin lagi ang mga kaloob ng Diyos sa atin. Kahit ang mga maliliit na bagay at mga simple, ay nakikita natin ang kanilang kahalagahan kung tatanggapin natin ang mga ito bilang mga banal na kaloob ng Diyos sa atin.

Testimony
Maaaring ba tayong magbahagi ng ating mga karanasan kung papaano natin naranasan ang biyaya at pagpapala ng Diyos pagkatapos na tayo ay nabautimuhan at kung papaano din natin naranasan ang biyaya mula ating komunidad?

Kapag ibinabahagi natin ang biyaya ng Diyos sa iba, nagiging katuwang tayo ng Diyos upang maibahagi sa iba ang kanyang awa at pagkalinga at ito lumalago ng walang hanggan.

Blessing and Receiving of Mission Tithes  

Hymn of Commitment: 204 GAGETAN TAY AGTRABAHO

Prayer

Postlude


Friday, January 3, 2025

Tanggapin Ang Biyaya Mula Sa Biyaya

Receive Grace Upon Grace

Prelude

Welcome

Call to Worship

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tinubos tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin. Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa atin ng Dios.

Kayo man ay napabilang na kay Cristo nang marinig ninyo ang katotohanan, ang Magandang Balita kung paano kayo maliligtas. Sa pagsampalataya ninyo sa kanya, ibinigay niya ang Banal na Espiritu na kanyang ipinangako bilang tanda na pagmamay-ari na niya kayo.

Ang Banal na Espiritu ang katibayan na matatanggap natin mula sa Dios ang ipinangako niya sa atin bilang mga anak niya, hanggang sa matanggap natin ang lubos na kaligtasan. At dahil dito, papupurihan siya!

Hymn of Praise

Invocation

Sharing of Joys and Concerns

Pastoral Prayer

A Reading of Scriptures

Reader 1: John 1:1-5

Reader 2: John 1:14-18

Reader 3: ... Lumapit kayo kay Kristo, at kayo'y maging ganap sa Kanya, kalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng mga makamundo sa inyo, at kung kakalimutan ninyo ang inyong mga sarili at ang lahat ng makamundo sa inyo, at mamahalin ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng lahat ng nasa inyo, ng buo ninyong isipan, at lakas, ang biyaya ng Diyos ay magiging sapat na sa inyo, na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos kayo ay magiging ganap kay Kristo, hindi ninyo maikakaila ang kapangyarihang ito ng Diyos.  - Moroni 10:29, adapted

Communion Message based from today's scriptures.

Hymn of Preparation "Here at Thy Table Lord" CCS 517

New Year Reflection

Bawat taon ay maaaring maging yugto upang tayo ay magnilay, humingi ng tawad, at baguhin ang ating sarili. Kung kayo ay komportable maaari nating ipikit ang ating mga mata, at sa ilang sandali ng katahimikan, alalahanin natin ang ating naging pangako noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo, at alalahanin kung ano ang ipinangako sa atin ng Ispiritu Santo sa pamamagitan ng sakramento ng kompirmasyon. 

Ring the chime to draw people back to the group. 

Prayer of Confession

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa hapag ni Kristo o sa ating Komunyon na isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, pagkabuhay na muli at ang patuloy na presensiya ni Hesu-Kristo sa atin. Sa Community of Christ, ang komunyon ay isa ring pagkakataon kung saan nararanasan natin na muling mapanibago ang ating pakikipagtipan sa Diyos noong tinanggap natin ang sakramento ng bautismo na tayo ay magiging alagad na ipinapamuhay ang misyon ni Kristo. Maaaring may ibang pakahulugan o pagkakaintindi ang mga ibang mananampalataya tungkol dito. Sa ngayon, ang tayong lahat ay inaanyayahan na makibahagi sa hapunang ito ng Panginoon at gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo. 

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Prayer of Peace

Light the peace candle.

Statement

Sa araw na ito, narinig natin kung papaano iniabot ng Diyos ang kanyang biyaya sa atin, naranasan natin ang kanyang biyaya sa pamamagitan ng Hapunan ng Ating Panginoon, at ipinaalala sa atin na sa ating pagbabalik sa Kanya ay ating mararanasan ang Kanyang pagyakap at kapayapaan. 

