Friday, October 17, 2025

Proclaim Jesus Christ, Be Persistent!

 


Prelude

Welcome

Welcome sa sagradong lugar na ito ng ating pagsamba. Ang ating tema sa araw na ito ay Proclaim Jesus Christ, Be Persistent! Ipahayag si Hesukristo, Maging Matiyaga! Ito rin ang unang linggo ng ating Generosity Cycle, na siyang nag-aanyaya sa atin upang alamin ang nakakapagpabagong kapangyarihan ng pagiging bukas-palad ng isang alagad. 

Sa ating  banal na kasulatan sa araw na ito mula sa 2 Timoteo, pinapaalalahanan tayo sa kahalagahan ng pagdadala sa ating pananampalataya, aral, kaalaman pagpapala na siyang ibinahagi sa atin. 

Ang pagkabukas ay yumayakap sa pagmamahal na siyang ibinuhos sa ating mga buhay. Itoy isang makapangyarihang bagay na siyang bumibigkis sa atin bilang isang komunidad. Hindi ito tungkol sa pagbibigay lamang ng isang bagay o materyal mula sa atin, sa halip ito ay tungkol din sa pagbabahagi natin ng ating panahon, kabutihan, at kalinga.

Sa mga sumusunod na anim na lingo, bahagi ng ating Generosity Cycle, titingnan natin ang mga paraan ng ating pagiging mabagbigay na siyang nagpapakita ng ating pagiging alagad o disipulo ng Diyos at ng kanyang pagmamahal sa ating buhay. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagninilay at sa Disiciples’ Generous Response natin.

Nawa ay maging bukas tayo sa paggabay ng Espritu, at hayaan nating buoin tayo upang maging mga tapat na alagad na may pusong bukas sa pagiging mapagbigay at bigyan tayo ng inspirasyon na magpatuloy sa pagtahak natin sa ating pananampalataya.

           

Call to Worship: Psalm 119:97-104

 

Hymn of Calling: “Take the Path of the Disciple” CCS 558

 

Opening Prayer

 

Response

 

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Panalangin para sa kapayapaan ng mga biktima ng lindol sa Cebu at Davao, at sa lahat ng biktima ng mga kalamidad:

Maawain at mapagmahal naming Diyos,

Sa gitna ng sakit at pagsubok na dulot ng mga indol at ng lahat ng kalamidad sa aming bayan, kami ay dumudulog sa Iyo at inilalapit ang mga kapatid naming naging biktima na nakakaranas ng kahirapan dulot ng mga ito.

Hinihiling namin ang Iyong kapayapaan na siyang hihipo at magpapagaling sa puso at diwa ng lahat ng mga biktima at kanilang pamilya. Ibigay Mo po ang Iyong Liwanag, sa mga nagluluksa, na bigyan mo ng lakas ang mga sugatan, at pag-asa para sa lahat ng nawalan ari-arian, tahanang masisilungan, kabuhayan at maging mga mahal nila sa buhay.

Patuloy Mo po kaming samahan, patnubayan, at bigyan ng pagkakaisa upang magtulungan at bumangon.

Sa Iyo nagmumula ang lahat ng awa at pagmamahal.

Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pangalan ni Jesus. Amen.

Scripture Reading 2 Timothy 3:14—4:5

Testimony

Morning Message Based on 2 Timothy 3:14—4:5

Disciples’ Generous Response

Statement

Wala nang iba pang kompletong halimbawa ng pagiging bukas palad maliban sa buhay ni Jesus… Ang dakilang pagkabukas-palad ng Diyos sa buhay ni Jesus ay siyang ganap na halimbawa ng generosity… Magiging buo tayo kung tatanggapin natin ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na ating magpapagtanto na tayo at ang lahat ng mayroon tayo ay mga biyayang nagmula sa Diyos.  

            Reflection and Sharing

·       Papaanong ang buhay ni Jesus ay naging halimbawa ng lubos na pagpapala ng Diyos?

 

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

           

Hymn of Sending Forth: 39 ITULOYCO LAT’ PANNAGNAC

 

Prayer and Benediction

 

Sending Forth: Doctrine and Covenants 165:6a-c

6 a. Beloved Community of Christ, do not just speak and sing of Zion. Live, love, and share as Zion: those who strive to be visibly one in Christ, among whom there are no poor or oppressed. b. As Christ’s body, lovingly and patiently bear the weight of criticism from those who hesitate to respond to the divine vision of human worth and equality in Christ. This burden and blessing is yours for divine purposes. c. And, always remember, the way of suffering love that leads to the cross also leads to resurrection and everlasting life in Christ’s eternal community of oneness and peace. Trust in this promise.

 

Postlude

Wednesday, October 8, 2025

Choose Wisely

 

Welcome and Announcements

Prelude

Call to Worship

Purihin ang Diyos, O kayong mga tao, iparinig ninyo sa lahat ang inyong papuri, na Siyang nag-iingat sa ating buhay, at hindi niya hinayaang tayo’y madapa. Sapagkat sinubok ninyo kami tulad ng pagkakasubok ng isang pilak. Ngunit dinala n’yo kami sa lugar ng kasaganaan.

