Saturday, December 14, 2024

The Lord Is Near



Third Sunday of Advent (Hope)

Preparation

Praise

Prelude

Gathering with carols of the season:  “Star-Child”  CCS 420 OR “The First Noel”   CCS 424

Welcome

Sa ikatlong araw na ito ng Adbiento, ito ang linggo ng Pag-asa (Hope). Simulan natin ang araw na ito sa pamamagitan ng isang Spiritual Practice na “Holding in the Light.” Sa ilang sandali, damhin ang katahimikan sa ating kalooban at sa panlabas na anyo.

Maaari nating isulat sa isang maliit na papel ang pangalan o mga pangyayaring nangangailangan ng pag-asa. Tayo ngayon ay inaanyayahan para sa isang tahimik na pananalangin para sa mga kapatid nating nangangailangan ng pag-asa at nawa sila ay mailagak sa piling ng mapagkalinga at mapagmahal nating Diyos. At sa ating panalangin, pagmasdan natin sa ating imahinasyon na ang taong ating ipinapanalangin ay nababalot ng liwanag ng Diyos.

Tiwala tayo na nalalaman ng Diyos ang pangangailangan ng bawat tao, alam Niya ang ating mga pinagdadaanan kaya naman idinadalangin natin ang kagalingan ng bawat isa.

Call to Worship: Luke 3:15-17

Hymn

Lighting of Advent candles

Ang panahon ng Adbiento  sa kalendaryon nating mga Kristiyano ay ipinagdiriwang ito sa loob ng apat na linggo bago ang kapaskuhan. Sa wikang Latin, ang ibig sabihin ng Advent o Adbiento ay ang “pagdating” at ito ang tamang panahon upang paghandaan at alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko o Christmas, ang pagdating ni Hesus dito sa ating mundo.

Sa linggong ito ating sisindihan ang kandila ng pag-asa (Hope).
Light the candle. 

Ang pag-asa ay isang liwanag upang makita natin ang ating daraanan. Ang PAG-ASA ay patuloy tayong tinatawag upang magpatuloy sa paglikha ng mas mabuting bukas.

Hymn Response: “Hope is a Light”  Stanza 1     CCS 398

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Panginoon Naming Tagapaghasik ng mga Buto,

Ipinangako Mong pakakainin Mo ang Iyong mga inakay tulad ng pagpapakain ng isang Pastol, titipunin Mo ang Iyong mga tupa, at maingat Mo silang papangunahan. Sa panahong ito ng madilim na Adbiento, kami ay nariritong nakaupo at naghihintay sa mga bagay na maaaring dumating. Kami ay nagtitipon bilang komunidad upang pakinggan ang Iyong mga pangako ng kapayapaan at pagliligtas. Umaasa kaming sa pagkakataong ito ng kapahingahan ng mundo, ipagkakaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

Dios naming makapangyarihan, buksan Mo ang aming mga mata sa pag-asa para sa kapayapaan na Iyong dala para sa mundong ito. Tulungan Mo kami magkaisa para sa mga taong pakiramdam nila ay wala na silang pag-asa, na nawa ay makita nila ang bagong buhay sa Iyo. Dalhin Mo kaming lahat sa isang lugar kung maaari kami umasang muli. Mula sa bagong kaalaman namin tungkol sa pag-asa, nawa kami ay humayo upang ipangaral ang pag-asa at kapayapaan, upang kami ay maging maayos sa aming kapuwa, at kami ay kumilos para sa mas malaki pang kapayapaan sa mas malaking mundo. Panginoon, kami ay umaasang muli para sa panahon ng kapayapaan, Umaasa kami sa pangako ng Iyong kapayapaan sa pamamagitan ni Jesus ay magkakatotoo, umaasa kami sa mas malalim pang ugnayan namin sa Iyo. Muli, ipagkaloob Mo ang kapayapaan sa amin. Amen.

Scripture Reading: Philippians 4:4-7

Reading or Poem

“Making Room for Jesus”                  Verse 3

A weary hand hammers on the door of an inn

            and there is no room!