Ngunit kung yayakapin lamang natin ang mga bagay bagay sa ating sarili at walang pagmamalasakit sa iba na maranasan din nila ang biyaya ng Diyos, kinakalimutan natin ang opurtunidad na maranasan din ng iba ang pagpapala ng Diyos at ang kapayapaang idinudulot nito. 

Peace Prayer

Mapagpala Naming Diyos,

Kaytagal na po naming ipinapanalangin ang kapayapaan, at ngayon hiling namin na kami ay tulungan upang makita namin ang maaari naming gawin o maitulong upang ang kapayapaang ito ay maging isang riyalidad o tottoo sa aming mga sarili at sa aming kapuwa.  Palawigin mo nawa sa amin ang pagmamahal na itinuro mo sa amin na gaya ng pagmamahal namin sa aming kapuwa, kilala man namin o hindi, upang ang paghahari ng iyong kapayapaan sa mundo ay magkatotoo hanggang sa mga sumusunod pa sa amin. Amen.

Disciples' Generous Response

Statement

Sa pagtitipon natin bilang isang komunidad, ito ang unang linggo ngayong taon ng 2025. Ang taong ito ay tila isang bagong kalendaryo na naman sa atin. Pupunoin natin ito ng mga ibat-ibang gawain tulad ng  worship services, special events, mga pagpupulong, klases, mga kawang gawa sa ibat-ibang komunidad at iba pang mga ministeryo. 

Isa rin itong oportunidad upang pag-isipan natin kung papaano makakatulong sa pamamagitan ng pinansiyal bilang pagsuporta. Maaaring sa pamamagitan ng pagpapatuloy natin sa pagbibigay ng ating mga kontribusyon o maaari din namang dagdagan natin pa natin ito. Habang pinag-iisipan natin kung papaano pa tayo tutugon sa tawag ng pagiging bukas-palad natin bilang mga alagad, pag-isipan lang muna natin ang ating mga ibibigay na kaloob ngayon, bakit ka nga ba magbibigay, gaano nga ba ito kadalas, at papaano nga ba ito makaka-bless sa lokal at pandaigdigang ministeryo. 

Sa ating pagbubukas ng ating mga puso at pagiging matapang sa pagbabahagi ng ating mga pinansiyal na konribusyon sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos upang maiabot ang kaniyang awa sa mundo. Sa linggong ito, sa ating pagkikibahagi sa sakramento ng komunyon, ang ating mga kaloob ngayon ay tutugon sa isang pinangungunahan nating misyon na ang Abolish Poverty and Ending Needless Suffering. Ito ang pamamaraan kung papaano lumalago at lumalawak ang pagmamalasakit ng Diyos sa materyal na pamamaraan. 

Blessing and Receiving of Oblation

Hymn of the New Year

Closing Prayer

Instrumental Response

Postlude 

Friday, December 27, 2024

Listen and Ask Questions

 First Sunday after Christmas 

Additional Scriptures
1 Samuel 2:18-20, 26; Psalm 148; Colossians 3:12-17; Doctrine and Covenants 162:7c-d

 

Nakahanda na tayo upang ibahagi ang kapayapaan ni Jesus... Anong Mission Initiative ito?

Invite People to Christ

Nakahanda na tayo upang maging isang kongregasyon... Anong  Mission Initiative ito?

Experiencing Congregations in Mission

Nakahanda na tayo upang ibalik ang Kapayapaang ipinangako ni Kristo... Anong Mission Initiative ito?

Pursue Peace on Earth

Nakahanda na tayong bigyan ng kasangkapan ang mga kalalakihan, kababaihan at maging ang mga bata... Anong Mission Initiative ito?

Develop Disciples to Serve

Nakahanda na tayo upang maging mga kamay at paa ni Kristo... Anong Mission Initiative ito?

Abolish Poverty, End Suffering

Prelude

Welcome

Invitation to Worship: Psalm 148:1-4

Hymn of Praise

Invocation

Response Song

Prayer for Peace

Light the Peace Candle.