—Psalm 66:8-10, 12b, adapted

Opening Hymn: Apo Cucuanac 142, to be led by Tumauini Congregation

Invocation by Sister Raquel Lucero, Dingading Congregation

Response by All Children, to be led by Baggao Congregation

Scripture Reading: 2 Timothy 2:8-15 by Sister Princess, Baggao Congregation

Community Singing: “Kung Kamtan Mo” to be led by Dingading Congregation

Focus Moment

Morning Message Based on 2 Timothy 2:8-15 by Brother Astroval Aquino

Response to be led by San Luis Congregation

Prayer for Peace by Sister April Gandeza, Tumauini Congregation

Light the peace candle.

            Peace Prayer

Diyos ng Kabuuan at Posibilidad,

Nagpapasalamat kami sa kalayaang pumili at sa paggabay mo sa amin upang mahanap ang ibat-ibang paraan kung papaano kami makakapagbigay at maglilingkod sa pagpapalaganap ng Iyong kapayapaan sa lahat ng dako ng aming tinitirhan. Sa araw na ito, idinadalangin namin ang mga walang kalayaang humanap o mamuhay sa totoo nilang kakayanan. Napakarami ang mga nalulugmok na lamang sa kahirapan, kagutuman, kakulangan sa edukasyon, pananamantala, pang-aabuso, digmaan, o mga natural na kalamidad. Madalas ang mga ito ay nakakapanghina na tila nawawalan na kami ng pag-asa. Baguhin Mo nawa ang aming mga pakiramdam at pang-unawa. Sa Iyong pagparito upang hanapin at iligtas ang mga nawawala, nawa kami ay magpatuloy sa pakikiisa sa misyong ito, sa abot ng aming kakayanan. Nawa ang Iyong kapayapaan ang aming magiging salita, ang pagtawag na siya naming pipiliin at aming ipapamuhay. Amen.

Congregational Peace Hymn: 180 Talna to be led by Damsite Congregation

Disciples’ Generous Response by Brother Cruzalde Valdez, Damsite Congregation

            Scripture Reading: Doctrine and Covenants 162:6c, 7a

c. You hold precious lives in your hands. Be gentle and gracious with one another. A community is no stronger than the weakest within it. Even as the One you follow reached out to those who were rejected and marginalized, so must the community that bears his name.

7 a. There are many lives waiting to hear the redeeming words of the gospel, or to be lifted from hopelessness by the hands of loving servants. But they will be lost to you without the generous response of disciples who share from their own bounty that others may know the joys of the kingdom.

            Statement

Ang biyaya at awa ng Diyos ay walang hanggan. Sa ating pagbubukas natin ng ating mga puso upang magbahagi ng biyaya sa kahit anumang paraan nakikiisa tayo sa kilusan ng Diyos para kanyang awa sa mundo. Sagana ang pagpapala ng Diyos, nawa tayo ay tumugon ng may katapatan sa pagbabahagi natin sa iba, upang ang pag-ibig at awa ng Diyos ay lalago ng walang hanggan.

Receiving and Blessing of Local and Worldwide Mission Tithes

Offertory Hymn: 73 Yegmo’t Inanim to be led by Simimbaan Congregation

Pastoral Prayer by Brother Fernando Venuz

Hymn of Sending Forth: 384 The Spirit of God like a Fire is Burning to be led by Baggao Congregation

Commissioning and Closing Prayer by Brother Carlos Valdez

Unison Prayer:

Community of Christ Mission Prayer

“Panginoong Diyos, saan kami dadalhin ng Iyong Espiritu ngayon? Tulungan mo kaming maging ganap na gising at handang tumugon. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na ipagsapalaran ang isang bagong bagay upang maging pagpapala ng Iyong pag-ibig at kapayapaan. Amen”

Postlude

Friday, October 3, 2025

Rekindle God’s Gift within You

Painitin Mong Muli Ang Kaloob Ng Diyos Saiyo
Parangrangem Ti Sagut Ti Dios Nga Adda Kenka

Announcements

Prelude

Welcome and Call to Worship

Welcome and Call to Worship: Read from “When I Can Ache,” CCS 590.

When I can ache with hunger pangs
for those whose bowls are washed with tears
and thirst to quench the driest tongue
and visit those who live in fear
and hold the hands of captive souls
who sit alone when death is near,
I see in them Christ’s face divine
and hope they see his face in mine.

When I can fill a stranger’s need
with open hand and plant hope’s seed
that bears love’s fruit and brings relief
to heavy hearts weighed down with grief
and share Christ’s peace that brings release
from burdens born by hurt’s increase,
I see in them Christ’s face divine
and hope they see his face in mine.

When I can share another’s pain
and bring to birth their joy again
with loving deeds that break each chain
that binds their wounded heart’s refrain,
when I esteem each soul on earth
as blest by God with priceless worth,
I see in them Christ’s face divine
and hope they see his face in mine.

Sharing of News, Joys, and Prayer Concerns

Hymn: CCS 42 As the Wind Song through the Trees

 Invocation

Maaaring gamitin ang sumusunod na panalangin o ang sariling panalangin:

Panginoon namin na siyang Ilaw ng mundo,
Magliwanag ka nawa ka sa aming pagtitipon sa araw na ito, sa aming pag-awit at aming mga sharings.
Magliwanag ka nawa sa aming mga puso. Pag-alabinmo ang aming mga hangarin at ang Iyong mga kaloob sa amin.
Gawin mo kaming handa na magsasabing, “Magliwanag ka sa amin sa mga sulok ng mundo na kung saan kinakailangan ang Iyong Ilaw.” Sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Amen.  

