Friday, December 6, 2024

Love Overflows


Second Sunday of Advent (Love)

Preparation

Praise

Prelude

Gathering with Carols of the Season: “like a child"  CCS 403 OR “God’s Love Made Visible" CCS 411

Call to Worship: Luke 1:68-79

Welcome

Ito ang ikalawang linggo ng Adbiento. Ating ipagdiwang ang pag-ibig ng Diyos sa atin at ang pag-ibig natin sa isat-isa.

Lighting of the Advent Candles

Ang panahon ng Adbiento  sa kalendaryon nating mga Kristiyano ay ipinagdiriwang ito sa loob ng apat na linggo bago ang kapaskuhan. Sa wikang Latin, ang ibig sabihin ng Advent o Adbiento ay ang “pagdating” at ito ang tamang panahon upang paghandaan at alalahanin ang tunay na kahulugan ng Pasko o Christmas, ang pagdating ni Hesus dito sa ating mundo.

Sa linggong ito ating sisindihan ang kandila ng pag-ibig (Love).
Light the candle. 

Ang pag-ibig ay isang kaloob na maaari nating ibigay mula sa ating mga puso. Tayo ay inaanyayahan upang makita natin ang kahalagahan ng bawat isa at kung papaano natin mamahalin ang iba gaya ng pagmamahal ng Diyos sa atin na walang hanggan at walang anumang kondisyon o kapalit.

Hymn Response “Hope Is a Light”  Stanza 4      CCS 398

Confession

Scripture Reading: Luke 3:1-6

Pinapaalalahanan tayo ni Juan Bautista upang paghandaan ang pagdating ni Jesus. Ang adbiento ay isang panahon ng paghahanda, isang pagkakataon upang ating suriin ang ating mga sarili at ang ating mundo. Inaanyayahan tayo ni Juan Bautista upang suriin ang ating mga buhay, ang ating mga gawa at pag-uugali, at ang ating mga prayoridad habang pinaghahandaan natin ang daraaanan ng ating Panginoon.

Pagnilayan po natin ang bawat bahagi ng ating panalangin.
Manalangin po tayo.

Salamat sa’Iyo O Diyos sa biyaya Mong buhay sa amin sa araw na ito.

Nawa ay makita namin ang araw na ito na Iyong ipinagkaloob na kami ay mabuhay at makita namin ang liwanag ng Iyong pagmamahal.

Hayaan Mong kami ay makapagnilay sa panahong ito, sa aming pakikiisa, at sa mga nararamdaman namin sa panahong ito ng Adbiento.

Turuan Mo kami na ang aming mga pagtugon ay nararapat at naaayon sa iyong pag-ibig.

Gawin Mo kaming mapagmatiyag sa panahong kami ay nagiging walang pakiramdam para sa aming kapuwa, na kami hindi mapagmahal, nakakasakit na sa iba sa iyong mga nilikha o sa aming mga sarili.

Nawa sa pamamagitan ng Iyong awa at biyaya ay mahanap naming ang kapatawaran, kagalingan, pang-unawa at kalayaan.

Ipinagkakatiwala namin sa Iyo O Diyos ang aming bukas. Nawa Ikaw ang nasa aming mga isipan, gawain, at sa aming mga relasyon habang kami ay nagpapatuloy sa bawat araw na kami ay nasa mapagmahal na presensiya ni Jesus. Amen.  

Scripture Reading: Philippians 1:3-11

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer

Dakilang tagapangalaga,

Sa bawat araw, Ikaw ang tapat nangunguna sa amin, na sa kabila nito ramdam naming ang mga tila umiiyak na tinig sa ilang. Ipinagkaloob Mo sa amin ang napakalaking biyaya ng Iyong pagmamahal, ngunit kami ay nahihirapang maramdaman ito. Panginoon habang tinitingnan namin ang mundo ngayon, alam namin na marami pa ang hindi nakakaramdam ng Iyong pagmamahal – mga hindi nakakaramdam ng pagmamahal ng mga kaibigan, ng mga pamilya na sanay laging nariyan upang sila ay suportahan, sila na mga nahihirapan ng dahil sa mga nawala sa kanila at naihiwala sa kanilang mga mahal sa buhay.

Panginoong Diyos, bigyan Mo nawa kami ng kapayapaan. Bigyan Mo ng kapayapaan ang aming mga puso upang kami ay maaaring magmahal muli. Bigyan Mo kami ng kapayapaan upang magmahal ng walang kondisyon, nang makita ng iba ang Iyong liwanag sa aming mga buhay. Sa pamamagitan ng aming pagbabahagi ng Iyong liwanag sa aming mga buhay, nahihiwala kaming kami ay magiging peacemakers o manggagawa ng kapayapaan sa mga taong nasa paligid namin. Pagpalain Mo kami ng iyong Pag-ibig sa panahong ito ng Adbiento. Amen.

Message Based on Philippians 1:3-11

Disciples’ Generous Response

Story

Share a summary of “The Gift of the Magi” by O. Henry.

Ang kwento ito ay tungkol sa mag-asawang sina Jim at Delia, na naghihirap sa kanilang pinansiyal na kalagayan. Ngunit sa gabi at desperas ng pasko nais nilang bigyan ng espesyal na regalo ang bawat isa. Gusto ni Delia na bigyan si Jim ng bagong strap ng relo para mapalitan ang lumang strap ng kaniyang relo habang si gusto naman ni Jim bigyan ng isang set ng suklay si Delia. Upang makabili sila ng kanilang espesyal na regalo, kailangan nilang magbenta ng isang mahalagang bagay. Sa makatwid, ibinenta ni Delia ang kaniyang buhok para makabili ng bagong strap ng relo at ibinenta naman ni Jim ang kaniyang relo para makabilin ng bagong set suklay. At noong desperas ng pasko nagpalitan na sila ng regalo at nalaman nila ang ginawa ng bawat isa sa kanila. Nalaman nila na ang pagmamahal nila sa bawat isa ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay. Sa kwentong ito napapaloob ang isang sacrificial love bilang isang regalo. Ito ay nahahawig sa isang sanggol na si Hesus na siya nating inaabangan sa gabi ng kapaskuhan na nagsilbing regalo ng Diyos sa sangkatauhan.