Peace Scritpure: Colossians 3:12-15

Ang mga unang bahagi ng liham para sa mga taga Colosas ay nagbibigay ng mga gabay kung papaano mamumuhay bilang isang Kristiyano at ito nga ay kung papaanong ang kapayapaan ni Kristo ay mananahan sa atin. Kung magkagayon, may mainam nating maibabahagi ang kapayapaan sa iba. 

Awitin natin ang "My Peace" CCS 149

Peace Prayer

Diyos naming lumikha, kami ay Iyong nilikha maging ang planetang aming tinitirhan. Kung magiging totoo lamang kami sa pagtingin sa ng iyong mga gawa, malalaman namin kung nasaan nga ba kami at kung ano yung mga bagay na hindi namin napapahalagahan. Idinadalangin namin ang Iyong patuloy na pagiging bahagi sa mga nangyayari sa mundo at aming mga buhay upang mas maramdaman namin ang Iyong pagtawag sa amin upang pangalagaan ang mga ito at kung papaano ibabalik ang lupang ito bilang iyong tahanan at kami ay magiging mga tagapamayapa sa mundo. Tulungan Mo nawa kami sa gawaing ito. Ito ang aming dalangin. Amen. 

Hymn of Reflection

Scripture Reading: Luke 2:41-52

Message based on Luke 2:41-52

Disciples' Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:7c-d

c. You have been given the principles of generosity, rightly interpreted for a new time. These principles call every disciple to tithe faithfully in accordance with means and capacity. Those values, deeply rooted in the Restoration faith, affirm that stewardship and discipleship cannot be divided and are dependent upon each other. 

d. The call to respond is urgent. Look to the needs of your own congregations, but look also beyond your walls to the far-flung places where the church must go. Each disciple needs a spiritual home. You are called to build that home and care for it, but also to share equally in the outreaching ministries of the church. In that way the gospel may be sent to other souls also yearning for a spiritual resting place.

Statement

Ang gabay na ito mula sa Doctrine and Covenants ay ibinigay sa atin noong 2004 na maging sa ngayon ay napakahalaga ay makahulugan parin. Isipin natin kung ano ang ibig sabihin nito sa atin. 

Ang kasaganahan at biyaya ng Diyos hindi nasusukat. Sa ating pagbabahagi ng ating mga kaloob sa kahit anumang paraan, tayo ay nakikiisa sa kilusan ng Diyos upang iabot ang kayang habag sa mundo. Sa masaganang biyaya ng Diyos sa atin, nawa ay maging tapat tayo sa pagbabahagi nito sa iba, at ang awa at pag-ibig ng Diyos ay patuloy at lumalago ng walang hanggan. 

Blessing and Receiving of Mission Tithes

Hymn of Affirmation: "God's Love Made Visible" CCS 411

Closing Prayer

Sending Forth

Postlude

Saturday, December 21, 2024

Good News of Great Joy

25 December 2024
Christmas Day

Preparation

Instrumental Prelude

Welcome

Call to Worship: Isaiah 9:2, 6

Sing and Rejoice : “Joy to the World!”  CCS 408

Invocation

Response

Luke Tells the Sacred Story:

Scripture Reader 1: Luke 2:1-7

Hymn: “Hark! The Herald Angels Sing”  CCS 423 (First verse)

Scripture Reader 2: Luke 2:8-14

Hymn: “Hark! The Herald Angels Sing”  CCS 423 (Second and last verse)

Scripture Reader 3: Luke 2:15-20

Hymn: “O Come All Ye Faithful”  CCS 431

Light the Christ candle in the center of the Advent wreath.

Homily: Based on Luke 2:1-20

Sharings

Ano kaya ang iyong mararamdaman kung isa ka sa mga pastol ng gabing iyon?

Ano kaya ang bumago sa kanilang mga nararamdaman mula sa pagkatakot sa pagiging may galak?

Anong klaseng balita ang iyong natanggap na siyang nagdala sa iyo ng dakilang kagalakan?

Ano ang iyong magiging tugon sa isang napakagandang balita tungkol sa kapanganakan ng batang si Jesus na siyang ating ipinagdiriwang ngayon?