            No room, God of Hope, for hope to be born.

            Oh, how we need your gift of hope!

            Hope that finds the holy in a blade of grass,

                        a bird’s song, an infant’s cry.

            Hope that makes the future now,

                        that looks beyond what is and yearns for what can be.

            Surely there is room for hope?

            Hope sprinkling its promise

                        on the dark night of the soul?

            Hope for harmony! Hope for one more try!

            Hope that justice will have its day.

—Danny Belrose in Wave Offerings, Herald House 2005.
Used with permission.

Ministry of Music or Congregational Hymn of Hope

Proclamation of the Word (Message Based on Philippians 4:4-7)

Disciples’ Generous Response

Statement

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Ang Generosity ay ang ispiritu sa buhay Kristiyano. Ang pag-share natin sa kung ano ang mayroon tayo para sa iba ay hindi isang pabigat. Sa halip ito ay isang pagpapakita na nasumpungan natin ang magpakailanmang katangian ng Dios at ang ating mga puso ay hango kay Kristo na siyang nag-alay ng Kaniyang sarili pasa lahat ng mga nilalang.

Sa ating iglesia sa Community of Christ, gustong-gusto nating inaawit ang awiting “Freely, freely you have received, freely, freely give.” Ang “God Forgave My Sin in Jesus Name,” CCS 627, ay inilalarawan nito ang tuloy tuloy na ating Pag-bibigay at Pagtanggap. Punong-puno tayo ng pagmamahal ng Diyos sa atin na walang anumang katapat at ito ang bumubuo sa atin; papaano nga ba tayo hindi magagalak at hindi magkakaroon ng pusong mapagbigay?

Ang pagbibigay natin ng pinansiyal, panahon, at mga personal na kaloob ay mga ispiritual na gawaing mahalaga tulad ng panalangin o pakikibahagi sa isang sakramento. Tulad ng mga iba pang gawaing ispirituwal, ang disiplina sa pagbabahagi ay hindi para tayo’y makapag-ipon ng grasya; ito ay biyaya ng pag-ibig ng Diyos, na sa pamamagitan natin ay naisasagawa sa ating mga buhay para sa buhay ng ating kapuwa. Ang Generosity o pagiging Bukas-Palad ay isa lamang sa mga gawaing ispirituwal para sa pabibigay natin ng ating mga ikapu, ito ay isa ring katangian ng pag-ibig ng Diyos. Walang anumang FORMULA o panuntunan sa pagbibigay ng ikapu. Sa halip ito ay pagbibigay ng ating kaloob mula sa ating tunay na kakayanan, na siyang tunay na pagpapakita ng pag-ibig. Sa Bagong Tipan, sumasallungat ang pag-ibig sa takot: sa ating takot sa mga maaaring mawala sa atin, sa pagkatakot na maaaring wala tayong kasapatan, takot tayo sa kakulangan, tako tayo sa mga hindi natin makontrol.

Sa Lukas 12:32 sinabi ni Jesus na huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.

Patuloy na ibinibigay ng Diyos sa atin ang lahat. Kung gayon, maaari tayong magtiwa at manalangin, “Give us this day our daily bread,” at alam nating ito mangyayari upang kahit ang iba ay magkaroon din naman sila ng tinapay.

Sa panahon ng adbiento, pinapaalalahanan tayo sa lubos na pagpapala ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang anak na si Hesus. Habang pinagninilayan natin ang kaloob niyang ito, nawa tayo mapaalalahanan na tayo man ay tinawag din upang maging pagpapala sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi sa anumang biyaya ng Diyos sa atin. Sa ating pagbabahagi sa ating mga kaloob, tayo ay nakikibahagi upang maiabot ang awa ng Diyos at mabigyan ng pag-asa ang mundo. 

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn: “God Forgave My Sin in Jesus Name,” CCS 627

Benediction

Sending Forth: Isaiah 12:2-6

Postlude

Popular Posts

Hello more...