Statement

Kung sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng regalo ay naipapakita natin ang ating pagmamahal, gaano kaya ito kahigit sa ginagawa ng Diyos na siya’y tuwang-tuwa sa pagbibigay niya ng regalo sa atin? Sa ating nakikita at pagtanggap sa lubos-lubos na biyaya ng Diyos sa atin, ito ay tila pinahihintulutan natin na sumikat ang araw sa ating mga buhay; bilang pagsisimula ng bagong araw, nagdadala ng buhay na liwanag sa ating buhay.

Ang nakakamangha na pagiging bukas palad ng Diyos ay hindi lamang tumutukoy sa kasaganaan. Ito ay ibinibigay Niya ng walang anumang kapalit at hindi tinitingnan kung ano ang mayroon sa tatanggap nito. Ang generosity ay ang pagbibigay ng maluwag at walang anumang hadlang, isa itong walang hanggan na kasaganaan. Sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos, ang ating pagiging bukas palad ang siyang magbibigay ng pagmamahal, saya at buhay sa mga tatanggap nito.

Ang ating pagtanggap at pagpapasalamat sa pagiging bukas-palad ng Diyos sa atin ay maaari nating simulang makita sa pamamagitan ng pagbilang at paglikom ng ibat-ibang datus. Ngunit hindi dito natatapos. Bukod sa hindi nasusukat ang biyaya ng Diyos, hindi rin ito makikita kung magkano, ito ay kung ano ang nagagawa at naidudulot nito sa ating buhay.

Ang lubos na biyaya ng Diyos at tungkol sa pagtanggap sa biyayang magpa sa walang hanggang biyaya niya sa atin. Nagbibigay ito buhay at liwanag, hindi ng anumang numero. Ang totoong pagiging mapagbigay ng Diyos ay hindi nasusukat ngunit ito ay kung ano ang nagagawa nito sa atin sa iba. Ang pagiging mapagbigay ng Diyos ay tumutukoy sa buhay na walang hanggan, na nagpapayaman sa atin na hindi nasusukat.  

Sa panahon ng adbiento, pinapaalalahanan tayo sa lubos na pagpapala ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang anak na si Hesus. Habang pinagninilayan natin ang kaloob niyang ito, nawa tayo mapaalalahanan na tayo man ay tinawag din upang maging pagpapala sa iba sa pamamagitan ng pagbabahagi sa anumang biyaya ng Diyos sa atin. Sa ating pagbabahagi sa ating mga kaloob, tayo ay nakikibahagi upang maiabot ang awa ng Diyos at mabigyan ng pag-asa ang mundo.  

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes

Closing Hymn  10 O JESUSCO A NAAYAT
Benediction

Sending Forth: Responsive Reading

Leader:            God’s love made visible! Incomprehensible! He is invincible!

People:           His love shall reign!
Leader:            From love so bountiful, blessings uncountable make death surmountable!

People:           His love shall reign!
Leader:            Joyfully pray for peace and good will! All of our yearning he will fulfill.

People:           Live in a loving way! Praise him for every day!
Leader:            Open your hearts and pray!

All:                  His love shall reign!

Postlude

398 Hope Is a Light

Love is a gift,
love is a gift.
Love is a gift our hearts can give,
love is a gift our hearts can give.
Light the candle of love,
light the candle of love.

403 like a child

like a child love would send to reveal and to mend,

like a child and a friend, Jesus comes

like a child we may find claiming heart soul and mind,

like a child strong and kind, Jesus comes

 

like a child we will meet, ragged clothes, dirty feet,

like a child on the street, Jesus comes

like a child we once knew coming back into view,

like a child born anew, Jesus comes

 

like a child born to pray and to show us the way,

like a child here to stay, Jesus comes

like a child we receive all that love can conceive,

like a child we believe Jesus comes

 

411 God’s Love Made Visible!

 

God’s love made visible! Incomprehensible!

He is invincible! His love shall reign!

From love so bountiful, blessings uncountable

make death surmountable! His love shall reign!

Joyfully pray for peace and good will!

All of our yearning he will fulfill.

Live in a loving way! Praise him for every day!

Open your hearts and pray! His love shall reign!

 

God gave his Son to us to dwell as one of us,

his blessing unto us! His love shall reign!

To him all honor bring, heaven and earth will sing,

praising our Lord and King! His love shall reign!

Open all doors this day of his birth,

all of good will inherit the earth.

His star will always be guiding humanity

throughout eternity! His love shall reign!

 

10 O JESUSCO A NAAYAT
(Sweet Galilee)

O Jesusco a naayat,
Biag intedmo gapu caniac,
An-annoec Kencat’ agsubad,
Inispalmo toy cararuac.

Coro:
Idatonco Kenca toy biag,
Awatem cad’ cabaelac,
Aramidco isuronac,
Pagayatam agtungpalac.

Mannubbotco idalannac,
Sicat’ captac ti inaldaw,
Kenca Jesus agserviac,
Pagayatam isuronac.

Daytoy biagco napnot’ babac,
Kinadakes linemmesnac,
Ngem Jesusco inispalnac,
Iti basol a nadamsac.

Tured pigsa, itdem caniac,
Sulsulisog lacubennac,
No addaca diacto matnag,
Sicat’ talged ken canawac.

Popular Posts

Hello more...