 

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Dakila at mapagpalang Diyos, sa araw na ito na kung saan aming inaalala ang kapanganakan ng Iyong anak na si Jesus,  na siyang Iyong napakahiwagang kaloob sa amin, aming inaalala na siya ay ang Prinsipe ng Kapayapaan. Ipinanganak Siya upang baguhin ang mundo mula sa isang mundong punong-puno ng kasakiman, galit, karahasan, kaguluhan at digmaan para sa isang mundo na kung saan ang lahat ng tao ay makikita bilang mga minamahal Mong anak. Tulungan Mo kami na sa espesyal na araw na ito ay aming aalalahanin si Jesus na siyang Prinsipe ng Kapayapaan, at sa darating na mga taon at tulungan Mo kami upang maging Iyong mga katuwang sa pamamagitan ng aming pagbabahagi sa magandang balita ng kagalakan. Amen. 

Disciples’ Generous Response

Statement

Sa araw na ito ng pasko, pinapaalalahanan tayo ng Diyos sa kanyang dakilang pagpapala sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak. Sa pagninilay sa kanyang dakilang regalong ito  sa atin, nawa ay aalalahanin natin na tayo ay tinatawag ng Diyos upang maging mga pagpapala sa mundo sa pamamagitan ng ating mga kaloob. At sa ating pakikibahagi at pagbibigay ng ating mga kaloob, tayo ay nakikiisa sa paghahatid ng Diyos ng kanyang habag upang bigyan ng pag-asa ang mundo. 

Prayer

Mapagpalang Diyos, muli ay naranasan namin ang panahon ng paghahanda upang tanggapin ang Iyong regalong ang Magandang Balita tungkol sa kapanganakan ni Jesus. Ang aming mga kaloob sa taong ito tulad ng aming mga talento, panahon, yaman, at mga patotoo ay bilang aming pagtugon sa Iyong pagtawag sa amin upang mga dakila at mapagbigay  na mga alagad ni Jesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Dalangin namin na Iyong tanggapin ang aming mga kaloob na ito sa kahit anumang kaparaanan  at uri bilang aming pakikibahagi upang maipalaganap ang magandang balita na siya naming ipinagdiriwang ngayon. Sa Pangalan ni Jesus, Amen. 

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn:  “Go, Tell It on the Mountain”   CCS 409

Benediction

Sending Forth

Share today’s good news of great joy with others on your journey. Jesus is born!

Postlude




423 Hark! The Herald Angels Sing


Hark! The herald angels sing,
“Glory to the newborn King,
peace on earth, and mercy mild,
God and sinners reconciled!”
Joyful, all ye nations, rise,
join the triumph of the skies;
with the_angelic host proclaim,
“Christ is born in Bethlehem!”

Hark! The herald angels sing,
“Glory to the newborn King!”

Christ, by highest heav’n adored,
Christ, the everlasting Lord,
in the manger born a King,
while adoring angels sing,
“Peace on earth, to all goodwill”;
bid the trembling soul be still;
Christ on earth has come to dwell,
Jesus, our Immanuel!

Hail the heav’n-born Prince of Peace!
Hail the Son of Righteousness!
Light and life to all he brings,
ris’n with healing in his wings.
Mild he lays his glory by,
born that we no more may die,
born to raise us from the earth,
born to give us second birth.

Candlelight Worship


Prelude

Instrumental: “O Come, All Ye Faithful”

Welcome

Call to Worship

Leader: Sa araw na yaon, isang kautusan ang ibinaba na magkakaroon ng census. At mula sa Nazareth, nagpunta nga sina Maria at Jose sa Bethlehem upang magpatala doon. Habang sila nga ay naroroon, dumating ang panahon ng panganganak ni Maria.

People: Kami man, nais naming mapabilang sa mga pinili ng Diyos. Sa gabing ito, mula sa ating mga bahay, naririto tayo ngayon sa banal na tahanan ng Diyos. Muli nating aalalahanin ang kapanganakan ni Jesus; ito ang panahon upang tanggapin natin siya sa ating mga buhay.

Hymn: “Silent Night! Holy Night!” CCS 421

Invocation

Response

Lighting of the Advent Candles

HOPE Reading
Sa ating pagsindi sa kandila ng Pag-asa (HOPE), naririto tayo upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Kristo. Ang pagdiriwang Christmas ay ang pag-asa, alalahanin,  at paghandaan ang isang dakilang mangyayari. Nawa tayo ay maging bayan ng pag-asa, pag-asa sa gitna ng ating mundo.

