Grace and Mercy Overflow
Prelude
Song of Gathering
Welcome, Joys, Concerns, Bible Sharing, and Announcements
Call to Worship
Mag-atas ng dalawang mambabasa upang basahin ng salisihan ang mga sumusunod:
Nagagalak ang aking kaluluwa sa awa ng Diyos sa akin;
Ako’y nawala noon, ngunit ngayon ay natagpuan na.
Nagagalak ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Diyos;
Inakay ako mula sa ilang.
Nagagalak ang aking kaluluwa sa hustisiya ng Diyos;
May pagkakaunawaan sa aking mga kaibigan.
Nagagalak ang aking kaluluwa sa biyaya Diyos;
Sa langit ay may kagalakan para sa akin.
Ako’y nawala noon, ngunit ngayon ay natagpuan na;
Ako’y alipin noon, ngunit ngayon ay malaya na.
—II Nephi 8:11 and Luke 15:3-7, adapted
Song of Praise to be led by Youth Group
Invocation
Scripture Reading: I Timothy 1:12-17
Focus Moment
For Reflection
Sa tingin mo papaanong isang maliit na kabutihan maaari mabago ang mundo? Ano ang ating nararamdaman sa tuwing nakakagawa tayo ng kahit isang maliit na kabutihan sa ating kapuwa?
Kahit na tayo minsan ay nakakagawa ng mga bagay na maaaring nakakasakit sa iba, naa-awa parin ang Diyos sa atin, ibig sabihin hindi niya tayo pinaparusahan dahil sa mga mali nating pagpapasya. Kung mahal natin ang Panginoon, dapat din naman nating mahalin ang ating kapuwa – sa pamamagitan ng pagiging mabuti, mapagmalasakit, at mapang-unawa. Kung nagkamali man tayo, maaari natin itong itama sa susunod. Umaasa ang Diyos na matutoto tayo mula sa ating mga pagkakamali at mas mapapabuti pa natin ang ating mga sarili sa susunod.
Nasubukan mo na bang maghintay at umaaasa sa pagkilos ng Diyos?
Umaapaw ang biyaya at awa ng Diyos. Papaanong ang biyaya at awa Diyos ay aapaw mula sa atin?
Kailan ka nakapagbigay ng biyaya o nakapagpakita ng awa sa iba?
Prayer for Peace
Light the peace candle.
Guide for the prayer leader: Maaaring sa pangunguna mo para sa panalangin, huminto ng ilang saglit sa bawat bahagi nito upang bigyan ng pagkakataon ang kongregasyon para mapagnilayan ang panalangin.
Peace Prayer
Ang ating panalangin para sa kapayapaan sa araw na ito ay sumusunod mula istraktura ng Prayer of Examen. Ang panalanging ito ay binibigyan tayo ng pagkakataon upang bigyang focus o atensiyon ang kalidad ng ating buhay sa mga nagdaang araw bilang mga alagad ni Jesus, na siyang may kapayapaan. Ang mga pangalang ginamit sa panalanging ito ay hango mula sa Hebreo na may maikling kahulugan. Hayaan na ang mga salitang ito maging iyong mga salita. Buksan ang puso para sa dakilang pag-ibig ng Diyos, sa kanyang pagpapagaling, sa kanyang biyaya, at kanyang pagpapatawad.
Jehovah Shammah – Ever-present God,
Kami ay naririto at nagpapakumbabang nanalangin sa Iyo, dama ang ‘yong dakilang pag-ibig ay biyaya. Lubos kaming nagpapasalamat sa Banal na Espiritu. Kinikilala namin ang Iyong presensiya sa lahat ng may buhay na siya naming nakikita sa mga nagdaang araw.
Pause.
El Roi – God Who Sees,
Tulungan Mo kaming maalala ang pangyayari, pakikipag-ugnay, at mga emusyon na aming kinabibilangan kamakailan. Nawa ang Liwanag ng Iyong Espiritu ang siyang magpapakita sa amin kung papaano kami tutugon na may kapayapaan, may paghilom at pagkakaunawaan.
Pause.
El Emet – God of Truth,
Nawa ang Liwanag din na ito ang magpapakita sa amin kung papaano kami nagkulang sa pagbibigay suporta, naging walang pakiramdam, walang pagmamahal o naging masama sa iba, sa Iyong mga nilalang o maging sa aming mga sarili.
Pause.
HaRachaman – Merciful One,
Naaalala naming ang iyong walang hanggang pag-ibig at biyaya sa amin. Kami ay nagtitiwala at tinatanggap ang Iyong biyaya, pagpapatawad, at kagalingan ng aming mga buhay sa ngayon.