Response

Message based on 2 Timothy 1:1-14

Campfire Song: “We Are One in the Spirit”  CCS 359

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Responsive Peace Prayer

Leader:            Diyos naming may akda ng kapayapaan,
Nawa’y isulat Mo sa aming mga puso ang isang dakila pagtawag sa amin na maging manggagawa ng kapayapaan. Itinataas naming sa aming mga panalangin ang bawat pamiliyang nasa panganib at ang mga kapuwa na nangangamba.

People:           Biyaya, awa at kapayapaan.

Leader:            Para sa mga kapwa naming nagdadalamhati at sa mga nalilitong kaibigan.

People:           Biyaya, awa at kapayapaan.

Leader:            Para sa mga nagkukulang sa pangangailangan at sa mga nagkukulang sa respeto.

People:           Biyaya, awa at kapayapaan.

Leader:            Para sa mga nagkukulang sa tiwala sa kanilang sarili at sa mga nabubuhay sa takot.

People:           Biyaya, awa at kapayapaan.

Leader:            At para sa atin na maaaring magpaalab sa pag-asa.

All:                  Biyaya, awa at kapayapaan.

Sacrament of the Lord’s Supper

Communion Scripture Reading: Luke 22:14-20

Statement of Purpose

Noon pa man, ang Community of Christ ay patuloy na pinagpapala sa mga salita mula sa Doctrine and Covenants 17:22a:

It is expedient that the church meet together often to partake of the bread and wine in remembrance of the Lord Jesus.

Nagtitipon tayo sa araw na ito upang alalahanin si Jesus na ang kanyang Espiritu ay nasa atin. Pagnilayan natin ito sa ating isipan at palawakin sa abut ng ating makakaya.

Invitation to Communion

Ang lahat ay inaanyayahan sa lamesang ito ni Kristo. Ang banal na hapunan ng Panginoon o Komunyon, ay isang sakramento kung saan ating inaalala ang buhay, kamatayan, muling pagkabuhay at ang patuloy na presensiya ng Hesu-Kristo. Sa Community of Christ, isa rin itong pagkakataon upang mapanibago ang ating bautismo at pakikipagtipan na siyang nabuo sa atin bilang mga tagasunod ni Kristo na ipinamumuhay ang kanyang misyon. Tayong lahat ay inaanyaya na gawin ito sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaan ni Hesu-Kristo.

Hymn of Preparation: 130  ADTOYAC MAN NAPNOt’ BABAC

Blessing and Serving of the Bread and Wine

Communion Hymn: 137 CAYATMO MABANG-ARAN BASOL MO

Disciples’ Generous Response

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 165:2a
2 a. Free the full capacity of Christ’s mission through generosity that imitates God’s generosity.

Statement

Generous tayo kung sini-share natin ang ating mga talento.

Ang mga bagay na mayroon tayo ay isa ring opurtunidad upang maaari tayong maging generous.

Sa pagbubukas natin ng ating mga puso upang magbahagi sa iba sa kahit anumang paraan, nakikiisa tayo sa isang kilusan para sa habag ng Diyos sa mundo. Sa linggong ito, tayo ay makiisa sa pagsuporta sa isa sa mga Mission Initiative ng ating ilgesia na Abolish Poverty and Ending Needless Suffering, sa pamamagitan ng ating kontribusyon para sa Oblation Fund. Ang ating mga kaloob ay simbolo din ng ating pasasalamat sa Panginoon na siya nagbibigay ng ating mga pangangailangan sa araw-araw. Gamitin natin ang pagkakataong ito upang pasalamatan Siya sa kanyang mga biyaya.

Receiving and Blessing of Oblation and Local and Worldwide Mission Tithes

Hymn  of Vision: 101 ADTOY UMAYAK ITI MADARAS           

Prayer and Benediction

Postlude

Friday, September 26, 2025

The Life that IS Life

Ang Tunay Na Buhay
Ti Napaypayso A Biag

Annoucements and sharing

Praise Singing: Bagong Simula

Call to Worship: Salmo 91:1-2, 14-15

1Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Diyos na Makapangyarihan ay kakalingain niya. 2Ito ang masasabi ko tungkol sa Panginoon, “Siya ang kumakalinga at nagtatanggol sa akin. Siya ang aking Diyos at sa kanya ako nagtitiwala.”

14Sinabi ng Diyos, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. 15Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya. Sasamahan ko siya, sa oras ng kaguluhan. Ililigtas ko siya at pararangalan. 16Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipararanas ko sa kanya ang aking pagliligtas.”

Song of Praise: 13 DAYAWENDACA O DIOS A NADUNGNGO

Morning Prayer *

Response

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Peace Prayer
Alam namin na ang aming mga isipan ay parang baton ng isang conductor ng isang musiko, paiba-iba, patalon-talon at wagayway ng wagayway. Madalang na kami ay nakatuon sa isang bagay na hindi binigbigyang sikap. Ngunit ang kapayapaan ay naririyan sa tuwing kami ay umaayon sa mga buhay na nasa aming paligid.
Palakasin Mo nawa ang aming mga kakayanan na maging nariyan sa tuwing may nasasaktan, may pagkasira, at pagkatakot. Nawa ay lubusan naming makita ang aming kaugnayan sa lahat ng Iyong mga minamahal.  Nawa ang sugat sa aming kalooban any maglalapit sa amin sa bawat isa. Sapagkat sa mga tagpo at pagkakataong ito, nahahanap at nakakapagbahaginan kami ng kapayapaan.
Sa pamamagitan ng tension, mas humihigpit ang pagkakadugtong ng dalawang tali. Palakasin mo kami ng lakas na siyang nagbibigay ng tension. Nawa sa pamamagitan ng pinagsama-samang lakas naming, susulong kami para sa kapayapaan. Sa pangalan ni Jesus, na siya naming kasama ngayon. Amen.