Ministry of  Music (Children)

PEACE Reading
Sinindihan natin ang kandila ng Kapayapaan (PEACE) at nagpapasalamat tayo sa Panginoon sapagkat ibinigay niya ang Prisipi ng Kapayapaan sa mundong ito na siyang maghahatid sa atin ng kapayapaan. Nawa tayo man ay maging tagapagbigay ng kapayapaan sa ating kapuwa. Magliwanag  nawa ang kapayapaan sa ating mga puso.

Ministry of  Music (Youth)

LOVE Reading
Ating sinindihan ang kandila ng Pag-ibig (LOVE) at inaalala natin na ang ating Diyos ay pumarito sa atin sa pamamagitan ng pag-ibig na inilarawan ni Jesu-Kristo. Umaasa tayo sa bagong pakahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan ng ating pagdiriwang ng kanyang kapanganakan. “Magmahalan tayo sapagkat ang Diyos ay pag-ibig”.

Ministry of  Music (Adult)

JOY Reading
Sa ating pagsindi sa kandila ng Kagalakan (JOY), Nawa ay maramdaman din natin ang kasabikan. Ramdamin natin ang kagalakan sa ating mga buhay at ibahagi ito sa ating paligid. Tulungan nawa tayo ng Diyos at tulungan natin ang bawat isa na maramdaman ang kagalakang makalangit hindi ang makamundong kagalakan. Isang kagalakang mula sa pagpapala ng Diyos.

Ministry of  Music

CHRIST Reading
Ngayon naman ay sinindihan natin ang kandilang sumisimbolo na ipinanganak na si Jesus. Bukas ay araw na ng kapaskuhan (Christmas Day), araw ng regaluhan, pag-ibig at kasiyahan. Ang lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa kapanganakan ni Jesus, ang pinakadakilang regalo sa lahat. Sa loob ng 2000 taon, ipinagdiriwang ng mga santo ang Emmanuel, Ang Diyos Nasa Atin, at tayo ay nakikiisa sa lahat ng mga mananampalataya sa buong mundo sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo. Sama-sama tayo sa PAG-ASA, KAPAYAPAAN, PAG-IBIG at KAGALAKAN sa liwanag ng Diyos na nagniningning kay Kristo.

Scripture Reading: Isaiah 9:6–7

Message based on Isaiah 9:6–7

Hymn: “Go, Tell It on the Mountain” CCS 409

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Matthew 2:1-11

Statement:
Maging marunong tayo sa pagsunod sa mga palatandaan ng kanyang pagdating sa ating mga buhay. Sa paghihintay sa kapanganakan ng isang sanggol ngayong gabi, isipin natin kung ano ba ang pwede nating ibigay bilang kaloob sa serbisiyong ito, bilang patotoo at imbitasyon. Bilang simbolo ng ating pagkusa upang ibigay ang pinakamabuti nating kaloob sa sabsaban kung saan nakahiga si Jesus.

Blessing and Receiving of Offerings

Hymn: “What Child Is This” CCS 432

Closing Prayer

Sending Forth

 John 20:19–22:
19Nang takip-silim na ng araw na iyon, nagsama-sama ang mga tagasunod ni Jesus. Ikinandado nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan.” 20Pagkasabi niya nito, ipinakita niya ang sugat sa mga kamay at tagiliran niya. Labis na natuwa ang mga tagasunod nang makita ang Panginoon. 21Muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan. Kung paanong sinugo ako ng Ama, kayo ay isinusugo ko rin.”

 I Peter 5:14:
14Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Sa inyong lahat na nakay Cristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.

 Postlude

Friday, December 20, 2024

A Vision of Justice

Praise

Prelude

Gathering with Carols of the Season and Sharings: “The First Noel” CCS 424

Call to Worship: Micah 5:2-5a

2 Sinabi ng Panginoon, “Betlehem Efrata, kahit na isa ka sa pinakamaliit na bayan sa Juda, manggagaling sa iyo ang taong maglilingkod sa akin bilang pinuno ng Israel. Ang kanyang mga ninuno ay kilalang-kilala noong unang panahon.”

