Wednesday, January 8, 2025

Baptized of Water and Spirit



Prelude

Welcome, Announcements, Sharing

Songs of Praise

Call to Worship: Responsive Reading

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nasa katubigan; tila kulog ang Kaniyang kaluwalhatian. 

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig Panginoon ay punongpuno ng hiwaga!

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Maging ang malalaking puno ay mababali at mapipilipit sa tinig ng Panginoon.  

People: Napakabuti Ng Diyos!

Leader: Ang tinig ng Panginoon ay nagbibigay lakas at kapayapaan sa lahat ng tao!

People: Napakabuti Ng Diyos!

All: Amen!

Hymn of Assurance: 203 NABILEGCA O DIOS

Invocation

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Scripture Reading: Isaiah 43:1-2, 4-5

 

Peace Prayer with Meditation Time

 

Dios ng kapayapaan na siyang nagpapaunawa,

Naririto kami at nakikinig...

 

 

Ring the bell...

Nakikinig sa presensiya ng Iyong Espiritu na naririto ngayon. 

Kami ay nakikinig sa paggabay Mo kung papaano kami magpapatuloy sa paghubog mo sa aming mga buhay at sa komunidad naming mananampalataya sa kung papaano kami tutugon sa pagpapalaganap ng kapayapaan ni Kristo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell... 

Kami ay nakikinig sa Iyong pagpapatawad kung kami’y nagkukulang bilang iyong mga alagad.
Kami ay nakikinig sa iyong pagpapalakas upang kami ay magpatuloy sa aming mga paglalakbay.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa Ikyong tinig na siyang lumulunod sa tinig ng lipunan na hinahamon ang pangitain ni Kristo na ang Shalom ay lalaganap sa lahat ng dako na aming tinitirhan at pinaglilingkuran.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa patuloy Mong paghahayag sa aming araw at panahon.
Kami ay nakikinig sa patuloy Mong pagbibigay ng inspirasyon kung papaano namin itataguyod ang kapayapaan at upang ang aming pag-asa para Sion ay magkatotoo.

Naririto kami at nakikinig...

 

Ring the bell...

Kami ay nakikinig sa pamamagitan ng aming puso, isipan at kaluluwa.
Kami ay nakikinig, O Dios ng walang hanggang posibilidad sa iyong pangungusap sa amin sa araw na ito.
Sa pangalan ng prisipe ng kapayapaan, ito ang aming dalangin, Amen.

Ring the bell...

Naririto kami at nakikinig...

Scripture Reading: Acts 8:14-17

Morning Message

Hymn of Reflection: Rain Down CCS 260

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang biyaya at pagpapala ng Diyos ay tulad ng isang tubig na dumadaloy mula sa mga batis na nakapaligid sa atin. Para din naman tayong tumalon sa batis kapag pinatuloy natin ang Diyos sa ating buhay, babahain tayo ng Kaniyang pagpapala. Habang pinapatuloy natin ang Diyos sa ating mga buhay, ginigising natin lagi ang mga kaloob ng Diyos sa atin. Kahit ang mga maliliit na bagay at mga simple, ay nakikita natin ang kanilang kahalagahan kung tatanggapin natin ang mga ito bilang mga banal na kaloob ng Diyos sa atin.

Testimony
Maaaring ba tayong magbahagi ng ating mga karanasan kung papaano natin naranasan ang biyaya at pagpapala ng Diyos pagkatapos na tayo ay nabautimuhan at kung papaano din natin naranasan ang biyaya mula ating komunidad?

Kapag ibinabahagi natin ang biyaya ng Diyos sa iba, nagiging katuwang tayo ng Diyos upang maibahagi sa iba ang kanyang awa at pagkalinga at ito lumalago ng walang hanggan.

Blessing and Receiving of Mission Tithes  

Hymn of Commitment: 204 GAGETAN TAY AGTRABAHO

Prayer

Postlude


Popular Posts

Hello more...