Scripture Reading: 1 Timoteo 6:6-19

Disciples’ Generous Response

Testimony
Inaanyaya ang sinoman na nais magbahagi ng kanyang patotoo sa paniniwalang ang hindi niya ikinakabahala ang mga basic na pangangailangan niya dahil naniniwala siyang ipinagkakaloob sa kanya ito ng Diyos, na may mga pagkakataon gusto-gusto niya magbahagi ng kanyang panahon, talent, yaman at mga patotoo na walang inaasahang anumang kapalit.

Song of Gratitude: Give Thanks CCS 134

Focus Moment
Maglabas ng isang papel na pera at pag-usapan kung ano ang pinagdaanan ng perang ito mula pagkatapos na ito ay maimprenta hanggang sa mapunta sa iyong mga kamay.

Ano kaya ang unang napaggamitan sa perang ito?
Ano kaya ang maaaring masama o mabuting napaggamita sa perang ito?
Ano naman kaya ang positibo o pagkamapagbigay na napaggamitan dito?
Sino na kayang kilalang tao ang maaaring nakahawak sa perang ito?
Ano kaya ang pagbabagong maaaring maidulot nito sa buhay ng isang makakahawak pa nito?
Papaano kaya napunta sa aking kamay ang perang ito?

Panalangin ng pasasalamat

Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Ministry of Music

Morning Message based on 1 Timothy 6:6-19

Pastoral Prayer

Song of Sending Forth: He Came Singing Love CCS 226

Postlude

Friday, September 19, 2025

Pray for Peace


Prelude

Gathering Music

Malayang Malaya

“I’m Gonna Live So God Can Use Me”  CCS 581

Welcome, Joys, and Concerns

Call to Worship: Salmo 79:5,8,13

5 Panginoon, hanggang kailan kayo magagalit sa amin? Wala na ba itong  katapusan?Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong panibugho? 8Huwag ninyo kaming parusahan dahil sa kasalanan ng aming mga ninuno. Sa halip ay iparating agad ninyo ang inyong habag sa amin dahil kami ay lugmok na. 13At kaming mga mamamayan, na inyong inaalagaan na parang mga tupa

sa inyong pastulan ay magpapasalamat sa inyo magpakailanman. Purihin kayo nang walang hanggan.

Song of Praise: “Now in This Moment” CCS 96

Invocation

Response/Music Ministry

Disciples’ Generous Response

        Statement

Bilang mga alagad, tinawag tayo upang italaga ang ating mga sarili at ang ating buhay sa pagkakatatag ng kaharian ng Dios, subalit ano ngaba ang kaharian ng Dios? Ang misyon ng Community of Christ ay ang “Ipahayag si Jesu Kristo, at isulong ang isang komunidad na may kagalakan, pag-asa, pag-ibig, at kapayapaan.” Naniniwala tayo na ang pagtatatag ng kaharian ng Diyos ay ang pagsusulong ang isang komunidad na may kagalakan, pag-asa, pag-ibig, at kapayapaan.

Ang mga salitang ito ay ginagamit natin upang bigyang kahulugan kung ano ang pagiging isang alagad. Kabilang din dito ang sinasabi nating mapayapang kaharian, Kaharian ng Diyos dito sa lupa tulad ng sa langit, ang Paghahari ng Diyos sa lupa at ang Sion. Ang mga salitang ito ang siyang nag-aanyaya sa atin upang makipagtulungan sa pagtatag ng isang mundo na kung saan mararanasan ng bawat isa ang ating siyam na Walang Hanggang Prinsipiyo tulad ng Biyaya at Kabutihan, Kasagraduhan Ng Mga Nilikha, Patuloy Na Paghahayag, Kahalagahan Ng Bawat Tao, Lahat Ay Tinawag, Responsableng Pagpapasya, Paghahangad Ng Kapayapaan, Pagkakaisa Sa Pagkakaiba-iba, at ang Biyaya Ng Komunidad.

Naniniwala tayo na ang bisyon ng Diyos para sa lahat ay ang maranasan ang  mga Walang Hanggang Prinsipiyong ito sa araw-araw na kanilang pamumuhay. Inaanyayahan tayo Diyos na maging kasama Niya sa pagtatatag ng kanyang kaharian sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa misyon ni Kristo ng pag-aanyaya, pagkahabag, hustisiya at tagapamayapa.

Ang mabuting pangangasiwa ay siyang maaaring paraan na maipakita natin ang ating pagsuporta sa misyon ni Kristo – hindi lamang sa pinansiyal na pangangasiwa ngunit ito ay buong buhay na pangangasiwa. Ang ating buong buhay na pangangasiwa ay bilang pagtugon sa pagsasabuhay sa misyon ni Kristo at pakikibahagi natin sa paggawa para sa bisyon ng Diyos para sa Shalom.

Ang pagiging alagad ay hindi madali at mahirap isabuhay ang misyon ni Kristo at ang buong buhay na pangangasiwa ay bumabalangkas kung papaano natin ibibigay ang ating pagsuporta sa misyon.