3Kaya ang mga mamamayan ng Israel ay ipapaubaya ng Panginoon sa kanilang mga kaaway hanggang sa maisilang ng babaeng namimilipit sa sakit ang sanggol na lalaki na mamumuno sa Israel. Pagkatapos, ang mga kababayan ng pinunong ito na nabihag ng ibang bansa ay babalik sa kanilang mga kapwa Israelita. 4Pamamahalaan niya ang mga mamamayan ng Israel sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Panginoon. Ang katulad niyaʼy isang pastol na nagbabantay ng kanyang kawan. Kaya mamumuhay sila nang mapayapa dahil kikilalanin ng mga tao sa buong mundo ang kanyang kadakilaan. 5Bibigyan niya ng mabuting kalagayan ang kanyang mga mamamayan.

Welcome

Peace be with you. Batiin natin ang mga nasa paligid natin ng isang Mapayapang Pasko sa kanila.

Ang panahon ng Adbiento  sa kalendaryon nating mga Kristiyano ay ipinagdiriwang ito sa loob ng apat na linggo bago ang kapaskuhan. Sa wikang Latin, ang ibig sabihin ng Advent o Adbiento ay ang “pagdating” at ito ang tamang panahon upang paghandaan at alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko o Christmas, ang pagdating ni Hesus dito sa ating mundo.

Sa linggong ito ating sisindihan ang kandila ng kapayapaan (Peace).

Lighting of the Advent Candles.

Tayo ay pinapaalalahanan na tayo ay tinawag upang maging mga peacemakers/tagapamayapa. Ang Kapayapaan ay isang panalangin na nagsisimula sa atin.

Hymn Response: “Hope is a Light” Stanzas 2 and 5 CCS 398

Invocation

Scripture Reading Part 1 Luke 1:39-45

Ministry of Music

Scripture Reading Part 2 Luke 1:46-55

Congregational Hymn: “Canticle of the Turning” CCS 404

Christmas Message Based on Luke 1:39-55

Disciples’ Generous Response

Statement

Sa panahon ng Adbiento, pinapaalalahanan tayo sa dakilang pagpapala ng Diyos sa atin sa pagkakaloob Niya ng kanyang bugtong na anak. Habang pinagninilayan natin ang dakilang pagpapalang ito, nawa ay alalahanin natin na tayo ay tinatawag ng Diyos upang maging mga pagpapala sa mundo sa pamamagitan ng pagbabahagi natin sa mga pagpapalang mayroon tayo. At sa ating pagbabahagi din ng ating mga kaloob sa kanyang Iglesia sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa isang gawaing nagbibigay kahulugan sa pagiging mapagkalinga ng Diyos upang bigyan ng pag-asa ang mundo.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Poem:  “Making Room for Jesus” Verse 2

A weary hand pounds on the door of an inn,
and there is not room!
No room, God of peace, for peace to be born.
Oh, how we need your gift of peace!
Peace unwilling to sleep in the shadows,
unwilling to live and die
in speeches made and slogans said.
Surely there is room for peace?
Peace beyond politics, power, and position.
Peace that wages war against conflict,
avarice, and inequity
in a world where peace for me
and mine alone is not peace at all.
—Danny Belrose in Wave Offerings, Herald House 2005.

Hymn of Advent Peace: “What Child Is This”   CCS 432

Peace Prayer

Aming tagapangalaga ng Pinakadilang Shalom,

Sa kabila ng dala-dala mong napakalaking kalawakan sa iyong balikat, sa panahong ito ng Adbiento nagawa Mo parin na ikaw ay makilala ng bawat isa sa amin. Tulungan Mo kaming pasikapan ang kapayapaan na tulad ng paragasa ng tubig patungo sa dagat. Tulad ng tubig na dala-dala nito ang buhay, nawa ang kapayapaan ay magdadala rin ng bagong buhay sa amin. Tulad ng pag-agos ng tubig sa bawat hugis ng lupa, nawa ang kapayapaan ay maaaring gumawa ng mga bagong espasyo o lugar sa aming mga buhay at sa aming mga komunidad. Sa pagdaloy ng tubig maging sa mga bahaging hindi namin nakikita, nawa ang kapayapaan ay dumaloy sa amin at lumikha ng mga bagong ugnayan sa aming buhay. Panginoon nawa ang kapanganakan ng batang si Jesus ay magdulot ng pagbabago sa amin. Tulungan Mo kaming makapagdala ng kapayapaan sa mundo sa bawat araw. Amen.