Pause.
Mula sa aming puso kami ay nagpapasalamat sa Iyong biyaya sa amin sa araw na ito; sa Iyong paggabay upang kami ay makakita sa pamamagitan ng Iyong matang maawain at mapagkalinga. Umaasa kami na mula araw ito kami ay magiging mapagmatiyag sa kung papaano kami mag-isip, magsalita at kumilos. Nawa ay mas higit naming maramdaman ang Iyong presesiya na siyang nanahan sa amin. Nawa ang aming mga kilos at pagtugon ay tulad ng kay Hesu-Kristo: payapa, nagibibigay buhay, nakagagaling at mapang-unawa mula sa araw na ito sa araw-araw.
Ang lahat ng ito ay aming idinadalangin sa pangalan ng Siyang buhay na gumagabay sa amin, si Jesus na siyang may kapayapaan. Amen.
Ministry of Music or Congregational Song: “I Will Talk to My Heart” CCS 168
Morning Message: Based on I Timothy 1:12-17
Disciples’ Generous Response
Statement
Ang salitang “Stewardship/Tagapangalaga” ay nagmula sa Greek na oikonomos, na ang ibig sabihin ay siyang tagapamahala sa sambahayan ngunit hindi siya ang nag-mamay-ari. Ang Steward noon unang panahon ay ang siyang nagpapanatili na dapat ay malinis ang sahig, tumitingin sa pinansiyal, at gumagawa ng mukha ng sambahayan sa publiko.
Bilang tagapangalaga, hindi natin pag-aari ang mga nilikha, sa halip ipinagkatiwala ng Diyos sa atin ang mga ito– ang kalikasan, mga kaloob at talento, pera, o iba pang anyo ng pangkomersiyo tulad butil, o mga alagang hayop, panahon, at maging ang mgandang balita – para sa Shalom sa mundo na siyang pangitain ng Diyos. Sa atin sa Community of Christ naniniwala tayo na maging sino tayo at ang lahat ng nasa atin o mayroon tayo ay mga kaloob ito ng Diyos sa atin bilang regalo. Ang buhay at lahat ng nilikha ibinigay Niya bilang mga regalo. Ang biyaya at pag-ibig ng Diyos sa lahat ng kaniyang mga nilikha ay lubos at walang anumang kondisyon. Ang biyayang ito ng Diyos at ang kaniyang pag-ibig ay makikita natin sa pamamagitan ng buhay, ministeryo, at ang nagpapatuloy na misyon ni Jesu-Crito.
Hindi natin pinaksisikapan ang mga Biyaya at Kabutihan ng Diyos, at hindi rin natin ito maaaring pigilan. Ang kanyang Biyaya at Kabutihan ay hindi nakadepende sa atin. Ang mga ito ay simpleng tinatawag na Biyaya na kaloob Niya bilang mga regalo na kaya nga ito ang siyang pinaka-una sa siyam na Walang Hanggang Prisipiyo (Enduring Priciples) na siyang naglalarawan kung ano nga ba ang kahulugan ng pagiging Community of Christ. Kung pipiliin nating paniwalaan na ang Diyos ay patuloy na ibinubuhos ang kanyang biyaya at kabutihan, magsisimula tayong makita ang Diyos sa lahat ng bagay – ang Mabuti, ang masama at ang mga nasa pagitan nito.
Ang buhay ay punong-puno ng mga mapagpipilian. Kung papaano natin pinapahalagahan ang mundo ay mahalaga sa mga bagay na ninanais nating paniwalaan. Para sa karamihan sa atin, ano man ang mga nangyayari sa ating buhay ito ay dahil sa ating pagpapasya o pagpili. Kung maiiintindihan natin na ang lahat ay nagmumula sa Diyos, na ang Diyos ay unang nagbigay at patuloy na nagbibigay, magbabago ang mga bagay na pinipili natin sa ating buhay. Hindi lang natin pinipili ang mga binibigay natin sa Diyos sa pamamagitan ng ikapu sa panahon, talento, yaman at mga pagpapatotoo o testimonies ngunit gayon din kung papaano natin ginagamit ang mga mayroon tayo.
—Choose Generosity: Whole-Life Stewardship, Herald House, 2019.
Blessing and Receiving of Local and Worldwide Mission Tithes
Hymn: “God Forgave My Sin in Jesus’ Name” CCS 627
Closing Hymn: 168 TA ADDAN NI HESUS CANIAC
Prayer
Sending Forth: Unison Reading of the Mission Prayer (all)
God, where will your Spirit lead today? Help me be fully awake and ready to respond. Grant me the courage to risk something new and become a blessing of your love and peace. Amen.
Postlude