Kung tatanggapin natin ng buo ang biyaya at kabutihan ng Diyos, pasalamatan natin sa ating bawat hininga, at tayo ay tutugon sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa misyon ni Kristo.

Sa pagkakataong ito ng ating Disciples Generous Response, bigyan natin ng focus na ang ating mga puso ay nakahanay sa puso ng Diyos. Ang ating mga kaloob ay hindi lamang upang matugunan ang budget para sa misyon ng Iglesia, ngunit ito rin ang siyang nagpapakita ng ating pasasalamat sa Diyos na siyang nagbibigay ng lahat na mayroon tayo.

Sa ating pagbabahagi ng ating mga kalook sa kahit anumang paraan na maaaring sa pinansiyal, panahon, talento at pagpapatotoo, gamitin natin ang pagkakataong ito na pasalamatan ang Diyos sa ating buhay. Patuloy na lumalago ang ating puso kung kinikilala natin ang mga biyaya ng Diyos at nagpapasalamat tayo sa kanya at tapat na tumutugon sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa misyon ni Kristo.

Maaari tayong makatulong na maipalaganap ang pag-ibig ng Diyos sa pagiging mabuti at pagbabahagi sa iba. Maaaring sa pagbibigay natin, magiging liwanag sa iba na magniningning upang makita ng iba.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

Scripture Reading: 1 Timothy 2:1-7

Focus Moment: Praying Together

Although this time can be especially engaging with children, encourage all to participate.           

I have a few activities for you this morning.

Hand each participant a piece of ribbon/string.

I want you to tie this ribbon/string on your wrist using your other hand.

Allow some time to attempt tying the ribbon/string, which should be rather difficult.

That seemed to be quite tricky and challenging. Let’s try another one. Can you describe exactly what the back of your head looks like?

Offer a short time for participants to consider this question.

I guess that isn’t easy either, at least not without a mirror.

Maybe this last one will be easier. To do it, put one hand behind your back. Using your other hand, I want you to clap!

These things seemed hard to do…at least by yourself, they were challenging. What would happen if we worked with another person to do each activity?

Ask participants to work with someone near them and repeat the activities.

When you worked with another person, was the task easier? Many things in life are easier when you have someone to be with you and help you. Sometimes, you just need a hand.

God did not create us to be alone but to be interdependent with one another. We need other people, and other people need us. One way we can serve others is by praying for them. Our scripture for today tells us to pray for others, to ask for help when they are in need, and to offer thanks to others. We should pray for friends and loved ones, but we should also pray for people we might not know or like, and we should pray for leaders. Prayer can be very powerful.

We are going to pray for others right now. The prayer we are going to do is called a Five Finger Prayer. Each finger represents a group of people. Hold your hand up in front of you.

Touch your thumb with your other hand. Your thumb is closest to you right now, so will pray for those closest to us—our family. I will start the prayer, and you finish it by silently saying the names of your family.

God, thank you for our families. We ask a blessing on each of them.
Pause.

Now touch your pointer finger. We will pray for those who point us in the right direction: our teachers, doctors, ministers, and mentors. I will start the prayer, and you will finish it by silently saying the names of those who help point you in the right direction.

God, thank you for those that point us in the right direction. May you give them wisdom and support when they need it.
Pause.

Now touch your middle finger. This is the tallest finger, so we will pray for those who lead us. I will start the prayer, and you will finish it by silently saying the names of our leaders.

God, thank you for our leaders. May you guide them and grant them wisdom as they lead.
Pause.

Now touch your ring finger. This finger is the weakest, so we will pray for those who are weak, in trouble, in pain. I will start the prayer, and you finish it by silently saying the names of those in need.

God, thank you for all the people in our lives. Some people are sick, in trouble, in pain. We ask a blessing for each of them.
Pause.

Now touch your pinky. This is the smallest finger, so we will pray for ourselves and our needs. I will start the prayer, and you will finish it silently.

God, thank you for always being there with love, support, and guidance. I humbly ask you for help.
Pause.

Amen.

Morning Message Based on 1 Timothy 2:1-7

Ministry of Music of Congregational Hymn: 21 Nagasat A Tiempot’ Cararag

Prayer for Peace

Light the peace candle.

Scripture Reading: Doctrine and Covenants 161:2a, 6b
2 a. Become a people of the Temple—those who see violence but proclaim peace, who feel conflict yet extend the hand of reconciliation, who encounter broken spirits and find pathways for healing.

6 b. Heed the urgent call to become a global family united in the name of the Christ, committed in love to one another, seeking the kingdom for which you yearn and to which you have always been summoned. That kingdom shall be a peaceable one and it shall be known as Zion.

About the Prayer for Peace

Noong 2023, ipinagdiwang ng Community of Christ ang ika-30 anibersaryo bilang isang dinominasyong nakaugalian na ang pananalangin para sa kapayapaan. Mula sa ibat-ibang bansa, dako, kultura o anumang kinabibilangan, pinagsama-sama ang kanilang hangarin para sa kapayapaan maging ang ibat-ibang panalangin nila sa kanilang mga tahanan, simbahan, komunidad o lugar nilang tinitirhan. Sa pamamagitan ng panalanging ito pinag-uugnay ang Community of Christ mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Sa pamamagitan ng Panalangin para sa Kapayapaan, ipinapakita natin ang tawag sa atin upang itaguyod ang kapayapaan. Isa itong gawain na nagbibigay ng regular na opurtunidad para sa isang tahimik na pananalangin.