Hymn of Celebration: “Go, Tell It on the Mountain” CCS 409

Prayer and Benediction

Postlude

404 Canticle of the Turning

My soul cries out with a joyful shout
that the God of my heart is great,
and my spirit sings of the wondrous things
that you bring to the ones who wait.
You fixed your sight on your servant’s plight,
and my weakness you did not spurn,
so from east to west shall my name be blest.
Could the world be about to turn?

 

My heart shall sing of the day you bring.
Let the fires of your justice burn.
Wipe away all tears, for the dawn draws near,
and the world is about to turn.

Though I am small, my God, my all,
you work great things in me,
and your mercy will last from the depths of the past
to the end of the age to be.
Your very name puts the proud to shame,
and to those who would for you yearn,
you will show your might, put the strong to flight,
for the world is about to turn.

From the halls of pow’r to the fortress tow’r,
not a stone will be left on stone.
Let the king beware for your justice tears
every tyrant from his throne.
The hungry poor shall weep no more,
for the food they can never earn;
there are tables spread, every mouth be fed,
for the world is about to turn.

Though the nations rage from age to age,
we remember who holds us fast:
God’s mercy must deliver us
from the conqueror’s crushing grasp.
This saving word that our forebears heard
is the promise which holds us bound,
till the spear and rod can be crushed by God,
who is turning the world around.

398 Hope Is a Light

Peace is a prayer,
peace is a prayer.
Peace is a prayer that starts with me,
peace is a prayer that starts with me.
Light the candle of peace,
light the candle of peace.

Jesus is born,
Jesus is born.
Jesus is born in us today,
Jesus is born in us today:
Christ, the light of the world,
Christ, the light of the world.

424 The First Noël

The first Noël the angel did say
was to certain poor shepherds in fields as they lay;


in fields where they lay keeping their sheep,
on a cold winter’s night that was so deep.

Noël, Noël, Noël, Noël!
Born is the King of Israel!

They looked up and saw a star
shining in the east beyond them far,
and to the earth it gave great light,
and so it continued both day and night.

And by the light of that same star,
three wise men came from country far;
to seek for a king was their intent,
and to follow the star wherever it went.

This star drew nigh to the northwest,
over Bethlehem it took its rest,
and there it did both stop and stay
right over the place where Jesus lay.

Then entered in those wise men three;
full rev’rently upon the knee,
they offered there, in his presence,
their gold and myrrh and frankincense.

 

409 Go, Tell It on the Mountain

Go, tell it on the mountain,
over the hills and everywhere;
go, tell it on the mountain
that Jesus Christ is born!

While shepherds kept their watching
o’er silent flocks by night,
behold throughout the heavens
there shone a holy light.

The shepherds feared and trembled
when lo! above the earth
rang out the angel chorus
that hailed our Savior’s birth.

Down in a lowly manger
the humble Christ was born,
and God sent us salvation
that blessed Christmas morn.

 

432 What Child Is This

What child is this, who, laid to rest,
on Mary’s lap is sleeping?
Whom angels greet with anthems sweet,
while shepherds watch are keeping?
This, this is Christ the King,
whom shepherds guard and angels sing;
haste, haste to bring him laud,
the babe, the son of Mary!

Why lies he in such mean estate
where ox and ass are feeding?
Good Christian, fear; for sinners here
the silent Word is pleading.
Nails, spear shall pierce him through,
the cross be borne for me, for you;
hail, hail the Word made flesh,
the babe, the son of Mary!

So bring him incense, gold, and myrrh;
come, peasant, king, to own him.
The King of kings salvation brings;
let loving hearts enthrone him.
Raise, raise the song on high,
the virgin sings her lullaby;
joy, joy for Christ is born,
the babe, the son of Mary!

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...