Prelude
Instrumental: “O Come, All Ye Faithful”
Welcome
Call to Worship
Leader: Sa araw na yaon, isang kautusan ang ibinaba na magkakaroon ng
census. At mula sa Nazareth, nagpunta nga sina Maria at Jose sa Bethlehem upang
magpatala doon. Habang sila nga ay naroroon, dumating ang panahon ng
panganganak ni Maria.
People: Kami man, nais naming mapabilang sa mga pinili ng Diyos. Sa
gabing ito, mula sa ating mga bahay, naririto tayo ngayon sa banal na tahanan
ng Diyos. Muli nating aalalahanin ang kapanganakan ni Jesus; ito ang panahon
upang tanggapin natin siya sa ating mga buhay.
Hymn: “Silent Night! Holy Night!” CCS 421
Invocation
Response
Lighting of the Advent Candles
HOPE Reading
Sa ating pagsindi sa kandila ng Pag-asa (HOPE), naririto tayo upang ipagdiwang
ang kapanganakan ni Kristo. Ang pagdiriwang Christmas ay ang pag-asa, alalahanin, at paghandaan ang isang dakilang mangyayari. Nawa
tayo ay maging bayan ng pag-asa, pag-asa sa gitna ng ating mundo.
Ministry of Music (Children)
PEACE Reading
Sinindihan natin ang kandila ng Kapayapaan (PEACE) at nagpapasalamat tayo sa
Panginoon sapagkat ibinigay niya ang Prisipi ng Kapayapaan sa mundong ito na
siyang maghahatid sa atin ng kapayapaan. Nawa tayo man ay maging tagapagbigay
ng kapayapaan sa ating kapuwa. Magliwanag
nawa ang kapayapaan sa ating mga puso.
Ministry of Music (Youth)
LOVE Reading
Ating sinindihan ang kandila ng Pag-ibig (LOVE) at inaalala natin na ang ating
Diyos ay pumarito sa atin sa pamamagitan ng pag-ibig na inilarawan ni
Jesu-Kristo. Umaasa tayo sa bagong pakahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan ng
ating pagdiriwang ng kanyang kapanganakan. “Magmahalan tayo sapagkat ang Diyos
ay pag-ibig”.
Ministry of Music (Adult)
JOY Reading
Sa ating pagsindi sa kandila ng Kagalakan (JOY), Nawa ay maramdaman din natin
ang kasabikan. Ramdamin natin ang kagalakan sa ating mga buhay at ibahagi ito
sa ating paligid. Tulungan nawa tayo ng Diyos at tulungan natin ang bawat isa
na maramdaman ang kagalakang makalangit hindi ang makamundong kagalakan. Isang
kagalakang mula sa pagpapala ng Diyos.
Ministry of Music
CHRIST Reading
Ngayon naman ay sinindihan natin ang kandilang sumisimbolo na ipinanganak na si
Jesus. Bukas ay araw na ng kapaskuhan (Christmas Day), araw ng regaluhan,
pag-ibig at kasiyahan. Ang lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa kapanganakan
ni Jesus, ang pinakadakilang regalo sa lahat. Sa loob ng 2000 taon,
ipinagdiriwang ng mga santo ang Emmanuel, Ang Diyos Nasa Atin, at tayo ay
nakikiisa sa lahat ng mga mananampalataya sa buong mundo sa pagdiriwang ng
kapanganakan ni Kristo. Sama-sama tayo sa PAG-ASA, KAPAYAPAAN, PAG-IBIG at
KAGALAKAN sa liwanag ng Diyos na nagniningning kay Kristo.
Scripture Reading: Isaiah 9:6–7
Message based on Isaiah 9:6–7
Hymn: “Go, Tell It on the Mountain” CCS 409
Disciples’ Generous Response
Scripture Reading: Matthew 2:1-11
Statement:
Maging marunong tayo sa pagsunod sa mga palatandaan ng kanyang pagdating sa
ating mga buhay. Sa paghihintay sa kapanganakan ng isang sanggol ngayong gabi, isipin
natin kung ano ba ang pwede nating ibigay bilang kaloob sa serbisiyong ito, bilang
patotoo at imbitasyon. Bilang simbolo ng ating pagkusa upang ibigay ang pinakamabuti
nating kaloob sa sabsaban kung saan nakahiga si Jesus.
Blessing and Receiving of Offerings
Hymn: “What Child Is This” CCS 432
Closing Prayer
Sending Forth
John 20:19–22:
19Nang takip-silim na ng araw na iyon, nagsama-sama ang mga
tagasunod ni Jesus. Ikinandado nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga pinuno
ng mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila, at sinabi, “Sumainyo
ang kapayapaan.” 20Pagkasabi niya nito, ipinakita niya ang sugat sa
mga kamay at tagiliran niya. Labis na natuwa ang mga tagasunod nang makita ang
Panginoon. 21Muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumainyo ang
kapayapaan. Kung paanong sinugo ako ng Ama, kayo ay isinusugo ko rin.”
I Peter 5:14:
14Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Sa inyong lahat na
nakay Cristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.
Postlude