Peace Prayer: Anytime and Anywhere          

Espiritu Banal,

Ang paghahangad sa kapayapaan ay maraming beses na itong sumasa-amin sa napakaraming pagkakataon at lugar. Para itong pabago-bagong  panahon: isang berdeng sumisibol sa napakalamig n aumaga. Parang sa unang niebe sa madilim na hating gabi. Parang malamig na simoy na humahalik sa mukha ng isang natutulog na sanggol. Natutunan naming panoorin ang mga ganitong pagkakataon at pahalagahan ang kanilang pagdating at pag-alis. Kami ay nagmamassid sa pamamagitan ng aming mga mata at tainga; nagmamassid kami sa pamamagitan ng aming mga kamay at ng aming mga kaluluwa.

Nawa kami ay matuto ring magmassid sa mga pagkakataong kailangan naming kumilos para sa kabutihan ng sangkatauhan. Kahit saan, kahit kailan ang mga ganitong pagkakataon ay saglit lang, ngunit anuman ang aming mga magagawa maaaring ang dulot nito ay panghabambuhay.

Idinadalangin namin na ipagkakaloob mo ang panahon ng kapayapaan sa aming mga lupain. Idinadalangin namin na iwagayway mo ang mga sanga ng aming mga puno. Ang kapayapaang ito ang siyang magpapainit sa aming mga talampakan at kaibuturan ng aming mga puso upang kumilos. Dalangin naming na kami ay mamumuhay sa iyong kapayapaan, at mula sa iyong kapayapaan, at para sa iyong kapayapaan. Anumang oras. Saan man. Sa pangalan ni Jesus, ito ang aming dalangin. Amen.

Closing Prayer: Let Us Pray For One Another 263

Sending Forth: Doctrine and Covenants 163:3a-b
3 a. You are called to create pathways in the world for peace in Christ to be relationally and culturally incarnate. The hope of Zion is realized when the vision of Christ is embodied in communities of generosity, justice, and peacefulness. b. Above all else, strive to be faithful to Christ’s vision of the peaceable Kingdom of God on earth. Courageously challenge cultural, political, and religious trends that are contrary to the reconciling and restoring purposes of God. Pursue peace.

Postlude

Friday, September 12, 2025

Grace and Mercy Overflow


Prelude

Song of Gathering

Welcome, Joys, Concerns, Bible Sharing, and Announcements

Call to Worship

Mag-atas ng dalawang mambabasa upang basahin ng salisihan ang mga sumusunod:

Nagagalak ang aking kaluluwa sa awa ng Diyos sa akin;

Ako’y nawala noon, ngunit ngayon ay natagpuan na.

Nagagalak ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Diyos;

Inakay ako mula sa ilang.

Nagagalak ang aking kaluluwa sa hustisiya ng Diyos;

May pagkakaunawaan sa aking mga kaibigan.

Nagagalak ang aking kaluluwa sa biyaya Diyos;

Sa langit ay may kagalakan para sa akin.

Ako’y nawala noon, ngunit ngayon ay natagpuan na;

Ako’y alipin noon, ngunit ngayon ay malaya na.

—II Nephi 8:11 and Luke 15:3-7, adapted

Song of Praise to be led by Youth Group

Invocation

Scripture Reading: I Timothy 1:12-17

Focus Moment

For Reflection

Sa tingin mo papaanong isang maliit na kabutihan maaari mabago ang mundo? Ano ang ating nararamdaman sa tuwing nakakagawa tayo ng kahit isang maliit na kabutihan sa ating kapuwa?

Kahit na tayo minsan ay nakakagawa ng mga bagay na maaaring nakakasakit sa iba, naa-awa parin ang Diyos sa atin, ibig sabihin hindi niya tayo pinaparusahan dahil sa mga mali nating pagpapasya. Kung mahal natin ang Panginoon, dapat din naman nating mahalin ang ating kapuwa – sa pamamagitan ng pagiging mabuti, mapagmalasakit, at mapang-unawa. Kung nagkamali man tayo, maaari natin itong itama sa susunod. Umaasa ang Diyos na matutoto tayo mula sa ating mga pagkakamali at mas mapapabuti pa natin ang ating  mga sarili sa susunod.

Nasubukan mo na bang maghintay at umaaasa sa pagkilos ng Diyos?

Umaapaw ang biyaya at awa ng Diyos. Papaanong ang biyaya at awa Diyos ay aapaw mula sa atin?

Kailan ka nakapagbigay ng biyaya o nakapagpakita ng awa sa iba?

Prayer for Peace        

Light the peace candle.

Guide for the prayer leader: Maaaring sa pangunguna mo para sa panalangin, huminto ng ilang saglit sa bawat bahagi nito upang bigyan ng pagkakataon ang kongregasyon para mapagnilayan ang panalangin.

Peace Prayer

Ang ating panalangin para sa kapayapaan sa araw na ito ay sumusunod mula istraktura ng Prayer of Examen. Ang panalanging ito ay binibigyan tayo ng pagkakataon upang bigyang focus o atensiyon ang kalidad ng ating buhay sa mga nagdaang araw bilang mga alagad ni Jesus, na siyang may kapayapaan. Ang mga pangalang ginamit sa panalanging ito ay hango mula sa Hebreo na may maikling kahulugan. Hayaan na ang mga salitang ito maging iyong mga salita. Buksan ang puso para sa dakilang pag-ibig ng Diyos, sa kanyang pagpapagaling, sa kanyang biyaya, at kanyang pagpapatawad.

Jehovah Shammah – Ever-present God,

Kami ay naririto at nagpapakumbabang nanalangin sa Iyo, dama ang ‘yong dakilang pag-ibig ay biyaya. Lubos kaming nagpapasalamat sa Banal na Espiritu. Kinikilala namin ang Iyong presensiya sa lahat ng may buhay na siya naming nakikita sa mga nagdaang araw.

Pause.

El Roi – God Who Sees,

Tulungan Mo kaming maalala ang pangyayari, pakikipag-ugnay, at mga emusyon na aming kinabibilangan kamakailan. Nawa ang Liwanag ng Iyong Espiritu ang siyang magpapakita sa amin kung papaano kami tutugon na may kapayapaan, may paghilom at pagkakaunawaan.

Pause.

El Emet – God of Truth,

Nawa ang Liwanag din na ito ang magpapakita sa amin kung papaano kami nagkulang sa pagbibigay suporta, naging walang pakiramdam, walang pagmamahal o naging masama sa iba, sa Iyong mga nilalang o maging sa aming mga sarili.

Pause.

HaRachaman – Merciful One,

Naaalala naming ang iyong walang hanggang pag-ibig at biyaya sa amin. Kami ay nagtitiwala at tinatanggap ang Iyong biyaya, pagpapatawad, at kagalingan ng aming mga buhay sa ngayon.

Pause.

Mula sa aming puso kami ay nagpapasalamat sa Iyong biyaya sa amin sa araw na ito; sa Iyong paggabay upang kami ay makakita sa pamamagitan ng Iyong matang maawain at mapagkalinga. Umaasa kami na mula araw ito kami ay magiging mapagmatiyag sa kung papaano kami mag-isip, magsalita at kumilos. Nawa ay mas higit naming maramdaman ang Iyong presesiya na siyang nanahan sa amin. Nawa ang aming mga kilos at pagtugon ay tulad ng kay Hesu-Kristo: payapa, nagibibigay buhay, nakagagaling at mapang-unawa mula sa araw na ito sa araw-araw.

Ang lahat ng ito ay aming idinadalangin sa pangalan ng Siyang buhay na gumagabay sa amin, si Jesus na siyang may kapayapaan. Amen.

Ministry of Music or Congregational Song: “I Will Talk to My Heart” CCS 168

Morning Message: Based on I Timothy 1:12-17

Disciples’ Generous Response

Statement

Ang salitang “Stewardship/Tagapangalaga” ay nagmula sa Greek na oikonomos, na ang ibig sabihin ay siyang tagapamahala sa sambahayan ngunit hindi siya ang nag-mamay-ari. Ang Steward noon unang panahon ay ang siyang nagpapanatili na dapat ay malinis ang sahig, tumitingin sa pinansiyal, at gumagawa ng mukha ng sambahayan sa publiko.

Bilang tagapangalaga, hindi natin pag-aari ang mga nilikha, sa halip ipinagkatiwala ng Diyos sa atin ang mga ito– ang kalikasan, mga kaloob at talento, pera, o iba pang anyo ng pangkomersiyo tulad butil, o mga alagang hayop, panahon, at maging ang mgandang balita – para sa Shalom sa mundo na siyang pangitain ng Diyos. Sa atin sa Community of Christ naniniwala tayo na maging sino tayo at ang lahat ng nasa atin o mayroon tayo ay mga kaloob ito ng Diyos sa atin bilang regalo. Ang buhay at lahat ng nilikha ibinigay Niya bilang mga regalo. Ang biyaya at pag-ibig ng Diyos sa lahat ng kaniyang mga nilikha ay lubos at walang anumang kondisyon. Ang biyayang ito ng Diyos  at ang kaniyang pag-ibig ay makikita natin sa pamamagitan ng buhay, ministeryo, at ang nagpapatuloy na misyon ni Jesu-Crito.

Hindi natin pinaksisikapan ang mga Biyaya at Kabutihan ng Diyos, at hindi rin natin ito maaaring pigilan. Ang kanyang Biyaya at Kabutihan ay hindi nakadepende sa atin. Ang mga ito ay simpleng tinatawag na Biyaya na kaloob Niya bilang mga regalo na kaya nga ito ang siyang pinaka-una sa siyam na Walang Hanggang Prisipiyo (Enduring Priciples) na siyang naglalarawan kung ano nga ba ang kahulugan ng pagiging Community of Christ. Kung pipiliin nating paniwalaan na ang Diyos ay patuloy na ibinubuhos ang kanyang biyaya at kabutihan, magsisimula tayong makita ang Diyos sa lahat ng bagay – ang Mabuti, ang masama at ang mga nasa pagitan nito.

Ang buhay ay punong-puno ng mga mapagpipilian. Kung papaano natin pinapahalagahan ang mundo ay mahalaga sa mga bagay na ninanais nating paniwalaan. Para sa karamihan sa atin, ano man ang mga nangyayari sa ating buhay ito ay dahil sa ating pagpapasya o pagpili. Kung maiiintindihan natin na ang lahat ay nagmumula sa Diyos, na ang Diyos ay unang nagbigay at patuloy na nagbibigay, magbabago ang mga bagay na pinipili natin sa ating buhay. Hindi lang natin pinipili ang mga binibigay natin sa Diyos sa pamamagitan ng ikapu sa panahon, talento, yaman at mga pagpapatotoo o testimonies ngunit gayon din kung papaano natin ginagamit ang mga mayroon tayo.

—Choose Generosity: Whole-Life Stewardship, Herald House, 2019.

Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes

        Hymn: “God Forgave My Sin in Jesus’ Name” CCS 627

Closing Hymn: 168 TA ADDAN NI HESUS CANIAC

Prayer

Sending Forth: Unison Reading of the Mission Prayer (all)

God, where will your Spirit lead today? Help me be fully awake and ready to respond. Grant me the courage to risk something new and become a blessing of your love and             peace. Amen.

Postlude

Thursday, September 4, 2025

Appeal In Love

 

Announcements, Joys, Bible Sharings and Prayer Needs

Prelude

Welcome

Greet and Be Greeted

Ang ating tema sa araw na ito ay "Appeal in Love", batiin natin ang isat-isa sa ating papupuri sa Panginoon. 

Gathering Hymn: "Open the eyes of my heart" 

Call to Wroship: read "Love Divine, All Loves Excelling" CCS 565

Hymn of Praise: 21 NAGASAT A TIEMPOt’ CARARAG

Invocation

Response/Music Ministry

Disciples' Generous Response

Testimony (inaanyayahan natin ang kahit sino sa atin upang magbahagi ng kanyang karanasan sa biyaya at pag-ibig ng Diyos sa ating buhay at kung papaanong mas naging makahulugan ito sa pamamagitan ng pagbabahigi sa iba. 

Statement

Sa pagbubukas ng ating mga puso at may lakas ng loob upang magbahagi sa kahit anumang paraan, tayo ay nakikibahagi sa kilusan ng ating Panginoon Dios upang maipalaganap ang kanyang pag-ibig at habag sa mundo. Sa linggong magsasama-sama tayo sa sakramento ng huling hapunan ng ating panginoon at ang ating mga kaloob ang siyang tutugon sa misyon ng ating iglesia na Abolish Poverty and End Needless Suffering. Ito ang paraan kung papaanong ang habag ng Diyos ay lumalago sa materyal na paraan. 

Offertory Hymn: From You I Received

Blessing and Receiving of Oblation, Local and Worldwide Mission Tithes. 

Scripture Reading Philemon 1-21

Focus moment

Ang ating teksto sa araw na ito ay ang siyang pinakamaikling aklat mula sa bagong tipan at itinuturing bilang Love Letter ni Pablo ka Felimon na mahal na mahal si Jesus.

Nasubukan na ba nating sumulat ng isang Love Letter sa ating mga minamahal sa buhay. Maaaring ginagawa natin ito sa mga ibat-ibang okasyon tulad ng Valentines Day, Pasko, o sa kanilang kaarawan. 

Ngayon gagawa tayo ng isang Love Letter para sa ating mga minamahal. Sa mga nakahandang kards at panulat isulat natin sa unang bahagi ang kanilang pangalan sa paraan ng pagtawag natin sa kanila. Pagkatapos isulang ang "I love you at maraming salamat". Sa huling bahagi isulat ang katagang "love" at sunod sa ibaba ang ating pangalan. Maaari natin itong ibigay ng personal sa ating pagbibigyan o maaari din naman nating ipadala. 

Homily based on Philimon 1-21

Prayer for peace

Light the peace candle.

Payer:

Panginoon,

Kami ngayon ay nalulungkot sa mga nangyayari sa aming bansa. Nakakapanghina na sa kabila ng kakulangan at kitang-kita ang kahirapan na nagdudulot ng pagdurusa ng mga kapatid naming kapus-palad, may mga iba rin namang tila walang pakialam at sarili lamang nila ang kanilang pinapahalagahan. 

Dalangin namin O Diyos na sa kabila ng mga pangyayaring ito, kami ay palakasin, patatagin at bigyan ng pag-asa na maging maayos ang lahat. Batid namin Panginoon na malala na ang mga nagiging sakit ng aming lupunan, at hindi sapat ang aming kakayanan at lakas upang maiayos ang lahat ngunit kami ay nanalig sa iyong kapangyarihan na baguhin ang mga pusong binalot na nga kasakiman at pagkamakasarili. Nawa ay gawin mo kaming magkakaugnay bilang bahagi ng iyong katawan. Sa Iyo Panginoon ang lahat ng karangalan at maghari ka nawa sa aming mga buhay. Sa pangalan ni Jesus na siyang prinsipe ng kapayapaan. Amen.

Sacrament of Communion

Communion Scripture Reading: Luke 22:14-20

Communion Talk

Hymn of Preparation: 16 UMASIDEGAC ITI DENNAM

Invitation to Communion

Hymn: CCS 521 Let Us Break Bread Together

Blessing and serving of Bread and Wine

Scripture of Encouragement: Psalm 139:1-6,13-14

Closing Hymn: 9 ITOY ALDAW A NAGASAT

Prayer and Benediction

Postlude

Halika at Humanap ng Kapahingahan

    "Come and Find Rest (Be)" SERMON GUIDE Prelude  Welcome  Call to Worship  Leader: Napakabuti at mapagpatawad ng Panginoon, hin...